"AALIS ka na talaga?" malungkot na tanong ni Sol.
Nagkasama-sama kasi sila ulit sa lunch break. Mabuti na lang at tinanggap kaagad ng Manager nila ang immediate resignation niya. Sinabi niya kasi doon na gusto na niyang umuwi ng Pinas para tulungan na lang sa pagnenegosyo ang kaniyang ina. Alam niyang kasinungalingan iyon, pero iyon lang ang tanging paraan para payagan siyang mag-resign.
Mabuti na lang din at may mga bagong aplikante na pumayag naman na pumalit sa pwesto niya.
"Kailangan, e."
"Kainis ka naman! Akala ko pa naman makakapag-night out tayo mamaya," ungot naman ni Beth.
"Magsipag-asawa na nga kayo para hindi kayo puro walwal," asar niya sa mga ito.
"Baka may dyowa?" komento ni Beth.
"Dyowa nga wala, asawa pa kaya?" si Sol matapos ubusin ang binili nitong bottled juice.
Napailing na natayawa siya mga ito.
"May mga manliligaw naman kayo, 'di ba?"
Minsan kasi nakikita niya na may mga bulaklak sa mga cubicle ng mga ito kapag sinusundo niya sa cubicle ang mga ito.
"Hindi pa ako handa," mabilis na sabi ni Sol.
"Ang sarap kaya ng walang pananagutan," segunda naman ni Beth.
Napaisip siya sa sinabi ni Beth. Mas okay nga naman na wala kang pananagutan dahil wala kang pagkakagastusan. Sabi kasi nila, kapag daw may nobyo o nobya ka, magastos raw dahil sa tuwing sasapit ang monthsary at anniversary dapat may regalo sa isa't isa. Isa din sa bad side ay iyong kailangan lahat ng kilos at galaw mo ay ipapaalam mo pa sa kaniya. Pati gawain at lakad mo kailangan reported.
Pero may good side din naman dahil kapag in a relationship ang isang tao, mayroon kang malalapitan at makakaramay kapag may problema ka sa trabaho o sa pamilya mo. At higit sa lahat may magpapasaya sa 'yo.
"Masarap nga ang walang pananagutan, pero may sarap naman na hindi mo mararanasan," aniya na kinagulat ng dalawa niyang kasama.
"I knew it! Kaya pala bigla kang uuwi ng Pinas kasi nagkabalikan na kayo ng boss mo, 'ano?" ani Beth.
Nabanggit kasi niya na nasa Pilipinas si Charles kaya iyon kaagad ang pumasok sa isip ng mga ito.
"Bakit ba kasi ang damot-damot mo!"
"Ako pa naging madamot ngayon?" aniya kay Sol.
"Ang ibig kong sabihin, bakit wala kang picture niya na maipakita sa amin?" paliwanag nito.
"Kaya nga! Baka mamaya ene-echos mo lang kami ni Sol.
"Sinabi ko naman sa inyo, 'di ba? Na nanakawan ako ng cellphone noon sa Maynila?"
"Sa f*******: o kaya sa i********:?"
"Shy type kasi iyon. Hindi mahilig magpakuha ng litrato o video kaya hindi sanay sa maraming tao."
"Ang mysteryoso naman ng boss mo na 'yan."
"Oo nga, parang iyong CEO ng REI, 'no" baling ni Sol kay Bethe ma tinanguan lang nito.
Bigla siyang napainom ng softdrink sa sinabi nito.
"Oh? Ayos ka lang?" tanong ni Beth ng masamid siya sa ininom niya.
Tumango naman siya saka pinunasan ng tissue ang basa niyang bibig.
"Fifteen minutes na lang pala tapos na lunch break natin. Tara na!" pag-aya niya.
Baka kasi kung saan pa umabot ang kwentuhan nila kaya nag-aya na siyang bumalik ng locker room nila.
"WHERE are you?" bungad sa kaniya ni Adalius nang sagutin niya ang tawag nito.
"I'm on my way," maikling sagot niya.
Kanina pa kasi ito nangungulit kung anong oras ba siya magbabyahe. Hindi na rin niya pabilang kung nakailang tawag na ito sa kaniya. Na animoy bata na kanina pa naghihintay sa pasalubong ng ama.
Kinulit-kulit pa kasi siya nina Sol at Beth na ihatid sa airport. Sinundan kasi siya ng mga ito sa apartment niya dahil gusto siyang tulungan sa pag-iimpake ng mga gamit niya. Wala naman siyang nagawa dahil nandoon na ang mga ito.
Mabuti na lang hindi na sumama ang mga ito sa loob ng airport kaya nang makalayo na ang sinakyan ng mga ito ay agad siyang nagpasundo kay Walter.
"Okay! Take care, baby!"
"I will!"
NANG makarating siya sa condo nito ay agad siya nitong sinalubong ng nakawheel chair. "What took you so long?" sabay hawak sa kaliwa niyang kamay.
"Nagpaalam lang ako sa mga kaibigan ko kaya natagalan ako," sagot niya pero nanatiling nakahalukipkip at nakatingin sa kaniya si Adalius na oara bang hindi naniniwala sa mga sinasabi niya.
"What? Are you doubting my reason?"
Ngumuso ito. "Malay ko ba kung may ka-date kang iba?"
Lumuhod siya sa harap nito saka ipinaliwanag ang mga pangyayari sa kaniya sa City B bago niya iyon tuluyan na nilisan.
"Okay na?" aniya matapos ikwento ang totoong pangyayari ng araw na iyon na ikinatango lang nito.
"So, how's your physical therapy?"
"It's really hard."
Sumailalim kasi ito sa physical theraphy para makapaglakad na ulit siya ng normal. Ang physical therapy kasi ay isang paraan ng paggamot sa paninigas, kahinaan ng kalamnan, at sakit sa pamamagitan ng pagpahid at paggalaw ng mga nasasaktan na bahagi at sa pamamagitan ng pag-eehersisyo sa tulong na rin ng isnag physical therapist.
Tinutulungan nila ang mga pasyenteng katulad ni Adalius na bumuo, makabawi, mapabuti, pati na rin mapanatili ang mga kasanayang kinakailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay at pagtatrabaho.
"Sa umpisa lang naman 'yan. Huwag kang mag-alala. Sasamahan kita sa physical therapy mo bukas."
Nagningning naman ang mga mata nito. "Really?"
Tumango-tango naman siya.
"Have you eaten?" tanong nito kapagkuwan.
"Not yet! How about you?"
Umiling ito. "I'm waiting for you."
"Bakit hindi ka pa naunang kumain? Alam mo namang naggagamot ka, 'di ba?"
"Gusto ko kasi na may kasabay kumain."
"You're really stubborn. Didn't I tell you to take care of yourself when I'm not by your side?"
"But I want to eat dinner with you."
"Fine! Just wait here. I will cook our dinner."
"You don't have to. Nanggaling sila Mom and Dad dito kanina. May mga dala silang pagkain," pigil sa kaniya ni Adalius.
"Okay! I'll preparw our food so you can take your medicine."
Tumango naman ito saka siya nagpasyang tumungo ng kusina.
KINABUKASAN, tulad ng pinangako ni Perry kay Adalius ay sinamahan nga niya ito sa physical therapy nito at nakilala nga niya ang therapist nito na si Miss Shailah. Sinabi nito ang session ni Adalius ng araw na iyon. Sinabi nito na marami silang exercises na gagawin pero sa ngayon stretching muna ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin sapagkat kadalasan ito ay pinaka mabisa at hindi gaanong masakit kapag nawa-warm up ang mga tisyu.
Kaya naman lumuhod siya sa harap ni Adalius si Miss Shailah at inabot ang kaliwang binti nito. Hinilot nito iyon at pinakiramdaman kung dadaing ba ang binata o hindi pero naging tahimik lang ito. Maya-maya ay inutusan niya ito na igalaw ang binti niya ng mag-isa upang malaman nito kung saan sa tatlong klase ng range of motion exercises ang gagawin nila.
Meron kasing tatlong klase ng range of motions, ang active, active-assistive and passive range of motion exercise. Pero nang itataas palang nito ang binti ni Adalius ay dumaing na ito kaya naman huminto ito sandali sa ginagawa at tinulungan itong itaas ang paa at tulad kanina ay dumaing pa rin ito kaya nalaman niya na active-assistive range-of-motion exercises ang gagawin nila.
Ang active-assistive exercise ay para sa mga taong kayang igalaw ang kanilang mga muscles or joints na may tumutulong sa kanila na siyang nagbibigay sa kanila ng matinding sakit minsan kapag sila lang mag-isa ang gumagawa.
Tsaga at kooperasyon lang talaga ang kailangan nila upang mapagtagumpayan iyon. Na sana ay hindi agad sumuko at mainip si Adalius.
"DAHAN-DAHAN lang, okay? Hindi mo kailangang magmadali. Basta dahan-dahanin mo lang ang pagbitaw sa parallel bars para makapagbalanse ka. Wala kang hakbang na gagawin, paatras man 'yan o paharap. Steady lang mga paa mo. Kailangan mo lang kontrolin ang bigat mo para makapagbalanse ka, maliwanag?" Paalala ni Perry kay Adalius habang inaalalayan itong tumayo mula sa wheelchair nito. Tumango naman ito at mahigpit na hinawakan ang parallel bars. Ito ang equipment na kadalasang ginagamit ng mga gymnastics.
Ito iyong mahabang bars na may dalawang hawakan lang sa gilid na may apat na paa. Mabuti na lamang nagpabili na ng sariling gamit ai Adalius. Hindi kasi naging kumportable si Adalius sa therapist nito kaya naman hinayaan siya ng therapist nito na siya na ang umalalay sa lalaki at gagabayan na lang sila. Pangatlong araw na nila iyon.
Balance exercise na kasi ang sunod nilang ginagawa.
"Ahh!!!" Hiyaw ni Adalius ng tangkain nitong ihakbang ang apektadong binti niya ng hindi pa ito masyadong nakakapagbalanse ng katawan.
"Okay ka lang? Sinabi ko naman kasi sayo na isuot mo 'yong assistive belt para nahawakan at naalalayan kita!. Tignan mo tuloy nangyari sayo." Paninisi nito sa lalaki habang tinutulungan itong tumayo. "Eh sa hindi nga ako makahinga sa belt na 'yon. Ayoko na nga! Pagod na 'ko! Akin na nga 'yong wheelchair ko!" Inis na utos nito sa kanya habang kumukuha ng suporta sa parallel bars. Kinuha naman agad ni Perry ang wheelchair niya at agad na umupo ito doon.
"Haist! Ang daming dahilan. Bahala ka, ikaw din. Paulit-ulit ka lang din na babagsak. At tsaka diba ang sabi ko dahan-dahan lang? Na magbalanse ka muna nang katawan? Hindi mo pa nga iyon nape-perfect humakbang ka na kaagad. Tapos 'yong pinaka-apektado mo pang binti ang inuna mong hinakbang sa halip na 'yong hindi apektadong binti dapat ang inuna mo! Oh ano ka ngayon? Dahil diyan sa katigasan ng ulo mo, bumagsak ka." Sumbat niya bago umupo sa mahabang sofa ng living room habang pinagkrus ang mga kamay.
"Tsk! Eh sa gusto ko ng makalakad agad eh. Magagawa mo?!" He rolled his eyes at him.
"You don't have to rush!"
Sumimangot ito. "Ayoko na kasing mahirapan ka ng dahil sa akin."
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?"
"Naiisip ko kasi na baka nagiging pabigat na ako sa 'yo."
"Ginusto ko 'to kaya paninindigan ko. At saka, pangatlong araw mo pa naman. Gusto mo ba na maging lumpo ka na habangbuhay?"
Umiling naman ito at nanahimik. Bigla ay nakaramdam si Perry nang kirot sa puso niya. Sa loob ng tatlong araw ay palagi ng mainit ang ulo nito kaya palaging nagrereklamo. At hindi na iyon kinakatuwa ni Perry. Pakiramdam kasi niya, sa pagauko nito sa therapy ay suko na rin ito sa pagsuyo sa kaniya.
Nang hindi na niya mapigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata ay agad siyang tumalikod. "Miss Shailah? Kindly assisst him for me."
"Okay! Von Anfang an, Sir Adaluis," anito sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay simulan na nilang muli ang therapy.
Tinawag siya ni Perry pero hindi niya ito nilingon.
SUMAPIT ang gabi ay hindi pa rin inimik ni Perry si Adalius. Matapos niya itong alalayang lumipat sa kama nito ay agad siyang nahiga sa tabi nito nang nakatalikod. Naramdaman naman niya ang bisig nitong pumulupot sa baywang niya.
"Sorry for being stubborn a while ago. Please, tallk to me. Hindi ako sanay na tahimik ka."
Napasinghot siya. Naalala na naman niya ang pinakita't pinaramdam nito sa kaniya kanina.
"Hey! Don't cry, please! It breaks my heart."
"But you already broke my heart," pag-amin niya.
"Sorry kung may mga nasabi akong hindi ko nagustuhan kanina."
"Nakakainis ka kasi! Pakiramdam ko, iyong pagauko mo sa therapy mo ay suko ka na rin sa panunuyo aa akin. Ayaw mo na ba? Pagod ka na ba maghintay sa sagot ko?"
"Of course not! It's not like that. My refusal to undergo therapy have nothing to do with you. And that doesn't mean that I'm giving up on you."
Luhaang humarap siya rito. "N-nngako ka sa akin, hindi ba? Na hihintayin mo ang sagot ko hanggang sa gumaling ka?"
Humiga ulit si Adalius at tinapatan ang mukha niya habang hindi inaalis ang pagkakayakap sa kaniya. "Sorry if that's how you feel, but that's not my intention. Huwag kang mag-alala, bukas na bukas ay susunod na ako sa mga ipapagawa mo sa 'kin."
Tumango-tango naman siya saka niyakap din ito pabalik.
"Pasensiya na kung nagiging emotional ako minsan. Ewan ko ba! Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko."
"It's okay! You're just worried about my condition."
Hinalikan ni Adalius ang noo niya. "Goodnight, baby!"
"Good night!"
"Dream of me," pahabol pa nito na kinatango niya.
"I love you."
"Thank you."
Natawa si Adalius. "That's my line before."
"Yeah! I think the world really turned upside down," natatawang sabi niya na kinatawa din ng huli.
KINABUKASAN ay tinupad nga ni Adalius ang sinabi nito sa kaniya at wala silang naging problema. Pagbalik niya galing kusina ay naabutan niyang kabababa lang nito ng telepono. Gumawa kasi siya ng meryenda nilang tatlo ng therapist ni Adalius. Napakiusapan kasi nila ito na sa condo na lang nito gawin ang therapy. Pumayag naman ang therapist dahil sa bukod sa maluwang naman ang condo ay dinagdagan din nito ang sahod nito.
"Sino ang kausap mo?" bungad niya pagkalapag niya ng tray na may lamang tatlong baso ng juice at tatlong platito na may clubhouse.
"Si Dad. Wedding anniversary nila ni Mom sa sabado kaya huwag daw tayong mawawala."
"Ganoon ba? Marami bang dadalo roon?"
Umiling ito. "Family and friends lang. Simple lang abg celebration. Hindi ganoon kagarbo. Ayaw kasi nila na pag-usapan sila sa social media kaya walang media kung iyon ang iniisip mo."
Naisip lang kasi niya na baka may media at baka gawan pa ang pamilya nito ng kung ano-anong tsismis. Napakahumble talaga ng pamilya nito hindi katulad ng ibang mayayaman na halos ipangalandakan sa buong mundo ang yaman nila.
"Are you coming with me?"
Nag-alangan siya. "Okay lang ba na sumama ako roon?"
"Syempre naman. Si Dad pa nga ang nagsabi ma isama raw kita. Para makilala ka rin ng iba naming kamag-anak."
Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya mamamanhikan na ito kung ipakilala sa buong angkan nito. Natatakot kasi siya na baka hindi magustuhan ng ibang kamag-anak nito.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala. My family are great. They won't bite or eat you," biro pa nito na kahit papaano ay nagpawala ng takot at kaba niya.