Chapter 1
"ANAK, kailangan mo nang lumipat ng university bukas," panimula ng kanyang mommy. Nagtaka naman siya, bakit kailangan niyang lumipat ng university?
"Bakit, mommy?" takang tanong niya sa kanyang ina. "Naku, nakalimuta ko palang sabihin syo ,Anak," sagot naman nito sa kanya.
Umupo ito sa gilid ng kanyang kama dahil nakahiga pa siya sa kanyang kama. Napa-upo naman siya dahil naghihintay siya sa sasabihin ng kanyang ina.
"Anak, Serenity, wag mo sanang masamain, pinagkasu duan kasi namin noon pa man, kapag lumaki na kayo ni Zandro ay ipapakasal kayo namin. Anak para naman sa inyo ito, saka ayaw naming may ibang lalaki ka na papakasalan. Kaya na planohan na namin na ipakasal kayong dalawa, Anak," mahabang sabi ng kanyang mommy na iki-nagulat niya.
"What? Mommy, im too young para magpakasal. Mommy, naman nag-aaral pa ako. Hinintay lang pala ninyo na matapps ang ika-eighteen birthday ko, para ipakasal niyo ako?" sagot naman ni Serenity sa kanyang ina.
"Anak, hindi ka naman titigil kapag nagpakasal ka kay Zandro. Sa OXFORD UNIVERSITY ka lang mag-aaral para mamonitor ka namin doon. Isa pa sila ang siya rin ang nagpatayo ng university na 'iyon, Anak si Zandro," ngiting sabi pa nito sa kanya.
Hindi naman 'yan ang punto niya kundi, ayaw niyang malaman ng lahat na kasal siya sa isang billionaryo. At may-ari pa ng university na ginagalawan niya.
"Mom, its not my point. Ang akin lamang,mommy ayokong mailantad sa lahat na kasal na ako napaka-bata ko pa mommy. Kung 'yan ang gusto niyong pakasalan ko ang Zandro na 'yan. Okay, papayag ako para matahimik na kayo," mahabang sagot niya sa kanyang ina.
Bumalik na lamang siya sa pagtulog dahil hindi naman siya papasok ngayon. "Im sorry my dear, wag kang mag-alala mabait si Zandro, Anak," sabi pa ng kanyang mommy. Tumango lamang ito sa kanyang ina.
Iniwan na siya nito, dahil babalik pa siya sa pagtulog ulit. Ngunit hindi naman pala siya makaktulog. Bumangon na lang siya at pumunta sa veranda at doon umupo.
Napapaisip siya kung anu ang magiging buhay niya kapag nag-asawa na siya. "Kainis naman, matawagan nga ang loka loka kong bestfriend," inis niyang tumayo at kinuha ang kanyang cellphone.
"Hoy, bakit hindi ka pumasok, ha?" bungad na tanong agad ng kanyang kaibigan na si Lovi. "Sorry, best lilipat na kasi ako sabi ni mommy, kaya hindi ako pumasok ngayon," sagot niya kay Lovi.
Nagulat naman ito sa kanyang sinabi. "Anu? Lilipat ka?Bakit?" sunod sunod nitong tanong sa kanya. "Hindi ko alam best," pagsisinungaling niya. "Ganun ba?" Pwede naman siguro tayo magkita besy!" sagot naman nito sa kanya.
Hindi niya alam kung magkikita pa sila ulit. Sasabihin ba niya ang totoo? Natatakot siya, baka kasi ipagkalat pa nito. Kahit kaibigan niya ito parang wala siyang tiwala kapag sinabi nito ang totoong dahilan ng paglipat niya.
ITO ang unang araw niya sa OXFORD UNIVERSITY. Sabi ng kanyang may gaganapin daw na event ngayong araw at sa mga susunod pang mga araw.
Huminga siya ng malalim at naglakad na patungo sa faculty room teacher. Lumulutang ang kanyang isip kaya hindi niya namalayan ang taong na bangga niya.
"Im so sorry, hindi ko sinasadya," sabi ng lalaki sa kanya. Matangkad ito at gwapo, may pagka chinito ang mga mata nito. "No, im okay, wala lang ako sa sarili kaya nabangga rin kita," sagot niya sa lalaki.
Ngumit lamang si Serenity sa lalaking nabangga niya. "Bago lang kita nakita dito ah, new student ka ba dito?" tanong nito sa kanya. "Oo, ngayong araw ang unang pasok ko." sagot naman niya.
"By the way, im Kent and you are?" ngiting pakilala nito sa kanya sabay lahad ng kanyang kamay. "Serenity, nice meeting you but i need to go now," sagot pa niya at inabot niya na rin ang kamay nito.
Ayaw niya lang talagang may makaka-usap na lalaki. Hinanap nalang niya ang kanyang pakay. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang faculty room.
Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. "Goodmorning po," ngiting bati niya sa mga ito. "Goodmorning din sayo,iha," ngiting sagot naman sa kanyang ng guro.
"Magsa-submitted lang po sana ako ng document ko sa school na ito," sabi pa niya ng makalapit gn ito sa kanya."Ohh , ikaw ba si Ms.Miller?" ngiting tanong sa kanya ng guro.
"Ako nga po," sagot naman niya sa guro. Mukhang kilala siya ng mga ito. Nagtataka siya pero hindi niya nalang ito pinansin.
Bigla naman bumukas ang pinto at lahat ay napatingin sa taong kapapasok lamang. Nagbigay galang ang mga ito sa kanya at ng banggitin ang huling pangalan nito ay napatingin na rin siya.
Imbes na magulat ay nagkasalubong ang mga kilay niya. Agad namang nawala ng mapadako ang tingin nito sa kanya.
This man is so perfect. Matangkad,gwapo,makisig at napakalas ng s*x appeal nito sa mga babae.
"Good morning Mr. Oxford," bati ng lahat sa kanya. Sa isip niya, siya na ba itong lalaking mapapangasawa niya. Parang makalaglag panty yata ang gwapong nilalang kasi ito.
Binawi niya ang pagkakatingin niya sa nagngangalang Mr. Oxford. "Siya nga pala,iha. Siya ang may ari nitong university," ngiting sabi ng guro sa kanya.
Sasagot na sana siya ng magsalita ito. "You can come another day when the event at this school is over," sabi nito sa kanya. Tinignan naman niya kung siya ba ang kausap nito.
Parang siya nga dahil nasa harap niya ito. Tinignan naman ni Serenity ang mga tao sa loob ng faculty room. Ibinalik niya ang tingin kay Zandro.
"Pwede naman ako maglibot muna dito, nang sa ganoon ay hindi na ako maligaw kapag nasa regular class na," sagot niya kay Zandro.
Tumikhim ang guro para makuha ang attention nilang dalawa. "Sorry, Mr. Oxford, kilala mo ba siya?" tanong sa kanya ng guro.
Tumingin ito kay Serenity. "Yeah, i know her," sagot ni Zandro sa guro. Napataas ng isang kilay si Serenity. Ngunit hindi siya nagsalita. "Ganun ba, Mr.Oxford," tanging sagot nito.
"Ako lang yata ang walang alam," singit na sabi ni Serenity. "Dahil hindi pa nga kita nakikita at nakilala, pero ako kilala mo na," sabi pa ni Serenity.
"Binigay ng mommy ko ang litrato mo kaya nakilala kita agad. So, may problema ka ba kung hindi ko ako nakilala?" sagot at tanong ni Zandro sa kanya.
"No," tanging sagot niya. "Kung gusto mo maglibot-libot sa university, may ipapasunod akong dalawang body guard sayo. Got it?" sabi pa ni Zandro kay Serenity.
Nagugulohan na ang mga tao sa loob ng faculty room. Walang estudante ni isa doon except Serenity. "Everyone, i would like you to know na dapat walang makakaalam nito, understand?" sabi ni Zandro sa mga guro.
"Masusunod po, Mr.Oxford," sagot nilang lahat. "She's my-wife-to-be soon, Serenity Miller, am i right?" pagkaaabi ni Zandro ay nagulat ang lahat. Hindi naman siya na surprise dahil alam niya na ang bagay na ito.