Chapter 4

1096 Words
“Maggy bilisan mo na, at baka iwan ka nang service na maghahatid sa inyo sa airport!” Kinatok pa ni Xandrie ang kaibigan sa kuwarto nito. Kanina pa kasi ito nag-aayos sa silid nito kaya kinatok na niya ang kaibigan nang dumatig na ang service na maghahatid sa mga ito sa airport.  Ngayon kasi ang team building nila Jaspher na sasamahan ni Maggy. Ilang sandali pa at sa wakas ay lumabas na rin ang haliparot niyang kaibigan na todo ang pagkakangiti sa mga labi nito. Pinagmasdan niya itong maigi, at saka namaywang.  “Saang party ka a-attend ineng?” biro pa niya sa kaibigan. Nakasuot ito ng summer dress na kulay orange na hanggang tuhod ang haba, at binagayan ito ng isang pares ng high heal sandals na kulay puti. Maganda naman ang kaibigan niya, ngunit mukhang hindi flight ang pupuntahan nito, kundi isang okasyon. Pabirong inirapan naman siya ni Maggy. “Hay naku friend, dapat mas maganda ako sa lahat ng babae sa eroplano, para sa akin lang ang atensyon ni Jaspher, my loves!” Tila luka-lukang nagsasasayaw pa ito sa kaniyang harapan. “Talaga nga naman Maggy. Alam mo ikaw baliw ka na! Tandaan mo, nakamamatay ang ma-in love. Payong kapatid,” naiiling pa niyang paalala niya kay Maggy.  “Hayaan mo na friend. Huwag kang mag-alala, kung sakali man, mamamatay naman akong maligaya!” Sabay bungisngis pa nito. “Malala ka na talaga!” sabi na lang niya rito. “Sige na larga na at baka naiinip na ang mga kasama mo sa iyo.” Pagtataboy pa niya rito. Nagbeso na ito sa kaniya, at nagpaalam. Hinatid naman niya ito sa labas, kung saan naghihintay ang kanilang service na maghahatid sa mga ito sa airport. Ngayong araw kasi ang lipad nila nina Jaspher at ng team nito patungong Bohol. Kasama rin sa package na in-avail nito ang service going to airport, and from airport to ancestral house nila Maggy, and vice versa. Napabuntong hininga na lang si Xandrie nang makaalis na ang kaibigan.             Naiwan na siyang mag-isa sa kanilang bahay. Habang ang hibang niyang kaibigan, ay masayang magiging tour guide ng kaniyang kinahuhumalingang lalake. Biglang nakaramdam nang lungkot si Xandrie sa isiping, magiging makulay na rin sa wakas ang love life ni Maggy. Masaya siya para sa kaibigan, ngunit may kalungkutang lumulukob sa kaniyang puso. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka naglakad nang papasok ng kanilang bahay.  “Self, kalma lang. Huwag ka nang malungkot, hindi para sa iyo ang love na iyan.” Pagpapakalma niya sa kaniyang sarili.             Buong araw na inabala ni Xandrie ang kaniyang sarili sa paglilinis, at pag-aayos sa kanilang bahay. Nang matapos ang kaniyang pagge-general cleaning, saglit siyang namahinga. Naupo siya sa porch ng kanilang bahay habang nagmimeryenda. Binuksan din niya ang kaniyang cellphone, at nag-check ng kaniyang **. Napangiti siya nang makita ang larawang pinost ni Maggy sa account nito. Group picture nila ito ng team ni Jaspher, nakasiksik ang loka-loka niyang kaibigan sa binata. Habang hawak nito ang selfie stick, na ginamit pangkuha ng larawan. Bagay na bagay ang dalawa, at sa tingin naman niya, ay hindi malabong magustuhan din ng binata ang kaibigan. May pagkaluka-luka ang kaibigan niyang si Maggy, pero napakalambing, at full of humor, ng kaibigan niyang iyon. Tipong hindi mababagot ang sino mang makasama nito. Maya-maya ay nag-pop up ang isang message sa kaniyang messenger. Napakunot ang noo niya, nang makita ang sender ng message na ‘Miggy’ ang pangalan. Binuksan niya iyon sa pag-aakalang mag-i-inquire ito sa tour package na naka-post sa account niya. Miggy: Hello po. Kumusta? ‘Feeling close?’ anang isip ni Xandrie. Napapaisip siya, kung may kilala ba siyang Miggy ang pangalan, ngunit wala siyang matandaan. Ilang sandali pa, at muling nag-message ang misteryosong lalake. Miggy: Suplada naman (sad face) Muling kumunot ang noo niya, sa sunod na mensaheng natanggap. Tila kilala siya nito kung makapag-demand nang reply. Agad siyang tumipa ng isasagot sa istrangherong chat mate niya. Xandrie: Hi, do I know you? I’m sorry, I can’t recall someone with your name. Ilang minuto pa ang lumipas, at wala ng sagot na natanggap pa si Xandrie mula sa estrangherong chat mate niya. Ipinasya na lang niyang tumayo, at ipagpatuloy ang pag-aayos sa kanilang bahay. Ilang oras pa ang lumipas, at natapos din siya sa pagbaliktad, este paglilinis ng kanilang bahay (hehehehe). Patamad na nahiga si Xandrie sa alpombra sa kanilang sala, at ipinasyang ipikit ang kaniyang mga mata. Saglit pa lang siya sa ganoong ayos nang may mag-doorbell. Napabangon siya sa gulat, at patamad na tumayo. Sinilip niya muna kung sino ang nambulabog sa kaniyang pamamahinga, bago siya naglakad patungo sa kanilang gate.  “Ano po ‘yon?” tanong ni Xandrie sa lalakeng tila delivery boy ng isang online shopping. “Kayo po ba si Xandrie Read?” pagkukumpirma ng delivery boy sa kaniya.  Kunot noong napatango naman siya rito. Sa pagkakatanda niya kasi, wala naman siyang in-order na kahit na ano, sa kahit saang online shops. “May delivery po para sa inyo ma’am,” saad ng lalake habang iniaabot sa kaniya ang isang may kalakihang kahon. Takang inabot naman niya iyon, at nagpasalamat sa delivery boy. Pagpasok sa sala binuksan niya ang kahon, at namangha sa laman niyon. Isang anchor at navigation wheel ang laman nito. Matutuwa na sana siya, ngunit hindi naman niya alam kung sino ang um-order noon para sa kaniya.  Tinignan pa niyang muli ang kahon, kung kanino naka-address ang package. Tama naman ang mga detalyeng nakalagay roon, at pangalan din naman niya ang nakasulat doon. Oo’t obsessed siya sa mga gamit pang display na kagaya nito, kung kaya’t masaya siyang makatanggap nito. Ngunit sino naman kaya ang mag-o-order nito para sa kaniya? Bigla siyang kinabahan sa ‘di maipaliwanag na kadahilanan.  Iwinaksi niya ang anomang gumugulo sa kaniyang isipan, at naisip na baka si Maggy ang umorder nito para sa kaniya. Napangiti siya sa naisip, mahahalikan talaga niya ang kaibigan pagbalik nito, dahil sa kaniyang sorpresang natanggap mula rito. Nakangiti na siyang inayos ang navigational wheel at Anchor sa isang sulok ng kanilang sala. Idi-display niya iyon doon para makita agad ni Maggy pag-uwi nito. Nang ma-satisfy sa kaniyang nakita ay nakangiti na siyang dinampot ang pinaglagyan ng mga iyon at saka itinapon sa basurahan. Matapos niyang magtapon ng kalat ay muli siyang bumalik sa sala upang mamahinga. Wala naman kasi siyang ibang gagawin nang araw na iyon. Isa pa pagod na rin naman siya mula kaninang umaga kaya magpapahinga na lang siya ng bongga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD