Chapter 3

1702 Words
Present…   Napabuntong hininga ni Xandrie nang biglang pumailanlang ang isang awitin ni Barry Manilow, sa Resto-Bar kung saan sila magkikita ni Maggy. Ayon dito mahilig sa mga live music ang bago nilang client, kaya rito niya napagpasyahang dalhin ang client nila. Ayaw man ni Xandrie, napilitan na rin siyang pumunta. Since wala naman siyang gagawin ngayong araw. ‘Kailangan talaga ito ‘yong kanta?’ napapailing na bulong ni Xandrie sa kaniyang sarili. She has nothing against the song, it’s just that it reminds her of her past. Maganda rin ang tinig ng babaeng kumakanta sa entablado. Napakasarap pakinggan ng tinig nito. Ngunit sadya lang siyang bitter, at hindi niya ma-appreciate ang kanta na feeling niya ay pinapatamaan siya. Sa loob kasi ng tatlong taon hindi pa rin siya nakakapag-move on sa kaniyang first love. Yes, that’s right, hindi pa talaga siya nakakapag-move on sa sira ulo niyang ex. Nakahinga nang maluwag si Xandrie, nang matapos ang kanta. Siya namang dating ng bruha niyang kaibigan, na kasama ang sinasabi nitong ‘client’ umano nila. Pinasadahan nang tingin ni Xandrie ang kasama ni Maggy. Bahagya pang napa-angat ang kilay niya, nang makitang halos mapunit ang labi ng kaibigan sa pagkakangiti nito. The guy is tall about 5’11 ang height, if she’s not mistaken. Broad shoulder, thick eyebrows, kissable lips and medyo bilugang mata with a pointed nose. Knowing Maggy, ito ang mga tipo niyang lalake. Kaya alam niyang hindi lang basta client ang tingin nito sa kasama. ‘Client pala huh!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili, habang papalapit ang kaniyang kaibigan at ang kasama nito sa kaniyang table. Kumaway pa ang kaibigan sa kaniya, at nagbeso nang makalapit sa kinauupuan niya. Agad umupo ang mga ito sa katapat niyang upuan bago sila ipakilala ni Maggy sa isa’t isa. “Xand, this is Jaspher Villamonte, siya iyong sinasabi ko sa iyong client natin kanina,” sabi nito sa kaniya. “And she’s Xandrie Read, my business partner.” Baling naman nito sa binatang kasama nito. Bahagyang ngumiti si Xandrie bilang pagbati sa lalakeng kasama ng kaibigan. Akmang makikipagkamay naman ang binata, nang imbes ang kamay niya— ang kamay ni Maggy ang nahawakan nito dahil ang loka-loka niyang kaibigan ay mabilis na iniabot ang kamay sa lalake. “And I am Maggy Perez, at your service!” Palihim na napahagikgik si Xandrie, sa ikinilos ng kaibigan. “Ahhh pasensiya ka na ha, hindi kasi kita nakamayan nang ipakilala ka ni Daniela kanina sa akin.” Wala talagang hiya ang kaibigan niyang ito. Tumikhim siya bago bumaling kay Jaspher. “Pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko ha? Medyo nasobrahan yata ng gamot, kaya hype na bata siya tonight.” Natawa naman si Jaspher sa tinuran niyang iyon. “No, it’s okay. Nakakatuwa nga siya eh,” anito na tila naaaliw sa baliw niyang kaibigan. Samantalang ang kaibigan niyang sinapian yata ni Sisa ay napakalawak ng pagkakangiti habang nagpapa-cute ito kay Jaspher. Napailing na lang siya saka bumaling ng tingin kay Jaspher. “So, Maggy here told me, that you’re planning to have a team building. May I know kung ano ang trip niyong gawin, so we can suggest a place, and package for you?” agad na tanong niya nang matapos silang ipakilala nito sa isa’t isa. “Wait! Let’s order first, para makakain muna kami, before we go down to the business,” maagap namang singit ni Maggy. Napakibit-balikat na lang siya saka hinayaan na ang kaibigang tawagin ang waiter at saka umorder ng pagkain at drinks. They ordered a bucket of beer, and a combo meal, since hindi pa nagdi-dinner ang dalawa. Nang matapos nitong ibigay ang kanilang order ay saka naman siya nagpatuloy sa sinasabi kanina kay Jaspher. “So, as I was saying a while ago, what’s your team interest in terms of activities?” tanong niyang muli rito. “Well, I was thinking— what if, an extreme activity for them? That will help my team to conquer their fears, and of course they can build a bonding, and good relationship after,” suhestion ni Jaspher sa kaniya.  Lately raw kasi maraming hindi pagkakaunawaan ang team nito, na madalas nakakaapekto sa production nila sa opisina. Bahagya silang nag-isip ni Maggy kung anong activities ang pwedeng i-offer sa mga ito. Maya-maya’y  agad namang nagliwanag ang mukha ni Maggy nang tila may naisip ito. “Oh, I know a place!” Pumitik-pitik pa ito sa ere habang tila excited sa naisip. Forte ito ng kaibigan, since she loves adventures. Mas delikado, mas nangangati ang kaibigang subukan o gawin ang isang bagay. Kung kaya’t minsan, nasabihan niya itong nakikipaghabulan kay kamatayan. “So where?” tanong niya sa kaibigan. Kumikislap-kislap pa ang mga mata nito, habang parang kinikilig pa sa idea na kaniyang naisip. “Danao Adventure Park! There’s a lot of extreme activities there, that your team will for sure enjoy!” Alam ni Xandrie kung saan ang tinutukoy nito, at tama naman si Maggy sa idea nito. Maya-maya pa ay busy na ito sa pagkutingting ng ipad, at tila may hinahanap doon. Ilang sandali pa, at dumikit na ito kay Jaspher upang ipakita ang activities na sinasabi nito kanina. “See? I have photos of the place, and where I stayed before. It’s just nearby the park, it’s an ancestral house of our family. You can stay there with your team, free of charge if you will consider our offer. Then you can try all the activities, specially the plunge, bunji jumping and glass cliffwalk. Highly recommended ko iyan!” excited na wika pa ng kaibigan sa binata. Halata namang nagustuhan ni Jaspher and suhistiyon ni Maggy, kung kaya’t agad na nakapag close deal sila. Maya-maya rin ay nai-serve na ang mga pagkain, at inumin sa mesa nila. Masaya silang kumain, at nagkuwentuhan. Nang matapos silang kumain ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang pagtatalakay sa business proposal nila kay Jaspher. “I’m impress Maggy!” tila excited na rin na wika ni Jaspher, habang hawak nito ang mga palad ni Maggy. Halata namang kinikilig ang kaibigan sa paghawak na iyon ng binata. “Maliit na bagay!” pabirong tugon naman ni Maggy rito. “I can accompany you, and your team if you want.” ‘Di pa nakontento at nag-offer pa nga ito na samahan sina Jaspher. Napamulagat naman si Xandrie sa kaniyang narinig. Susmeng babae talaga ito, umandar na naman ang pagkakiri!  “Kung hindi ba makakaabala sa iyo, I would appreciate it,” nakangiting saad ni Jaspher sa kaibigan. Naaaliw si Xandrie sa nakikitang kasiyahan ng kaibigan. ‘Hayyy buti pa si Maggy mukhang magkaka-love life na. Samantalang ako, nganga pa rin!’ Napabuntong hininga na lang siya habang pinagmamasdan ang dalawang alien, este tao pala sa kaniyang harapan. Kitang kita sa mga mukha ng mga ito ang pagkagiliw sa isa’t isa. Ilang sadali pa siyang nanatili kasama ang mga ito bago siya nagdesisyong mauuna nang umuwi sa mga ito. Batid naman niyang nag-eenjoy pa ang mga ito kaya’t hindi na niya sisirain pa ang moment ng mga ito. Uuwi na lang siya kayasa naman mainggit pa siya sa mga ito.             Kinabukasan ay maagang nagising si Xandrie. Agad niyang chineck ang kaniyang e-mail, at messenger. Wala namang masyadong importante sa mga messages niya, kaya iniwan na niya ang kaniyang laptop at nagtungo sa kusina upang maghanda ng agahan. Abala na siya sa paghahanda ng kanilang almusal, nang marinig niya ang tili ng kaibigan. Agad na napalingon siya sa pintuan ng kusina, at napataas ang isang kilay sa tila baliw na kaibigan, habang nagwo-walling ito sa hamba ng pintuan ng kusina.  “Huy! Anyare sa iyo riyan? Para kang naasinang bulate riyan,” sita niya kay Maggy. “Sis, this is it! I love him na!” At nagtutumili uli itong lumapit sa kaniya at niyuyogyog siya nito sa magkabilang balikat. “Aray ko baks!” saway ni Xandrie sa kaibigan, dahil tila naalog ang utak niya sa lakas nang pagkakayugyog nito sa kaniya. “Tigilan mo ako sa kalandian mo Maggy ha! Kakikilala mo lang kay Jaspher, I love him ka na agad riyan!” Panggagaya pa niya kay Maggy nang sabihin nitong ‘I love him na’. Balewalang tinalikuran naman siya ni Maggy, at nagtimpla ng kape  nito. “Hay naku Xandrie! There’s no rule in love na nagsasabing, hindi mo siya puwedeng mahalin kasi kakikilala mo lang sa kaniya. When it’s there, you can’t run away from it!” nakangiting saad pa nito sa kaniya. Ayon kasi rito, sobrang madaming magagandang katangian ang binata. Isa na raw roon ang pagiging gentleman nito at sweet. In fact, hinatid pa raw siya kagabi sa kanilang bahay. Hinarap niya ang kaibigan, matapos ihulog sa mantika ang bawang. “OA mo baks, love talaga agad? Hindi ba puwedeng crush, or attraction muna? Saka isa pa, baka naman sadyang mabait lang siya, at natural na ang pagiging sweet, at gentleman niya?” wika niya rito saka muling hinarap ang pagsasangag.  “Crush? Haller? So high school! Attraction, hmmm, puwede rin naman, kaso iba talaga eh. Feeling ko talaga love na ito, kasi present si Mr. Spark. Lalo na noong magdikit iyong mga kamay namin.” Nagniningning pa ang mga mata nito, habang nakatitig sa kawalan. Natawa naman si Xandrie, habang napapailing sa kaibigan.  “Ewan ko sa iyo! Pero siya ba sa tingin mo, naramdaman din si Mr. Spark?” tanong niyang muli sa kaibigan. Natahimik naman ito, ngunit agad din namang bumalik ang ngiti sa mga labi nito. “Okay lang baks, hindi man niya maramdaman iyon sa ngayon, madami pa namang ibang pagkakataon.” Ngumisi na lang siya at naghain na nang pagkain. Sana gano’n din siya katapang harapin ang pag-ibig. Kagaya ng kaibigan niya, handang masaktan at maghintay. Darating pa kaya siya sa puntong mai-in love siyang muli? Isang malakas na pakawala nang buntong hininga na lang ang tanging magagawa niya sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD