Kabanata XV: Missing

1978 Words
PAKIRAMDAM ni Meteor, hindi na siya ligtas sa Pulan dahil sa ginawa niyang mag-questionbsa Mayor nang nagdaang araw. Maraming sinabi si Luke sa kaniya na kayang gawin ng Mayor at natatakot siya para sa kaniyang sarili dahil kung mapahamak siya, paano niya malalaman ang nangyari sa kaniyang ama? Ngayon lang niyang napagtanto ang padalos-dalos niyang desisyon sa buhay. Katakot-takot na sermon na rin ang natanggap niya kay Mony at sa kaibigang si Elma. Maging ang mga ito'y natatakot sa kalagayan niya dahil sa ginawa niya noong araw na iyon na sa tingin naman niya ay walang mali. "Carlo," tawag niya sa kaniyang nobyo nang magising siya mula sa pagkakatulog, pupungas-pungas pa siya dahil sa antok pa siya. Kumunot ang noo niya nang hindi niya ito makita sa sala nang lumabas siya sa sariling silid, wala rin ito sa kusina. "Nasaan kaya ang lalaking iyon?" mahinang bulong niya habang kumakamot sa ulo. Kumibit-balikat na lang siya dahil baka nasa bayan lang ito o kaya naman ay bumili sa tindahan. Tumungo na lang siya sa kusina para maghilamos at mag-brush ng ngipin. Matapos niya roon, nagsimula na siyang maghanda ng almusal para sa kanilang dalawa dahil wala man lang niluto si Carlo kahit maagap itong nagising. Napailing na lang siya. Ilang sandali pa'y natapos na rin siyang maghanda ng almusal pero hindi pa rin bumabalik si Carlo kaya medyo nagtaka na siya. "Ang tagal naman niyon," pabulong na reklamo niya. Pumunta siya sa pinto para silipin doon pero wala siyang nakita. Hindi kaya umuwi na siya sa Manila? bulong ng isip niya. Bumalik siya sa silid nilang dalawa pero nandoon pa rin lahat ng gamit nito. Nakita niya ang cellphone niya sa side table. Kinuha niya iyon at denial ang numero ng nobyo. Nag-ring naman ito pero nagtaka siya ng marinig niya ang ring tone niyo sa sala ng bahay. Lumakas siya ng silid at nakita niya sa bangko ang cellphone ng nobyo. Mas kinabahan na siya. Nasaan na si Carlo? Hindi iyon umaalis na hindi dala ang cellphone at kung may pupuntahan man siguro ito at hindi agad makakauwi, nagpaalam sana ito sa kaniya pero hindi. Nagsimula na siyang mag-alala para sa binata. Kahit alam niyang hindi na siya masaya sa relasyon nilang dalawa, hindi pa rin maalis sa kaniya na mag-aalala rito dahil naging mabait naman ito sa kaniya at sa kaniyang ina. Matapos niyang patayin ang tawag, mabilis siyang lumabas ng bahay para pumunta sa bahay ni Elma at tanungin ito tungkol sa nobyo niya. "E-Elma, Tita Mony," nag-aalalang bungad niya sa mga ito nang marating niya ang tinitirihan ng mga ito. Tumayo si Elma at lumapit sa kaniya. "Oh, bakit? May nangyari ba?" usisa nito na bakas ang pagkabahala sa mukha. Bakas ang kaba sa mukha niya ng tingnan niya ang mag-ina. "S-si Carlo, kasi...kasi wala siya sa bahay paggising ko. Hindi rin niya dala ang cellphone at gamit niya kaya alam kong hindi siya umalis. Kaninang umaga pa siyang hindi umuuwi at kung pumunta man siya ng bayan, nakabalik na sana siya. N-nag-aalala ako para sa kaniya, Elma, Tita Mony," pagtatapat niya sa mga ito. Bumaka ang gulat sa kanila. "Huh? Sigurado ka bang hindi bumalik ng Manila ang nobyo mo?" tanong ni Elma. Tumango siya. "Iniwan niya lahat ng gamit niya kaya alam kong hindi siya umalis," paliwanag niya. "Wala ba siyang sinabi sa iyo bago siya nawala?" ani naman ni Tita Mony. Saglit siyang nag-isip kung may nasabi ito sa kaniya pero wala siyang maalala kaya umiling siya. "W-wala po akong maalala," nababahalang sagot niya. Nagkatinginan ang mag-ina na tila ba may nagkaintindihan sila sa nangyari. "P-please, tulungan ninyo akong hanapin siya. Please!" pagmamakaawa niya dahil hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Carlo. Matapos niyang kausapin ang mag-ina, bumalik siya ng bahay, umaasang nandoon na ang binata pero nadismaya at mas kinakabahan lang siya nang madatnang walang tao roon. Nasapo niya ang noo. Nararamdaman niya ang labis na takot sa dibdib niya dahil hindi na niya alam kung sakaling may mangyari na naman sa mga taong parte ng buhay niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at umupo sa sofa. "Carlo, nasaan ka na ba?" naiiyak niyang tanong sa hangin kahit alam niyang walang sasagot sa kaniya. Habang nag-iisip siya sa kung nasaan ang nobyo, bigla niyang naalala si Luke. Mabilis siyang tumayo at kumuha ng jacket. Lumabas siya ng bahay at naglakad patungo kay Luke. Ito lang ang alam niyang makakatulong sa kaniya sa paghahanap kay Carlo. Agad niyang binagtas ang daan patungo kay Luke. Hindi niya alam kung paano ito makakatulong sa kaniya ngunit alam niyang may kakayahan itong tulungan siya. Habang naglalakad siya, may humintong sasakyan sa gilid niya. Paliko na sana siya kung saan papunta sa tinitirhan ni Luke. Napahinto siya at lumingon sa sasakyan, kasabay nang pagbukas ng pinto niyon. Kumunot ang noo niya sa pagtataka nang makilala niyang si Paul ang sakay niyon. "Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, eh," nakangiti anito kaya mas lalong lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Hindi rin naman kasi maitatangi ang taglay nitong kaguwapuhan. Napasinghap siya dahil hindi siya comfortable sa pakikitungo nito sa kaniya na para bang close sila, eh, hindi naman talaga. "Ano'ng kailangan mo?" walang ganang tanong niya. Ngumuso ito na tila nag-isip. "Kailangan ba may kailangan ako sa iyo para lapitan ka? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang maging kaibigan?" nakangiti sabi nito na hindi niya pinaniniwalaan. Mas kumunot ang noo niya. "Ako?" ngumisi siya. "I'm sorry, Paul pero hindi tayo magiging friends. Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Ikaw na rin nagsabi na layuan ko ang tungkol sa illegal logging sa Pulan dahil mapapahamak ako and we know that you're Dad is involved in that issue kaya sa tingin mo, maniniwala ako? Alam mo sa totoo lang, I'm against to your dad being a Mayor," diretsang sabi niya. Ni hindi na siya natakot na pwedeng makarating iyon sa Mayor. Biglang sumeryoso ang mukha ni Paul. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Meteor, hindi ka pwedeng basta-basta magbitaw ng ganiyang mga salita. Hindi mo alam ang pwedeng maging epekto ng bawat sasabihin mo na against sa Mayor," mahinang sabi nito. Lumabas ito ng sasakyan at luminga sa paligid. Nilapitan siya nito. "I understand you, Meteor at alam kong iisipin mo na ang bagay na iyon, pero please, ingatan mo ang mga salitang sasabihin mo tungkol sa Mayor o sa ano mang issue ng bayang ito," halos pabulong nitong sabi. Mas nangunot ang noo niya. Mas lalo lang siyang nahihiwagahan sa bayang iyon. Mapaklang natawa siya. "Pati ba freedom of expression bawal na sa bayang ito? Hindi ba't may karapatan ako bilang mamayan ng bayang ito na magsalita ng opinyon ko and that is not against the law," madiing balik niya. "I know, Meteor pero hindi ito ang bayang inaakala mo. Pulan is a home of secrets. Maraming nakatago rito na hindi mo alam at pwede mong ikapamahak," patuloy nito sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot habang seryoso siyang nakatingin sa mata ni Paul. Bakit nararamdaman niya ang concern nito sa kaniya? Hindi niya maramdaman ang bigat ng aura nito na naramdaman niya kay Rogue.. "T-teka nga, Paul bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na ito? Hindi ka ba galit dahil sa sinasabi ko tungkol sa iyong ama?" nagtataka niyang tanong. Umiwas ito sa kaniya ng tingin. "I'm sorry, Meteor pero kailangan ko ng umalis." Tumalikod na ito pero humarap din uli sa kaniya. "Alam kong hindi tayo close pero believe me concern ako sa iyo kaya please, mag-iingat ka sa mga salitang sasabihin mo at sa mga gagawin mo sa Pulan dahil bawat bahagi ng bayang ito, maraming sikreto at patalim na pwedeng pumatay sa iyo." Hindi siya nakaimik sa mga narinig dahil sa gulat. Ano'ng ibig sabihin ni Paul sa mga patalim na pwedeng pumatay sa kaniya? Nang makabawi siya sa gulat, wala na sa harap niya si Paul, nasa loob na ito ng sasakyan. Tiningnan niya ito na puno ng pagtataka at mga tanong pero tiningnan lang siya nito at umalis na. Ano'ng ibig sabihin ng mga binitawan nitong salita at bakit sinabi nito iyon sa kaniya gayong dapat ay napanig ito sa ama nito. Ano'ng pakay ni Paul sa paglapit sa kaniya? Dapat ba niya itong pagkatiwalaan? Habang naglalakad siya patungo sa bahay ni Luke, hindi maalis sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Paul sa kaniya. Isang palaisipan pa rin iyon sa kaniya. "Meteor, ano'ng ginagawa mo rito?" salubong sa kaniya ni May nang makarating siya sa bahay ni Luke. Nadatnan niya itong nagsasanay sa labas kasama ang ilang mga kalahi nito. "Nandiyan ba si Luke?" diretsong tanong niya. Kumunot ang noo ni May pero agad din itong ngumiti. Bumaling ito sa mga lalaking kasama nito sa pagsasanay at tumango, saka bumaling sa kaniya. "Sumunod ka sa akin," anito. Tumalikod ito at agad naman siyang sumunod. Pumasok siya sa loob ng bahay. Umupo siya sa sofa na nasa sala habang pinuntahan naman ni May si Luke na malamang ay nasa loob ng silid nito. Ilang sandali pa ay lumabas ba ito na magkasama. "Bakit ka naparito?" agad na sabi ni Luke ng makalapit ito sa kaniya. Tumingin siya rito at agad niyang naramdaman ang tila pitik sa dibdib niya sa hindi niya alam na dahilan kaya umiwas siya rito ng tingin. Hindi rin agad siya makaimik dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang lumapit dito. "A-ano kasi...k-kasi hihingi sana ako ng tulong,", nahihiyang simula niya. "N-nawawala si Carlo at hindi ko alam kung nasaan siya," pagtatapat niya na hindi magawang tumingin sa mga ito. Kumunot ang noo ni Luke. "Carlo? Is he your boyfriend? Nawawala siya?" Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Hindi kaya bumalik na siya ng Manila o 'di kaya naligaw," sabi pa nito. Sa pagkakataong iyon hinarap na niya ito. Umiling siya. "H-hindi! Kilala ko si Carlo at hindi niya ako iiwan ng walang paalam. Hindi niya rin dala lahat ng gamit niya kaya sigurado akong hindi iyon bumalik ng Manila," patuloy niya. Nagkatinginan si May at Luke na bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. "Sigurado ka ba talagang nawawala ang nobyo mo?" Kapagkuwa'y tumawa ito "Hindi kaya nakahanap na siya ng ibang babae at pinagpalit ka na?" pagbibiro pa nito habang nakangiti. Nanliit ang mga mata niya kay May. Hindi ba siya siniseryoso ng mga ito. Nagsimula na siyang mainis sa mga nasa harap niya. "Hindi iyon ganoon. H-hindi niya ako iiwan ng walang paalam. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung saan siya pumunta." "Hindi kaya paranoid ka lang, Meteor?" tanong ni Luke. Tumaas ang kilay niya. Mas lalong tumaas ang inis niya. "Hindi ako paranoid, Luke, ok? Nag-aalala ako!" bumuga siya ng hangin at yumuko. "Ok, fine kung ayaw niyo akong paniwalaan, 'di hindi." Marahas siyang tumayo. "Kung hindi niyo ako tutulungan, sinabi niyo na sana kanina pa. Nagkamali ata ako ng nilapitan," inis niyang sambit at matalim na tiningnan si Luke. Hindi kasi niya inaasahan ang sasabihin nito. Halata namang nagulat si May at Luke sa naging reaction niya. Kapagkuwa'y napailing ang binata. Marahas siyang tumalikod at naglakad palabas ng bahay. Kung ayaw siyang tulungan ni Luke, siya ang maghahanap kay Carlo. Hindi siya naniniwalang iniwan siya nito. Alam niyang may nangyari. Padabog niyang sinara ang pinto ng bahay na iyon at nang bumukas iyon, nagulat na lang siya nang makita ang nangyari sa labas. Ang mga lalaki kanina na kasama ni May, patay na sila habang nandoon ang limang mga lalaki. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito kaya napaatras siya. "L-Luke!" mahinang banggit niya sa pangalan nito. Kapagkuwa'y nagulat na lang siya nang biglang may humawak sa braso niya at hinila siya papasok sa loob ng bahay. Naramdaman niya ang dibdib ni Luke sa katawan niya. Agad siya nitong itinago sa likod niya. "Huwag kang lalabas, dito ka lang," utos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD