Kabanata XVI: Who's Rogue

1545 Words
WALA nang nagawa si Meteor kung hindi ang manatili sa loob ng bahay. Lumabas na si Luke at May para harapin ang mga lalaking nandoon sa labas. Binalot na naman siya ng kaba at takot sa pwedeng mangyari sa kanilang lahat. Limang malalakas na lobo ang nasa labas at hindi sila basta-basta dahil mayroon din silang kakayahan katulad nila Luke. Ganito ba talaga katindi ang alitan ng mga taong lobo rito sa Pulan? Iisang lagi lang sila pero bakit sila nagpapatayan at patuloy na nag-aaway? Para saan at anong motibo nila. Totoo nga si Luke, marami pa siyang hindi nalalaman tungkol sa bayang kinalakihan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng bahay. Gusto niyang lumabas ang tulungan sila Luke pero paano? Hindi siya katulad ng mga ito na malalakas at may kakayahang lumaban. Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto nang bigla na lang may malaking katawan ng lobo ang tumilapon sa gawing iyon, daan para masira ang pinto at tumilapon siya paatras. Mapasigaw siya. Ramdam niya ang sakit sa katawan niya nang bumagsak siya sa sahig at ang tama ng mga debris na nagmula sa nasirang pinto. Hindi naman sapat ang pinto para makapasok doon ang malaking lobo na alam niyang kalaban. Napangiwi siya at hindi agad makatayo. Naramdaman niya ang hapdi ng mga gasgas at sugat sa katawan niya na marahil mula sa bahagi ng pintong nasira at sa pagbagsak niya sa sahig pero hindi na niya alintana iyon dahil mula sa kinaroroonan niya, kita niya kung paano makipagbuno si Luke at May sa mga kalabang iyon. Kahit nasa anyong lobo sila, kilala niya ang kulay ng balahibo ni Luke at ni May kaya alam niya kung sino ang tingin niya. Kapagkuwa'y pinilit niyang tumayo kahit masakit ang katawan niya. Napangiwi pa siya at nasapo ang balakang niya dahil sa kirot doon. Pinilit pa rin niyang tumayo at nagawa naman niya. Paika-ika siyang lumakad. Luminga siya sa paligid para maghanap ng pwede niyang gamitin sakali mang may lumapit sa kaniya. Nakita niya ang isang silver na tila isang sibat sa gilid ng sala. Agad niya iyong kinuha at lumapit siya sa pinto. Halos hindi siya makahinga habang nakikita niya kung paano makipaglaban si Luke. Alam niyang nasasaktan ito dahil sa mga tama ng kuko at pangil ng kalaban pero hindi iyon sapat para manghina ito. Tanging ang angilan ng mga galit na lobo ang narinig niya sa gubat na iyon. Humakbang pa siya habang sapo ang kaniyang braso na may sugat. Kailangan niyang tumulong dahil alam niyang nahihirapan na rin silang dalawa. Halos mapasigaw siya nang makita niya si May na tumilapon ang tumama sa malaking puno dahil sa lakas ng dalawang kalaban nito. Si Luke naman ay umaatake nang umatake at sinusubukan masakmal nito ang kalaban pero hindi iyon madali dahil sa likod niya'y may isa pang lobong nagpupumilit na patayin siya ngunit malakas si Luke kaya nagagawa nitong maitapon ang nasa likod niyo. Napangiwi naman siya habang nakatayo roon. Nababahala na siya at hindi alam ang gagawin. Ramdam niya ang panginginig ng katawan niya dahil sa takot pero alam niyang mas mabuting may gawin siya kaysa panoorin si Luke at May na nahihirapan. "L-Luke!" sigaw niya na naging daan para maaagaw niya ang atensyon ng mga ito. Bumaling sa kaniya ang isang lobo na kaninang umaatake kay Luke na nagawa nitong maitilapon. Napaatras siya. Ang matitilos nitong mga ngipin, ang nakakatakot nitong mga mata ay lalo lang nagdulot sa kaniya ng takot. Umatras pa siya nang umatras. Umangil ito kaya napapikit siya at napalunok pero nilakasan pa rin niya ang loob niya. Mayamaya'y nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang lobong tumilapon at papunta iyon sa Isang lobong papalapit sa kaniya. Hinawakan niya ng mahigpit ang hawak niyang sibat. Hindi niya alam ang gagawin pero bahala na. Bumagsak ang isang lobo sa likod ng isa pa na pasugod sa akin na halos isang dipa na lang ang layo. Dahil sa lakas ng impact niyon, magkasama silang tumilapon papunta sa kaniya kasunod nang pagtaas niya sa sibat ba hawak niya. Pumikit pa siya nang mariin habang nanginginig ang mga kamay niya. Napaatras siya habang hindi niya alam na lahat ng lakas niya'y naibuhos niya sa hawak niyang sibat na nabitawan din niya. Napaawang ang bibig niya ng makitang bumagsak ang isnag lobo sa harap niya habang nakatarak ang sibat sa gawing tiyan nito. Nakabawi naman agad ang isa na hindi natamaan at hinarap siya. Umangil ito na para bang tinatakot siya at handa nang manakmal. Napaatras siya nang makita niyang tatalon ito sa gawi niya pero bago pa man nito iyon magawa, dumatin si Luke. Bumagsak ito sa likod ng lalaking iyon at nagpambuno silang dalawa. Nagpalitan ng atake habang minsan ay nasa ilalim si Luke at minsan ay nasa ibabaw ito. Abala naman si May sa pakikipaglaban sa isa pang natitirang lobo. Nakita niyang nakarating na si Luke at ang lalaki sa masukal na bahagi kung saan mayroon doong kahoy na matilos at doon huling bumagsak ang katawan ng lalaki kaya nawalan ito ng buhay. Pagbaling naman niya kay May, nakahandusay na rin sa harap nito ang kalaban nito. Napalunok siya, saka binasa ang kaniyang mga labi. Kahit pa paano'y nabawasan ang kaba niya dahil ligtas si Luke at May. Hindi lang ito ang una at huling nangyari ang ganito at natatakot siyang maulit p at baka mas marami pa sila. Binalingan niya ang mga taong lobong walang malay na nandoon sa harap ng bahay hanggang sa dumako ang paningin niya sa lalaking nasaksak ng sibat na hawak niya kanina. Kumunot ang noo niya nang makilala niya ito. Ito 'yong lalaking isa sa mga nakaitim sa na kasama ni Mayor Rogue sa ginanap nitong event para papurihan ang mali nitong pamamalakad. Nadagdagan na naman ang tanong sa isip niya. Ano'ng kinalaman ni Rogue sa mga taong lobo? Natulala siya sa isiping iyon. Maari kayang hawak nito ang mga lobong nakakalaban nila Luke? Paano? Dahil sa kakaisip niya, hindi niya namalayang nakapagpalit na ng anyo si Luke at May, nakapagpalit na rin ang mga ito ng kasuotan, maliban kay Luke na naka-topless lang. Biglang naglaho ang mga iniisip niya at napalitan iyon ng paghanga sa malaki nitong katawa na para bang modelo para i-flex ang pinaghirang katawan. Napalunok siya at umiwas dito ng tingin. Seryoso siyang tiningnan ni Luke. "Gusto mo ba talagang ipahamak ang sarili mo, Meteor?" madiing tanong nito. Lumapit pa ito sa kaniya na halos magdikit na ang kanilang mga katawan. "You're not like us at wala kang kakayahan para ipagtanggol ang sarili mo," segunda pa nito. Hindi agad siya nakasagot dahil alam niya ang ibig nitong sabihin. Umiwas siya rito ng tingin at bahagyang yumuko. "I-I'm sorry, Luke, g-gusto ko lang tumulong," dahilan niya. Nasapo nito ang noo at ngumisi. "I don't need your help, Meteor kung kapalit niyon ay kapahamakan mo. Hindi mo kailangang lumaban, ako ang lalaban para sa iyo, para protektahan ka," patuloy niyo na bakas ang galit at pag-aalala. Hindi niya alam pero napatitig siya sa binata dahil sa nga tinuran nito na animo'y humipo sa kaniyang puso. Aminin man niya o hindi, may nararamdaman siyang kiliti at saya sa puso niya dahil doon. Umiwas siya rito ng tingin at yumuko. "I-I'm sorry," nahihiyang paghingi niya ng paumanhin. Napasinghap naman si Luke at halata ang pag-aalala nito nang sapuin nito ang noo. "Please, stop saying sorry. Hindi ako galit dahil sa ginawa mo, I'm just worried," marahan nitong sambit. Muli na namang nagtama ang kanilang mga tingin na animo'y ang mga mata nito ay inaakit siya para titigan ito. Kapagkuwa'y muli siyang umiwas ng tingin sa binata. Wala siyang makuhang salitang ibabato sa binata. Saglit na natahimik sila pero agad na bahagyang nanlaki ang mga mata niya at napalingon sa isang bangkay na pamilyar sa kaniya. Humarap siya kay Luke. "W-wait!" muli siyang bumaling sa bangkay at bumalik ulit sa binata. "I saw him kanina sa patitipon ni Mayor. H-hindi ako pwedeng magkamali, siya iyong isa sa mga nakaitim na bodyguard ni Rogue. A-ano'ng ibig sabihin nito, Luke?" puno ng pagtatakang tanong niya rito. Nagkatinginan si Luke at May. Hindi agad ito nakasagot na para bang may tinatago sa kaniya dahil hindi rin ito makatingin ng diretso sa kaniya. "That's the reason why I want you to stop following him. Hindi siya ang tipikal na Mayor na kumukuha sa pondo ng bayan, he's stringer than you thought, more powerful at ang pagbangga mo sa kaniya ang ikapapahamak mo," puno ng pag-aalalang sambit nito. "K-kung ganoon...t-tama ang iniisip ko, he's one of you. Isa rin siyang werewolf na kagaya ninyong lahat. Kaya ba walang gustong kumalaban sa kaniya? Kaya ba kaya niyang gawin lahat ng gusto niya sa Pulan? Hanggang doon na lang ba, Luke? Paano 'yong karapatan natin bilang tao? Paano ang bayang ito? Hahayaan na lang nating masira?" sunod-sunod na tanong niya na bakas ang pag-aalala sa nangyayari. Nasapo ni Luke ang noo nito at saglit na kumiling. "You're right, he's one of them at hindi lang siya tipikal na werewolf, he's an Alpha," sagot nito. Bumuntong-hininga ito. "Meteor, listen hindi ito ang tamang panahon para lumaban sa kasamaan ni Rogue, we need more time to prefer for the greatest war dahil malakas ang Red Lion Pack." "Red Lion Pack?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD