Kabanata VII: Pagkatao

1250 Words
lDAHAN-DAHANG iminulat ni Meteor ang mga mata niya. Naramdaman niya ang bahagyang sakit ng balakang niya kaya napangiwi siya. Umayos siya ng pagkakahiga. Nang mag-angat siya nang tingin, napakunot ang noo niya nang mapansin ang hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Gawa iyon sa mga tabla mula sa kahoy. Maaliwalas iyon at dahil sa mga kurtinang nakasabit sa dingding. May ilang gamit doon. Mabilis na napaupo siya mula sa pagkakahiga at napaatras. "N-nasaan ako?" bulong na aniya na. Akmang bababa na sana siya sa kama nang maalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Napaawang ang bibig niya. Muling binalot ng ka ba at takot ang buong sistema niya. Ano ang nakita niyang iyon? Sino ang nagdala sa kaniya sa silid na iyon? Bakit siya naroon? Gusto niyang isiping baka panaginip lang iyon pero bakit nasa ibang silid siya ngayon? Mabilis niyang sinuri at pinakiramdaman ang sarili. Nang mapagtantong, wala namang kakaiba roon, nakahinga siya ng maluwang. Mabilis na tumayo siya sa pagkakaupo at nang akmang lalapit na siya sa pinto, bumukas iyon at iniluwa ang gwapong lalaki. Natulala siya pero sa huli'y nagtaka. "L-Luke?" hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito. Bigla niyang naalala ang huling boses na narinig niya bago siya mawalan ng malay. "Mabuti naman at gising ka na," kaswal na sabi nito na hindi man lang ngumiti sa kaniya. "I cooked food for you." Binalingan niya ang hawak nitong tray na may lamang pagkain. Naamoy pa niya ang tinola at pritong isda. "A-ano'ng ginagawa ko rito? Bakit nandito ka?" tanong niya na nagtataka pa rin. "Ask me later, Meteor kainin mo muna ang mga pagkain, bago pa ito lumamig." Inilapag nito sa side table ang mga pagkaing. Habol tingin siya sa bawat galaw ng binata. Humarap ito sa kaniya. "Siya nga pala, nandito ka sa bahay ko. Dinala kita rito after mong mawalan ng malay." Ngumiti ito sa kaniya na lalong nagpalabas sa taglay nitong kaguwapuhan na hindi niya maiwasang hindi pansinin. "Bahay mo? May bahay naman ako, ah, bakit dito—" "Please, stop asking, Meteor. Just eat the food dahil alam kong gutom ka na," putol nito sa sasabihin pa niya. "I'll tell you what happened later." Tiningnan lang niya ang binata. Maraming tanong ang pumasok sa isip niya. Paanong nakarating doon si Luke at ano'ng ginagawa niya sa bahay ko nang gabing iyon? "Don't be scared, I won't do anything bad. Hindi ako lalaban, Meteor." Ngumiti muli ito bago naglakad palabas ng silid. Naiwan siyang habol tingin dito. Nakatulalang napaupo siya sa gilid ng kama. Ginugulo ang isip niya ng mga nangyari. Hindi niya makalimutan ang hitsura ng lobong iyon na matalim na nakatingin sa kaniya at ang biglang pagdating ni Luke roon. Maari kayang maraming nalalaman si Luke na pwedeng makatulong sa kaniya? "Tama. Kailangan ko ng taong makatutulong sa akin at baka si Luke iyon," bulong niya. Binalingan niya ang pagkaing nasa harap niya. Lumapit pa siya roon at sinumulan iyong kainin. Marami siyang gustong malaman na baka isa si Luke sa makasasagot niyon. Napakamisteryoso niya at baka sa kabila niyon, ito ang magiging sagot sa lahat ng 'yon. Matapos niyang kumain, agad siyang lumabas ng silid na iyon. Nadatnan niya si Luke na nakaupo sa sala ng bahay. Kahit marami siyang iniisip, hindi nakaligtas sa paningin niya ang magandang ayos ng bahay ni Luke. Malinis iyon, organize ang mga gamit at kahit sabihing halos gawa iyon sa kahoy, napaka-modern niyon tingnan. Bumaling sa kaniya si Luke. "Are you ok?" tanong nito. Mabilis siyang umupo sa katapat na sofa ni Luke. "Sabihin mo sa akin, Luke ano ang nakita ko kagabi? Bakit nandoon ka?" Seryoso lang na nakatingin sa kaniya ang binata. Hindi agad ito nakaimik, kapagkuwa'y saglit itong yumuko. "Marami ka pang hindi alam sa Barangay Pulan, Meteor that's why I want you to leave here. Mapapahamak ka lang," anito na parang concern sa kaniya. Bumakas ang pagkagulo sa mukha niya. Hindi niya maintindihan. Umiling siya. "H-hindi ko maintindihan, Luke, ano'ng mga bagay ang hindi ko alam?" Direkta niyang tiningnan ang binata. "Kung ganoon, gusto kong malaman ang mga bagay na hindi ko alam. Kaya nga bumalik ako rito para malaman ko ang misteryong bumabalot sa Pulan, para malaman ko kung ano'ng totoong nangyari sa Papa ko," pagtatapat niya na bakas doon ang determinasyon at ang kagustuhan niyang malaman ang lahat. Seryoso siyang tiningnan ni Luke na parang hindi ito nagulat sa mga sinabi niya, bagkus simpatiya ang namutawi roon. "Meteor, hindi mo alam kung ano'ng pwede mangyari sa 'yo. You're not just an ordinary woman." Bumuntong-hininga ito. "Pinapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo. Hindi mo kilala ang mga taong binabangga mo," giit nito na nandoon pa rin ang paalala. "Hindi ako bumalik ng Pulan para maduwag, Luke matagal kong pinag-isipan ang pagbabalik ko at inihanda ko ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang katotohanan, alam kong hindi aksidente ang nangyari noon," matigas na wika niya. Kapagkuwa'y, lumamlam ang mga mata niya. "Luke, please, baka may alam ka sa nangyayari sa Pulan na pwedeng makatulong sa akin, sa paghahanap ko sa katotohanan," malumanay na pagmamakaawa niya. Tinitigan siya ni Luke. "Hindi ko gustong mapahamak ka, Meteor at kung may alam man ako, I'll protect it to protect you." "Luke, please! Hindi lang ito para sa Papa ko, para rin sa buong Pulan, para sa katotohanang dapat nilang malaman, para ibukas ang kanilang mga mata sa tunay na nangyayari sa lugar na ito." "It's better for them to be blind than to see the truth, that might put them in danger," makahulugang anito. Natigilan siya. "A-ano'ng ibig mong sabihin, Luke?" "Dahil ang misteryong nakabalot sa Pulan ay kontrolado ng mga taong may malakas na kapangyirihan sa lahat ng bagay." Mababakas doon ang lungkot. "Ibig mo bang sabihin, ang mga taong nanunungkulan sa bayan ang kumukontrol sa misteryo ng Pulan?" "Hindi sila bastang tao, Meteor kaya nilang gawin ang gusto nila lalo na't nakatapang ang iyong mga paa sa Pulan." Hindi siya nakaimik dahil palaisipan pa rin sa kaniya ang lahat ng mga sinasabi ni Luke. Hindi niya makuha ang ugat niyon, ang koneksyon niyon sa pagkatao niya. Naguguluhan siya. Maari bang may kinalaman ng mga taong nasa taas sa pagpatay sa kaniyang mga ama? "Kung walang lalaban, kung walang sasalungat sa kanila, malulubog ang Pulan sa ganitong sitwasyon. Kailangan nating ilaban ang tama, Luke, ang karatapan ng bawat tao, ng kalikasan," bakas ang galit na sambit niya. Suminghap si Luke. "Sa tingin mo walang sumubok? Maraming sumubok, Meteor pero lahat sila'y walang nagawa at nadamay ang maraming inosente. Hindi ito tungkol lang sa paglaban ng karapatan, hindi rin ito tungkol sa pagiging duwag, mas pinili ng mga taong manahimik para sa pamilya at sarili nilang mga buhay dahil alam nila kung saan hahantong ang tapang nila kung lalaban sila," mahabang litanya nito. "Ano'ng ibig mong sabibin, na habang buhay silang magtitiis sa ganitong sitwasyon hanggang sa masira ng tuluyan ang Pulan? Bakit hindi tayo magsumbong sa mas mataas? Sa mas makakatulong sa atin?" "Meteor, hindi mo sila kilala at kahit ang president ng Pilipinas o ang kapulisan, hindi sila kayang pigilan. They're not like anyone, iba sila sa inaakala ng marami. Powerful. Fearless. Heatless." Napataas na rin ang boses ni Luke dahil sa pagpililit niya. Kapagkuwa'y, lumamlam ang mga mata nito. "Please, makinig ka sa akin. Hindi ko gustong mapahamak ka. Hindi ito ang oras ng paglaban. Natatakot ako, Meteor dahil hindi ko alam kung hanggang saan kita kayang protektahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD