Kabanata VIII: Carlo

1359 Words
HINDI mapakali si Meteor habang nasa loob siya ng bahay. Nasa bibig niya ang kaniyang hinalalaki habang nakapatong iton sa nakataas niyang braso at nakadikit sa dibdib niya. Iniisip pa rin niya ang mga sinabi ni Luke sa kaniya na hindi pa rin niya maunawaan at gusto niyang malaman ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa Pulan dahil baka iyon ang sagot sa lahat. Sa kabila nang nangyari nang nagdaang gabi, wala siyang ibang choice kung 'di bumalik sa inuupahan niya. Marahil mga aso lang talaga ang nakita niya at malalaki lang ang mga ito. Maraming siyang tanong na hindi sinagot ni Luke. "Meteor." Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Elma mula sa labas ng bahay hanggang sa makapasok ito. Nagmamadali ito na parang may mahalagang sasabihin. "Bakit, Elma? May nangyari ba?" usisa niya. Kinabahan na rin siya dahil sa reaction nito na halatang nagmadali sa pagpunta sa kaniya. Habol ang hininga nito kaya hindi agad nakaimik. Para itong mapuputulan na ng hininga. Napaupo ito sa sofa at pumikit saglit. "A-ano kasi...kasi...may naghahanap sa 'yong lalaki sa labasan, mukha siyang mayaman, gwapo rin siya." Sa wakas ay nasabi nito ang gustong sabihin. "Huh? May naghahanap sa akin, sino naman?" nagtatakang tanong niya. Sino namang maghahanap sa kaniya. "H-hindi ko siya kilala, ngayon ko nga lang siya nakita, eh," sagot nito. "Pero parang taga-Maynila siya dahil may dala siyang bag at maputi rin siya," hinuha nito. Natigilan siya at bahagyang natulala. Hindi kaya si Carlo ang sinasabi ni Elma na naghahanap sa kaniya? "Nasaan na siya?" tarantang tanong niya. "Narinig ko lang na nagtanong siya pero hindi ko tinuro kung nasaan ka." Nagtaka si Elma sa naging reaction niya. "Bakit, kilala ko ba ang naghahanap sa iyo?" "Nandito na tayo, Sir, dito nakatira si Meteor." Napalingon siya sa labas nang marinig ang boses na iyon ng babae. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tinakbo ang pinto ng bahay. Hindj nga siya nagkamali nang tumambad sa kaniya si Carlo na nakasuot ng shade habang sa likod nito ay ang backpack nito. Luminga-linga pa ito sa paligid. "Carlo?" gulat na banggit niya sa pangalan nito na umagaw sa atensyon niya. Hindi niya naiwasang mapangiti. Mabilis niya itong tinakbo at niyakap. Kahit palagi sila nitong nag-aaway, na-miss pa rin niya ang nobyo na hindi na niya nakakasama. "I'm happy you're here," nakangiting aniya. Hindi niya naramdaman ang pagganti nito ng yakap. Humiwalay siya sa pagkakayap rito at masaya itong pinagmasdan. Mabilis siyang gumalaw at hinalikan ito sa mga labi na hindi na nito ikinagulat. "I'm not here to support your action, Meteor, nandito ako para ibalik ka sa Manila. Inutusan din ako ni Tita na iuwi ka," direktang sambit nito. Naglaho ang mga ngiti sa kaniyang mga labi at napalitan ng pagkadismaya. "Hindi ako uuwi ng Manila, Carlo. Kung nandito ka para kumbinsihin akong sumama sa 'yo, mas mabuting umuwi ka na lang," inis na sambit niya, saka tumalikod at naglakad papasok ulit ng bahay. "Meteor, wait!" Hinabol siya nito hanggang sa loob ng bahay habang tahimik at naiilang na pinagmamasdan sila ni Elma. Hinawakan siya nito sa braso. "Hindi pa ba sapat ang araw na hinayaan ka naming manatili rito? Hanggang kailan mo ba huhukayin ang nakaraan mo? We're now here in the present at kung nandito ang Papa mo, he wants you to live happily and peacefully," litanya nito. Marahas niyang binawi ang mga braso niya. "And do you think mas magiging masaya at tahimik ang buhay ko kung hindi ako kikilos para alamin ang katotohanan? Hindi iyon ganoon, Carlo hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoo." Suminghap siya. "Hindi ko naman hinihinging samahan mo ako at suportahan, kaya kung wala ka nang kailangan, bumalik ka na ng Maynila," matigas niyang sabi. "Meteor, parang kailangan ko na munang umalis, babalik na lang ako," nahihiyang sabat ni Elma. Alangan pa itong ngumiti at nagba-bye sa kaniya. Tumalikod ito at lumabas ng bahay. Nasapo ni Carlo ang noo na bakas na ang inis doon dahil sa katigasan ng ulo niya pero kapagkuwa'y nangusap at naging mahinahon ang hitsura nito. "Meteor, please sumama ka na sa akin sa Manila, iwan mo na ang lugar na ito at ang katotohanang sinasabi mo," giit nito. Marahas siyang umiling. "Hindu ako uuwi, Carlo. Kung gusto mong mag-stay rito, mag-stay ka pero kung nagsasawa ka na sa akin, pwede mo akong iwan at bumalik ka na sa Manila," madiing pahayag niya. Naglakad siya papasok ng kwarto ng bahay. — SUMAPIT ang gabi at pinili ni Carlo na manatili muna sa bahay ni Meteor. Wala silang imik habang magkaharap sa hapag at pinagsasaluhan ang niluto niyang pagkain para sa gabihan. Halos hindi rin nila magalaw ang pagkain at nakikiramdam lang sa isa't isa. "I'm sorry, Meteor kung napagtaasan kita ng boses. I really miss you at gusto kong mamuhay tayo ng tahimik sa Manila," simula ni Carlo. Nanatili siyang nakayuko. Napapagod na rin kasi siyang makipagtalo sa nobyo dahil kahit ano namang sabihin niya, hindi ito makikinig. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Hindi na rin umimik si Carlo, buntong-hininga lang ang narinig niya mula rito. Mayamaya pa'y habang nagkakain sila, narinig nila ang katok mula sa pinto ng bahay. Nagkatinginan silang dalawa ni Carlo pero agad siyang umiwas, saka tumayo para pumunta sa pinto. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon. "Luke? A-ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya ng tumambad sa kaniya ang binata. "I'm here to check on you," kaswal na anito na hindi man lang ngumiti. "Sino 'yan—" Hindi naituloy ni Carlo ang sasabihin nang makita si Luke. Kumunot din ang noo nito nang makita si Carlo. Nagkatitigan ang dalawa na bakas ang pagkagulat sa mga reaction nila. "S-sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito sa bahay ni Meteor?" seryosong tanong ni Luke na para bang may pagdududa ito kay Carlo. "Ano'ng ibig sabihin nito? Isa kang—Ano'ng kailangan mo kay Meteor?" balik naman ni Carlo. Nagtatakang binalingan niya ang dalawa. Ano'ng mayroon, bakit tila hindi sila makapaniwala na nagkita sila? May kakaiba sa kanilang mga mata. "Ahm! Luke, he's Carlo, boyfriend ko from Manila," pakilala niya para ilayo sila sa kanilang matinding titigan. "Boyfriend mo ang lalaking ito?" Dahil sa gulat napataas ang boses ni Luke. "Meteor, hindi mo kilala ang lalaking ito. Paanong...paanong nakilala mo si Carlo, isa siyang—I mean, hindi ka dapat nagtiwal—" "Luke, wait, ano'ng sinasabi mo? Matagal ko ng kilala si Carlo at at alam kong mabuti siyang tao," nagtatakang sagot niya. Hindi niya makuha ang dahilan nito sa mga sinabi. "Ikaw ang hindi dapat pagkatiwalaan ni Meteor." Mas naging matapang ang tingin ni Carlo. "Ano'ng balak mo sa girlfriend ko?" Napangisi si Carlo. "Wala akong balak kay Meteor, Carlo I'm just being friend to her," paliwanag nito. "Friend o may masama kang balak sa kaniya?" Hinawakan ni Carlo ang braso niya at marahan siyang hinila papunta sa likod nito. "Kung may binabalak kang masama sa girlfriend ko, ako ang makakalaban mo," banta nito. "Wala akong binabalak sa kaniya, Carlo, pero ikaw, hindi ko alam kung ano'ng balak mo sa kaniya," balik nito. "Stop! Please, huwag kayong mag-away sa harap ko, ok?" Binalingan niya ang nobyo. "Carlo, hindi masamang tao si Luke, ok? Hindi siya gagawa ng masama sa akin at kung may balak man siya, noon pa sana niya ginawa," pagtataggol niya rito. Binalingan naman niya si Luke. "Hindi ko alam kung bakita parang kilala mo si Luke, pero sa totoo lang, hindi siya masamang tao kagaya ng iniisip mo. Matagal ko na siyang kilala at alam kong wala siyang ibang gagawin sa akin." Natigilan ang dalawang binata dahil sa sinabi niya. Naguguluhan man siya sa kung paano mag-usap ang dalawa na para bang magkakilala na sila, hindi na lang niya iyon pinansin. "Siyanga pala, bakit ka nandito, Luke?" pagbabago niya sa usapan. "I just want to make sure that you're safe, Meteor," kaswal na anito. "Pero dahil mukhang nandiyan naman si Carlo para bantayan ka, aalis na rin ako," paaalam nito. Tumalikod na ito at naglakad palayo. Hindi na lang din niya pinigilan dahil baka gulo lang ang kalabasan kung pagsasamahin niya ang dalawang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD