"HUH? Sasamahan mo na ako rito sa Pulan sa paghahanap ko sa katotohanan?" nakangiti tanong niya kay Carlo nang sabibin nitong hindi na muna ito babalik ng Manila para samahan siya sa lugar na ito. Negosyo lang naman daw ang naiwan nito dahil wala na rin namang mga pamilya si Carlo dahil lumaki ito sa isang orphanage.
Seryosong tumango ang nobya at dahil sa galak niya, mabilis niya itong niyakap dahil sa wakas naunawaan na siya nito sa gusto niyang mangyari.
Naghiwalay sila sa isa't isa.
"I'm sorry, Meteor kung hinayaan kitang mag-isa sa Pulan. Natatakot akong tumapak sa lupa ng lugar na ito kaya hindi kita sinamahan no'n pero ngayong nandito na ako, handa na ako sa lahat," tila may kaguluhang sambit nito.
Nagtaka siya dahil para bang nakapaunta na ito sa lugar na iyon. "Handa saan?" usisa niya.
Umiwas ito ng tingin. "Handa na akong samahan ka at tulungan sa pinaglalaban mo." Para bang may bagay itong tinutukoy tungkol sa Pulan. "I'll protect you, Meteor."
Hindi na lang niya pinansin ang nakapagtatakang sinabi ni Carlo. Ngumiti siya at muling niyakap ang nobyo dahil masaya siyang nandito ito at makakasama niya habang patuloy niyang hinahanap ang katotohanan.
—
"WOW! Hindi mo naman sinabing may gwapo ka pa lang boyfriend," ani Elma nang ipakilala niya rito si Carlo bilang nobyo niya. Kasalukuyan silang nasa bayan dahil nagkatagpo sila roon. Namimili kasi sila ng mga pagkain. Bumaling pa ito kay Carlo at sinuri ito, bakas ng kilig sa mga mata.
"Hi, Elma," kaswal na bati naman ni Carlo habang nakangiti ito. Kumaway pa ito ng bahagya.
"Hi, Carlo. Buti't napagtiyagaan mo ang weirdo kong kaibigan," natatawang pang-aalaska nito.
Bahagyang natawa ang binata. "Maybe because I love her kaya kahit sino at ano pa man siya, I still love her."
Kinikilig na binalingan siya ni Elma. Sinundan pa ni nito ang baywang niya kaya napaigtad siya habang natatawa. "Hindi ako weirdo, 'no. Dapat nga ako ang tinanong mo kung bakit ko napagtiyagaan 'tong si Carlo, eh," balik niya. Binalingan niya ang nobyo na napakamot sa noo.
"Wow! Talaga ba, Meteor?" pang-aasar ng kaibigan niya sa kaniya. "Pero kung sa bagay, you look different now. Ibang-iba ka kaysa noon."
"Bakit kasi hanggang ngayon single ka pa rin? Ayan tuloy, nabi-bitter ka," balik niya rito. Natawa pa siya. Sumimangot naman si Elma, saka kumibit-balikat.
"Naku, Meteor, hindi pa ako handa para sa ganiyang mga bagay. Alam kong ang love, darating 'yan sa tamang panahon at alam kong sa tamang tao," seryosong sagot nito. Mas matanda kasi ito sa kaniya ng isang taon pero mukha mauunahan pa niya ang kaibigan.
Sasagot pa sana siya nang makarinig sila ng hiyawan ng mga tao at maiingay na tunog ng sasakyan sa highway ng palengke. Kapwa sila napalingon. Nakita niya ang maraming motorsiko na nakasunod sa puting kotse at sa likod nito'y may dalawa pang kotse. Nagtaka sila at nagkatinginan.
"Siya ang Mayor ng bayan, Meteor, si Rogue Robert. Nandito siya para libutin ang Pulan na ginagawa niya every month para tingnan daw ang sitwasyon ng mga mamayan doon. Halos lahat ng tagarito, tinitingala ang Mayor," paliwanag ni Elma ba bakas doon ang tila inis at galit sa Mayor.
Naalala niya ang mga nalaman tungkol dito. Ayon sa mga information na nakalagay sa profile ng Mayor, marami itong kawang-gawa sa mga organization at mga charity, tumutulong din daw ito mahihirap.
Bumukas ang pinto ng puting sasakyan ng saktong nasa tapat na nila iyon. Hindi niya maintindihan pero kumabog ng mabilis ang t***k ng puso niya, lalo na nang magtama ang mga mata nila ni Rogue, hindi niya magawang umiwas doon. Ngumiti ito na parang sa likod niyo'y may tinatagong motibo. Habol ang tingin niya sa kumakaway na Mayor.
Napakurap siya nang malayo na ang sasakyan. Para siyang natulala ng hindi niya alam at muling bumalik sa huwisyo. Naramdaman niya ang mabigat na pakiramdam mula sa lalaking iyon. Ano'ng mayroon dito at bakit ganoon na lang ang naging reaction niya?
"Are you ok, Meteor?" agad na usisa ni Elma.
Lumunok siya. Tiningnan pa niya ang kotse ng Mayor, saka sumagot. "Ok lang ako," kaswal na sagot niya na hindi ito nililingon. Naramdaman niya ang mga kamay ni Carlo na umalalay sa kaniya dahil nararamdaman niya ang panghihina ng mga tuhod niya.
Dahil hindi na maganda ang pakiramdam niya, nag-aya na siyang umuwi dahil kailangan niya ng pahinga.
Hindi pa rin maalis ang hitsura ni Rogue sa isip niya, ang kakaiba nitong mga tingin na parang kilalang-kilala siya nito.
—
"SA tingin mo may kinalaman ang Mayor Rogue na iyon sa pagpuputol ng mga kahoy sa kagubatan ng Pulan?" tanong niya kay Carlo at Elma. Nang makita kasi niya ang lalaking iyon sa bayan, may naramdaman siyang kakaiba mula rito.
Kasalukuyan silang nasa bahay niya at saktong pumunta roon si Elma. Magkatabi sila ni Carlo habang nasa katapatan na sofa naman nakaupo ang kaibigan niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" usisa ni Elma.
"Maaring tama ka, Meteor dahil hindi makakapag-operate ang mga illegal loggers na iyon kung walang pahintulot ng pamahalaan," opinyon naman ni Carlo. "Pero ano'ng magagawa natin kung totoo nga iyon? He's more powerful more than anyone of us."
"Pero hindi pwedeng wala tayong gawin," wika niya na mababanaag sa mga mata ang kagustuhang mapigilan ang mga illegal na ginagawa ng mga taong iyon sa Pulan.
"Meteor, hindi mo kilala ang binabangga mo, he's more powerful at lahat ng gusto nilang gawin, magagawa nila. Mapapahamak ka lang kung makikialam ka pa sa bagay na iyon," malumanay pero bakas ang pagtutol na sagot ng nobyo niya.
"Mas mapapahamak ang marami, ang Pulan kung wala tayong gagawin," balik niya.
"Tama si Carlo, Meteor, Mayor ang kinakalaban natin at hindi sila normal na tao kagaya natin. Kahit ano'ng laban, sumbong ang gawin natin, walang mangyayari dahil kayang takpan ng pera ang lahat," malungkot na pahayag ni Elma.
Bumuntong-hininga siya. "Pero kung magkakaisa tayo—"
"Meteor, please! Don't risk your life. Marami kang hindi alam sa Pulan na pwede mong ikapahamak," paalala nito na para bang may alam sa nangyayari sa barangay, samantalang ang mga kaganapan roon ay hindi nakakalabas at nanatiling nakatago sa lugar na ito.
Hindi na lang siya umimik dahil kahit ano namang sabihin niya, hindi niya makukumbinsi ang dalawang ito para suportahan siya sa gusto niyang gawin. Kikilos na lang siya ng mag-isa.
—
KINAUMAGAHAN, habang nag-aagaw ang dilim at liwanag at mahimbing pang natutulog sa sofa si Carlo, palihim na lumabas ng bahay si Meteor para pumunta sa ilog kung saan malapit doon ang lugar na sinisira ng mga illegal loggers. Gusto niyang makita kung sino'ng mga tao ang naroon dahil baka may kilala siyang isa man sa mga iyon.
Kinakabahan at natatakot man siya, kinalaban niya iyon dahil kung wala siyang gagawin, mananatiling misteryo ang mga bagay na gusto niyang malaman.
Nagmadali siya sa paglalakad bago pa magising si Carlo at hanapin siya. Kung patuloy siyang pipigilan ng nobyo sa gusto niyang gawin, mas mabuting gawin niya iyon ng mag-isa.
Binilasan pa niya ang lakas habang pababa sa kalsadang papunta sa ilog. Wala pa siyang makitang mga tao sa paligid dahil malamang na tulog pa ang mga ito. Hanggang sa naririnig na niya ang lagaslas ng ilog at lamang na ang liwanag sa paligid.
Narating niya ang ilog at mula roon, tanaw ang halos makalbong bundok na patuloy sinisira ng mga taong walang pakialam sa kalikasan habang tumutulong ito para mabuhay sila. Wala siyang ibang nararamdaman kung 'di galit sa mga ito dahil alam niya at saksi siya kung paano pinaglaban ng ama niya ang kalikasan.
"Kaya mo 'to, Meteor," pagpapalakas niya sa sarili dahil binabalot siya ng kaba at takot sa kapahamakang nag-aabang sa kaniya sa gagawin niyang iyon.
Ilang hakbang pa ang ginawa niya hanggang sa makapasok siya sa kabundukan. Napapaligiran siya ng matatayog at berdeng puno, sariwang hangin na nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na may yumakap sa kaniya. Mas lalo siyang nalungkot dahil hindi iyon na-apppreciate ng mga taong sumisira niyon.
Nagpatuloy siya sa paglalakad dahil medyo may kalayuan din ang site na iyon kung saan isinasagawa ang illegal logging. Tuluyan nang kumalat ang liwanag sa paligid nang makarating siya sa lugar kung saan tanaw niya ang mga taong naroon at ang mga gamit nila sa pagtotroso.
Maiingat na ang bawat hakhang niya habang lumapit pa sa lugar sa pamamagitan ng pagtatago sa malalaking puno ng kahoy. Hindi siya pwedeng gumawa ng kahit ano mang ingay.
Mula sa kinaroroonan niya, tanaw niya ang mga lalaking naksuot ng orange na site clothes, naka-helmet at ang ila'y abala sa paggamit ng iba't ibang equipment pangputol ng mga kahoy. Rinig na rinig niya ang bawat pagtama ng talim sa mga katawan ng punong iyon na dumadagdag sa galit niya.
"Mga hayop kayo! Hindi niyo alam ang pwedeng kahantungan ng ginagawa ninyo," gigil na sambit niya. Gusto niyang sumigaw at sabihin sa mga naroon ang kahalagahan ng kahit isang puno sa kagubatan.
Mayamaya pa'y natigilan si Meteor nang marinig siya ng tila huni ng isang ahas sa gawing gilid niya. Dahan-dahan at puno ng kabang nilingon niya iyon at napaatras siya nang makita ang malaking cobra na nakatingin sa kaniya na parang ano mang sandali'y susugirin siya.
Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong pero hindi pwede kaya sinapo na lang niya ang bibig at dahan-dahang umatras. Patuloy na nakatingin ang cobra at lumapad pa ang ulo nito.
"HAAA—" Natigilan siya sa pagsigaw nang maramdaman niya ang kamay na humila sa kaniya at tumakip sa kaniyang bibig. Mas kinabahan siya dahil baka ito ay isa sa mga illegal loggers sa gubat.