Kabanata X: Strength

1555 Words
"SHH! Don't move, Meteor, calm yourself." Para siyang nabunutan ng tinik nang mapagtantong si Luke ang lalaking humila sa kaniya patungo sa likod ng malaking puno. Nasa likod niya ito kaya ramdam niya ang katawan nito at amoy ang mabangong perfume nito na nakakabisa na niya. Dahan-dahang inalis nito ang kamay na nakatakip sa dibdib niya. "Luke?" gulat na banggit niya sa pangalan nito nang dumistansiya siya rito. "What are you doing here? Nababaliw ka na ba?" kunot-noong tanong niya na bakas doon ang concern. "Hindi ka safe sa lugar na ito. Paano kung makita ka nila? Stop doing things like this again, Meteor." Napalingon sila nang marinig ang ahas na gumapang na palayo sa kanila. Napapikit siya sa saglit dahil nabawasan ang kaba niya dahil umalis na ito at dahil nandito si Luke. "Gusto kong malaman kung sino'ng mga tao ang gumagawa ng ganito, Luke at baka makakita ako ng clue, ng mga taong involved dito para gawing evidence kapag kailangan kong ilatag sa mas mataas ang nangyayari sa Pulan," katuwiran niya. Napakamot sa noo si Luke na parang naiinis na sa kaniya. "Hindi iyon ganoon kadali, Meteor. Hindi ito usapin ng mga normal na tao, it's something more than that at walang magagawa ang mga tao sa taas tungkol dito. Usapin 'to ng power at authority." Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi nito. "Ano'ng ibig mong sabihing hindi usapin ng mga normal na tao?" Pinakatitigan niya ito. "Ano bang alam mo sa totoong nangyayari sa Pulan?" Sinuri niya ang mukha nito pero wala siyang mabasa, umiwas pa ito ng tingin sa kaniya. "Meteor, hindi ko gustong mapahamak ka. Mas mabuting wala kang alam." Tumalikod ito sa kaniya. Hinawakan niya ang braso nito at hinila para humarap sa kaniya. "Ano'ng dapat kong malaman, Luke? Please, sabihin mo sa akin. Baka...baka iyon ang hinahanap ko, ang magtuturo sa akin sa totoong nangyari sa Papa ko," pilit niya. Nagbabadyang lumabas ang luha sa mga mata niya dahil sa kagustuhan niyang malaman at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama niya. "Please, nagmamakaawa ako sa 'yo. Alam kong may alam ka at ikaw lang ang alam kong makatutulong sa akin," dagdag pa niya. "Meteor—" Hindi nito naituloy ang sasabihin nang tumingin ito sa likod niya. Gulat ang bumakas sa mukha nito, saka mabilis siyang hinawakan sa kamay at marahang hinila papunta rito. Nang lumingon siya, saka niya nakitang may mga lalaking nandoon na may hawak na mga baril. Gumapang ang kaba at takot sa kanila. Malakas ang kutob niyang sila ang nagbabantay sa gubat. "Ano'ng ginagawa ninyo rito? This place is a private property," sabi ng lalaking nasa unahan ng mga iyon. Mas lumapit siya kay Luke. Napahawak siya sa braso nito dahil sa takot sa pwede nilang gawin sa kanila. Lumunok siya. Kailangan niyang hindi magpakita ng tapang sa mga iyon. "Ano'ng property? Sa pagkakaalam ko, ang kagubatan ay hindi pag-aari ng kahit sino at walang may karapatang sirain ito," matapang na balik niya. Ngumisi ang lalaking iyon. "Miss, mukhang hindi mo ata alam na ang ginagawa namin ay hindi illegal dahil may papel kami." "Hindi illegal? As far as I know, illegal ang pagsira sa kagubatan, protektado ito ng gobyerno," giit niya. "Meteor, stop," mahinang saway ni Luke sa kaniya. "Hindi tayo pwedeng walang gawin, Luke, sinisira nila ang kagubatan. Paano na ang mga hayop at ibang uri ng mga ito na naninirahan sa gubat na ito? Lahat ng may buhay, hayop man ito o halaman ay mahalaga sa buhay ng bawat isa," pahayag niya. "Nagkamali ka, Miss kung nandito ka para pigilan kami. Kung hindi kayo aalis sa lugar na ito, wala kaming magagawa kung 'di patayin kayo," banta nito. Nahintatakot siya sa narinig lalo na nang iangat ng mga ito ang kanilang mga baril. Napahigpit ang pagkakapit niya sa binata. "H-hindi kami aalis dito, kayo ang dapat umalis sa lugar na ito dahil sinisira ninyo ang kalikasan," matapang pa rin niyang balik sa kabila ng takot niya. Suminghap at ngumisi ang lalaki. "Aba't, matigas ka talaga, huh!" Agad na napaatras siya nang hawakan nito ang gatilyo ng baril. "Don't you dare—" Hindi pa man natatapos ni Luke ang sasabihin nang kalabit nito ang gatilyo. Nahintatakutan siya at hindi alam ang gagawin. Nanlaki ang mga mata niya at inantay ang balang tatama sa kaniya pero nagtaka siya parang lumutang siya sa ere at walang tumamang bala sa kaniya. Labis na nagtaka siya nang makitang wala na sila sa kaninang kinatatayuan at malayo na sa mga lalaking iyon. Paano nangyari iyon? Iginiya siya ni Luke sa likod ng malaking puno. "Just stay here at huwag kang lalabas," utos nito. Tumango lang siya. Hindi niya magawang makapagsalita dahil sa gulat at pagtataka. Ano'ng klaseng kakayahan mayroon ang binata? Mula sa kinaroroonan nila, lumabas si Luke. Hindi siya nakatiis kaya tiningnan niya ito habang nakatago. Napaawang ang bibig niya sa pagkagulat sa nasasaksihan. Ano'ng klaseng tao si Luke? Bakit ang bilis niyang gumalaw na halos hindi masundan ng kaniyang mga mata. Naramdaman niya ang pagtaas ng balahibo niya dulot ng takot sa nasaksihan niya. Hindi alam ni Meteor pero bigla na lang sumakit ang ulo niya. Napaatras siya at napahawak sa malaking puno kasunod ng pagkahilo niya. Napangiwi siya. Ang daming pumapasok sa isip niya. Nakikita rin niya ang tila mga taong lobong naglalaban sa kagubatan kung saan nakatago siya. Ano'ng nangyayari sa kaniya? Bakit nakikita niya ang mga iyon? Sumandal siya sa malaking punong iyon. Mariin siyang pumikit habang sapo ang ulo. Kapagkuwa'y bigla na lang siyang nakarinig ng mga putok ng baril. Tinakpan niya ang tainga niya. "L-Luke?" banggit niya sa pangalan nito nang maalala niyang kasama nga pala niya ito. Paano kung napahamak na ang binata? Binalot siya ng kaba at takot kaya kahit masakit ang ulo niya, tumayo siya at sumilip roon. Nahintatakutan siya sa nasaksihan. Napaawang ang bibig niya kasunod ng paglaki ng kaniyang mga mata. Sino ka ba talaga, Luke? Napaatras siya. Paanong kaya tumalon ni Luke ng ganoon kataas at magpalipat-lipat sa mga puno habang hinahabol siya ng mga baril? Napakabilis nito na kahit siya'y hindi ito maabutan. Ano'ng klaseng nilalang ang lalaking iyon na akala niya'y makakatulong sa kaniya. Ilang saglit pa at nakita niyang tinamaan ng baril si Luke daan para malaglag ito mula sa puntong tinulanan nito. "Luke!" sigaw niya. Bumagsak ang binata pero nakaluhod ito at nakatuon sa lupa ang palad. Naagaw naman niya ang atensyon ng mga lalaking may hawak ng baril. Nag-aalalang bumaling din siya ni Luke. Mabilis itong kumilos nang makitang itinutok sa kaniya ng lalaki ang baril. "Meteor!" sigaw nito. Sa isang iglap, naramdaman niya ang katawan nitong pumulupot sa baywang niya. Kapwa sila natumba at ngunit sapo siya ng binata kaya wala siyang naramdaman sa akin. Nagtama ang kanilang mga paningin at parang hini-hypnotize siya ng kulay asul nitong mga mata. Napakaperpekto pala ng mukha nito at masasabi niyang gwapo ang binata. Napapitlag na lang siya nang bigla siyang itinayo nito at mabilis ang naging pangyayari. Napansin na lang niyang nasa likod na sila ng malaking puno. "Meteor, please stay here," nag-alalang bilin nito habang hawak siya sa balikat. "Hindi nila hahayaang makalabas tayo ng buhay sa gubat na ito kaya please, don't do anything that will put you in danger." Hindi agad siya nakasagot dahil ukupado ang isip niya sa mga nasaksihan niya. Totoo ba ang lahat o nananaginip lang siya? Paanong naging mabilis ang isang tao at kaya tumalon ng matataas? "S-sino ka ba talaga, Luke?" Kumurap siya. Dahil sa takot na nararamdaman niya, umaatras siya at inalis ang kamay nito na nasa balikat niya. "B-bakit...a-ang bilis mo a-at bakit kaya mong tumalon ng mataas?" sunod-sunod na tanong niya na bakas ang kaba at takot doon. Bumuntong-hininga si Luke. "This is not the right time to explain, Meteor. I'll explain everything kapag nakalabas tayo sa gubat na ito but for now, please take care yourself. Ako ng bahala sa kanila." Malamlam ang mga mata nito at tumango. Pumihit na ito para sana iwan siya roon pero muli siyang hinarap ng binata. "I won't let anyone hurt you," seryosong sabi nito at sa isang iglap lang ay nawala na sa harapan niya. Naiwan siyang tulala at hindi alam ang gagawin. Natatakot siya sa pwedeng mangyari sa kanila sa loob ng gubat na iyon. Bakit kasi padalos-dalos siya sa mga hakbang niya? Hindi lang sarili niya ang pinahamak niya, maging si Luke. Sa kabila ng nasaksihan niya, nagtiwala pa rin siya sa binata. Habang nakatago siya sa malaking puno, hindi siya nakatiis kaya sumilip siya. Sunod-sunod na putok ng baril ang naririnig niya. Lalo siyang namangha nang masakasihan ng pakikipaglaban ni Luke sa maraming lalaking iyon. Namamangha pa rin siya sa taglay nitong bilis at lakas. Kita niya kung paano nito ihagis ang mga kalabang madampot at pagbagsak ay wala na silang mga buhay. Natutop ni Meteor ang bibig niya ng maalala ang mga eksenang pumasok sa isip niya at ang mga panaginip niya. Ano'ng kinalaman ni Luke sa mga iyon? Sino ba talaga siya? Naalala rin niya ang nakita niya nang mawalan siya ng malay nang gabing iyon. Mas nanlaki ang mga mata niya. Ayaw niyang maniwala pero paano kung totoo ang mga werewolf? Paano kung isa roon si Luke? Naramdaman niya ang pagkahilo at ang panghihina ng kaniyang katawan hanggang sa mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD