Kabanata XI: Luke

1525 Words
DAHAN-DAHAN iminulat ni Meteor ang kaniyang mga mata. Napangiwi pa siya ng maramdaman niya ang bahagyang pag-ikot ng paningin niya. Sinubukan niyang gumalaw na nagawa naman niya. Napansin niya ang silid na kinaroroonan niya kaya mabilis siyang napaupo sa kama dahil sa gulat niya. Ang silid na iyon. Doon siya dinala ni Luke no'ng mawalan siya ng malay dahil sa malalaking asong nakita niya noon. Anong ginagawa niya sa silid na ito? Pilit niyang inaalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Kumunot ang noo niya, kasunod ang paglaki ng kaniyang mga mata at pag-awang ng kaniyang bibig dahil sa gulat. Si Luke. Natulala siya habang binabalikan niya sa isip niya kung paano nito kinalaban ang mga lalaking iyon gamit ang kakaibang bilis at lakas nito. Ano'ng klaseng tao si Luke? Kahit tanungin niya ang sarili wala naman siyang makukuhang sagot. Kailangan sigurong siya na mismo ang magtanong sa binata dahil baka may kinalaman ito sa pagkamatay ng kaniyang ama at sa nangyayari sa bayan ng Pulan. Mabilis niyang inalis ang kumot sa katawan niya at bumaba ng kama. Hindi na niya ininda ang hilong nararamdaman niya. Kailangan niyang malaman ang totoong pagkatao nito dahil baka mapahamak din siya. Binuksan niya ang silid na kinaroroonan niya. Napahinto siya nang marinig niya ang mga tinig na nag-uusap sa sala. "What? H-hinayaan mong makita ka ni Meteor na ginagamit ang kakayahan mo bilang lobo? Alpha Luke, alam mo kung sino ang babaeng iyon at alam mo ang pwedeng mangyari sa kaniya," ani ng isang babaeng kausap nito. Mas lalo siyang naguluhan sa narinig. Siya ba ang tinutukoy ng babae. Sino siya at ano'ng pwedeng mangyari sa kaniya? "Alam ko kung sino at ano'ng mangyayari sa kaniya kapag nalaman niya ang totoo pero kahit hindi naman niya malaman kung sino ako, mapapahamak pa rin siya sa pananatili niya sa Pulan. I think it's the time for her to know that we exist," sagot naman ng boses ni Luke. Ano'ng totoo ang dapat niyang malaman? Ano'ng kinalaman niya kay Luke at bakit siya tinawag na Alpha ng babaeng iyon? Kung hindi pa siya lalabas, baka mabaliw siya sa kakaisip sa maraming tanong sa isip niya. Naglakas loob siyang humakbang para abalahin ang dalawang nag-uusap. Nakita niya roon ang isang babaeng nakasuot ng itim na leather Jacket at ang ilang mga lalaking nakaitim na nakatayo sa gawing pinto nq animo'y mga guwardiya roon. "A-ano ang mga narinig ako? S-sino ako at ano'ng mangyayari sa akin?" sunod-sunod na tanong niya habang nakatingin kay Luke at sa magandang babae na bakas ang tapang sa mukha nito. Kapwa naman nagulat si Luke at ang babae kaya nagkatinginan silang dalawa na bakas ang pagkabahala sa kanilang mga mukha. "M-Meteor?" banggit ni Luke sa pangalan niya. Hindi ito makapagsalita na halatang nagulat sa mga narinig niya. Saglit itong yumuko. "Meteor, listen maraming bagay ang nakatago sa Pulan na hindi mo pa alam at pwede mong ikapahamak," anito. Nanliit ang mga mata niya. "Wala akong pakialam, Luke gusto kong malaman kung ano'ng ibig mong sabihin sa mga sinabi ninyo. A-ano'ng klaseng nilalang kayo? B-bakit—" "Hindi mo alam ang sinasabi mo. Marami kang hindi alam at hindi mo iyon dapat i-underestimate," sabat ng babae. "Bakit ba kasi bumalik ka pa rito sa Pulan, huh?" tila inis na dagdag nito. "May, stop," saway ni Luke sa babae na May pala ang pangalang nito. "I'm sorry, Meteor pero hindi ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat pero ang tungkol sa pagkatao ko, sa pagkatao namin kailangan mong malaman. Hindi lang kami ang may kakayahang katulad ng nakita mo, marami sa Pulan ang katulad namin ngunit hindi sila lahat kakampi," seryoso sabi ni Luke. Mas lalo lang siyang naguluhan sa sinabi nito. Ito ba ang isa sa sikreto ng Pulan? "A-ano'ng ibig mong sabihin?" Tumingin ito kay May, saka bumaling ulit sa kaniya. "Hindi kami normal na tao kagaya mo, isa kaming werewolf. A human who can turn into wolf. May mga pangil at makakapal na balahibo. May kakayahang higit sa normal na tao at hindi lang kami ang nandito, marami sila at ang ila'y nasa bayan, nanunungkulan at makapangyirihan," pagtatapat nito. Hindi na niya mabilang ang pagkakunot ng noo niya dahil sa mga narinig mula kay Luke. Hindi agad siya nakaimik sa labis na gulat. Kulang na lang ay literal na malaglag ang panga niya. Bigla niyang naalala ang malalaking aso sa bahay niya. "I-ibig mong sabihin...'y-yong mga aso sa—" "Tama ka, Meteor isa sila sa amin pero hindi sila kakampi," putol nito sa sasabihin niya. "P-pero bakit sila nasa bahay ko?" uisa pa niya. Bahagya itong nagulat at nagkatinginan ito at ang babaeng kaharap nila. "Maraming pwedeng dahilan kung bakit sila nandoon at isa doon ang paghahanap mo sa totoong nangyari sa Papa mo," sabat ni May. Gulat na napaharap siya sa babae. Paano nito nalaman ang tingkol sa kaniyang ama? "P-paano—" Ngumisi ang babaeng iyon habang nakatingin sa kaniya. "Bakit nga ba kailangan mo pang alamin ang totoo? Hindi ba dahil sa pagtatanggol ng Papa mo sa kalikasan kaya siya pinatay? Marahil ang mga makapangyirihan tao ang gumawa niyon sa kaniya? Sa paghahanap mo sa katotohanan, sariling buhay mo ang manganganib dahil hindi mo kilala ang kinakalaban mo," sabi nito na may paalaa roon. "Kung gustong mong ipahamak ang sarili mo, huwag mo ng idamay si Alpha Luke." "May, stop! It was my choice to helped her," sagot ni Luke. " "Bakit, Alpha Luke? Dahi ba sa nang—" Natigilan ito at napayuko. "I'm sorey, Alpha Luke," paghingi nito ng paumanhin. Bumuntong-hininga si Luke na parang nakahinga ito ng maluwang. Seryoso siya nitong tiningnan. "Well, dahil sa nangyari siguradong hindi ka na ligtas sa tinitirhan mo, Meteor. Maaring mapahamak ka kung mananatili ka roon," tila ba nag-aalalang sabi nito. Kumunot ang noo niya. "P-pero hindi ako pwedeng umalis doon. Nandoon si Carlo," paliwanag niya. "C-Carlo? Who is he?" nagtatakang tanong nito. "My boyfriend," sagot niya. Nasapo ni Luke ang noo nito na halatang nababahala ang emosyon nito. Hindi niya maintindihan at maunawaan kung bakit tila concern sa kaniya ang binata gayong hindi pa naman sila ganoong ka-close sa isa't isa. "Sige, ganito na lang I let you stay there pero kapag may napansin kang kakaiba kailangan mo akong sabihan, ok?" Seryoso niya itong tiningnan pero agad din siyang tumango dahil wala naman siyang magagawa sakaling may kakaiba nga siyang mapansin. Kung mga lobo man iyon, wala siyang kakayahang labanan ang mga ito na hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip na totoo ang mga werewolf. — "METEOR, saan ka ba nanggaling? Kahapon pa akong nag-aalala sa iyo?" salubong ni Carlo kay Meteor nang mauwi siya sa bahay na inuupahan. Hindi siya makatingin sa nobyo dahil masyadong magulo ang nalaman at nasaksihan niya na hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip ang mga iyon. Paanong totoo pala ang mga taong lobo? Nababasa lang niya iyon at napapanood sa mga fiction movie. Hindi siya umimik. Dire-diretso lang siyang pumasok sa bahay at walang ganang bumagsak sa sofa. Lutang pa rin siya dahil mga nalaman niya sa katauhan ni Luke at sa kakaibang sinasabi nila tungkol sa akin. "Meteor, wala ka man lang bang sasabihin sa akin? Kahit paliwanag man lang sa kung saan ka nagpunta?" muling tanong nito nang sundan siya sa sala. Seryosong binalingan niya ang nobyo. "Carlo, please stop asking me, ok? Pagod ako at maraming nangyari na mas nagpagulo sa isip ko," sagot niya. Bumuntong-hininga si Carlo at nasapo ang noo. "Boyfriend mo ako, Meteor at karapatan kong malaman kumg saan ka nagpunta dahil nag-aalala ako sa iyo," giit nito. Bumuga siya ng hangin. Saglit siyang pumikit. "Mas mabuti pa bumalik ka na lang ng Manila, Carlo kaysa manatili ka sa Pulan. Hindi mo alam kung ano'ng lugar ito," paalala niya rito. Mas mabuting siya na lang ang mapahamak huwag lang si Carlo na wala naman itong kinalaman sa lahat ng nangyayari sa Pulan. Mapakla itong natawa. "Hindi kita maintindihan, Meteor. Ano bang nangyayari sa iyo, huh? Kung mayroon kang ibang lalaki sa Pulan, then tell me para naman hindi na ako umasa." Halos napataas na ang boses nito na marahil naiinis na rin sa kaniya. Nasapo niya ang noo. "Carlo, please ayaw kong makipagtalo sa iyo. Kailangan kong magpahinga," malumanay niyang sabi. Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakas patungo sa silid niya. Mabuti na lang at hindi na siya nito sinundan. Umupo siya sa gilid ng kama. Mas lalo lang gumulo ang utak niya kay Carlo. Kung mananatili ito roon baka mas lalong maging mahirap sa kaniya ang gagawin niyang paghahanap sa katotohanan, lalo't alam niyang hindi normal na mga tao ang kalaban niya. Makapangyirihan sila at malalakas. Naisip na naman niya si Luke at ang pagligtas nito sa kaniya sa gubat nang araw na iyon. Paano nito nalaman nandoon siya? Mas nagtaka siya ng maalalang nandoon din ang binata nang may dalawang lobo sa bahay niya. Akisidente lang ba ang mga tagpong iyon? Pero imposibleng pati sa malayong gubat na iyon ay nagtagpo rin siya? Sino ba ba talaga si Luke at bakit parang alam ito sa pagkatao niya na hindi niya alam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD