Kabanata XII: Mayor

1595 Words
"HINDI ko maintindihan pero hindi panatag ang loob ko sa Mayor Rogue na iyan," bulong ni Meteor sa kaibigan niyang si Elma nang makita nila 'di kalayuan ang Mayor na kumakaway sa sakay ng magara nitong kotse. Nang makita pa lang kasi niya ito sa litrato, hindi na naging maganda ang pakiramdam niya ukol dito na hindi rin niya maunawaan. "Tama ka, Meteor hindi siya ang Mayor na inaakala ng lahat. Ibinoboto lang siya ng tao dahil sa takot sa pwedeng mangyari sa kanila. Kahit lantaran ang ginagawa niyang hindi maganda, walang magawa ang mga tao dahil sa kaya niyang gawin," pagkwekwneto ni Elma sa kaniya na bakas doon ang galit. Tiningnan niya ang palayo kotse. Malakas ang kutob niya at nararamdaman niyang may kinalaman ang Mayor sa nangyayaring illegal logging sa bayan ng Pulan at hinahayaan nitong masira ang kalikasan. "Elma, s-sino nga ang Mayor no'ng nandito pa kami?" seryoso at kinakabahang tanong niya sa kaibigan. Kumunot ang noo ni Elma. "Si Mayor Torre at sa pagkakaalam ko Tito iyon ni Mayor Rogue," sambit nito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman. Kung ganoon, maari kayang may kinalaman ang Torre na iyon sa nangyari sa kaniyang ama noon? "Bakit mo natanong?" Napaisip siya sa maaaring koneksyon nito at ng bagong Mayor. "H-hindi kaya si Mayor Torre ay may kinalaman sa nangyari sa Papa ko?" hula niya. "B-buhay pa ba ang dating Mayor, nandito pa ba siya sa Pulan?" nababahala niyang tanong. Kumunot lang ulit ang noo ni Elma. "Namatay na ang dating Mayor, ilang linggo matapos mamatay ng iyong Papa at umalis kayo ng Pulan." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa narinig. "Isang linggo bago mamatay si Papa? Sigurado ka ba, Elma?" Tumango ang kaibigan. "Oo, sigurado ako kaya nga lumaban si Mayor Rogue dahil sa pagkawala ng Tito nito." Hindi siya nakaimik. Ano'ng kinalaman ng pagkamatay ng kaniyang ama sa pagkamatay ng dating Mayor? May koneksyon ba ang mga pangyayaring iyon? "Teka, p-paano namatay ang dating Mayor?" Nag-isip si Elma. "Sa pagkakaalam ko, base sa mga tao rin dito sa Pulan, pinatay daw ito. Binaril daw," pabulong nitong sagot. Lalo siyamg nagulumihanan at nagtaka sa mga nalaman. Hindi niya alam pero nararamdaman niyang hindi lang iyon coincidence, may koneksyon ang mga iyon na dapat niyang malaman. — "LUKE! LUKE!" tawag ni Meteor habang kumakatok siya sa pinto ng bahay nito na nasa gitna ng maramimg mga puno at bahagayng malayo sa karamihan ng bahay doon. "Bakit ano'ng kailangan mo sa Alpha?" salubong ng matapang ang mukhang babae na si May. Tinaasan pa siya nito ng kilay. "May gusto lang akong itanong sa kaniya, May," kalmado niyang tanong. "Teka nga, bakit ba tinatawag mong Alpha si Luke? Ano'ng ibig sabihin niyon?" usisa niya dahil no'ng isang araw pa niyang iniisip ang salitang Alpha na iyon. Tumalikod ito sa kaniya at hinayaang bukas ang pinto. "Si Luke ang Alpha Blue Eyed Pack, meaning siya ang pinuno ng grupo ng mga lobo. Siya ang higit na makapangyirihan at malakas sa kanino man. Pero dahil sa trahedyang nangyari, nawasak ang Pack at maraming namatay," pagkwekwento nito habang papasok sila sa loob ng sala. "P-pack?" Hindi kasi niya maintindihan ang mga salitang iyon. Bumuntong-hininga ang babae at umirap. "Pack ang tawag sa grupo o community ng mga lobo na may iisang layunin at territory na pinangangalagaan," paliwanag nito. Umupo ito sa sofa. Sumunod naman siya. "By the way, wala si Alpha Luke rito, may pinuntahan siya. Kung gusto mo, maghintay ka na lang," seryoso sabi nito. Alangan siyang ngumiti. Pakiramdam niya'y nakakatakot makipagbiruan kay May dahil sa matapang at seryoso nitong mukhang na konting galit lang ay tatalbog ka na. "S-siyanga pala, a-ano ang sinabi mo tungkol sa trahedayng nangyari sa B-blue E-E-Eyed Pack ba 'yon?" usisa niya kahit kinakabahan siya sa tingin ni May sa kaniya. "Isang taon na ang nakalilipas ng mag-away ang dalawang magkaibigang Pack noon dahil sa isang mortal na lalaki. Nagalit at nag-aklas ang Red Lion Pack laban sa pack na pinagmumunuan ni Alpha Luke at doon maraming namatay at nawasak ang Pack," pagkwekwento nito na akala niya'y susungitan siya nito. Bumuntong-hininga ito at bumakas ang lungkot sa mukha. "Sige, maiwan na kita." Tumayo ito at naglakad patungo sa main door ng bahay. Nang buksan nito iyon, napatigil ito. "S-sino kayo?" tanong nito na bakas doon ang pagkabahala. Lumingon siya sa dalaga. Kumunot ang noo niya. Tumayo siya at naglakad palapit kay May. "Nandito kami para patayin ka," sabi ng lalaking nasa harap ng pinto. Ngumisi pa ito kasama ang dalawa pang lalaki. Agad siyang nakaramdam ng kaba at takot. Isa ba sila sa mga taong lobong tinutukoy nila? Binalingan siya ni May na bakas ang pag-aalala sa mukha. "Meteor, takbo!" sigaw nito. Hindi naman niya alam ang gagawin dahil sa nanginginig ang katawna niya kaya hindi agad siya nakatakbo. Nagulat na lang siya ng biglang sipain nu May ang lalaking lobo, daan para tumilapon ito ng malayo. Lumabas ito at sinara ang pinto. Napalunok siya at mariing napapikit. Hindi niya alam ang gagawin niya. Akmang tatakbo na sana siya patungo sa silid ngunit naalala niya si May. Nag-alala siya dahil tatlong lalaki ang kalaban nito. Hindi niya alam pero gusto niyang tulungan ang dalaga kahit hindi niya alam kung paano. Kapagkuwa'y, agad siyang naghanap ng kahit ano'ng gamot na pwede niyang gamiting armas para panglaban sa mga ito. Nakita niya ang tubong nakasandal sa likod ng pinto. Kahit natatakot at kinakabahan, lakas loob niya iyong dinampot at binuksan ang pinto. Nang buksan niya iyon, natigilan siya ng makita niyang tumalon ng malakas si May at sa ere, bigla itong nagpalit ng anyo at naging isang gray wolf na may asul na mga mata habang ang tatlong lalaki naman ay nagimg bron wolves na may brown ding mga mata. Napaatras siya. Bigla siyang tinakasan ng lakas dahil sa nakita niya. Paano niya lalabanan ang malalaking lobong iyon gayong tubo lang ang hawak niya? Kitang-kita niya kung paano makipaglaban si May. kahit pinagtutulungan ito, nagagawa nitong maitapon ang mga iyon ng malayo. Napapitlag pa siya at nanlaki ang mga mata nang bumagsak malapit sa kaniya ang isang lobo. Nahindik siya sa takot at hindi alam ang gagawin lalo na nang balingan siya nito. Nanginig ang katawan niya. Iyon na ba ang katapusan niya? Gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa. Nakita niyang papalapit sa kaniya ang malaking lobo. Sinubukan niyang umatras at nagawa niya pero ang galit na lobo ay handa ng sumugod. "Haaa!" sigaw niya ng makitang tumalon ito palapit sa kaniya. Mula naman sa kung saan, tumalon si Luke sa gawi niya at bumaksag ito sa harap niya kaya ito ang nadambahan ng lobong iyon. "G-go inside, Meteor," utos nito habang nakikipagbuno sa taong lobo. Napalunok siya at mabilis na naglakas papasok sa loob ng bahay. Sinara niya iyon at takot na takot na sumandal doon. Ramdam niya ang malamig na pawis sa noo at katawan niya. Mabuti na lang at dumating si Luke, kung hindi baka kanina pa siyang nilalapa ng tila gutom na asong iyon. Mula roon, rinig niya ang mga ungal ng nagpapabunong mga taong lobo. Hindi na lang siya sumilip dahil hindi naman siya makakatulong, mas magiging pabigat lang siya. Mula sa labas, dumating na rin ang ilang mga kasama ni Luke. Tumalon si Luke sa aatakeng lobo rito kasabay ng pagpalit nito ng anyo. Naghahalong gray at white ang kulay ng balahibo nito. Di hamak na may kalakihan ito kumpara sa mga kalaban nito. Ang matatapang at asul nitong mata na parang kulay ng tubig sa dagat. Tumilapon si Luke at ang isang wolf, nagpagulong-gulong sila hanggang sa nagpalitan sila ng atake pero dahil sa husay ni Luke, lamag siya sa sunod-sunod na pagtama ng matitilog nitong kuko sa katawan ng kalaban. Walang ano-anong sinakmal nito ang ulo ng kaaway nito hanggang sa maputol iyon. Pinagtulungan naman ni May at ng ilang mga taong lobo ang dalawa pang kalaban na walang nagawa sa lakas nila. Samanata, sapo ni Meteor ang dibdib niya sa kaba sa nangyayari sa labas. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa sofa habang ramdam pa rin niya ang panginginig ng kaniyang katawan. Na-trauma na ata siya sa nakita niya kanina at sa muntik ng mangyari sa kaniya. Kapagkuwa'y napatingin siya sa nagbukas na pinto. Pumasok doon si May, kasunod ang mga naka-topless na lalaki at sa huli'y si Luke, anyong tao na ulit silang lahat. Agaw pansin ang mas malaki nitong katawan at ang muscles nito, ang abs na tila hinulma ng maayos. Hindi niya naiwasang hindi mapatitig doon. "Nababaliw ka na ba, Meteor? Sa tingin mo kaya mo sila gamit lang ang tubo?" sermon agad ni May sa kaniya na bakas ang inis sa mukha. "Hindi ka makakatulong kung magtatapang-tapangan ka dahil walang magagawa ang tapang mo sa kanila," dagdag pa nito. Yumuko siya dahil alam niyang mali siya sa padalos-dalos niyang aksyon. "I-I'm sorry, May," paghingi niya ng paumanhin. "N-nakalimutan ko kasi na ibang nilalang nga pala kayo at hindi normal na mga tao," nahihiya at malungkot niya saad. Pabagsak na umupo si May sa sofa. Umirap ito. "May, tama na." Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ni Luke. Nakasuot na ito ng t-s**t pero bakas pa rin ang malaki nitong katawan. Nahihiya man siya sa binata dahil sa kapangahasan niya, nagawa pa rin niya itong tingnan. Gwapo nga pa lang talaga si Luke. "I-I'm sorry, Luke at salamat sa pagligtas mo sa akin," nahihiyang aniya at yumuko ulit. Umupo ito sa katapat niyang upuan. "Kahit ano'ng mangyari, puprotektahan kita, Meteor."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD