"BAKIT nga ba hindi na lang tayo bumalik sa Manila, Meteor? Wala ka namang mapapala rito, eh," simula ng boyfriend ni Meteor na si Carlo na parang bawat araw na lang na dumaan, sinasabi nito iyon sa kaniya.
Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa lugar kung saan nandoon ang Mayor Rogue na iyon. Malakas kasi ang kutob niyang may kinalaman ito sa nangyayari sa Pulan at kailangan niyang malaman ang totoo. Nabalitan niyang nasa Pulan ang Mayor para maglibot doon at kumustahin ang mga naninirahan doon.
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang nobyo. Bakas ang inis sa mukha niya. "Bakit sinabi ko bang mag-stay ka rito sa Pulan para samahan ako? If you don't want to help, it's fine. Bumalik ka na lang sa Manila," galit na balik niya rito at marahas na tumalikod, saka nagalakad palayo rito.
"Meteor," narinig niyang tawag nito pero hindi niya pinansin ang nobyo. Naiinis at nagagalit pa rin siya rito dahil akala niyang suportado siya nito. Napahinto lang siya nang mahawakan nito ang braso niya. "Meteor, hindi sa ayaw kitang tulungan kaya lang...p-paano kung mapahamak ka? Meteor, mahal na mahal kita at ayaw kong malagay ka sa kapahamakan." Bakas ang labis na pag-alala nito para sa kaniya.
Kumunot ang noo niya at sinuri ang mukha ng nobyo. "Natatakot kang mapahamak ako o mapahamak ka? Carlo, kaya ko ang sarili ko at hindi ako pumunta rito na hindi ako handa. Alam ko ang pwedeng mangyari sa akin at handa akong harapin iyon, malaman ko lang ang nangyari kay Papa," matapang niyang sagot. Matalim niyang tiningnan ang kamay nitong nakahawak at inalis iyon sa braso niya. "Kung ayaw mo akong samahan, umuwi ka na lang," malamig ang boses na utos niya. Tumalikod siya rito at naglakad na palayo.
Akala niya'y iiwan siya ni Carlo pero naramdaman niyang sumunod pa rin ito sa kaniya hanggang sa makarating sila sa gymnasium ng Barangay Pulan kung saan nandoon ang mga maraming tao at ang Mayor.
"M-Meteor, ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong ni Elma nang makita sila nito at nilapitan. Binalingan nito si Carlo at ngumiti.
"Gusto ko lang marinig ang sasabihin ng Mayor," seryosong sabi niya.
Tiningnan siya ng kaibigan na tila nagtataka sa kaniya pero hindi na lang ito nagtanong at iginiya siya palapit sa kinauupuan nito kasama si Mony. Agad niya itong binati at ganoon din si Carlo na nagpakilalang nobyo niya.
Ilang sandali pa at nagsimula nang dumating ang Mayor at ang mga kasamahan nito sa pulitika. Nagpalakpakan ang mga narooon habang tahimik lang siyang nagmamasid. Maraming kasamang bodyguard ang mga ito nakapaligid doon habang nakasuot ng itim na jacket at pants. Saktong napatingin sa kaniya ang isa sa mga lalaki roon na tinitingnan niya. Agad naman siyang umiwas.
Nagsimulang magsalita ang MC ng event at pinakilala nito ang ilang opisyal pa na kapartido ng Mayor. Lahat sila'y nagsalita at ipinagmalaki ang mga nagawa nila sa bayan habang siya'y nakikinig lang dahil matagal siyang nawala sa Pulan at hindi niya kilala ang mga bagong taong iyon.
"Let's give him around of applause, our beloved Mayor Rogue," ani ng MC, kasunod ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga naroon.
Tumayo ang matipunong Mayor, ngumiti ito at kumaway pa sa mga naroon. Hindi niya alam pero may kakaiba siyang nararamdaman dito at mabigat iyon.
"Maganda araw, mahal kong kababayan. Ako ay nandito sa inyong harapan para magbigay sa inyo ng pag-asa sa pamamagitan ng serbisyong pagpubliko ng ating munisipyo. Kamakailan lamang po ay aking inaprobahan ang maraming scholarship program at ang libreng gamot at check up sa ating mahihirap na kababayan. Ako po ay labis na nagagalak sa aking pagtulong sa inyo at sa pagpapaganda pa ng ating bayan," mahabang speech nito na hindi na bago sa tainga niya dahil hindi lang naman ito ang nagsasalita ng mabubulaklak na salita para magmukhang mabuting pinuno.
Parang sumakit lang ang tainga niya sa mga narinig imbis na humanga siya rito. Natutuwa ba ang Mayor Rogue na iyon sa pagsira ng mga tao sa kalikasan ng Pulan? May ginagawa ba ito para pigilan iyon?
Umiwas siya rito nang tingin ng makita niyang bumaling ito sa kaniya. Kumunot ang noo ng Mayor habang mataman siyang tinitingnan na wari'y kilala siya.
Hindi niya alam pero bigla na lang may bumalong sa kaniya na tumayo. "S-Sir," sambit niya. Hindi naman siguro masama kung magtatanong siya sa Mayor. "I'm sorry, Sir pero pwede po ba akong magtanong?" Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob niya.
Alam niyang nababahala na sa kaniya ang Tita Mony niya at si Elma pero sa tingin naman niya'y walang mali sa gagawin niya. Naagaw na rin niya ang atensyon ng mga tao roon at ang ila'y nagbubulong-bulungan pa.
"M-Meteor, stop!" narinig niyang sabi ni Elma na bakas ang pagtutol sa mukha nito. Kinulbit pa siya nito sa kamay para paupuin siya pero hindi niya ito sinunod.
Nang tila makabawi ang Mayor, agad itong ngumiti at bahagyang yumuko. "Yes, Miss?"
Alangan siyang ngumiti. Saka lang siya nakaramdam ng kaba lalo't alam niyang nakatingin sa kaniya ang mga tao roon maging ang mga lalaking nakaitim na naroon. Huminga siya ng malalim nang bahagya siyang yumuko.
"M-Mayor, aware po kayo sa nangyayaring pagsira ng kalikasan sa Pulan?" lakas-loob niyang tanong.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaction ng mga tao roon. Gulat na gulat sila at hindi makatingin sa kaniya na tila natakot silang bigla.
Halatang nagulat naman ang Mayor sa naging tanong niya kaya naseryoso ito pero ilang sandali lang ay ngumiti. "Hindi pa ba sira ang Pulan noon pa man, Miss? And who do you think the reason kung bakit nagiging maunlad ang bayang ito? Because of me. Kaya 'yong sinasabi mong illegal na gawin sa gubat, it's not illegal it's for progress, para mas umunlad pa ang bayang ito na naiwan na ng panahon," seryosong sagot nito.
Kumunot ang noo niya at naliit ang mga mata niya sa Mayor. Yumuko siya para pigilan ang sarili. Uunlad ba ang isang bayan sa pagwasak ng kalikasan? "I'm sorry, Mayor pero sa tingin niyo po ba kapag nawala ang mga punot sa gubat, magiging maunlad ang bayang ito? Ang pag-unlad ba ng isang bayan ay masusukat sa dami ng gusaling nakatayo rito?" makahulugang tanonga niya.
Sumeryoso pa lalo ang mukha nito na tila ba hindi nito inaasahan ang mga tanong niya. Tila ba nahihiwagahan na itp sa kaniya.
"Meteor, please stop it," narinig niyang saway sa kaniya ni Carlo pero tiningnan niya lang ito.
Kapagkuwa'y ngumiti ang Mayor at saglit na yumuko. "You're interesting, Miss. Mukhang isa kang environmentalist that's trying to save mother earth in this new world," anito. "Well, kung ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi na ako ang dapat sumagot sapagkat ang proyektong iyon ay inayunan ng mas mataas," malumanay nitong sagot kahit ramdam niya ang mga tingin nito na para bang kinikilala siya.
"Meteor, tama na," narinig naman niyang sabi ni Mony. Marahan siyang hinawakan nito sa kamay at pinaupo siya. Hindi na rin naman siya umimik dahil mukhang wala na siyang magagawa pa para roon.
"Nababaliw ka na ba, Meteor? Hindi mo kilala anh tinatalo mo," mahinang paalala ni Elma sa kaniya na bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Tiningnan niya lang ito at hindi na umimik. Hinayaan na lang niya ang kaniyang isip na maglayag sa malalim para isipin ang mga narinig niya. Ano'ng klaseng pinuno meron ang Pulan? May makukuha bang benefits ang mga tao sa proyektong iyon? Wala at mas magkakaroon lang sila ng malakimg problema.
Matapos magsalita ng lahat ng opisyal, tumayo na siya at nagpaalam na magbabanyo muna siya. Pinayagan naman siya ng mga ito. Agad siyang nagalakad patungo sa Comfort Room ng indoor gymnasium. Habang naglalakad siya sa hallway, nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kaniya at pumasok sila sa isang silid doon.
Nagpumigla siya at sisigaw pero natakpan na nito ang bibig niya at malakas ito. Naamoy rin niya ang panglalakki nitong amoy na naiiwan sa dulo ng kaniyang ilong.
"Shh!" ani ng lalaki. Dahan-dahan siya nitong binitawan.
Hinarap niya ang binata at nakita niya ang isang pamilyar na lalaki. Kumunot ang noo niya. "S-sino ka?" what na tanong niya.
Ngumiti ang gwapong binata na hindi niya iyon pwedeng ikaila. "I'm sorry kung natakot kita pero sa tingin ko this is the best I can do for you," anito na nagpakunot sa noo niya.
"A-ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatalang tanong niya. "S-saka bakit dinala mo ako rito? A-ano'ng kailangan mo sa akin?" Nakaramdam na rin siya ng kaba dahil baka kung ano'ng gawin nito sa kaniya gayong pamilyar ito sa kaniya.
"I'm sorry kung nabigla ka dahil sa ginawa ko but don't worry I'm not a bad person, In fact I'm here to warn you," sambit nito.
Habang tinitingnan niya ito utay-utay bumabalik sa isip niya kung saan niya ito nakita. Nagulat siya. "I-ikaw 'yong lalaking lumigtas sa akin sa kalsada, right? Paul, Mayor's son?" hindi makapaniwalang aniya.
Pumamulsa ang binata at saglit na kumiling. Ngumiti ito at tumango. "You're right, ako nga and now you know who I am, gusto lang kitang balaan sa pwedeng mangyari sa iyo. Please, mag-ingat sa mga salitang bibitawan mo lalo't nandito ka sa Pulan. Stop asking Dad's wants." Napaawang ang bibig ko at hindi nakapagsalita. Ano'ng sinasabi niya? "Stay away from illegal logging issue, pwede kang mapahamak, Meteor."