Kabanata XVIII: Paul's Story

1908 Words
KAHIT salungat sa kagustuhan ni Luke, lumabas si Meteor sa bahay nito ng patago kahit pa may mga bantay doon na iniwan ang binata para bantayan siya. Hindi pwedeng manatili lang siya sa bahay nito at walang gawin para hanapin si Carlo at kung nasaan na ito. Hindi niya alam ang gagawin kapag napahamak din ito kahit na hindi na maayos ang relasyon nila. Naging mabait pa rin sa kaniya ang nobyo kahit alam niya sa kaniyang sarili na nawala na Ang pagmamahal niya rito. Bumalik siya sa bahay na tinutuluyan nila pero wala siyang nadatnan doon at nandoon pa rin ang mga gamit ni Carlo, indikasyon na hindi pa rin ito bumabalik doon. Labis na siyang nag-aalala dahil ilang araw na itong nawawala at wala man lang paramdam kung nasaan ito. Hindi naman kasi ito aalis ng hindi niya alam kaya alam niyang may nangyaring Hindi maganda sa binata. "Nasaan ka na ba, Carlo?" hagas na tanong niya habang nakatingin sa mga gamit nito sa silid. Hindi rin niya ito makontak dahil pati cellphone nito at iniwan nito. Tinawagan na rin niya ang kaniyang ina at tinanong kung nasa Manila ang nobyo ngunit wala pa raw ito doon. Hindi na niya alam kung saan hahanapin ang binata. Matapos niyang pumunta sa bahay, dumeretso siya sa kaibigang si Elma para tanungin ito sa mga nakalap nitong balita. "Meteor, hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang balita tungkol kay Carlo, eh. Wala ring nakakita sa kaniya," malungkot na pagtatapat ni Elma sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at nasapo ang noo. "Nasaan na ba si Carlo? K-kilala ko siya, eh, hindi siya aalis ng walang pasabi. Natatakot na ako, Elma d-dahil bak...baka dahil sa ginawa kong pagtanong sa Mayor kaya nawala si Carlo," puno ng pagkabahalang aniya. Marahan siyang tinapik ni Elma habang nakaupo sila sa sofa, sa bahay nito. Mayamaya'y dumating na rin su Mony dala ang tubig para sa kaniya. Umupo ito sa katapat niya. "I'm sorry, Meteor hindi sa tinatakot kita pero marami nang kasing katulad ng pagkawala ni Carlo ang nangyari sa Pulan at natagpuan silang patay na. Lahat sila, sila ang sumubok na kumalaban sa Mayor. Hindi ba't ganoon ang nangyari kay Berto? Nawala siya ng parang bula at nakabalik ng buhay pero binalikan para patayin?" ani Mony na bakas din ang kaba sa mukha. Natulala siya dahil sa mga narinig at alam niya ang mga kasong iyon at ang nangyari sa kaniyang ama. Mas kinakabahan siya sa pwedeng mangyari kay Luke at sa kaniya. "Kung ganoon, kasalanan ko ang nangyari kay Luke, Tita Mony. K-kung nakinig lang sana ako sa inyo baka hindi ito nangyari sa kaniya," malungkot na aniya kasabay ng luhang tumulo sa kaniyang mga mata dahil siya ang dahilan kung bakit nawawala si Carlo. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay nu Elma sa kaniya. "Hindi mo kasalanan, Meteor, wala kang kasalanan kung 'di ang masamang Mayor na iyon ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa Pulan," anito na bakas ang galit doon. "Kailangan mong kumalma, Meteor dahil maaaring nasa iyo na rin ang galit na mga mata ni Rogue dahil sa ginawa. Kailangan mong mag-ingat dahil hindi biro ang galit ng Mayor sa mga taong lumalaban sa kaniya," turan ni Mony. Hindi siya umimik. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao dahil sa galit niya sa Mayor sa lahat ng kasamaan nito at hindi malayo ang katotohanan baka may kinalaman ito sa pagkamatay ng kaniyang ama at ito ang susi sa katotohanang hinahanap niya. Hindi niya alam kung paano kukuha ng ebedensiya pero hindi siya hihinto dahil sa takot niya sa Mayor. Kailangan niyang hanapin ang totoo at ibigay ang nararapat na hustisya para sa kaniyang ama. Nang makalma niya ang kaniyang sarili, umalis na rin siya sa bahay nila Elma dahil baka maging ang mga ito ay madamay sa kaniya. Kailangan niyang dumistansiya sa mga taong mahalaga sa kaniya dahil baka ang mga ito'y mapahamak din. Kailangan niyang bumalik sa bahay ni Luke para muling humingi ng tulong sa binata para hanapin si Carlo. Hindi niya alam kung bakit ito palagi ang naiisip niya na pwedeng tumulong sa kaniya. Naguguluhan man siya sa mga sinabi nito sa kaniya na nakatakda ito para protektahan at ibuwis ang buhay para sa kaniya, alam niyang safe siya rito at panatag ang loob niya sa binata. Habang naglalakad siya sa sa gilid ng kalsada, nararamdaman niyang tila may mga matang nakatingin sa kaniya at sumusunod. Minsanan siyang lumilingon pero wala naman siyang nakikita. Nagsimula na siyang kabahan kaya binilisan niya ang hakbang niya hahang panaka-naka lumilingon sa paligid. Lumiko siya sa pakanan kung saan iilan lamang ang mga bahay roon at napapaligiran ng mga puno. Mas naging alisto siya at binilisan ang paglalakad niya. Sinubukan ulit niyang lumingon pero napasigaw siya. ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya pero agad nitong natakpan ang bibig niya. Kinabahan siya. Nagsimula manginig ang katawan niya. "Shh! Ako 'to si Paul," sabi nito. Dahan-dahan nitong inalis ang palad sa bibig niya. Kumalma siya at kahit pa paano nabawasan ang kaba niya. Marahan siya nitong hinila palayo. Nanatili siyang nakatingin sa binata. Naalala niya ang nakakamangha pagligtas nito sa kaniya. Ngayon lang nag-sink in sa kaniya na si Paul ay katulad ni Luke na isang taong lobo at may kakayahang higit sa kagaya niyang normal na tao. Kakampi ba ito o kalaban? Huminto siya at binawi ang kamay sa binata. "S-sino ka?" tanong niya rito. Kumunot ang noo ni Paul dahil sa naging tanong niya na bakas ang pagdududa sa kaniyang mukha sa totoong pagkatao nito. Kapagkuwa'y ngumiti pa rin ito. "What do you mean? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ako si Paul?" anito. Hindi natinag ang seryosong mukha niya. "Ano'ng totoong pakay mo sa akin? Bakit mo ako iniligtas? Bakit lumilitaw ka kung nasaan ako?" sunod-sunod na tanong niya. Seryoso siya nitong tiningnan at ngumiti. Saglit itong kumiling. "Mukhang hindi ko na kailangang magtago dahil alam mo na ang totoo tungkol sa pagkatao ko. Gusto mong marinig mula sa akin ang totoo?" Sumeryoso ang mukha nito. "I'm different, Meteor kakaiba ako sa inaakala mo dahil hindi ako katulad mo at kahit ano'ng pilit ko na maging normal kagaya mo, hindi ko magawa." Mapakla itong tumawa. "Alam mo 'yong nakakatawa? Halimaw ang tingin ko sa taong lobo at ayaw kong tanggapin sa sariliko na isa ako sa kanila. Gusto ko maging normal kagaya mo," puno ng senseridad nitong pahayag. Natulala siya sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong paniwalaan o hindi dahil anak ito ng masamang si Rogue pero sa loob niya, may nagsasabing mabuting tao si Paul. "Alam kong mahirap paniwalaan, Meteor pero iyon ako. Gusto ko ng tahimik na buhay at alisin ang sumpang mayroon ako. Ni ayaw kong maging anak ng Mayor na alam kong kilala mo na ang katauhan niya," segunda pa nito. "H-hindi ko alam kung dapat ba kitang paniwalaan o kung sino'ng dapat kong pagkatiwalaan sa lugar na ito. Napakaraming sekreto ang nakatago rito na hindi ko na alam ang totoo at hindi," naguguluhan pagtatapat niya. "Naiintindihan ko, Meteor pero gusto kong isa ako sa pagkatiwalaan mo sa lugar na ito dahil kung may maitutulong ako sa iyo para baguhin ang Pulan, tutulungan kita. Kung kailangang gamitin ko ang sumpang ito para tuluyang matahimik ang bayang ito, handa kong gawin dahil alam kong kapag natapos ang lahat, saka ko magagawa ang gusto ko na maging normal na kagay mo, ng mga tao rito." Bakas ang labis na kagustuhan nitong maging normal at ang labis na senseridad doon. Natahimik siya dahil wala siyang makapang pagpapanggap sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang desire nito na mamuhay sa paraang gusto nito. Kapagkuwa'y, biglang bumakas ang pag-aalala sa mukha nito nang tumingin ito sa likod niya. Hinawakan nito ang braso niya at marahan siyang hinila. "Nandiyan na sila, kailangan na nating umalis," anito. Nang akmang lalakad na sila nang biglang may tatlong lalaking mabilis na lumitaw sa harap nila. Nanlilisik ang mga mata nito na kahit ano mang sandali ay susugod na ang mga ito. Itinago siya ni Paul sa likod nito. "Ano'ng ibig sabihin nito?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaking nasa gitna ng dalawa. "Subukan ninyong saktan ang babaeng ito, hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang mga buhay ninyo," matapang na banta ni Paul. Ngumisi ang lalaki. "Hindi ka pa rin nagbabago, Paul hindi mo pa rin alam ang ginagawa mo at ang pwedeng mangyari sa iyo." Binalingan nito ang dalawang lalaki. "Sige, kunin ang babaeng iyan at patayin ang sino man ang hahadlang. Iyon ang utos ng Alpha," maawtoridad na utos nito. Tumango ang dalawa at sa isang iglap, nagbago ang anyong ng mga ito. Lumitaw ang mga paa nito na nakalapat sa lupa, ang mapupula nitong mga mata na nanlilisik at ang mga pangil nitong matitilos. Binalot siya ng kaba at takot. "P-Paul," banggit niya sa pangalan nito na halata doon ang takot. "I won't let them hurt you, Meteor," anito. Inilayo siya ng binata at hinarap nito ang dalawa. Nakita niya kung paano maging isang lobo si Paul. Mas malaki ito kumpara sa dalawang lobo pero kapwa sila magkakakulay ng balahibo at mga mata. Hindi niya mawari pero nakaramdam siya ng labis na pag-aalala sa pwedeng mangyari kay Paul. Mahigpit na napakapit siya sa laylayan ng kaniyang suot na damit. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod dahil muli na naman niyang masasaksihan ang laban sa pagitan ng mga lobo. Napaatras siya nang biglang sumugod sa isang lobo papunta sa kaniya pero agad itong sinalubong ni Paul at tumilapon ito sa malayo. Mabilis ang mga mata nito dahil agad nitong napuntahan ang isa pa na palapit sa kaniya. Dinambahan nito iyon at sinubukang atakihin mula sa likod nito. Rinig na rinig niya ang angil at ungal na dulot ng sakit sa bawat palitan nila ng atake. Hindi maikakaila ang taglay na lakas at kakayahan ni Paul sa pakikipaglaban. Napaatras pa siya nang makita niya ang isang lobo na nasa harap na niya habang nakikipaglaban si Paul sa isa pa. Palapit sa kaniya nang palapit ang lobo kaya paatras siya nang paatras hanggang sa makita siya ni Paul. Binitawan nito ang kalaban at tumalon. Bumagsak ito sa harap niya. Nagpalitan ng angil ang mga ito na mas nagdadala sa kaniya ng labis na takot. Napalunok siya nang makita ang dalawang malaking lobo na nasa harap nila. Mas napahigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit niya nang sabay sumugod ang dalawa kay Paul. Nagpabuno sila at napailalim si Paul. Rinig niya ang ungal dulot ng sakit. Gusto niyang tumulong pero wala siyang magawa. Nagpagulong-gulong ang tatlong mga lobo habang nagpapalitan ng atake. Mayamaya'y nakita niyang tumilapon ang isang lobo at tumama ito sa isang punong may sangang putol at saktong tumama roon ang katawan nito kaya nawalan ito ng buhay. Binalingan ni Paul ang isa pa at muli itong inatake hanggang sa tuluyan nitong mahuli ang leeg ng kalaban at walang awang kinagat iyon hanggang sa mawalan ng buhay. Nanatili siyang nakatulala habang binabalot ng labis na takot. Hinarap ni Paul ang lalaking kausap nito kanina. "Pagsisisihan mo ang pagtulong mo sa babaeng iyan dahil mananagot ka sa Alpha," anito at agad nawala sa harap nila. Nabawasan ang kaba niya nang tuluyang mawala ang lalaki. Naramdaman niya ang mga luhang tumulo sa mga mata niya dahil sa takot. Napalunok siya at walang lakas na napaupo sa lupa. Pasalamat siya dahil nandoon si Paul para iligtas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD