"SAAN ka nanggaling, Meteor?" salubong ni Luke sa kaniya nang makapasok siya sa sala sa bahay nito. Nadatnan niya ito at si May. Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito. "God, Meteor! Hindi mo ba alam na nag-aalala ako? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa iyo," patuloy nito.
Hindi agad siya nakasagot dahil sa reaction nito na hindi niya inasahan. Kapagkuwa'y umiwas siya rito ng tingin dahil hindi siya sanay na pag-aalala nito sa kaniya dahil malaki ang epekto niyon sa nararamdaman niya at ayaw niyang tuluyang umibig sa isang katulad ni Luke.
"Hinanap ko si Carlo, Luke dahil ayaw mo naman akong tulungang hanapin siya, 'di ba?" sagot niya rito.
Nasapo ni Luke ang ulo nito. "Meteor, please! Huwag kang magpadalos-dalos sa kilos mo dahil pwede kang mapahamak at matulad sa nobyo mo. Mawawala ka na parang bula at makakalimutan ng lahat. Please, hayaan mong ako ang kumilos," marahan pa rin nitong sagot.
"Pero hindi na ako mapalagay, Luke habang hindi ko nakikita si Carlo. P-paano kung...kung pinatay na siya? Hindi ko na kaya kung may mapahamak pa na mahalaga sa akin." Bakas ang labis na pagkabahala at takot sa mukha niya dahil sa posibilidad na pwedeng mangyari kay Carlo.
Lumapit sa kaniya si Luke. "Alam ko ang nararamdaman mo, Meteor pero please, huwag kang magpadalos-dalos lalo't alam na ni Rogue kung sino ka at magkasama tayo. Hindi niya hahayaang mangyari ang nakatakda," anito.
Kumunot ang noo niya. Ano'ng nakatakda? Hindi niya alam ang sinasabi ng binata. "N-nakatakda?" naguguluhan niyang tanong.
"Tama ang Alpha, Meteor hindi ka na ligtas kung lalabas kang mag-isa dahil hindi papayag si Rogue na makuha ka ni Alpha Luke dahil alam niya ang pwedeng mangyari kapag tuluyan nabuo ang bond sa inyong dalawa," segunda naman ni May na lalong nagpagulo sa isip niya.
"H-hindi ko maintindihan! A-ano'ng nakatakda at bond sa pagitan namin ni Luke?" usisa niya.
"Hindi pa ito ang panahon, Meteor isa lang ang pwede mong malaman, itinakda kayong mag-bind ng Alpha para sa makapangyirihang kasunduan na namagitan sa inyong mga ninuno," sagot ni May na imbis magbigay linaw sa kaniya, mas nagulo lang ang isip niya.
Hinawakan ni Luke ang braso niya at iniharap siya rito. Nakatingin lang ang binata sa mga mata niya na para bang hindi ito naiilang na kabaligtaran sa nararamdaman niya. Nararamdaman din niya ang kakaibang koneksyon sa tuwing nagdadampi ang kanilang mga balat ng binata. "Please, magtiwala ka sa akin, Meteor kung gusto mong malaman ang totoo at maipaghinganti ang iyong ama. Kailangan mong mag-ingat dahil alam kong gumagawa na ng paraan si Rogue para kunin ka," anito.
Gusto pa man niyang magtanong, wala siyang makuhang tamang salitang gagamitin dahil sa magulo ang utak niya at alam din niyang hindi siya sasagutin ng mga ito.
—
HALOS hindi makatulog si Meteor tuwing gabi sa kakaisip sa lahat ng nangyayari sa bayan ng Pulan na hindi niya inasahan. Isang katotohanan lang naman ang hinahanap niya pero bakit maraming nakatago sa kaniya na parte siya? Tama kaya si Luke na bukod sa totoong dahilan kung bakit siya nandoon ay dahil sa parte ng pagkatao niya na matagal niyang hinahanap. Ang kulang na na nararamdaman niya noon pa at sa mahiwagang pagkatao niya.
Lumabas siya ng silid niya dahil hindi siya dinadalaw ng antok. Natatakot na rin siyang matulog dahil sa maraming panaginip na nagdadala sa kaniya ng takot. Hindi niya alam kung konektado iyon sa nangyayari o dahil lang sa magulong isip niya.
Pumunta siya ng kusina ng bahay para uminom ng tubig doon dahil pakiramdam niya'y natutuyo na ang lalamunan niya. Nang babalik na siya sa sariling silid, napansin niya ang bultong nakatayo sa veranda ng bahay. Kumunot ang noo niya at mas lumapit pa, saka niya nakilalang si Luke pala iyon.
Nagpasiya siyang lapitan ang binata kaya naman lumabas siya. Sinalubong siya ng malamig na hangin na dumapi sa kaniyang katawan kaya niyakap niya ang sarili.
"Bakit ka nandito? Hindi ka ba nilalamig?"
Seryosong nilingon siya ni Luke. "Bakit lumabas ka? Malamig dito," balik nito sa kaniya. "Saka bakit gising ka pa?" segundang tanong nito.
Lumapit pa siya sa binata. Kumapit siya sa kahoy na nagsisilbing harang doon. Lumingon siya sa paligi na tanging ang maliit na buwan ang nagsisilbing liwanag doon. "Hindi kasi ako makatulog," pagtatapat niya. "Iniisip ko ang maraming kakaibang nangyari sa pagbabalik ko sa Pulan. Ang mga sikretong pilit itinatago ng magulong bayang ito."
"Lahat ng sikretong nakatago sa bayang ito ay nakatakdang mabunyag at nakatakdang malaman mo kahit ano'ng pilit itago." Lumingon ito sa kaniya. "Ang bayang ito ang totoong buhay na mayroon ka Meteor," makahulugang sambit nito.
Kumunot ang niya nang balingan niya ito. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya kahit alam niyang hindi siya sasagutin ng binata.
"Dahil ang iyong ama, ibinigay ang sariling buhay para sa bayang ito, para ipagtanggol at ibalik sa tamang landas at ikaw, ikaw ang ginawa niyang daan para wakasan ang lahat," sagot nito na hindi pa rin malinaw sa kaniya.
Mas lalong dumami ang guhit sa noo niya. "P-paanong ako ang daan? H-hindi ko maintindihan, Luke dahil lahat ng sinasabi mo sa akin, hindi ko makuha ang koneksyon ko sa mga iyon. Normal na tao lang ako at wala akong keneksyon sa lahi ninyo," naguguluhang turan niya.
Saglit na yumuko si Luke. "Nagkakamali ka kung iniisip mong wala kang koneksyon sa lahi namin dahil si Berto ang koneksyon natin, Meteor. Itinakda tayo para sa isa't isa ng mga Dios. You're fated to Alpha at iyon ang dapat mangyari."
"F-fated to Alpha? A-ano'ng ibig—"
"Tama ka ng narinig, Meteor nakatakda ka sa isang Alpha at hindi iyon pwedeng mabago dahil noon pa lang may tanda ka na ng isang Alpha at alam kong nararamdaman mong ang kakaibang damdamin sa tuwing magkasama tayo dahil iyon sa kasunduang mayroon ang mga ninuno natin para sa atin na inayunan ng mga Gods and Goddesses," pahayag nito na mas nagpagulo sa isip ko.
Bumuntong-hininga siya at itinaas ang kamay. "Teka nga, Luke! H-hindi ko alam kung tatawa ba ako o matutuwa sa sinabi mo pero hindi ko makuha ang lahat, eh. Masyadong nagulo ang mga sinasabi mo." Alangan siyang ngumiti kahit alam niyang tama ang sinabi nito na may kakaiba siyang nararamdaman da tuwing malapit sila na hindi niya maipaliwanag.
Nakaramdam siya ng pagkailang sa binata kasabay ng kakaibang init na nararamdaman niya. Hindi niya magawang tumingin sa binata. "I'm sorry, Luke pero hindi ko alam ang mga sinasabi mo. S-sige, balik na ako sa loob. Masyado nang malamig dito, eh," dahilan niya.
Tumalikod na siya at nang akmang lalakad na siya nang hawakan nito ang braso niya at marahan siyang hinila hanggang sa magkadikit ang kanilang mga katawan habang nakaharap na siya sa binata. Naghurementado agad ang puso niya kasabay ng panghihina ng kaniyang tuhod dahil sa posisyon nila at sa hatid nitong init.
"L-Luke, a-ano'ng ginagawa mo?" gulat na tanong niya.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang sarili ko, Meteor pero ang isang kagaya ko ay palaging naghahanap ng kapareha at ikaw iyon, sa 'yo ko lang gustong ibigay ang sarili ko," seryoso at pabulong nitong sabi. Dama niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa balat niya at nagpapataas ng mga balahibo niya.
"L-Luke!" Hindi niya alam ang sasabihin. Ni hindi niya magawang itulak ang binata para pigilan ito sa gusto nitong gawin sa kaniya. Naghihina ang buong katawan niya pero sa kabila niyon, sa loob niya'y nagnanais na mas maramdaman pa ang binata. Ang init na namumuo sa loob niya na kahit labanan niya tila mas lumalakas iyon.
"Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, na makasama kita, mayakap at maiparamdam ang lahat pag-ibig na pinahintulutan ng mga Dios," patuloy nito. "At sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko dahil mababaliw ako kung titingnan na lang kita habang nag-aalab ako sa loob ko na ikaw lang ang magpapalamig niyon."
Napalunok siya. Napahigpit na rin ang pagkakahawak niya sa balikat ng binata dahil tila ba ang mga titig nito ay virus na nakahahawa ng kakaibang pakiramdam na bumubuhay sa bahaging iyon ng kaniyang pagkatao at p********e.
Hindi niya magawang alisin ang mga tingin sa gwapong mukha nito na hindi nakakasawang tingnan. Ang malaking adams apple nito na dumadagdag sa s*x appeal nito, sa magagandang pilik-mata ng binata at sa mga labi nito na mukhang malambot at kaysarap halikan. Nakikita niya iyon ng malapitan at hindi niya magawang iwasan ang hatid niyong charisma.
"Nakatakda ka na sa akin noon pa man at wala ka nang magagawa roon. Hindi coincidence na bumalik ka ng Pulan at nakilala ako, nakatakda itong mangyari para matupad ang kasunduang pinahintulutan ng mga Dios." Mas hinapit pa siya ng binata. Kung hindi siya nakakapit dito, baka kanina pa siyang bumigay sa labis na panghihina kasabay ng halos nakakabinging pintig ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan.
Mas lumapit pa si Luke sa kaniya habang sapo nito ang kaniyang baywang. Naglapat ang kanilang mga noon na mas lalong nagpa-intense sa nararamdaman niya. Hindi na niya mahanap ang daan para pigilan si Luke o bumitaw sa tuksong iyon dahil sa init na nararamdaman niya na kailangan niyang ilabas.
Pumikit siya at hinintay na lang kung ano'ng gagawin ni Luke sa kaniya. Hinigpitan pa niya ang pagkakapit sa braso nito. Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang malambot nitong labi na lumapat sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin kaya hinayaan niya itong angkinin ang moment na iyon hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng mainit na temptation na nabuo sa pagitan nila. Dahil ba iyon sa itikandang sinasabi ni Luke?
Namalayan na lang niya ang sarili na gumaganti sa bawat halik ng binata sa kaniya habang nakapikit. Wala na siyang ibang nasa isip kung 'di ang moment na iyon na pumuno ng ligaya sa kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya iyon pero gusto niya ang nangyayari dahil inayunan iyon ng puso niya.
Ang kaninang marahang halik, naging mas malalim at marubdob iyon na animo'y wala nang bukas para muli nilang gawin iyon. Naramdaman niya ang palad ni Luke na gumagala sa katawan niya at hinahaplos ang bawat bahagi niyon.
Umatras siya ng umabante si Luke. Hindi pa rin napuputol ang halik sa pagitan nilang dalawa habang marahan siyang iginigiya ni Luke papasok ng bahay. Nang tuluyan silang makapasok, nagulat siya at napangito nang buhatin siya ng binata at muling hinalikan habang naglalakad ito patungo sa silid nito. Wala na sa isip niya ang pwedeng mangyari pagkatapos niyon dahil ang nas isip niya, handa siyang ibigay ang sarili sa binata dahil iyon ang bulong ng puso niya.
Nang makapasok sila sa silid ng binata, marahan siya nitong ibinaba na hindi napuputol ang halik. Rinig ang tunong ng mga labi nila sa apat na sulok ng silid na kinaroroonan yon.
Sinimulan na rin siyang hubaran ni Luke. Binigyan niya ito ng pagkakataon na tuluyang alisin ang saplot niya sa bahaging itaas ng kaniyang katawan. Tinulungan na rin niya ito na alisin ang saplot nito hanggang sa malantad ang maganda nitong katawan na. Nagwawala ang perpektong hulma ng abs nito.
Muli silang naghalikan na animo'y mga sabik sa isa't isa habang naglalayag ang mga kamay ni Luke. Dahan-dahan siyang iginiya nito sa kama at inihiga roon. Pumaibabaw ito sa kaniya. Hindi na niya alintana ang kahubaran niya na nalantad sa binata. Napuno ng ligaya at kakaibang saya ang damdamin at puso niya.
Sa mga oras na iyon, napayapa ang puso at isip niya sa magulong nangyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya'y naiintindihan niya ang lahat ng nangyayari at pawang lahat ng iyon ay hindi mabigat sa kaniya. Binalot siya ng kakaibang ligaya na hindi niya naramdaman sa kahit kanino. Pakiramdam niya'y may pumasok sa puso niya para alagaan iyo at ikonekta sa isang pusong naghahanap sa kaniya. Ito ba ang sinabi ni Luke na konektado sila? Hindi niya mawari at maintindihan pero naramdaman niya ang tila pagtali sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon.
Ang pagniniig na iyon ang tila nagpalinaw sa tunay niyang nararamdaman kay Luke at doon niya naintindihan ang koneksyong sinabi nito.