Kabanata I: Accident

1513 Words
TAHIMIK NA pinagmamasdan ni Meteor Sanchez ang kulay berdeng paligid habang nakasakay siya sa bus patungo sa Bayan ng Laguna kung saan siya pupunta para balikan ang nakaraan niya at tuklasin ang misteryong naiwan sa isip niya. Marami siyang babalikan sa lugar na iyon na hindi niya magawang iwan at patuloy na gumugulo sa isip niya. Lumaki si Meteor sa Barangay Pulan kasama ang pamilya niya at doon na rin nabuo ang maraming alaaang hindi niya maiwan. Isang taon na ang nakararaan simula nang iwan ni Meteor at ng kaniyang ina na si Bei ang lugar na iyon dahil sa misteryong pagkamatay ng kaniyang ama na si Roger. Kailangan nilang iwan ang lugar na iyon sa hindi niya alam na dahilan dahil sa pagkakaalam niya, maayos naman ang buhay nila noon sa lugar na iyon. Maraming tanong ang gusto niyang masagot pero ni isa sa mga iyon, wala siyang sagot na nakuha sa kaniyang Ina. Palagi lang nitong sinasabing, mas mabuti nang hindi niya alam ang mga iyon dahil maaring ikapahamak niya ang katotohanan. Ngunit pilit sumisiksik sa isip ni Meteor ang mga tanong na iyon na kahit ano'ng pilit niyang alisin, hindi niya magawa. Hindi siya natatahimik at naisip niyang baka kailangan niyang alamin ang lahat para sa katahimikan at kapayapaan ng isip niya. Palagi rin niyang napapanaginipana ang Barangay Pulan at ang madilim niyong kapaligiran. Nalilito siya at mas lalong umuusbong ang kagustuhan niyang matuklasan ang katotohanan sa misteryo ng Barangay Pulan. Hanggang sa naisipin niyang bumalik sa lugar na iyon sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina dahil daw sa kapahamakan na pwedeng mangyari sa kaniya. Matapos niyang magtapos ng kolehiyo, isang linggo ang nakararaan, agad siyang nagpasiyang bumalik ng Laguna ng hindi alam ng kaniyang Ina dahil alam niyang hindi ito papayag. Malakas din ang kutob ni Meteor na may alam ang kaniyang Ina pero ayaw nitong sabihin kaya siya na mismo ang gagawa ng paraan para malaman niya ang katotohanan. Bumuntong-hininga siya. Ang sarap sa mata ng berdeng mga puno na bihira niyang makita sa Manila dahil sa matatas na building at masikip na lugar doon. Iba pa rin ang ambiance at pakiramdam kapag nasa probinsiya siya. Kung siya nga ang papipiliin, ayaw niyang iwan ang Barangay Pulan dahil sa maraming alaalang nabuo niya sa lugar na iyon. Puno ng excitement at kaba ang naramdaman ni Meteor habang papalapit siya sa lugar na naging tahanan niya noon. Marami siyang na-miss sa lugar at sa pagbabalik niya, sana nandoon pa rin ang mga bagay na iyon. Matapos ang ilang oras na byahe, huminto ang bus sa istasyon niyon sa Bayan ng Laguna. Bumaba si Meteor bitbit ang maletang dala niya na naglalaman ng mga gamit na kailangan niya. Napakunot pa ang noo niya nang tumama sa kaniyang mukha ang sikat ng araw kaya iniharang niya ang palad para salagin ang sikat ng araw. Naglakad siya patungo sa malapit na waiting area para mag-abang ng tricycle na pwede niyang sakyan patungo sa Barangay Pulan. Nilibot ng paningin ni Meteor ang buong bayan at agad niyang napansin ang malaking pagbabago roon. Nagkaroon ng mga bagong infrastructure at mga bagong tayong mga tindahan na noon ay wala. Isang taon pa lang siyang nawala sa lugar pero ang laki na ng pinagbago niyon. "Miss, saan po kayo?" Bahagyang napapitlag si Meteor nang marinig niya ang boses ng lalaking iyon. Lumingon siya at nakita niya ang isang tricycle driver. Nakahinto sa gilid niya ang sasakyan nito habang nakatingin sa kaniya ang driver. "Ahm! Barangay Pulan po, Kuya," sagot niya. Inipit niya sa likod ng tainga niya ang ilang buhok na humaharang sa mukha niya. "Barangay Pulan? Sige, Miss ihahatid ko na kayo roon," ani ng driver at ngumiti ito sa kaniya. Tumayo pa ito at tinulungan siyang buhatin ang maleta niya patungo sa loob ng Tricycle. Sumakay na rin siya roon. "Bago lang po ba kayo rito sa Barangay Pulan?" usisa sa kaniya ng driver habang umaandar iyon. "Hindi po, Kuya matagal na po akong nakatira rito. Umalis lang po kami rito last year and I decided po na bumalik," paliwanag ko. "Ah, ganoon po ba? Maigi naman at naisipan niyo pang bumalik, eh, balita ko marami raw umalis sa Barangay Pulan dahil sa sunod-sunod na krimen na nagaganap doon," sambit ng lalaki na bakas sa tono nito ang pagtataka at pag-aalala. Kumunot ang noo ni Meteor dahil sa narinig. "Krimen po? Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong niya na bakas ang kuryusidad doon. "Bali-balita kasi sa bayan na sunod-sunod daw ang patayang nagaganap roon ngunit hindi nila matukoy kung sinong gumagawa," sagot nito. Nahindik siya sa narinig at bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kaniyang ama noon. May kinalaman ba ang pagkamatay ng kaniyang ama sa sinasabi ng driver na patayang nagaganap sa Barangay Pulan? Sino'ng gumagawa niyon? Hindi agad nakaimik si Meteor dahil sa mga narinig. Nakaramdam man siya ng takot at pagkabahala, hindi pa rin iyon sapat para itigil niya ang kagustuhan niyang malaman ang nakatagong misteryo ng Barangay Pulan kahit alam niyang pwede siyang mapahamak. Mayamaya pa'y nagulat na lang si Meteor nang marinig niya ang malakas ng busina ng Tricycle kasunod niyon ang pagiwang ng sasakyan at nawalan ng tamang direksyon. Agad siyang nabahala maging ang driver na hindi na alam ang gagawin habang pilit kinukontrol ang sasakyan. Hanggang sa napasigaw na lang siya nang makita niyang babanggain ng Tricycle ang malaking puno sa gilid ng kalsada. Napapikit siya ng mariin habang wala siyang magawa kung 'di hintaying bumangga ang Tricycle sa puno ngunit ilang sandali pa at hindi iyon nangyari. Naramdaman na lang niya ang paghinto niyon nang malapit na sa puno ngunit hindi iyon nabangga. Dahan-dahan siyang nagmulat. Halos nagulo ang buhok niya dahil sa mabilis na takbo ng tricycle kanina. Bumaling siya sa paligid at sinuri ang sarili ngunit wala siyang nakitang ano mang sugat sa katawan niya. Wala rin siyang sakit na nararamdaman. Nagtaka siya sa nangyari. Paanong huminto ang Tricycle at hindi bumangga sa puno? Imposibleng huminto iyon dahil nawalan ng preno ang sasakyan. Pati ang driver ay nagtaka sa nangyari. Sinubukan pa nito ang preno ng sasakyan pero hindi pa rin iyon gumagana. "A-ano'ng nangyari?" mahina tanong ni Meteor. Matapos niyang suriin ang sarili, bumaling muli siya sa paligid at sa hindi niya sinasadyang pagkakataon, nahagip ng mga mata niya ang isang lalaki 'di kalayuan sa kaniya. Nakatingin ito sa gawi niya. Kumunot lalo ang noo niya dahil tila pamilyar sa kaniya ang lalaki. Kumurap siya at mas nagtaka nang biglang itong nawala sa paningin niya ng ganoon kabilis. Hinanap niya ang bulto nito sa paligid ngunit wala na ito. Nagtataka man siya pero wala rin siyang makuhang sagot kung magtanong man siya sa kaniyang sarili. "Miss, ok lang kayo? Pasensiya na po kayo hindi ko sinasadya may malaking aso po kasing dumaan kanina at bigla ring nawala kaya nawalan ako ng kontrol sa Tricycle," paghingi ng paumanhin ng driver na bakas ang pag-aalala para sa kaniya. "O-ok lang po, Manong," simple niyang sagot habang ang kaniyang isip ay nandoon sa lalaking nakita niya at bigla ring nawala. Kadarating lang niya sa Barangay Pulan pero marami nang misteryosong bagay ang nangyari sa kaniya. Bumaba si Meteor ng Tricycle at nagbayad sa driver, ayaw pa sana nitong tanggapin dahil sa nangyari pero ipinilit niya dahil hindi naman niya ito sinisisi sa nangyari. Malapit na rin naman siya sa bahay na inupahan niya na pansamantala niyang tutuluyan dahil ang dating bahay nila sa Barangay Pulan ay ibenenta na nila nang umalis sila roon. Naglakad si Meteor kahit mataas na ang sikat ng araw dahil wala naman siyang choice dahil halos walang dumadaan na Tricycle sa lugar. Hindi pa siya tuluyang nakakarating sa sentro ng Barangay Pulan, marami na siyang nakitang pagbabago. May ilang bagong mga tayong bahay pero halos wala siyang makitang mga tao sa paligid. May kakaiba rin siyang nararamdaman doon na tila may mga matang nakamasid sa kaniya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa sentro ng Barangay Pulan. Hinanap niya ang bahay na ni-rent niya online bago siya pumunta roon. Saktong nandoon din sa malapit ang may-ari niyon. "Welcome to Barangay Pulan, Miss Meteor. Here's your key." Iniabot sa kaniya ng isang babaeng sa tantiya niya ay edad singkwenta na. Ito ang may-ari ng bahay na ni-rent niya, si Aling Luz. Ngumiti siya rito. "Thank you, Aling Luz," sabi niya matapos niyang kunin ang susi. Sinamahan din siya nito sa bahay na nirentahan niya. "Pasensiya ka na dahil medyo maliit ang bahay na ito," ani ng matanda. Pinaliwanag nito ang mga kasama sa binayaran niya at pasalamat siya dahil kasama na sa bayad ang lahat ng nandoon sa bahay. Matapos umalis ni Luz, nagsimula nang mag-ayos si Meteor ng mga gamit niya. Malinis na rin naman ang bahay na marahil pinalinis na nila bago siya dumating. Matapos niyang ayusin ang mga gamit niya, pabagsak siyang humiga sa kama at tumingin sa kisame. Pumikit siya at sa 'pag pikit ng kaniyang mga mata, muling bumalik sa isip niya ang lalaking nakita niya kanina. Mabilis siyang nagmulat at pilit iyong iwinaksi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD