Kabanata II: Stranger

1339 Words
"KUNG hindi mo ako kayang samahan dito, hindi mo ako mapipigilan, Shean. Hindi ako uuwi!" mariin na sabi ni Meteor sa lalaking nasa kabilang linya; si Shean Esmarez, ang boyfriend niya sa loob ng isang taon na tutol din sa pagbalik niya ng Pulan. Gusto nitong umuwi na siya ng Manila. Hindi nila nakasanayang tawagin ang isa't isa ng ano mang endearment dahil mas pinili nilang tawagin sa pangalan ang bawat isa. Mas matanda ng dalawang taon sa kaniya si Shean at nagtatrabaho ito sa isang kompanya bilang Human Resource doon. Nakilala niya ito sa isang café at napalagayan niya ng kaniyang loob hanggang sa minahal niya ito at ganoon din ito sa kaniya. "Bakit ba ang tigas ng ulo, Meteor? Gusto mong samahan kita riyan without saying anything what you're going to do there?" balik ni Shean na bakas ang inis sa boses. "Bakit kapag ba sinabi ko, sasama?" Hindi nakasagot ang nasa kabilang linya. Buntong-hininga ang narinig niya. "'Di ba? Kahit sabihin ko, hindi ka naman sasama dahil mas mahalaga sa 'yo 'yang trabaho mo," galit na sumbat niya rito. "Meteor, please don't be immature and spoiled na lahat ng gusto mong gawin, gagawin mo without asking those people around you na nag-aalala sa 'yo." Nasapo ni Meteor ang noo niya habang nasa sala siya ng maliit na bahay na inupahan niya. Bumuga siya ng hangin. "Ako pa ang immature? I asked you na samahan mo ako rito, Shean pero pinili mo 'yang trabaho mo. Ok fine, I don't ask for your help anymore. Bahala na ako sa sarili ko." Matapos niyang sabihin iyon, pinatay niya ang tawag habang bakas ang inis sa mukha niya. Mariin niyang hinawakan ang cellphone niya. Naiinis siya sa kaniyang boyfriend dahil hindi siya nito sinamahan at hinayaang pumunta doon ng mag-isa kahit nakiusap siya rito. Bumuntong-hininga siya at padabog na lumabas ng silid. Dahil sa inis niya lumabas siya ng bahay para maglakad-lakad sa paligid at pagmasdan ang pagbabagong naganap sa loob ng pitong taon na nawala siya roon. Hindi ganoon karami ang tao sa Sitio Pulan at masasabing liblib pa iyon dahil malapit iyon sa gubat. Nakapaligid ang malalaking puno at ang ilog doon, wala ring maraming establishment sa lugar. Naramdaman ni Meteor ang pagyakap ng hangin at ng kalikasan sa kaniya na nagbigay ng comfort at alaala sa kaniya. Na-miss niya ang sariwang hangin sa lugar at ang berdeng tanawin na bumubusog sa mga mata niya. Napangiti siya habang naglalakad-lakad, 'di kalayuan sa inuupuhan niyang bahay. Sumasayaw ang mga puno dulot ng hangin at ang mga dahon ay lumilipad na para bang inaaliw siya ng mga iyon. Habang naglalakad siya, mabilis na lumipad ang paningin niya sa paggalaw ng puno sa 'di kalayuan sa kaniya. Hindi niya alam kung namamalik-mata lang siya o totoong may nakita siyang mabilis na bagay na dumaan doon. Napakurap siya at nakita ang punong iyon na gumagalaw. Napaatras siya dahil sa lumitaw na kaba sa dibdib niya. Umatras siya nang umatras hanggang sa bumangga siya sa matigas na bagay sa likod niya at dahil sa gulat nanlaki ang mga mata niya kasunod ang pagsigaw. "Hey! Calm down," narinig niyang sabi ng baritonong lalaki sa likod niya. "Wala akong gagawing masama sa 'yo." Agad siyang binitawan ng lalaki. Kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib niya ang pagtataka niya kung sino ang lalaking nasa likod niya. Napalunok siya at pigil ang hiningang humarap dito. Hindi niya alam ang ire-react nang tumambad sa kaniya ang gwapong binata na agad naagaw ng asul nitong mga mata ang pansin niya. Matangkad ito at mababakas ang buhok sa panga nito na bahagyang inahit. Kumunot ang noo niya dahil sa tila nakita na niya ito. "S-sino ka?" tanong niya na pinanatili ang distansiya dahil hindi naman niya kilala ang binata. Hindi siya pwedeng basta magtiwala sa mga tao sa Pulan dahil alam niyang marami siyang bagay na hindi alam tungkol sa lugar. Ngumiti ang lalaki sa harap niya. Napakamot ito sa noo at bahagyang napakiling. "I'm sorry, Miss kung nagulat kita," sabi nito. "Bago ka lang na rito? Ngayon lang kita nakita rito sa Pulan," usisa nito. Tiningnan niya muna ang binata na kung titingnan hindi ito mapagkakamalang taga-probinsiya dahil sa kutis at kulay ng balat nito. Hindi maikakaila ang gandang lalaki nito at ang katawan na nahubog ng panahon. Hindi alam ni Meteor pero nawala ang kaba niya. Bahagya siyang yumuko at saka nag-angat dito ng tingin. "I'm sorry, nagulat lang ako," paliwanag niya para hindi nito isiping nag-iisip siya ng masama tungkol dito. "No, it's ok, naiintindihan ko since mukhang bago ka lang rito sa Pulan." Ngumiti siya sa binata. "Actually, hindi ako bago sa Pulan, I used to live here fo almost fifteen years pero umalis kami rito seven years ago and I decided to go back here," sagot niya na hindi alam kung bakit niya ibinahagi iyon sa binata. Tumango ito at saka, pumamulsa. "By the way, I'm Luke," pakilala nito. "Welcome back to Pulan." "Meteor," balik na pakilala niya rito. Hindi naman siya nakaramdam ng takot at kaba sa binata kaya marahil hindi ito dapat katakutan. "Thank you." Katahimikan ang nabuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi rin kasi niya alam ang sasabihin dahil ngayon lang naman niya nakita ang binata. "Sige na, mauna na ako marami pa akong dapat asikasuhin," sa wakas ay paalam niya. Ngumiti at tumango si Luke. "Sige, see you around, Meteor," anito. Tumalikod na siya at naglakad palayo sa binata na may asul na mga mata na parang umaakit sa kaniyang titigan iyon. Hindi niya alam pero may kakaiba siyang naramdaman, hindi iyon takot at kaba kung 'di kakaibang kapanatagan. — MATAPOS maglinis ni Monica sa bahay na tinutuluyan niya, nagpasiya siyang pumunta ng palengke, 'di kalayuan sa tinitirhan niya. Kailangan niyang bumili ng mga pagkain dahil wala siyang dalang kahit ano. Inihanda naman niya ang pagpunta niya roon dahil may ipon siya para gamitin habang nanatili roon at hinahanap ang totoo. "Salamat, Manong," ani Meteor nang ibigay niya ang bayad sa Tricycle driver at bumaba roon. Naglakad siya papasok sa maliit na palengke. Pigil ang hininga niya nang maamoy ang hindi kaaya-ayang amoy dahil sa mga kanal roon at sa nga gulay na nabubulok. "Meteor, ikaw ba 'yan?" Napalingon siya sa nagsalita at nagulat nang makilala ang nasa likod niya na may dalang bayong. "Tita Mony?" Nilapitan niya ito at niyakap. "Kumusta po kayo?" tanong niya. Si Mony, ang isa sa mga kaibigan ng pamilya nila noong nandoon pa sila. "Ikaw nga," hindi makapaniwalang sabi nito nang humiwalay sa kaniya. Marahan pa nitong hinimas ang pisngi niya. "Bakit ka narito? Ano'ng ginagawa mo sa Pulan? Nasaan si Bei, ang Mama mo?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya na nandoon ang pag-aalala. "Ako lang po ang bumalik ng Pulan, Tita Mony at naiwan si Mama sa Manila dahil ayaw niya akong bumalik dito pero gusto kong malaman ang nangyari. Marami po akong bagay na dapat malaman sa nakaraan, sa nangyari kay Papa," pagtatapat niya. Lalong bumakas ang kaba sa mukha ng kaharap niya. "Meteor, hindi ka na dapat bumalik sa Pulan, pwede kang mapahamak," anito sa mahinang boses. Kumunot ang noo niya dahil base sa mga sinabi nito, maaaring may alam rin ito sa nangyari pero bakit kailangan nilang itago sa kaniya? "May alam rin po ba kayo sa nangyari?" direktang tanong niya. Umiwas nang tingin si Mony sa kaniya. "Mas mabuting hindi mo na alam, Meteor dahil ikapapahamak mo." "Hindi ko po maintindihan, Tita Mony, bakit ikapapahamak ko? Ano'ng kinalaman ko roon?" naguguluhang tanong niya. Luminga sa paligid si Mony. "Hindi tayo dapat nag-uusap rito, Meteor. Kailangan ko na ring umalis, kung kailangan mo ng tulong, puntahan mo lang ako," anito na halatang nagmamadali. Tumalikod ito sa kaniya at naglakad na palayo sa kaniya. Naiwan siyang tulala at naguguluhan sa mga narinig. Mas lalo siyang na-curious sa nangyari noon na parang siya lang ang walang alam. Ano'ng kinalaman niya roon at bakit kailangang hindi niya alam? Mas lalong umusbong ang kagustuhan niyang malaman ang nakaraan kahit pa ikapahamak niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD