MASAYANG nagmamasid si Meteor sa paligid ng Pulan habang naglalakad-lakad siya na ngayo'y isa nang malayang bayan mula sa kamay ng isang malupit at masamang Mayor. Napigilan na ang pagsira sa kalikasan na matagal nang adbokasiya ng kaniyang ama. Pakiramdam niya'y nakalagan na ng tali ang lugar na ito at nakawala ang mga tao sa kasinungalingan at takot. Ngunit pinanatili nilang lihim ang tungkol sa mga taong lobong naninirahan sa bayang iyon. Bumuntong-hininga siya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya at ang kapayapaang bumabalot sa lugar na iyon. Ang mga ngiti at tawang nakikita niya sa mukha ng mga taong nadadaanan niya, nagbibigay iyon sa kaniya ng saya at kapayapaan na matagal ipinagkait sa kanilang lahat. Sa kabila ng nangyari sa bayang iyon, hindi pa rin niya iyon i
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


