Kabanata XXIII: Alpha's Mark

1639 Words

DAHAN-DAHAN iminulat ni Meteor ang mga mata niya at agad siyang napapikit nang masilaw siya sa matinding liwanag na nagmumula sa pulang buwan na nakatapat sa kaniya. Naramdaman niya ang tila pag-ukit ng marka sa leeg niya. Hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman niya na animo'y may isinasalin sa kaniya ang liwanag, kakaibang lakas at kapangyirihan. Nagtaka siya nang kusang gumalaw ang katawan niya para tumindig. Binalingan niya ang kaniyang sarili na binabalot ng liwanag. Hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya pero pakiramdam niya'y ibang Meteor ang nasa katawan niya. Nawala ang takot at napuno ng tapang at lakas. Sinuri muli niya ang kaniyang sarili nang mawala ang liwanag na yumakap sa kaniya. Napangiti siya nang makitang muli ang kaniyang sariling buhay at walang takot. Bumali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD