SA ISANG malawak na gubat, nag-abang doon ang grupo ni Rogue. Nagsisimula pa lang kumalat ang dilim sa paligid at ang buwang nagngangalit sa kulay nitong pula ay nagsimula na ring lumitaw na naging tanglaw ng paligid. Hindi niya kayang bilangin ang lahat ng mga lobong kasama nila, napakarami niyon at alam niyang mas lamang ang mga ito sa hukbo ni Luke. "Handa ka na ba sa plano mo?" tanong ni Rogue sa kaniya. Seryosong binalingan niya ito at tumango. "Kailangang maniwala si Luke sa gagawin natin para makalapit ako sa kaniya," sambit niya habang hawak ang maliit na sandatang binigay ni Luke sa kaniya. Tumango lang ang mga ito sa kaniya. Ilang sandali pa'y nakita niya mula sa kinaroroonan nila ang pagdating ng hukbo ni Luke. Nangunguna ito at sa tabi nito ay nandoon si May. Agad nagsiayos

