Chapter IV
Mark James Point of View
Pasado alas onse na kami dumating sa retreat house. Tagaytay. Kahit pala nasa mataas na lugar kami ay mainit parin. Ang sakit parin sa balat ng init.
Nandito ngayon kami sa isang malaking hall. Ipapaliwanag pa daw samin ng proctor ang mga rules and regulations sa loob ng retreat house. Angels hills.
Sinabi samin na bawal daw ang cellphone kaya kailangan isurrender daw iyon sa assign teacher namin. Bawal ang kahit na anong ingay o sigawan sa loob. Basta. Ang daming sinabing bawal. Puro bawal na nga eh.
Matapos sabihin ni Sir Menard ang lahat ng bawal at kailangan gawin ay pinapunta na kami sa kanya kanya naming quarters. Pagkatapos daw naming ayusin ang mga gamit namin ay pumunta na daw agad sa dining area para sa lunch.
Ayos! Kanina pa ako gutom na gutom!
"Oh Den! Ready mo na sarili mo! May dala ka bang pampadulas!?" Narinig kong walang pakundangan na sabi ni Sheryl kay Den habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.
Langyang babae to talaga! Tingin niya sakin papayagan kong mangyari yun kay Den! Hindi pwede noh! Dapat ako lang!
Oh s**t! Bad yun! Nasa retreat kami. Huwag dapat mag-isip ng ganoong bagay. Baka biglang ma-excite si junior!
Dirty talaga ng mind ko! Di ko rin kasi maiwasan. Lakas ng tama ko kay Den eh.
"Tumigil ka nga She! Ikaw talaga wala kang pinipiling lugar!" Suway ni Den sa kanya dahilan para magtawanan ang mga kaklase niya.
"Akina na nga yan..." Biglang singit ko sabay kuha sa bag na dala ni Den. Halata kasing nabibigatan siya sa dala niya.
"Okay lang.. Kayang ka-"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad ko parin kinuha.
"Hala!!!" Halos sabay sabay kaming napalingon ng mga kaklase ko at yung dalawang kaklase ni Den sa kanya.
"Bakit Den?" Nag-aalalang tanong agad nung kaklase niyang si Norman.
"Bakit ganito ang kwarto natin? Bakit kokonti ang kama! Bakit hindi double deck?" Seryosong tanong niya.
"Abnormal ka Den! Akala ko kung ano na nangyari sayo! Hindi ka ba nakikinig kanina kay Sir Menard? Sa isang kama, dalawa! Kaya tabi kami ni Ghandi!" Sisi ni Norman kay Den.
"E pano ako? Tabi nalang tayong tatlo!" -Den.
"Hindi kasya Den! Napakalapad ng katawan nitong si Norman!" -Ghandi.
"Den tabi tayo! Wala akong katabi oh!" Narinig kong yakag ni Patrick.
Langyang to ah! Hindi ata pwede yun! Walang pwedeng ibang makatabi si Den kundi ako! Period!
"Eto na ang kama natin Den. Dito ko nalang ilalagay ang gamit natin sa gilid para madali natin makuha yung gamit natin" lakas loob na sabi ko.
"Oh teka! Teka! Ako dapat ang kata-"
"Hoy Patrick! Ako ang katabi mo!" Singit naman ni Hans.
"Huwag ka na mahiya. Tara na ayusin na natin ang gamit natin" dugtong na sabi ko kay Den.
Wala na akong narinig na reklamo kay Den. Sumunod siya sakin sa kama namin at inayos namin yung mga gamit namin sa mini table.
Matapos namin mag-ayos ay bumaba na kami para sa lunch. Magkakahalu-halo na kaya kahit kanino pwedeng sumama.
"Sama sama nalang tayo sa isang mahabang table" sabi ni Den samin habang papalapit kami sa mga babaeng kaklase niya.
Syempre naman! Tatanggihan ko pa ba yun? Gustong gusto ko yun! Ibig sabihin nun ay nasasanay na si Den na kasama ako. Ang sayaaaaaa!
"Tekaaaa! Bago kayo lumamon, magdasal muna tayo!" Balahurang ani ni Sheryl.
Naglead ng prayer si Sheryl. At ang prayer? Takte! Sampung minuto ata yun! Napakatagal! Hindi nga namin maintindihan ang mga sinasabi niya.
"She! Prayer meeting ba to? Bakit napakatagal mo magdasal!" Sabi naman nung katabi ni Norman na babaeng buhaghag ang buhok.
"Huwag ka mangialam! Para sayo yun kase aswang ka! Kumain na nga kayo!" Sagot niya dahilan para magtawanan kami.
Nagsimula na kaming kumain.
Ang sasarap ng pagkain!
Tempura.
Fried Tilapia.
Fried Chicken.
Alimasag.
Sweet and Sour Fish.
Mechado.
Ang drinks naman ay iced tea at bottled water.
"Den anong issue mo sa alimasag at kung makatingin ka sa alimasag ay parang may nagawang kasalanan sayo!?" Puna ni Sheryl kay Den.
"Akina na nga yan. Ako na maghihimay. Masarap yan" sabi ko matapos kong kunin sa plato niya.
Hinimay-himay ko ang alimasag gamit ang kamay ko. Marunong ako maghimay nito noh! Tinuruan ako ni Mama dati nung bata pa ako. Saka isa ito sa paborito namin ng kapatid ko.
"Salamat...." Tipid na sagot ni Den at nakatingin parin sa himay na alimasag na nilagay ko sa plato niya.
Matapos namin kumain ay pinagpahinga kami ng 30mins bago kami pinapunta sa hall.
Simula na kasi agad ng first activity namin.
"Okay. Magandang tanghali. Ako ang magiging proctor niyo sa loob ng tatlong araw" panimula ni Sir Menard.
"Ang unang activity natin ay ang pagpapakilala sa sarili. Yung malayang pagpapakilala. Pero may iba't ibang paraan tayong gagamitin sa pagpapakilala. Maari niyong gamitin ang pagkanta, pagsayaw, pagtula, pag-arte o pagsusulat at babasahin niyo sa harapan iyon. Kailangan maiparating niyo ang tunay niyong sarili, kailangan maiparating at maipadama niyo ang nararamdaman niyo sa lahat ng taong nandito" mahabang pagpapaliwanag ni Sir Menard.
Tahimik kaming lahat.
Kapwa kami nag-iisip kung ano nga ba ang gagamitin naming paraan.
"Bibigyan ko kayo ng tatlong oras para magawa ito. Maari kayong pumili ng lugar na kung saan mas malaya kayong makakapag-isip" muling dugtong ni Sir.
Isa isa na kaming tumayo at nag-alisan sa hall. Nagkaroon ng kanya kanyang lugar na pupuntahan.
Nahagip na mata ko si Den. Mag-isa siyang naglalakad palayo habang may hawak hawak na lapis at papel.
Hahayaan ko na muna siya. Alam ko kailangan niya ng tahimik na lugar.
Ganoon narin ang gagawin ko.
Kaya humanap na ako ng lugar kung saan malaya kong maisusulat ang tungkol sa sarili at nararamdaman ko.
Mabilis natapos ang ang tatlong oras. Narinig na namin ang tunog ng bell na hudyat na kailangan na naming bumalik muli sa hall.
"Bago tayo magsimula ay gusto kong umupo kayo ng pabilog, dahil sa gitna magpe-perform ang sinumang tatawagin kong pangalan" sabi samin ni Sir Menard.
"Itong jar na ito ay naglalaman ng papel na may nakasulat na pangalan niyo. Hiningi ko ito kay Maam Maguad. Kapag tinawag ko ang pangalan niyo ay wala kayong ibang gagawin kundi ang pumunta sa gitna at simulan na niyo na ang dapat niyong gawin" mahabang paliwanag nanaman niya.
Nalaman kong lahat pala kami ay tanging pagsulat at pagsalaysay lang ang ginawa. Siguro dahil dun lang malayang nasasabi o naisusulat ang nararamdaman ng tao.
Nagsimula ng magtawag ng pangalan ni Sir. Lahat kami tahimik. Unang tinawag ang pangalan ni Joseph. Classmate ko. Mabilis siyang nagpunta sa gitna.
Nung nasa gitna na si Joseph ay biglang namatay ang mga ilaw na nagbibigay samin ng liwanag. Tanging karampot na liwanag lang na nanggagaling sa itaas ang ilaw na tumatama kay Joseph.
Napakadilim. Walang ibang makikita kundi ang taong nasa gitna.
Sinimulan na niyang basahin ang hawak niyang papel. Seryoso si Joseph pero normal lang ang ginawa niyang pagpapakilala at pagpapaliwanag ng kanyang nararamdaman. Naikwento niya na namimiss niya na ang papa. Maaga daw kasing namatay ang tatay niya.
Matapos nun ay patuloy na nagtawag ng pangalan si Sir Menard. Kinakabahan nga ako eh. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.
"Chriden..." Biglang sabi ni Sir.
Biglang napokus ang mga mata ko sa kinalalagyan ni Den. Gusto kong marinig ang tungkol sa kanya. Interesado ako. Gusto kong malaman.
"Ako nga pala si Chriden pero ang tawag sakin ng karamihan ay Den. Base sa inyong nakikita, kabilang ako sa ikatlong kasarian. Kayo na bahala kung ano ang tawag niyo dun pero ako sa tingin ay pagiging totoo sa sarili ito" pagsisimula niya.
"Hindi ko masabing mabait ako kase alam ko naman sa sarili ko na may mga pagkakataon o malimit akong nagkakasala o may nagagawang kasalanan" dugtong niya habang may ngiti sa kanyang mga labi.
"May isang tao akong sobrang pinagpapahalagahan. Yung tipong mahal na mahal ko. Akala ko nga dati ay hindi namin malalampasan ang mga problemang dumating samin. Walang sinabi ang sangkaterbang pagsubok na dumaan samin dati..." Pagpapatuloy niya.
Si Paul siguro yung tinutukoy niya. Naikwento niya na kasi sakin yung tungkol sa kanilang dalawa eh. Kakainggit naman yung lalaking iyon. Sana ako nalang si Paul.
"Pero nag-iba lahat nung nagpasya siyang magtrabaho sa ibang bansa. Sabi kasi ng mga magulang niya ay kailangan siya ang maghandle nun kasi darating ang panahon na siya na talaga ang magmamanage pati ng ibang campany nila..."
Napansin kong parang nag-iba ang pustura ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero parang may kakaiba.
"Tol ang cute ni Den no!" Narinig kong komento ni Patrick.
"Tumigil ka nga! Nakikinig ako!" Sagot naman ni Hans.
Naku Patrick! Kakausapin na talaga kita pagkatapos ng retreat na ito!
"Napakasaya ko nun... Kasi naisip ko mas magiging better person siya at mas magiging matured na siya mag-isip..." Panandalian siyang tumigil at huminga ng malalim.
"Gabi gabi kami magkausap... Hindi lumilipas ang isang araw na hindi ko maririnig ang boses niya..." Pagpapatuloy niya.
"Palagi niya akong kinakamusta... Palagi niya nga ring sinasabi na wala na siyang tagahimay ng paborito niyang alimasag..." Matapos niyang sabihin yan ay biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya.
Naiyak si Den.
"Hindi kasi siya marunong maghimay nun...." Naiyak niyang kwento habang pinipilit ngumiti.
"Hanggang sa naging madalang na ang pagtawag niya sakin... Iniisip ko baka dahil sa dami ng trabahong ginagawa niya... Baka napapabayaan na niya ang sarili niya..." Sabi niya habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mata.
"Eto nga oh tingnan niyo ang eyebags ko... Nag-aantay kasi ako gabi gabi hanggang umaga ng tawag niya... Baka kasi bigla siyang tumawag tapos hindi ko masagot..."
"Nag-aalala na ako sa kanya..." Sabi niya habang patuloy ang paghikbi at pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
Takte! Ganoon pala ang nararamdamang sakit ni Den.
Gago pala yung Paul na yun ah!
Bakit ginagawa niya kay Den ito! Bakit hindi man lang niya magawang kumustahin o tawagan!
Anong klaseng boyfriend siya!
"Pasensya na kayo... Nadala ako ng emosyon ko...." Huling sabi niya at mabilis na siyang bumalik sa upuan.
Tangina ka Paul!
Wala kang kwenta!
Kawalan ba ang limang minutong pagtawag kay Den?
24 hours ka bang nagtatrabaho!!?
Kung magkataon na magpangita tayo baka masuntol lang kita! Wala kang kwenta!
At dahil hindi ako maka-get-over sa inis at galit na nararamdaman ko para sa boyfriend ni Den at hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Sir Menard.
"Uuy pre! Ikaw na! Ano bang nangyayari sayo!?" Sabay tapik sakin ni Hans.
Nasa gitna na ako.
Ganito pala dito sa gitna. Wala akong ibang nakikita - sarili ko lang.
"Oh nasaan ang papel mo?" Tanong ni Sir Menard.
"Hindi na po kailangan Sir. Alam ko na po ang dapat kong sabihin" seryosong sagot ko sa kanya.
Eto na ako ngayon sa gitna.
Napakarami kong naisulat kanina sa papel na hawak pero nung narinig kong nagsalita si Den sa gitna ay parang nabalewala lahat ng sinulat ko. Hindi ko maintindihan pero kusang kumilos ang kamay ko at itinago ko ang papel sa bulsa ko.
"Hi! I'm Mark James o mas kilalang MJ..." Nakangiting pagsisimula ko.
"Ako yung tipo ng tao na ginagawa ko ang bagay na makakapagpasaya sakin. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na if its not your choice to be happy - hindi ka talaga magiging masaya. Kaya ginagawa ko ang mga bagay na alam kong makakapagpasaya sakin..." Mahabang dugtong ko.
"May isang tao akong nakilala o sabihin nating hindi ko inaasahan na magugustuhan ko pala. Wala eh. Marupok kasi ang puso ko. Bago palang ako sa ganitong uri ng nararamdaman kaya nung una ang tanging alam ko lang gawin ay ang agawin ang atensyon niya at magpasikat sa kanya..." Ngiting pagpapatuloy ko. Pumapasok kasi sa isip ko si Den habang nagsasalita ako dito sa gitna.
"Pero nag-iba lahat yun nung nalaman ko kung ano ba ang nararamdaman niya... Lingid pala sa kaalaman ko ay sobrang pasakit na pala ang dinadala niya..." Bahagya akong tumigil at huminga ng malalim.
"Kaya naisip ko... Mas kailangan niya ngayon ng taong masasandalan at makakapagpasaya sa kanya... Naalala ko pa nga nung tinanong ko siya kung masaya siya, ang sagot niya sakin 'okay lang ako'... Diba ang layo?"
Wala na akong ibang naiisip kundi ang kalagayan ni Den sa mga sandaling ito.
"Kaya, ayoko na muna isipin ang pansarili kong ikakasaya. Ang gusto ko ay mapasaya yung taong yun hanggang sa malutas at mawala na ang mga iniisip niya..." Pagtatapos ko.
Hindi ko na masyadong pinahaba pa ang sinabi ko. Hindi ko na nga naipakilala ng maayos ang sarili ko at naipaliwanag ang nararamdaman ko eh. Parang sinabi ko lang ang gusto kong gawin.
Pero ayos to ah. Nakakagaan nga talaga ng pakiramdam kapag nasasabi mo talaga ang gusto mong sabihin. Lalo tuloy ako nagkainteres sa retreat na ito.
Bumalik na ako sa pagkakaupo ko.
Nagpatuloy si Sir Menard ng pagtawag ng pangalan hanggang sa abutin na kami ng 7pm.
"Good job. Dinner muna tayo bago tayo mag-procede sa next activity natin" nakangiting sabi ni Sir nung matapos ng magsalita ang lahat sa unahan.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa dining hall.
Paano ko nga pala ipapaliwanag kay Den ang lahat? Sigurado ako alam na niya na ako yung nakakatext niya kasi inamin ko na iyon sa gitna kanina. Sigurado ako magagalit siya sakin.
"MJ...."
Mabilis kong nilingon yun.
Takte! Si Den.
"Ahh... Den..." Sagot ko sa kanya nung mapatigil kaming sabay sa paglalakad.
"Huwag ka mag-alala.. Hindi ako galit... Alam ko naman sa simula palang na ikaw yung katext ko" nakangiting sabi niya sakin.
Hala! Paano niya nalaman?
"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko.
"Masyado kasing obvious. Kahit naman na may mga iniisip ako ay alam ko parin ang mga nangyayari sa paligid ko" sagot niya sakin.
"Oh tara na Jaime! Nagugutom narin ako"
Jaime? As in Hayme talaga ang tinawag niya sakin. Unang beses na may tumawag sakin ng pangalan na ganoon ah!
Katulad ng set up kanina sabay sabay parin kaming kumain. Hindi na sila pumayag na si Sheryl ang maglead ng prayer dahil baka gawin nanaman daw itong prayer meeting. May pahawak hawak pa nga sa kamay na nalalaman si Sheryl eh. Abnormal talaga!
Matapos namin kumain ay mabilis na kaming bumalik sa hall.
Pagbalik namin ay may isang malaking screen na nakaset up at may projector sa unahan.
"Okay. So, now were going to watch a movie. Wala kayong ibang gagawin kundi ang panuorin at damahin ang story ng movie" paliwanag uli ni Sir Menard.
Katabi ko ngayon si Den.
Mukhang medyo okay na uli siya kumpara kanina. Baka medyo gumaan na ang pakiramdam niya matapos niyang sabihin lahat kanina.
Wala akong narinig na nagtanong sa kanya tungkol sa mga sinabi niya. Ganoon siguro talaga ang kurso nila. Nalalaman agad nila base sa mga kinikilos ng mga taong nasa paligid nila.
Nagsimula na ang movie. A dogs tale. Hachiko ang pamagat. Naririnig ko na dati itong movie na ito pero hindi ko pa ito napapanuod.
Walang ibang maririnig na ingay bukod sa tunog na nanggagaling sa speaker. Lahat seryoso sa panunuod at nakatuon ang atensyon sa malaking screen na nasa harapan namin.
Hanggang sa dumating sa climax part ng story. Nagsimula ko ng marinig ang mga hikbi at pag-iyak ng mga kasama ko. Pati itong katabi kong si Den ay wala narin humpay sa pag-iyak.
Nung matapos ang pinapanuod namin ay biglang bumukas ang ilaw.
Halos lahat ng mata ng mga kasama kong manuod at namamaga. Galing lahat sa pag-iyak.
"Hindi ko na kailangan ipaliwanag sanyo ang tungkol sa movie. Alam kong naintindihan ninyo ang nilalaman ng pinanuod niyong movie" sabi ni Sir Menard mula sa harapan.
"Loyalty...." Narinig kong sabi ni Sheryl habang patuloy na nagpupunas ng luha.
Tiningnan ko rin ang mga kaklase kong babae. Iyak parin ng iyak.
Ako? Hindi. Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung movie. Nakatingin kasi ako kay Den at nag-iisip ng mga pwede kong gawin para mapasaya ko siya.
"Midnight na. Magpahinga na kayo. Call time natin bukas ng umaga ay 8am dito ulit sa hall. Goodnight!" Huling sabi samin ni Sir Menard bago tuluyang lumabas ng hall.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mabilis lumipas ang magdamag. Pero pakiramdam ko yung katabi ko ay hindi natulog. Ramdam ko kasi na gising pa siya kasi maya't maya miyang pinapailaw yung cellphone niya sa ilalim ng kama.
"Oh gusto niyo ako ulit ang mag-lead ng prayer?" Pagboboluntaryo ni Sheryl.
"Ayy Te wag na! Ako nalang!" Sagot naman ni Diane na classmate ko. Sumama na kasi ang ibang classmates ko samin.
Matapos maglead ng prayer si Diane ay nagsimula na ulit kaming kumain ng almusal. Masaya naman lahat at kanya kanyang kwentuhan.
"Den!? Den where are you!?" Biglang narinig ko sa medyo malakas na pagtawag.
Sabay sabay kaming lahat napalingon sa lalaking paparating at naglalakad papasok dito sa dining hall.
Dahan dahang tumayo si Den at bakas sa mata ang labis na pagtataka.
Mabilis na nakalapit kay Den ang lalaking naghahanap kay Den at mas kinilaki pa ng mata ko nung bigla nalang nitong niyapos si Den.
"Are you okay? I'm here...." Narinig kong sabi nung lalaking nakayapos kay Den.
Mharkie Lloyd Point of View
Ilang buwan ng nakalipas simula nung mapagpasyahan kong bumalik dito sa Baguio. Namiss ko ito ng sobra.
May business kasi kami dito at nagkataon na kailangan din ako dito.
Marami kaming clients sa iba't ibang bansa. Nagustuhan yata ang produkto namin. Ayos yun dahil don ay mas magiging successful ang business namin.
Nandito ngayon ako sa kwarto ko. Nagpapahinga ako nung biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello..." Pagsagot ko sa tawag.
Biglang nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang kasunod na sinabi ng taong kausap ko. Si Kerby yung tumawag.
"Alam na ba ni Den ito!?" Malakas kong tanong sa kanya.
Nangangatal ako sa nararamdaman kong galit.
"Tangina! Wala siyang kwenta!" Sigaw ko kasabay nun ay ang pag-end ko ng tawag.
Mabilis akong nag-ayos ng gamit.
Hindi ko na dinala ang ga bagay na hindi naman importante. Ang mahalaga lang ay makabalik agad ako sa Cavite.
"Mharkie saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Tita nung nakitang halos takbuhin ko na ang sasakyan ko.
"Tita kayo na po muna ang bahala dito. Babalik na po muna ako sa Cavite. Matatagalan pa po uli ang balik ko dito. Ipapakuha ko nalang ho ang ibang gamit ko dito" mabilis kong sabi sa kanya. Hindi ko na nga naintay pa ang kasunod niyang sasabihin dahil mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan ko.
Tumingin ako sa digital clock ng sasakyan ko. 5:30pm. Friday.
Matapos nun ay sinimulan ko ng tahakin ang daan pauwe.
Hindi ko na naisip na magstop over para kumain o gumamit ng cr. Wala na akong dapat pang aksayahing oras. Alam ko sa pagkakataong ito ay kailangan niya ng taong kasama, taong kausap at taong mapagsasabihan niya ng nararamdaman niya.
Kailangan ako ni Den ngayon.
Tangina ka Paul!
Paano mo nagawa ito kay Den!?
Bakit ko nagawa ito kay Den!?
Wala kang kwentang tao!!!
Pasado alas singko na ako dumating sa boundary ng Cavite. Hindi na ako dumiretso ng uwe sa bahay ko. Sa bahay agad ako nila Den dumiretso.
"Oh Kuya Lloyd! Bakit napakaaga mo?" Bati sakin ni Chrien na halatang nagising dahil sa pagkakakatok ko sa pintuan nila.
"Nasaan si Kuya Den mo?" Mabilis kong tanong sa kanya at halos pumasok na ako sa loob ng bahay nila.
"Wala si Kuya. Nasa retreat sila ngayon. Ang alam ko sa tagaytay yun kuya Lloyd" sagot uli ni Chrien habang nagpupunas ng mukha.
"Okay sige. Salamat Chrien" sabi ko agad at mabilis na akong bumalik sa sasakyan ko.
Muli akong tumingin sa digital clock. 5:45am.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungong tagaytay. Isa lang ang alam kong retreat house na palaging pinupuntahan ng school namin. Angels Hills.
Nasa tapat na ako ng Angels Hills.
Pinapasok naman ako ng guard ng gate at mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko.
Mabilis akong naglakad papasok sa loob.
"Excuse me... Nasaan ang mga studenta ng San Sebastian School?" Tanong ko sa isang tao doon.
Agad naman niyang tinuro sakin kung nasaan sila.
Binuksan ko ang pintuan ng dining hall. Nilibot ko ang dalawang mata ko.
"Den! Den!" Pagtawag ko sa kanya.
Nagtinginan sakin ang mga taong nandun pero wala akong pakialam sa kanila.
"Den!!" Muling pagtawag ko.
Nahagip ng mata ko ang taong hinahanap ko.
Muntik na akong mapatigil sa paglapit kay Den nung may nakita akong napakapamilyar na mukha.
Paglapit ko kay Den ay mabilis ko siyang niyapos.
"Den... I'm here..." Sabi ko sa kanya.
Tinitigan ako ni Den matapos kong tanggalin ang pagkakayapos ko sa kanya.
Halos samin lahat nakatuon ang atensyon ng mga taong nakain sa loob ng dining hall.
"Teka nga... Ano bang problema? Bakit ba kayo nagtatanong kung okay ako?" Takang tanong ni Den.
Teka. Sa tono ng pagtatanong ni Den ay mukhang wala pa siyang alam sa nangyayari.
"Ikaw Jerome!" Sabay tingin niya kay Jerome.
"At ikaw Lloyd!" Tingin naman niya sakin.
"Ano bang problema? Bakit bigla bigla kayong sumusulpot dito at tatanungin niyo kung okay ako!?" Tanong ni Den saming dalawa ni Jerome.
Nauna na pala si Jerome sa pagdating dito kay Den. Ibig sabihin mas naunang nalaman ni Jerome ang nangyari at ginawa ni Paul bago sabihin sakin ni Kerby.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jerome at kapwa kami walang maisagot sa tanong samin ni Den.
"Tara! Uuwe na tayo!" Sabi ni Jerome sa pamamagitan na matigas na boses.
"Den mag-usap tayo!" Sabi ko naman sa kanya.
Nasa amin parin ang atensyon ng buong dining area. Wala akong ibang naririnig kundi ang boses lang namin ni Jerome.
"Ehem... Excuse me... Nasa retreat house tayo..." Singit ni Sheryl.
"Jerome...Lloyd... Kung ano man ang problema pwede ba patapusin muna natin itong almusal. Saka hindi pwede umalis si Den dito. Retreat ito at hanggang bukas kami dito..." Dugtong ni Sheryl.
"Jerome, Lloyd hindi ko alam kung ano bang problema niyo pero saka na tayo mag-usap. Umuwe na muna kayo" singit uli ni Den.
"Susunduin kita bukas" narinig kong sabi ni Jerome at mabilis na tumalikod at lumabas ng pinto.
"Aantayin kita sa bahay niyo. Hindi ako uuwe hanggat hindi tayo nakakapag-usap" sabi ko sa kanya at kaagad narin akong umalis.
Nakakaagaw na kasi kami ng atensyon.
Matapos yun ay bumalik na ako sa sasakyan ko.
Den...Paano ko nga ba sasabihin sayo...
Mark James Point of View
Katatapos lang ng session namin. Pangalawang araw na ito at bukas uuwe na kami.
Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa dining area. Yung biglaang pagdating ng dalawang lalaki.
Hindi ko sila kilala pero base sa mga naririnig kong reaksyon sa paligid ko nung dumating yung dalawang lalaki ay sikat sila sa school.
Transfer lang kasi ako nung second year kaya hindi ko sila kilala.
Bakas na bakas ko ang pag-aalala sa mukha nila para kay Den. Lalo na yung naunang dumating.
Hindi naman ako manhid para hindi ko mahalata na may hindi magandang nangyayari. Hindi naman siguro sila basta basta pupunta lang dito para lang tanungin si Den kung okay lang ba siya.
"Mukhang hindi ka rin makatulog ah..." Sabi sakin ni Den.
Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa pagkakasabi niyang iyon.
"Medyo.. Excited na kasi ako para bukas sa last session natin.." Pagpapalusot ko sa kanya.
"Tara. Lakad lakad muna tayo sa labas. Pahangin lang. Pampaantok..." Sunod na sabi niya at dahan dahan tumayo.
Sumunod naman ako sa kanya. Tutal hindi parin naman talaga ako inaantok kaya gusto ko rin maglakad lakad sa labas.
Nandito kami ngayon sa tapat ng hall. Palakad lakad lang. Pinasuot ko ang dala kong jacket kay Den kasi masyadong malamig dito sa labas.
Napansin kong dala ni Den ang cellphone niya.
"Talagang hindi mo sinurender ang cellphone mo ah.." Pabirong sabi ko sa kanya.
"May inaantay kasi akong tawag" panandalian siyang tumigil at tiningnan ang cellphone niya.
"Diba isang oras lang naman ang pagitan ng oras natin sa Japan?" Kasunod niyang tanong sakin.
Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Binalot muli kami ng katahimikan. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa napagpasyahan namin na maupo muna sa isang bench.
"Bukod sa pag-aantay ko ng tawag mula kay Francisco ay nagtataka rin ako kung bakit bigla bigla nalang pumunta si Jerome at Lloyd kanina..." Sabi niya.
Jerome at Lloyd pala ang pangalan nung dalawang yun.
"Ang alam ko kasi si Jerome nasa Canada at si Lloyd naman ay nasa Baguio, tapos bigla silang dadating dito at tatanungin ako kung okay lang ako?" Takang kwento niya.
Ibig sabihin umuwe lang talaga si Jerome dito galing sa Canada para lang puntahan si Den? Ganoon din yung sinasabi niyang si Lloyd?
Ganoon kaimportante si Den sa kanila?
"Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano..." Malungkot na sabi niya.
"Anu ka ba! Huwag ka mag-isip ng kung anu-ano. Hindi maganda yung ganyan. Huwag ka mag-alala kung ano man ang pinunta nila dito ay sigurado ako na para sayo yun..." Pang-aamo ko sa kanya.
"Salamat Jaime..." Mahinang sagot niya sakin.
.
.
Mabilis natapos ang last session namin. Nagkaroon kami ng simpleng activity kung saan masusubukan ang teamwork. Ang saya nga eh. Puro kalokohan si Sheryl.
Nakapag-ayos na kami ng gamit ngayon. Inaantay nalang namin ang pagdating ng bus para ihatid na kami pauwe.
"Sure ka bang wala kang nakalimutan?" Tanong ko kay Den habang pareho kaming nakaupo sa kama namin.
"Opo. Lahat dala ko. Pati nga yung sobrang shampoo at toothpaste ay nilagay ko sa bag eh" sagot kasunod nun ay ang pagtawa niya.
"Den!" Narinig kong sigaw mula sa pintuan namin.
Sigurado ako si Sheryl yun. Si Sheryl lang naman ang walang pakundangan ang bibig kahit nasaang lugar eh.
Binuksan ni Hans ang pintuan at bumungad nga samin si Sheryl.
"OhMayGawd! Pengeng kanin!" Sigaw niya habang nakatitig sa katawan ni Hans. Nakahubad kasi ng damit si Hans at hindi pa tapos magbihis.
"Hoy She! Wag mo ngang pagpantasyahan yang si Hans!" Sabi naman ni Den na nagpabalik sa katauhan ni Sheryl.
"Napaka mo talaga! Malapit na eh!" Inis na sagot ni Sheryl.
"Oh bakit ba kung makasigaw ka eh parang lilipunin na magaganda!?" Tanong agad ni Den.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na kanina pa nag-aantay sayo si Jerome sa labas! Kanina parin siya pinagpipiyestahan ng mga uod na comsci!" Mataray na sabi ni Sheryl.
"Ha? Teka! Oo nga pala!" Sabi ni Den at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Oh sige Papa Hans! Sa school nalang natin ipagpatuloy..." Sabi ni Sheryl sabay kindat kay Hans.
"Oh anong inuupo mo diyan Mark? Sundan mo si Den! Ang hina mo talaga!" Untag sakin ni Hans.
Awtomatikong kumilos ang katawan ko at lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ay nakita ko ang mga kaklaseng kong nakatitig sa taong nakatayo sa tabi ng pulang kotse.
Nakita kong lumapit si Den sa kanya.
Sino nga kaya si Jerome sa buhay ni Den?
Sino rin kaya yung Lloyd sa kanya?
Ang dami ko pang hindi alam kay Den.
"Tol, oh!" Sabay abot sakin ni Hans ng gamit ni Den.
Napansin kong pinapasakay na siya ni Jerome sa sasakyan kaya bigla akong tumakbo palapit sa kanila.
"Den! Den!" Pagtawag ko sa kanya.
Sabay na napalingon sakin si Den pati yung kasama niyang si Jerome.
"Oh Jaime!?" Takang tanong niya sakin.
"Nakalimutan mo oh.." Sabay abot ko sa kanya ng gamit niya.
"Salamat... Pasensya na hindi na ako makakasabay pauwe sanyo..." Nakangiting sabi niya sakin.
"Okay lang. Alam kong mas magiging okay ka na..." Ngiting sagot ko sa kanya.
"Eto oh... Gamitin mo..." Sabi ko ulit sa kanya sabay hubad ko sa suot kong jacket.
"Salamat... Ingat sa pag-uwe ha.. Kita nalang tayo sa school sa monday..." Huling sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Napansin ko na nakatingin sakin si Jerome pero hindi ko na pinansin iyon. Ang importante ay malalaman na ni Den kung bakit biglaan ang pagdating ni Jerome dito.
Chriden Miguel Point of View
Haaay.. Monday nanaman. Pasok nanaman. Parang hindi dumaan ang sabado at linggo dahil hindi ko naramdaman na napahinga ang katawan ko.
Flashback
"Jerome..." Mahinang basag ko sa katahimikan na bumabalot samin habang tinatahak namin ang daan pauwe.
"Bakit ka nga pala nandito? Wala ka man lang pasabi na uuwe ka..." Dugtong ko.
"Wala naman masyadong ginagawa dun saka alam ko naman na kayang kaya ng kapatid ko yun" sagot niya sakin.
"Jerome nagtataka lang ako... Bakit niyo ako tinatanong ni Lloyd kung okay lang ako? May problema ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Nagtataka kasi talaga ako.
"Nagkataon lang siguro Den..." Sagot niya habang nakatingin sa daan.
End of Flashback
"Uyy Den! Ano!? Mabait ka na? Umepekto ba sayo ang retreat?" Tanong sakin ni Sheryl habang nilalapag ang gamit sa table.
"Matagal na akong mabait no! Ikaw lang ang walanghiya eh!" Sagot ko naman sa kanya.
"Teka.. Musta naman si Lloyd? Hindi ka na nagreply sakin nung magkatext tayo nung gabi eh" sunod na sabi niya sakin.
Flashback
"Lloyd? Bakit nandito ka?" Takang tanong ko nung nadatnan ko siya na nakaupo sa sala namin.
"Diba sabi ko naman sayo aantayin kita" seryosong sagot niya.
Nilapag ko ang dala kong gamit at agad na naupo.
"Teka nga.. Nagtataka kasi talaga ako sanyong dalawa ni Jerome eh.. Mharkie Lloyd tapatin mo nga ako! Ano ba ang nangyayari!?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Ha? Anong sinasabi mo? Nandito ako para kumustahin ka nu! Ang tagal na kasi natin di nagkikita eh" nakangising sagot niya.
"Haay Lloyd. Pagod ako.. - "
"Den.. I miss you..." Putol nya sa sinasabi ko.
End of Flashback
"Hala! Yun lang ang sinabi niya? I miss you!? Takteng yan! Bitin!" Sigaw ni Sheryl.
"Alam mo Sheryl parang may kakaiba eh. Parang may mali..." Seryosong sabi ko sa kanya.
Napatingin lang sakin si Sheryl halatang nag-aantay ng kasunod kong sasabihin.
"Iba kasi ang pakiramdam ko She. Ewan ko. Anxiety attacks siguro" -Ako.
"Langya ka! Kung maka-anxiety ka! Tara na nga! Pumasok na tayo!" Sabay tayo niya at kuha ng bag niya sa table.
Tumayo narin ako at kinuha ko ang bag ko.
Hindi naman ako tanga para hindi mahalata sa kinikilos ng dalawang kaibigan ko. Alam ko may nililihim sila sakin. Alam ko yun. Malakas ang kutob ko.
.
.
Natapos ang buong maghapon nanlulan ang isipan ko. Hindi ko nga naintindihan ang diniscuss ni Maam Baron at Maam Taccad eh.
"Den una na ako sayo... Ingat ka pag-uwe ha" bilin sakin ni Sheryl at mabilis na siyang tumawid sa kalsada.
"Ikaw din tol. Kitakits bukas. Magpanty ka ha!" Sigaw ko sa kanya.
Sa totoo lang medyo nawawala ang mga isipin ko kapag kasama ko si Sheryl. Kahit alam kong pinapasaya niya lang ako gamit ang kalokohan niya ay naaapreciate ko yun. Iba ka talaga Sheryl.
"Hi! Pauwe ka na?" Mabilis kong nilingon yung pinanggalingan ng boses.
"Diretso ako sa bar... Mag-aayos pa kami dun ee" sagot ko kay Jaime.
"Dinner muna tayo... Tapos hatid kita..." Mabilis niyang sagot.
"...at dahil bawal ang tumanggi, tara na!" Sabay hila niya sa kamay ko papunta sa likod ng school.
Akala ko dun kami kakain pero nung napaharap na kami sa isang magandang sasakyan ay agad akong pinasakay ni Jaime.
"Akala ko ba -"
"Dinner tayo at syempre sa special place..." Putol niya sa sinasabi ko.
Nagdinner kami sa isang magandang restaurant. Napakaromantic nga eh. Ang daming kwento sakin ni Jaime pero sa totoo lang hindi napasok sa utak ko. Ewan ko ba. Kakaiba.
"Eto oh" sabay pakita niya sakin ng dalawang ticket.
"Yayain sana kita manuod ng concert ng shooting star band nextweek... Sana -"
"Pwede! Gusto ko! Idol ko yan!" Nakangiting sagot ko agad sa kanya.
Gustong gusto ko kasi ang shooting star band lalo na si Marcus. Kwela yun. Haha! Madala ko mabasa sa mga sites ang tungkol sa kanya. Kaya nga matagal ko ng gustong makapanuod ng concert nila.
"Talaga?"
"Yap! Bakit? Ayaw mo?"
"Syempre gusto ko noh!" Sagot sakin mi Jaime.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa di ko na napansin ang oras.
"Jaime, hatid mo na ako sa bar... Kailangan na ako dun" sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit niya.
Hindi rin nagtagal ay dumating kami sa bar na sinabi sakin ni Kevin. Hindi na muna umuwe si Jaime. Naupo muma siya at pinakinggan ang mga kanta ko.
Sanay na ako sa ganito. Pagkakatapos ng klase ay diretso sa bar para sa sideline. Wala na kasi kami ibang napagkakakitaan.
Si mama wala ng trabaho. Si Chrien nag-aaral kaya kailangan kumilos na ako. Wala naman kasing ibang tutulong samin kundi ako.
"Den kanina pa nagriring ang cellphone mo" sabi sakin ni John. Guitarist namin.
Nagpa-sub muna ako para sa pagkanta. Mabilis kong tinungo ang backstage para sagutin agad ang cellphone ko.
Baka kasi si Francisco yun. Sayang naman ang pagkakataon.
Tiningnan ko ang call register.
12missed calls and 2 messages.
Binasa ko yun.
Kanina pa ako natawag sayo. Busy ka ba? Text mo ako kapag nareciv mo na tong message q.
Galing iyon kay Jerome.
Be ready. Flight tayo sa Saturday papuntang hongkong. Ready na passport at ticket mo. Namiss kita kaya babawi ako sayo.
Kasunod na nabasa kong message galing kay Jerome.