Chapter III
Mark James Point of View
"Ma naman! May lakad kami ng tropa eh..." Sagot ko kay Mama gamit ang cellphone.
"Sige na nga. Lagi ka naman busy sa work." Matapos kong sabihin yun at in-end ko na tawag.
May fieldtrip kasi sila Noah bukas. Eh may lakad din ako bukas. Tapos sabi ni Mama ay ako na muna daw ang sumama kay Noah. Unfair diba? May lakad din ako! At isa hindi pa nga siya kahit kailan napapasama sa lakad namin ni Noah ah! Masyado siyang busy sa trabaho niya at dahil dun nawawalan or let me say wala na siyang time saming magkapatid.
At the end wala narin ako nagawa. Ayoko naman pasamahan lang sa yaya si Noah. Kahit naman ganito ako mahal na mahal ko ang kapatid ko nu! Ayoko maging mukhang kawawa siya sa fieldtrip.
"Noah tara! Punta tayo sa puregold!" Yaya ko sa kapatid ko habang busy sa paglalaro ng DS.
"Bakit kuya?" Tanong niya.
"Diba bukas na fieldtrip niyo? Edi mamimili tayo ng baon natin" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Talaga kuya? Ikaw kasama ko!?" Masayang tanong niya.
"Bakit? Ayaw mo kasama si Kuya?" -Ako
"Halika na kuya!" Mabilis niya yaya sakin at hila palabas ng bahay.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa puregold. Hindi naman karamihan ang tao kasi friday. Pumasok na kami sa loob at kumuha ng cart si Noah.
"Ako na magtutulak kuya" prisinta niya.
Nagsimula na kaming magpaikot ikot at pumili ng mga baon para bukas. Ito namang si Noah ay parang gustong bilihin lahat ng nakikita. Napakaraming nilalagay sa cart.
"Noah ang dami dami mo naman babaunin bukas. Hindi natin mauubos yan" pagsita ko sa kanta.
"Kuya gusto ko mag-share ng baon sa mga classmates ko. Saka yung katabi ko sa upuan sabi niya konti lang daw baon niya. Kaya bibili tayo ng madami para makapagshare tayo sa kanya" mahabang kwento ng kapatid ko.
Wala akong nasabi sa kanya. Hanga talaga ako sa kabaitang taglay niyong kapatid ko. Kaya hinayaan ko nalang siyang kumuha ng gusto niya.
Nandito kami ngayon sa line ng mga cookies at stick-o. Hindi pwedeng mawala ito sa baon namin kasi paborito ko ang stick-o. Hahaha! Promise. (kahit tanong niyo pa kay Author)
"Kuya look oh! Ayun yung classmate na sinasabi ko sayo kanina oh. Nabili pala sila ng baon" sabay turo ni Noah sa gawing kanan.
Bigla akong natigilan sa tinuro ng kapatid ko. Nararamdaman ko nanaman yung bawat pantig ng dibdib ko. Naririnig ko nanaman ang bawat kalabog ng puso ko.
"Oy Kuya! Kuya!!"
Talaga yatang pinagtatagpo kami ng tadhana. Tiningnan ko yung batang kasama ni Den. Ang cute! Magkahawig silang dalawa. Siguro magkapatid silang dalawa. Kung magkapatid nga sila ay malamang siya ang kasama sa fieldtrip bukas?
Takte! Nagkakaroon ako ng advance thinking.
At kung kasama nga siya... s**t! Hindi ako nagkamali ng disisyon! Salamat mama at ako ang pinasama mo kay Noah! Labyu Ma!
"Oy! Kuya! Para kang tanga!" Tapik sakin ni Noah.
Ayy! Garabe lang ha! Kapatid mas matanda ako sayo!
"Nangiti ka mag-isa Kuya!" Dugtong ni Noah.
Iniwan ako ni Noah at tumakbo palapit sa tinuturo niyang classmate niya. Sinundan ko agad siya
"Hi Ien!" Narinig kong bati ni Noah dun sa batang nakahawak kay Den.
"Hi..." Nakangiting bati ko kay Den ung bigla siyang napatingin sakin.
"Oy! Hi!" Nakangiting bati naman niya sakin.
"Kuya si Ien nga pala, classmate ko" pagpapakilala sakin ni Noah.
"Hello po Kuya!" Ngiting bati naman niya sakin.
"Oah si Kuya Den nga pala" pagpapakilala naman ni Ien.
Ayos ah! Oah ang tawag nung bata sa kapatid ko. Hahaha! First time kong narinig na may ibang tawag sa kapatid ko ah.
Ayy potek! Hindi pa nga pala alam ni Den na ako si Mark James na nakakatext niya. Binulungan ko si Noah na MJ ang itawag sakin at mamaya ko na papaliwanag sa kanya kung bakit. Mabilis naman kausap ang kapatid ko at ganun na nga ang nangyari.
"Ien sabay na tayo mamili tapos kain tayo ng dinner nila Kuya" narinig kong sabi ni Noah sa classmate niya.
"Akina. Ako na magdadala niyan..." Prisinta ko kay Den.
Magkasabay na kasi kami naglalakad ngayon at ang dalawang kapatid namin ay magkasamang namimili ng baon.
"Anu ka ba! Ang gaan gaan ng basket na to eh. Yakang yaka ko na to" nakangiting sagot niya.
At dahil sa ayokong tanggihan niya ako ay kinuha ko parin ang basket.
"Hindi bagay sayo ang nahihirapan kahit sa ganyang bagay lang" sabi ko at ako na ngayon ang may bitbit ng basket.
"Teka bakit napakadaming laman ng cart niyo? Naggrocery din ba kayo para sa bahay niyo?" Takang tanong niya sabay turo sa cart.
"Ah..eh..baon ni Noah yan bukas..." Sabay kamot ko sa ulo.
"Hala! Ang dami!" Gulat na sagot niya.
Shakkkks! Ang cute niyaaaaa! Ayiiiee!
Nagpatuloy kami sa pag-iikot hanggang sa natapos ng mamili ng baon si Noah. Pumila na kami sa cashier.
"Ien san mo gusto kumain?" Narinig kong tanong ni Noah.
Kakaiba talaga itong kapatid ko. Ang pagkakaalam ko hindi ganyan makipagclose sa ibang bata yan. Kalimitan kasi loner yan eh.
"Kahit san Oah" ngiting sagot naman ni Ien.
"Sir 2,309.35 po" sabi nung babae sa cashier.
"Isama mo na ito miss" sabi ko sabay abot ng basket.
"Ayy.. Ako na." -Den.
"Nope. Bawal ang tumanggi" sagot ko sa kanya. Wala na siyang nagawa dahil mabilis ko ng binayaran.
"Magdinner na muna tayo. Di ka na makakatanggi kasi ayun na ang mga bata oh" sabi ko sa kanya sabay turo ko sa mga bata na nasa loob na ng Mang Inasal.
Ako na ang umorder ng mga pagkain namin. Syempre pandagdag points din noh. Dapat gentleman.
Nagsimula na kaming kumain. Walang tigil ang kwentuhan ng dalawang bata. Pinag-uusapan na agad nila ang fieldtrip bukas. Sobrang excited.
"Teka Ien saan na kayo nakatira? Gusto mo sunduin namin kayo bukas para sabay tayo dumating sa school?" Tanong ni Noah.
Wow! Kapatid anong nangyayari sayo? Mukhang may sakit ka yata at napakabait mo ah!
"Wag na Oah. Malayo bahay namin" tanggi naman ni Ien.
"Okay lang Ien. Magaling magdrive si Kuya. Diba kuya? Sabay tingin sakin ni Noah na halatang kailangan sumagot ako ng oo.
"Oo Ien. Magaling ako magdrive kaya kahit saan pa bahay niyo masusundo ka namin" sagot ko naman.
"Oh diba Ien? Sabi ko sayo eh! Magaling si Kuya! Mana kaya ako diyan. Magaling din ako" pagyayabang ni Noah.
Haaay. Mga bata naman talaga oh.
Nalaman kong sa Biwas pala ang bahay nila Den. Malapit lang naman pala eh.
"Maraming salamat nga pala. Pangalawang beses na ito. Promise sa susunod treat naman kita" nahihiyang sabi ni Den nung nasa labas na kami ng puregold.
"Kuya ihatid nalang kaya natin sila para malaman natin bahay nila para di tayo maligaw bukas ng umaga?" Singit ni Noah.
Yan ang pinakagusto kong sinabi mo Noah! Hahaha!
"Ayy wag na... Gabi narin. Baka gabihin pa kayo sa daan" tanggi ni Den.
"Yun na nga eh. Gabi na kaya dapat ihatid namin kayo ng kapatid mo" nakangising sabi ko.
"Halika na Ien. Nandun yung kotse ni Kuya. Kapag daw malaki na ako ibibili daw ako ng kotse ni mama. Para sabay na tayo lagi papasok" narinig kong sabi nanaman ni Noah.
Napapailing nalang ako sa mga sinasabi ng kapatid ko.
Nasa unahan kami ni Den ngayon at sa likod naman ang dalawang bata.
"Alam ko na Oah. Laro muna tayo ng PSP sa bahay pagdating natin. May laro ako dun naruto shippuden" -Ien.
"Talaga! Sige! Paborito ko yun! Magkapareho lagi tayo ng paborito Ien" masayang sagot naman ng kapatid ko.
"Kuya ako na tatawag sa kanila" sani ni Noah at mabilis bumaba ng sasakyan.
Halos hindi na nga nakatulog yang kapatid ko dahil sa sobrang kaexcitedan. Ang aga pa ako ginising! 1am palang ginigising na ako at mag-ayos na daw ako. Diba? Kaiba!
Matapos kong maipark ng maayos ang sasakyan ay sumunod na agad ako sa kanya. Syempre naman noh! Excited din akong makasama si Den. Kung nagkataon - first date namin ito. Hahaha! Galawang hokage! :)
"Ang aga mo naman Oah. 2:30am lang oh" narinig kong sabi ni Ien habang nagbukas ng pintuan.
"Syempre naman Ien. Baka kasi hindi ka magising ng maaga kaya inagahan ko talaga ang pagpunta dito" pagmamayabang nanaman ng kapatid ko.
"Pasok muna kayo sa loob. Gigisingin ko narin si Kuya. Sigurado ako tulo-"
"Chrien ang aga mo nama-"
"Ayy... Nandiyan na pala kayo. Anong oras na ba?" Gulat na sabi ni Den at mabilis tumingin sa wallclock nila.
Walang bahid ng pagkakagaling sa tulog ang mga mata niya. Pero yung malalalim na eyebags ang halos lumukob sa magandang mata niya. Natutulog pa kaya ang taong ito?
"Kuya akala ko tulog ka pa?" Tanong ni Ien sa kanya. Chrien pala ang totoong pangalan ni Ien. Ang cute.
"Hindi kasi ako makatulog. Excited lang siguro" malumanay na sagot niya. Halata naman na nagpapalusot lang siya. Wala kasi sa mukha niya ang excite na nararamdaman di tulad ng kapatid ko.
Pinaupo muna kami sa sala habang nag-aayos na sila. Pinaikot ikot ko ang tingin ko sa buong bahay nila. Maganda kahit di masyadong kalakihan.
"Oah tara dito muna kayo sa kwarto. Matagal maligo si Kuya kaya maiinip kayo diyan" tawag samin ni Chrien. Umakyat kami pataas at pumasok sa isang kwarto.
Ang ganda ng kwarto. Nakakarelax. May malaking teddy bear na nakahiga sa kama at meron ding maliit na stufftoy na nakaupo sa ulunan ng kama.
"Laro muna tayo Oan" yaya ni Chrien sa kapatid ko. Naupo sila sa lapag at nagsimulang maglaro ng PSP.
Ako naman ay nagpalakad lakad lang sa loob ng kwarto.
Agad napukaw ng isang bagay ang mata ko kaya mabilis ko itong nilapitan.
Inangat ko ito at tinitigan kong maigi.
Francisco - Den
September 11, 20xx
Siya pala iyung tinutukoy ni Den nung nagkakwentuhan kami.
Narinig kong may mga yabag papunta sa kwarto kaya mabilis kong ibinaba ang hawak kong frame at itinaob ko ito.
Tumambad sa pintuan si Den at oh shit... Ganito ba talaga siya pumorma? Halos mapanganga ako nung nakita ko siya.
Skinny jeans na binabagayan ng semi-fitted na human shirt at havaianas na stepin.
Bagay na bagay sa kanya.
Bagay na bagay kami.
"Oy! Mag-ayos na ng gamit Chrien! Nakakahiya sa classmate mo at sa kuya niya. Ang tagal natin mag-ayos" sita niya sa kapatid niya.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating narin kami sa school nila Noah.
Ang daming bus na nakaparada sa labas at ang ibang mga bata at parent nila ay nasa loob na ng bus.
"Chrien, Noah bus number 16 kayo. Eto ang seat number niyo" sabay abot ng teacher nila ng binilog na cartolina na may nakalagay na number.
41, 42, 45 at 46.
Mabilis naman namin nakita ang bus at agad na kaming pumasok sa loob.
"Kuya ayun may number sa upuan" masayang turo ni Noah.
"Ien tabi tayo!" Sigaw ni Noah at mabilis kinuha ang kamay ni Chrien.
"Noah ang katabi ni Ien ay si Kuya niya. Ako dapat ang katabi mo..." Sabi ko sa kanya.
"Kuya gusto ko katabi si Ien. Kayo nalang ni Kuya Den ang magtabi" sabi ni Noah at mabilis na silang umupo sa upuan.
Nagkatinginan kami ni Den at sumenyas siya na wala na kaming magagawa.
Sa tabing bintana nakaupo si Den. Bago ako naupo ay inayos ko muna ang mga bag namin sa itaas at ang mga pagkain naman sa ibaba.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula ng umandar ang bus namin. Hindi kami nag-uusap ni Den kasi nakasalpak sa dalawang tainga niya ang headset.
Paano kaya kami mag-uusap?
Halata kasing malalim ang iniisip niya kasi nakatingin lamang siya sa labas at bakas sa mukha ang lungkot. Iniisip niya parin siguro yung boyfriend niya. Kung ako yung boyfriend niya hindi ko siguro matitiis ang hindi tawagan araw araw itong si Den. Hindi ko hahayaang magkaganito itong taong ito.
Sumandal ako sa upuan. Bahala na. Ayoko sirain ang pagmomoment ni Den. Mamaya na ako magpapapoints sa kanya.
Bigla ko nalang naramdaman na may sumuot sa kanang tainga ko dahilan para makarinig ako ng tugtog.
"Para hindi ka masyadong maboring..." Sabi niya matapos niyang ilagay sa kanang tainga ko ang isang headset.
"Search for your love ng starlights yan... Ganda nu?" Nakangiting sabi niya sakin sabay balik tingin sa bintana.
Ngayon ko lang narinig ang kanta na to ah pero parang ang ganda. Ang sarap pakinggan.
"Den..." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Bakit?"
Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya? Korni man pero parang lumulutang ako dahil sa saya. Nung una ko siyang nakita iba yung impact sakin.
Tamaaaa!
Nakita ko na boyfriend niya! Yun yung kasama niya nung una kaming nagkita sa starcity. Yung mukhang maangas!
Muntik na akong malaglag sa upuan nung napansin kong magkalapit na ang mukha namin ni Den.
"Oyy! Kanina mo pa tinatawag pangalan ko..." Malumanay na sabi niya sakin.
"Ahh..ehh-"
"Kuya paabot naman ng chips a hoy. Kakain kami ni Ien" singit ni Noah.
Umayos ako ng pagkakaupo at inabot ko ang hinihingi ng kapatid ko. Naglabas narin ako ng pagkain at inalok ko si Den.
"Salamat" tipid niyang sabi sakin.
Pinagpawisan talaga ako kanina ah. Bakit ko nga ba siya tinawag? Haha. Naloloko na ata ako.
"MJ may girlfriend ka na?" Biglang seryosong tanong sakin ni Den.
Chriden Point of View
Kahit antok na antok na ako ay hindi pa rin ako natutulog. Baka kasi tumawag si Francisco.
Hindi ko na nga namalayan na inabot na ako ng madaling araw sa kakaantay sa tawag niya. Malalim na ang pagitan ng dalawang mata ko.
"Kuya! Tara dun tayo!" Turo ni Chrien sakin.
Nasa fieldtrip kami ngayon. Buti nalang nakagawa at nakaisip ako ng paraan para makasama si Chrien dito. Ayoko naman kasing hindi maranasan ng kapatid ko ang mga ganitong activity sa school nila.
"Pambata yan bunso. Kayong dalawa nalang ni Noah" nakangiti kong sagot sa kanta. Tinuturo kasi niya yung mini-periswheel na hugis itlog.
Nandito kami ngayon sa storyland.
Dito kasi ang huling destinasyon ng fieldtrip nila Chrien.
"Tayong dalawa namang Ien. Hayaan mo muna yang dalawang kuya natin" mabilis na singit ni Noah at kaagad hinila ang kamay ni Chrien.
Mga bata talaga.
"Den tara upo muna tayo dun" sabay turo ni MJ sa gilid.
Naupo kami dun habang pinagmamasdan namin ang patuloy na pag-ikot ng periswheel.
"Den..."
"Bakit?" Sagot ko sa pagtawag ni Mj.
"May gusto kasi akong sabihin sayo eh..." Medyo naiilang niyang dugtong.
"Ano yun?" -Ako
"Yung nagtetext kasi sayo saka -"
Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Mj nung biglang tumunog ang cellphone ko. At nung makita kong pangalan ni Francisco at mabilis ko itong sinagot.
"Hello...."
"Musta na Nei?"
Oh s**t! Ang tagal kong inantay ang tawag na ito.
"Okay lang Nei. Ikaw musta ka na? Okay ka lang ba diyan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Okay naman. Huwag ka na mag-alala sakin. Ingatan mo palagi ang sarili mo ha..." Malumanay niyang sabi sakin.
Bakit ganito nalang ang pakiramdam ko?
Bakit parang hindi okay ang pag-uusap naming dalawa?
"Ahh...Nei oka-"
"Sige na. Marami pa akong gagawing reports. Ingat ka palagi"
"Ilov-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin kong nung narinig kong hang up na yung linya ng cellphone.
Siguro nga ay maraming ginagawa si Francisco. Halata naman sa boses niya ang sobrang pagkapagod. Dapat hayaan ko na muna siya makapagpahinga para makapagfocus sa trabaho niya. Para sa kanya naman yun at para rin sa mama at papa niya.
"Hey! Okay ka lang?" Biglang bumalik ako sa katinuan nung narinig ko iyon sa taong kaharap ko.
"Ayy.. Sensya. Space out." Pilit ngiti kong sagot sa kanya.
"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" Dugtong ko. Para naman hindi niya mahalatang medyo bagabag ako.
"Ahh.. Wala! Tara na! Ayun na mga bata" sabay tayo niya at mabilis na lumapit sa mga bata.
"Ien tara kain muna tayo" yaya ni Noah habang hawak ang kamay ng kapatid ko.
Mukhang matalik na magkaibigan itong dalawang ito ah. Masaya ako at mukhang lumaking maganda ang ugali ng kapatid ko.
Matapos namin kumain ay ponagpatuloy namin ang pag-iikot at paggagala dito sa storyland. Kitang kita ko nga sa mukha ng kapatid ko ang sobrang sayang nararamdaman.
Isang oras bago ang call time namin para bumalik sa bus ay naupo kami sa malaking bato na malapit sa dagat. Ang sarap nga sa pakiramdam eh. Damang dama yung malamig na hangin habang naririnig ang pinong hampas ng alon sa bato.
"Ien suot mo tong jacket oh. Dalawa talaga dinala ko para magkatulad tayo" sabi ni Noah sa kapatid ko.
Matapos yun ay naramdaman ko nalang na may biglang pumatong sa likuran ko.
"Suotin mo ito. Malamig." Sabi naman ni MJ habang nakatingin sa dagat.
"Salamat..." Tipid kong sagot sa kanya.
Habang patuloy akong nakatingin sa malayo ay patuloy parin tumatakbo sa isipan kp si Francisco. Sobrang miss ko na talaga siya. Kung pwede ko nga lang pauwiin na sya ay ginawa ko na. Ang hirap ng ganito. Pakiramdam ko kasi may mali. Ewan ko ba o baka naman overthinking lang ako kasi hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap ni Francisco palagi. Naninibago ako.
"Space out ka nanaman..." Mahinang sita sakin ni MJ.
"Huwag mo siya masyadong isipin. Sigurado ako pareho niyong namimiss ang isa't isa." Dugtong niya.
Hindi nagtagal ay bumalik na kami sa bus namin. Bawal daw kasi ang ma-late. Umupo na kami sa upuan namin.
Nagsimula na umandar ang bus. Nakatingin lang ako sa labas.
"Matulog ka na muna. Gisingin nalang kita kapag malapit na tayo satin" malumanay paring sabi sakin ni MJ.
Hindi ko na siya sinagot. Sinandal ko ang katawan ko sa upuan at pumikit na muna ako.
.
.
"Den...gising na... Nandito na tayo..." Rinig kong paggising sakin ni MJ.
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko.
Napansin kong nakahimlay pala ako sa balikat ni MJ.
"Ayy...pasensya na.."
"Okay lang. Buti naman at nakabawi ka ng tulog" mabilis niyang sagot sakin.
Ginisinh narin namin ang dalawang bata at bumaba narin kami ng bus.
"Tara! Hatid na namin kayo.." -MJ
"Di na. Okay lang. Sobrang abala na yung nagagawa namin sanyo.." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wala yun. Saka gabi narin. Delikado sa daan" -MJ
"Oo nga Ien. Tara na." Singit naman ni Noah.
Wala na ulit akong nagawa at nagpahatid narin kami sa bahay. Katulad kanina ay sa likuran nakaupo ang dalawang bata at kami naman ni MJ sa unahan.
"Salamat ulit. Ingat kayo sa pag-uwe..." Sabi ko sa dalawang magkapatid nung nasa tapat na kami ng eskinita papasok sa bahay namin.
"Pano Ien? Kitakits nalang uli. Tulog ka na ha!" Nakangiting sabi naman ni Noah sa kapatid ko.
Aktong tatalikod na kami ni Chrien nung biglang nagsalita si MJ.
"Den...."
Mabilis kong nilingon yun.
"Goodnight..." Nakangiting sabi niya saboy kamot sa ulo.
"Goodnight din" sagot ko naman sa kanya at nagpatuloy na kami ni Chrien sa pagpasok sa bahay namin.
Matapos kong ayusin ang mga gamit namin ni Chrien at pumasok na agad ako sa kwarto ko. Nagbihis at mabilis humiga sa kama.
1:30am na pala.
.
Nagising nalang ako sa biglang pagyugyog sakin ng kapatid ko at halatang kagigising lang din.
"Chrien maaga pa. Matulog ka pa. Napagod tayo kagabi eh" sabi ko sa kanya habang nakapikit ang mata ko.
"Kuya gising ka na! 10 na ng umaga! Saka kanina pa nag-aantay si Kuya MJ sa sala!"
Bigla akong napadilat nung narinig ko ang kapatid ko.
Teka! Bakit nandito si MJ?
"Bakit daw andito si Kuya MJ?" Mabilis kong tanong sa kapatid ko.
"Hindi ko alam kuya. Kanina pa nga daw 7am dito si Kuya MJ sabi ni Mama eh" sagot ng kapatid ko.
Mabilis akong bumangon at tinungo ko ang sala.
Nakita kong nakaupo si MJ.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Ah...Bakit?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sakin.
"Uyy! Bakit ka nandito? May nakalimutan ka ba kahapon?" Tanong kong muli sa kanya.
"Ah...Eh...Yayakagin sana kitang lumabas..." -MJ
Mark James Point of View
Kakauwe lang namin ng kapatid ko. Hindi ko nga naramdaman ang pagod kasi kasama ko yung taong gusto ko.
Nahiga na akonsa kama ko.
Hindi nanaman ako makatulog.
Hindi rin mawala sa isipan ko yung biglang tanong sakin ni Den kanina. Gulat talaga ako nun. Tinanong niya ako kung may girlfriend ba daw ako. Napatitig lang talaga ako sa kanya at wala akong naisagot sa kanya. Ang weird noh? Stak up talaga ako kanina.
Pansin ko din kay Den may mga bumabagabag sa isipan niya. Kahit naman hindi niya sabihin yun ay nararamdaman ko sa kanya. Naikwento niya narin sakin ang tungkol sa boyfriend niya.
Ewan ko sa taong iyon at nagagawa niya kay Den yun!
Hindi naman ako nadismaya kahit alam kong may boyfriend na siya. Basta masaya ako kapag kasama ko siya at gusto kong mapasaya ko din siya.
Tamaa! Kailangan mapasaya ko siya. Dapat kahit papaano ay makapagbigay ako ng rason kung bakit niya kailangan ngumiti.
Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang excite na nararamdaman ko. Wala namang pasok ngayon kaya ayos na ayos.
Pagkagising ko ay naligo na agad ako. Nag-ayos at pinili ko talaga ang pinakapaborito kong damit at pantalon.
"Kuya saan ka pupunta?" -Noah.
Aba! Ang aga naman ng kapatid ko magising ah! Hindi ata nito alam ang salitang puyat!
"May ide-date lang si kuya" nakangiti kong sagot sa kapatid ko.
"Si Kuya Den yan kuya no?" Mabilis na tanong ng kapatid ko habang malapad ang pagkakangiti sakin.
Hala! Paano nalaman ng kapatid ko?
"Ha!? Hindi noh! May lakad lang si Kuya noh!" - Ako
"Kunwari ka pa kuya! Halata ka naman kuya eh! Pakisabi kay Ien kinakamusta ko sya ha!" Ngiting sabi parin ng kapatid ko.
Ganon na ba kahalata ang pagkagusto ko kay Den? Kaya pati kapatid ko ay nahahalata na ako? Ayos ah!
Pasado alas siete ako dumating sa bahay nila Den. Pinapasok ako ng mama niya at pinaupo ako sa sofa.
"Kuya MJ! Ang aga mo ah!" Bati sakin ng kagigising lang na si Chrien.
"Kinakamusta ka nga pala ni Noah" sabi ko agad sa kanya.
Nagkwentuhan kami hanggang sa maisipan ni Chrien na gisingin na ang Kuya niya. Hindi ko na napigilan kasi bigla nalang tumakbo paitaas.
Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Den. Halatang bagong gising dahil gulo gulo pa ang buhok nito.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Lakas talaga ng tama ko sa taong ito. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon - iuuwe ko na siya sa bahay at hindi ko na hahayaan na umalis pa siya sa tabi ko.
"Ah...eh... Yayayain sana kita lumabas..." Malakas na loob na sabi ko sa kanya.
Bahala na. Yun naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako nagpunta dito. Gusto kong kahit papaano ay mawala yung mga iniisip niyang nakakaapekto sa kanya. At syempre gusto ko rin siyang makasama.
"Lumabas? Ah.. Eh..."
"Gala lang... Boring kase sa bahay... Pero kung hin-"
"Ayy.. Hindi. Ge. Mag-aayos lang ako" mabilis na pagputol niya sa sinasabi ko at kaagad na nawala siya sa paningin ko.
.
.
"Pasensya na kung bigla bigla ako pumunta sa bahay niyo" sabi konsa kanya habang nasa sasakyan kami.
"Okay lang yun. Saka okay nga eh makakapagrelax din ako" sagot niya sakin.
Hindi ko alam kung ano at saan kami pupunta. First time ko kasi sa ganitong klaseng tao. Hindi ko alam ang mechanics. Hindi ko alam kung ano ba ang mga gusto at ayaw niya. Pero sabi sakin ng kaibigan ko maging natural lang daw ako at huwag mahiyang magtanong.
On the way kami ngayon papuntang tagaytay. Ayoko kasi siyang dalin sa mga mall. Masyado ng popular o kalimitan ay dun nagpupuntahan ang mga magkarelasyon.
Aww! Feeling ko naman kami na. Di pwede no! May mahal na siyang iba. Ang sakit nu? Pero okay lang. Ang mahalaga napapasaya ko siya at masaya rin ako sa ginagawa ko.
"MJ itigil mo daliiii!" Biglang sabi ni Den sakin dahilan para itigil ko ang sasakyan sa tabi.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at umupo sa tabi nung nagtitinda ng manggang hilaw.
"MJ halika dito! Dali." Muling tawag niya sakin kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
"Manong magkano po?" -Den.
"25 ang isa" - Manong.
"Sige po. Pabili po ng apat. Pakibalatan na po at dagdagan niyo ng bagoong ha" nakangiti niyang sabi sa nagtitinda ng mangga.
Matapos iabot nung tindero yung mangga ay aktong iaabot ko na ang pambayad nung pinigilan niya ako.
"Oooops. Ako na. Treat kita" masaya niyang pagpigil sa kamay ko.
Matapos yun ay bumalik kami sa sasakyan at pinagpatuloy na namin ang pagtahak sa hindi ko alam na pupuntahan.
"Ipasok mo diyan MJ. Diyan nalang tayo" turo ni Den sa picnic grove.
Mabilis kong iniliko ang sasakyan at ipinark ko na iyon.
"Tara!" Sabay hila niya sa kamay ko.
Ganito ba talaga si Den?
Takte! Lalo akong naiinlove sa kanya. Napakasaya ng araw ko. Hindi ako nagkamali sa naisip kong gawin. Ayoko ng matapos itong sandaling ito.
Naupo kami sa damuhan. Napapaligiran kami ng mga nagpapalipad ng saranggola at nung ibang nakaupo rin sa lapag.
"Kain tayo! Masarap to!" Sabi niya matapos niyang ilabas ang binili niyang mangga kanina.
"Kuya pabili po!" Biglang sigaw niya sa lalaking nagtitinda nung tubig.
"Dalawa po" sabay abot niya ng bayad.
"MJ tikman mo oh!" Sabi niya sakin at mustrang subo sakin ng hawak niyang mangga na isinawsaw niya sa bagoong.
Wala akong nagawa kundi kainin ang isinusubo niya saking mangga.
"Diba masarap! Da best talaga itong mangga!" Nakangiti niyang sabi sakin.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng mangga. Kwento nga ng kwento si Den eh. Kinukwento niya si Sheryl. Pati yung mga kalokohan nilang dalawa. Napapatawa na nga lang ako sa tuwing kinukwento niya si Sheryl at may action pa siya. Kaiba talaga itong taong ito!
"Den pwede magtanong?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Kanina pa tayo nagtatanungan tapos magpapaalam ka pa!" Nakangisi niyang sagot sakin.
"Masaya ka ba?" -Ako.
Paul Francisco Point of View
Nandito ako ngayon sa beranda ng condo ko. Ilang buwan na pala akong nandito sa Japan at ilang linggo narin akong gabi-gabing nag-iinom.
"Babe hindi ka pa ba matutulog?"
"Tatapusin ko nalang muna ito. Sige na mauna ka na..." Walang ganang sagot ko kanya.
Paano ko nga ba ipapaliwanag itong nangyayari?
Kahit kasi ako ay naguguluhan at hindi parin makapaniwala sa nangyari.
Flashback
"Hey! Paul ano kaya mo pa ba?" Tanong sakin ng pinsan kong si Leo.
"Oo naman! Ako pa!" Mayabang kong sagot sa kanya.
Nandito kasi kami sa isang bar. Nagcecelebrate kasi kami dahil sa mataas na ang rate ng campany. Malaki na ang napasok na pera sa campany kaya naisipan naming magcelebrate.
"Sir! The best ka talaga! Paano mo nagawa yun?" Tanong ng isang empleyado namin. Karamihan kase sa mga empleyado namin ay pinoy. Mas madali kasi mapapaliwanagan kapag kalahi ang mga kasama.
"Leo! Marcus! Vincent! Walang uuweng matino!" Sigaw ko sa kanila habang itinaas ko ang hawak kong alak.
"Teka nga pala, bakit nyo naisipan bumalik dito sa Japan? Diba marami kayong project sa Pinas?" Tanong ko kay Vincent.
Sila kasi ang shooting star band (One More Chance - book 2. Basahin niyo din po)
"Naku! Paul iyang ngang si Leo kating kati na ang paa sa pagbalik dun gawa ni Ashton! Ilang araw palang eh namimiss na agad!" Singit ni Marcus.
"Oyy! Tumigil ka nga! Wala ka kaseng lablayp!" Sagot naman ni Leo.
"Oh ayan pala ang magpinsan, teka at may ipapakilala ako sanyo" singit naman ni tito Dom.
Sabay sabay kaming napalingon ng mga kasama ko sa table kay Tito Dom.
"Roxanne sila nga pala ang mga pamangkin ko. Si Paul at si Leo, at ito naman ang kaibigan nila si Marcus at si Vincent" pagpapakilala ni Tito Dom.
"Nice meeting you Roxanne" halos sabay sabay naminh sagot.
"Oh dito ka muna Roxanne. Makijoin ka sa kanila. Punta na muna ako sa ibang table" paalam ni Tito kaya wala ng nagawa si Roxanne kundi ang maupo at sumama sa table namin.
Nakipagkwentuhan kami sa kanya. Nalaman namin na isa pala si Roxanne sa apat na anak ng Domingo Family. Siya lang ang nag-iisang babae.
"Excuse lang.. Tawagan ko lang si Ashton" paalam ni Leo samin.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa hindi na namin napansin ang oras. Ang karamihan sa mga kasama namin ay nagsipag-uwian na at ang iba naman ay laseng na.
Ramdam ko sa sarili kong laseng na ako. Ganun din sila Marcus.
"Oh last shot na bago uuwe na tayo!" Sabay taas ng baso ni Vincent.
Ininom namin ang huling tagay at.. naramdaman ko nalang na unti-unting nilulukod ng dilim ang paligid ko.
.
.
Naalimpungatan ako nung maramdaman kong may dahan dahang pumupunas sa katawan ko.
Dahan dahan kong binuksan ang dalawa kong mata at bumungad sa harapan ko ang mukha ng pinakamamahal ko. Si Den.
Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero dahil sa sobrang miss ko na siya ay mabilis ko siyang niyapos at humiga kami sa kama.
"I miss you so much Nei.." Mahinang sabi ko sa kanya habang patuloy ko siyang hinahalikan.
Sobrang init na ang nararamdaman ko. Habang hinahalikan ko siya ay nakapikit ako. Kamay ko lang ang pinapagana ko sa mga oras na ito.
Hinubad ko ang damit niya. Alam kong nasira iyon dahil sa pwersa ko.
"Oh shitt... I love you Den..." Mahinang sabi ko.
.
.
Napakasakit na ulo ko.
Kundi dahil sa tunog ng cellphone ko ay hindi pa siguro ako magiging ng ganitong kaaga.
Pero okay lang. Bawi naman ako sa.... sa...
Oh! s**t! Bakit nakahubad ako!?
Bakit may...may katabi ako!???
Tangina! Akala ko panaginip!
Mabilis kong tinanggal ang kumot ng katabi ko.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"What are you doing here!?" Gulat na tanong ko.
"Bakit ka nakahubad?" Mabilis kong dugtong na tanong sa kanya.
Tiningnan niya lang ako sa mata at mabilis tumayo. Kinuha niya ang kumot at pinantakip sa kanyang katawan.
Hindi siya nasagot o nagsasalita. Nagtungo siya sa banyo. Alam kong naliligo siya dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula roon.
Tumayo narin ako. Kumuha ako ng boxer at sando sa cabinet ko at mabilis kong isinuot yun.
Napatigil ako sa nakaagaw pansin sa mata ko.
May dugo sa kama ko.
Oh s**t! Tangina!
"Don't worry. Wala namang makakaalam. Pahiram muna ako ng damit mo. Nasira kasi ung suot ko kagabi" mahinang sabi niya habang papalabas ng banyo.
"I'm sorry... Hindi ko gus-"
"I know." Mahina paring sagot niya.
Matapos niyang maisuot ang pinahiram kong damit sa kanya at matapos siyang mag-ayos ay agad narin siyang umalis ng condo ko.
Naiwan akong punong puno ng tanong sa sarili ko. Ang natatandaan ko lang ay yung pag-inom namin ng last shot nila Marcus at yung panaginip ko na kasama ko si Den.
Bumalik ako sa katinuan ko nung biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Oh ang aga niyo!?" Bating tanong ko sa kanila.
"Eto kasing si Leo. Agad agad bumili ng ticket pauwe" sagot naman ni Marcus.
"Bakit? Ano nangyari?" Tanong ko naman sa kanila.
"Nakita niya kasing may kasamang ibang lalake sa picture si Ashton, tapos hindi daw nasagot sa email at tawag niya. Kaya ayan nagmamadali ng umuwe ngayon" mahabang sagot muli ni Marcus.
Haaay. Iba talaga nagagawa ng taong inlove.
"Teka Paul bakit mat dugo sa kama mo?" Nagtatakang tanong ni Vincent habang turo turo ang parteng may dugo sa kama ko.
Pinaupo ko muna silang tatlo at nag-umpisa na akong magpaliwanag.
"Paano nangyaring hindi mo alam eh - "
"Hindi ko nga alam Leo! Wala akong masyadong matandaan!" Halos mapalakas na ang boses ko. Naiinis narin kasi ako sa nangyari. Naiinis ako sa sarili ko.
"Paano kung mabu-"
"Shut up Marcus! Hindi pwede mangyari yun!" Mabilis kong putol sa sasabihin ni Leo.
Matapos ang usapan namin ay nagpaalam na silang umalis. 2pm daw kasi ang flight nila pabalik sa Pinas kaya kailangan na nilang mag-ayos.
Pilit tuloy pumapasok sa isipan ko ang umuwe na sa Pinas. Gusto ko na ulit makita at masaka si Den. Sobrang namimiss ko na siya.
Lumipas ang mga araw. Busy kami sa campany ngayon. Daming reports at dapat kausaping clients.
Hindi ko na nga napapansin ang oras.
Minsan nakakatulog na ako sa campany o sa opis ko dahil sa dami ng trabaho.
Nandito ako ngayon sa opis ko. Binabasa ko kasi ang business proposal na binigay ng secretary ko.
"Sir may gusto pong kumausap sa inyo" sabi ng secretary ko matapos pumasok sa opis ko.
"Madami akong ginagawa Sofia. Sino ba daw siya? At anong kailangan niya?" Diretsong tanong ko habang nakatingin ako sa dokumentong hawak ko.
"Roxanne daw po ang pangalan"
Bigla akong natigilan nung narinig ko iyon. Nakaramdam ako ng biglang panlalamig at kaba nung binanggit ni Sofia ang pangalang Roxanne.
"Ah..Sir? Papasukin ko po ba?" Muling tanong ni Sofia na nagpabalik saking ulirat.
"Ah..Sige.." Tipid kong sagot.
Matapos kong sabihin iyon ay halos hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko pero kakaiba talaga.
"Pasensya na sa abala..." Narinig kong boses mula sa kanya.
"Ah..Okay lang... Napasadya ka?" Diretsong tanong ko sa kanya. Ayoko kasing ipahalata na medyo hindi ako komportable.
"Tungkol ito sa nangyari satin...." Malumanay na sabi niya na dahilan para lalo akong manlamig at makaramdam ng sobrang kaba.
"Bakit? Anong nangyari?" Mabilis kong tanong sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
Hindi na siya nagsalita. May isang bagay siyang inilapag sa table ko dahilan para mapahampas ako sa noo ko.
Tangina!
Ano ba itong nagawa ko!
Positive.
Binalot kami ng katahimikan.
Wala akong masabi.
Hindi rin siya nagsasalita.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Blangko ang utak ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko!
Tangina naman!
"Huwag ka mag-alala... Hindi naman kita pinipilit panagutan ako... Ipinapaalam ko lang sayo..." Malumanay na pagkakasabi niya.
Ewan ko ba pero parang nung narinig ko iyon ay parang dinudurog ang puso ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Den.
Paano ko ipapaliwanag sa kanya?
Paano kung iwanan niya na ako?
Paano kung magalit siya?
Paano na kami?
O kaya...
Paano naman itong batang dinadala ni Roxanne?
Anak ko yan.
Ano nalang ang sasabihin sakin ng pamilya nila?
Baka makaapekto sa campany namin kapag hindi ko pinanagutan si Roxanne?
Tangina! Ang gulo ng isip ko!
"Okay sige... Pasensya na sa abala... Mauna na ako..." Sabi ni Roxanne at tumayo.
"Stay here. Magpapacheck up tayo. Mag-aayos lang ako" sabi ko nalang sa kanya at matapos nun ay sinuot ko ang polo ko at kinuha ko ang susi ng kotse ko.
Habang papalabas kami ng campany ay nakatingin lahat ng tao samin. Nakatingin din si Tito na bakas sa mukha ang pagtataka kung bakit magkasama kami ni Roxanne.
Nagpunta kami sa isang hospital. Gusto ko kasing makasiguro na buntis nga siya. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kanya pero mabuti na yung sigurado.
Chineck up siya ng doktor.
Nalaman namin na maselan ang pagbubuntis ni Roxanne. Hindi daw makapit.
Ewan ko. Wala akong naiintindihan sa mga ganoong usapan. Ang pinaliwanag lang ng doktor ay maging maingat. Huwag daw magbubuhat ng mabibigat na bagay, huwag magpapagod at huwag daw magagalit o makakaramdam ng malalim na emosyon si Roxanne para hindi daw makaapekto sa bata.
Delikado daw kasi ang pagbubuntis ni Roxanne.
"So anong plano mo?" Malumanay paring tanong niya sakin habang nasa sasakyan kami.
Gulong gulo pa talaga ako. Pero wala akong magagawa. Nandito na eh. Bahala na.
Ayoko naman na mag-isip si Roxanne dahil sigurado akong makakaapekto iyon sa bata. Baka kung mapaano pa siya.
"Dun ka na sa condo titira para magkasama tayo. Sabihin na natin sa inyo ang nangyari" sinserong sagot ko sa kanya.
End of Flashback
Tiningnan ko si Roxanne habang nakahiga sa kama. Medyo malaki narin ang tiyan niya. Hindi naman ganoong kalaki pero mahahalata na buntis siya.
Nakapagpaultrasound na nga pala kami. Baby Boy ang magiging baby namin.
Magkahalong emosyon parin ang nararamdama ko.
Masaya, kasi magkakababy na ako.
Malungkot kasi... paano na kami ni Den? Mahal na mahal ko siya.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.
Bihira na ako makatawag sa kanya. Ayaw ko kasing iparinig kay Roxanne na nag-uusap kami ni Den. Ayokong mag-isip siya. Naikwento ko narin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Den.
Wala naman siyang masamang sinabi pero ramdam ko ang guilt na nararamdaman niya. Kaya napagpasyahan ko na wag iparinig o ipaalam sa kanya na may koneksyon pa kami ni Den.
Muli akong tumayo at kumuha ng alak sa ref. Naupong muli sa terrace at nagsimula ko nanamang inumin ang bote ng alak.
Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Dapat ko bang sabihin kay Den?
Handa na ba ako sa magiging reaksyon niya?
Takte naman. Masasaktan ko nanaman siya.
"Babe... Halika ka. Pahinga ka na... Maaga pa flight natin sa Hongkong bukas..." Narinig kong sabi ulit ni Roxanne.
Oo nga pala. Pupunta kaming Hongkong bukas. Doon kasi gustong mamili ni Roxanne ng ibang gamit ni Baby at para narin daw makagala kami.
Chriden Miguel Point of View
"Oyy Den! Alaluts ka nanaman diyan!" Bulyaw sakin ni Sheryl habang nakaupo kami sa bleacher.
Alaluts? TULALA.
"Oh eto! Letter ko sayo!" Sabay abot niya sakin ng isang nilamukos na papel.
"Oh asan na ang retreat letter ko?" Sabi ulit niya sakin.
Hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng araw at linggo. Retreat na pala.
"Ayy She!" Gulat kong bati sa kanya.
"Hala! Anong nangyayari sayo?" Takang tanong niya.
Ano nga ba ang nangyayari sakin?
Hindi ko narin maipaliwanag eh. Ang alam ko lang namimiss ko na si Francisco. Bihira na kasi siya tumawag. Minsan nga isang beses isang linggo nalang o hindi pa. Tapos wala pang isa o dalawang minuto napuputol na agad ang tawag.
Ganoon siguro siya kabusy sa trabaho. Ayoko naman magalit sa kanya kasi para sa kanya naman ang ginagawa niya.
"Hmm... Lia3psy...!" Pagkuha ni Maam Maguad ng atensyon namin.
"Magkakaroon tayo ng kaunting pagbabago. Mag-aantay pa tayo ng two hours dahil kasabay natin sa retreat ang ComSci3. So, relax muna." Dugtong ni Maam Maguad.
"Tangina naman! Palagi nalang ba tayong mag-aantay at mag-aadjust para sa iba!? Kung ako si Maam, iiwanan ko yung section na yun eh!" Buraot na sabi ni Sheryl.
Kaya ang nangyari ay nag-antay kami ng mahigit dalawang oras. Tatlong araw ang retreat namin.
Makakatulong din siguro sakin itong retreat. Siguro naman kahit papaano ay magiging panatag ang kalooban at kaisipan ko pagpasok ko ng retreat house.
Hindi ko nasabi kay Francisco na may retreat kami. Baka kasi kapag sinabi ko ay lalo siyang hindi tumawag at baka isipin niya na makakaistorbo siya. Hindi ko nga isusurender ang cellphone ko eh. Itatago ko. Baka sakaling tumawag siya sa madaling araw.
Nandito na kami sa loob ng bus ngayon. Pinauna na kaming sumakay ni Maam Maguad habang naghe-head count pa ang mga comsci.
"Teka Den, diba si Papa MJ comsci?" Biglang dungaw ni Sheryl sa bintana at hinahanap si MJ.
Oo nga pala. Comsci si MJ. Makakasabay pala namin sila sa retreat.
Inaamin ko ang laki na ng epekto sakin ng nangyayari. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng walang dahilan. Masyado na yata akong nagiging negative thinker.
Dapat siguro tiwala lang. Iba talaga siguro kapag nasa ibang bansa na. Sabi nga ng tito ko na nasa UAE na kapag daw nasa ibang bansa ay puro trabaho talaga ang nasa isip. Sobrang busy.
Ganoon nga siguro nangyayari kay Francisco.
Sana naman ay huwag niyang pabayaan ang sarili niya.
"Hoy Den!" Bulyaw sakin ni Sheryl.
"Oh She! Bakit?" Takang tanong konsa kanya.
Tinitigan niya akong mabuti. Hinawakan ang mukha ko at tiningnan ang bawat parte neto.
"Den gusto mo ipatawas na kita? Parang kakaiba ka kamo! Ano bang nangyayari sayo?" Mukhang tangang tanong sakin ni She.
"Ah..Wala. Medyo puyat lang. Kagagaling ko lang din sa banda eh" sagot ko sa kanya.
"Kung wala eh di umusod ka sa upuan! Kanina pa nakatayo sa gilid mo si Papa MJ! Baka lalong magalit ang mga ugat niyan!" Bukyaw nanaman ni Sheryl sakin.
"Cayarian! Ano bang problema diyan at sigaw ka ng sigaw!" Saway ni Maam Maguad.
Agad akong napatingin sa gilid ng upuan ko. Nakatayo si MJ habang hawak ang bag niya.
"Are you okay?" Seryosong tanong niya sakin.
"Ayy.. Sorry. Sige upo ka na" sabi ko sa kanya matapos kong umusod sa tabing bintana.
"Okay guys, make sure na wala kayong nakalimutan. Two nights and three days tayo sa retreat house. Pagdating natin dun ay ipapaliwanag satin ang patakaran sa loob ng retreat house. Magkakasama ang mga babae sa isang room at ganoon din ang sa mga lalake" mahabang paliwanag ni Maam Maguad.
"Naku Den! Mag-ingat ka!" Sabi nanaman sakin ni Sheryl dahilan para magtinginan ang ibang mga kaklase ni MJ.
"Baket She? May Mumu ba don?" Mabilis kong sagot sa kanya.
"Tanga! Mag-ingat ka kase baka ma-gangbang ka ng mga comsci don!" Sagot niya dahilan para magtawanan ang mga comsci. Kahit ako napatawa rin sa sinabi ni Sheryl eh.
"Cayarian! Bakit ba napakaingay mo! Kanina ka pa!" Saway nanaman ni Maam Maguad.
"Sorry po Maam." Sagot ni Sheryl at umayos na ng pagkakaupo.
Nagsimula ng umandar ang sinasakyan namin. Tumahimik na si Sheryl. Malamang ay nakatulog na. Panay kasi ang kwento ni Mia tungkol sa Greek Myth. Hahaha! Si Sheryl naman panay lang ang tango kahit hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Mia. Abnormal talaga.
"Nga pala, eto oh." Ani ni MJ sabay abot sakin ng dalawang letter.
"Retreat letter. Galing kay Noah yung isa, yung isa naman sakin" nakangiting sabi niya. Tinanggap ko iyon.
Nakakahiya naman dito. Wala man lang akong retreat letter para sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na magkakasabay kami ng retreat. Buti pa sila nainform ng dean.
"Pare pakiabot kay Den..." Narinig ko pero hindi ako pamilyar kung kaninong boses iyun.
"Dali na.. To naman. Iaabot lang" pamimilit parin niya.
"Den may nagpapaabot" sabi nung lalaking nakaupo sa likuran namin. Hindi ko kasi kilala sila. Kinuha ko naman yung pinaabot. Letter uli. Retreat letter.
Wow ha! Ngayon ko lang nalaman na gumagawa pala ng retreat letter ang mga lalaki. Akala ko karamihan mga babae lang ang mahilig sa ganito.
"Eto oh... Tig-isa tayo..." Sabi uli ni MJ at inilagay sa tainga ko ang isang earphone.
"Matulog ka muna. Medyo malayo layo pa tayo. Kailangan mong bumawi ng tulog kasi marami tayong activities dun sa retreat house. Gisingin nalang kita kapag malapit ba tayo" mahabang dugtong niya.
Okay lang kaya ito? Hindi naman sa binibigyan ko ng malisya ang pakikitungo sakin ni MJ pero parang ang unfair naman nito para kay Francisco.
Nagpapakahirap siya sa trabaho tapos ako eto hinahayaan kong makipaglapit ako sa ibang tao. Nakakakunsensya.
"Huwag ka na mag-isip ng kung anu-ano. Magiging maayos din ang lahat Den... Pahinga ka na muna" muling sabi ni MJ.
Siguro nga kailangan ko muna magpahinga. Halos wala rin akong itinulog dahil sa magdamag din ang tugtog namin kagabi. 3am na natapos at pagkauwe ko hindi na muna ako natulog. Binantayan ko kasi yung cellphone ko. Baka sakaling tumunog at galing iyon kay Francisco.