Chapter II

5427 Words
Chapter II Chriden Miguel Point of View After ng orientation sa auditorium ay wala muna kaming klase. Nagamit narin kasi ang oras para sa klase namin. Nandito ngayon kami sa cafeteria nila Sheryl at ng iba kong classmates. Pinoproblema na agad ni Mia ang booth na gagawin namin para sa foundation. "Mia kung kulay kulay nalang kaya!?" Sangguni ni Sheryl. "Kulay kulay?" Sabay sabay naming tanong sa kanya. "COLOR GAME!!! Yung magtataya sila ng pera tapos kapag hindi tama yung kulay na tinayaan nila ay satin mapupunta yung pera!" Seryosong sagot ni Sheryl. "Tangnamo Sheryl! Anong klaseng pag-uutak ba ang meron ka!!!" Gitil na sabi ni Norman. Ang treasurer ng Psyche. "Eh ano gusto niyo? Yung hula hula nanaman! Kaya tayo nasasabihan ng wirdo eh!" Galit na sagot niya. "Ikaw ang wirdo! Hindi kami!" Sabay na sagot ni Ellen at Gladys. "Ikaw Gladys aswang ka!!" Sagot naman muli ni Sheryl na naging dahilan ng pagtawa naming lahat. "Uyy Den cellphone mo nagriring!" -Norman. "Alangan namang tumahol yan!" Mabilis na bara ni Sheryl. Unknown number kaya mabilis ko itong sinagot. Hello? Hi! Nei! Nandito na ako sa Japan. Musta ka na? Whaaa! Si Francisco. Lumayo muna ako sa mga kasama ko dahil hindi ko masyadong maintindihan si Francisco dahil sa sobrang ingay ni Sheryl. Okay lang ako Nei. Katatapos lang ng Orientation namin. Magkakaroon nga daw kami ng retreat next month eh.. Kinuwento ko kay Francisco lahat ng nangyari kanina at ganoon din siya. Kinuwento niya na maganda naman daw ang kanyang condo dun sa Japan at naging maayos naman daw ang pagsalubong sa kanya dun. Sige Nei. Tawagan nalang ulit kita. Ingat ka palagi ha. Labyu. Okay sige po. Labyu rin ng marami. Matapos ng mahabang usapan namin ay bumalik na ako sa table namin ng mga classmates ko. "Oh! Todo ngiti ka diyan Den ah!" Puna sakin ni Gladys. "Naku! Isa lang ibig sabihin niyan! Tumawag ang labidabs niya!" Nakangiting singit ni Ellen. Syempre naman. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? Diba? "Hi! Psyche major!" Bati samin ng isang lalaki tapos naglapag sa table namin ng dalawang pizza. Lahat kami ay sabay sabay napadako ang tingin sa lalaking nasa harapan namin. "Don't worry. Wala pong lason yan. Napag-utusan lang po ako na dalin yan sanyo. Sige po!" Sabi nung lalaki at halatang natakot sa mga tingin namin. Napag-utusan? Sino naman ang mag-aaksaya ng pera para samin? Lots a pizza pa! Mamahalin! Yayamanin. "Hindi natin malalaman kung may lason ba o wala kung hindi natin titikman yan!" Singit ni Sheryl sabay bukas sa kahon ng pizza at mabilis na kumuha ng isang slice at kinain agad ito. "Saksakan ka talaga ng takaw!" -Norman. "Walang lason. Masarap pa! Pakisabi salamat Kuya Pizza!" Sabi ni Sheryl habang ngasab ngasab ang pizza. Umalis narin kaagad yung lalaki. Syempre bigay naman samin kaya kumain narin kami. Sayang naman ito kung itatapon lang namin. Praktikal kaya kami. Hahaha! Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha at tiningnan. Hope you like the Pizza. Enjoy eating.  Sender: Mark James Ayy! Kaw pala ngbigay ng pizza. Maraming tenk u po kuya!  Reply ko sa kanya. Siya pala nagbigay ng pizza. Nagpatuloy ang palitan namin ng text message. Di ko na nga napansin na naubos na namin yung pizza na nasa harapan namin eh. "Den!" Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. OhMayGawd! Totoo ba itong nakikita ko!? "Ke...Ken...neth?" "Hi! Musta ka na? Musta na kayo?" Nakangiting tanong niya. Wow! Ang laki ng pinagbago ni Kenneth ah! Mas lalong lumaki ang katawan niya at mas lalong gumwapo! Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Marunong na siyang pumorma! "Can I join?" Nakangiti paring tanong niya. "Sureness Papa K!" Malawak na pagkakangiti ni Sheryl. Nakipagkwentuhan sakin si Kenneth. Ang dami niyang kwento. Third year narin si Kenneth. Nagshift siya ng course kaya wala na kaming same subject. Hindi na namin siya magiging kaklase. "Oh asan na ang boyfriend mong si Paul!?" Diretsong tanong niya sakin habang hawak hawak ang kanyang cold coffee. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Bakas ko sa mukha niya ang pag-aalala sakin pero hindi ko na masyado pa pinahaba yung kwento. Ayoko naman na isipin niya na nalulungkot ako sa nangyari. Ayoko rin na mag-isip siya ng hindi maganda kay Francisco. Lumipas ang ilang oras ay nalaman namin na wala na pala kaming klase. Nagkaroon daw kasi ng emergency meeting ang mga faculty members kaya biglaan ang pag-aanounce. "Wala na palang pasok. Den pwede mo ba ako samahan?" Tanong sakin ni Kenneth. "Saan?" -Ako. "Diyan lang sa SM Bacoor. May gusto kasi akong bilihin" paawa niyang sabi sakin. "Samahan mo na Den. Minsan lang humingi ng pabor yan. Bumawi ka ngayon diyan" sabi naman ni Ellen habang panay ang nguya. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Sabagay, wala rin naman akong pupuntahan at kailangan ko rin bumawi dito kay Kenneth. "Wait me here." Narinig kong sabi ni Kenneth pagkatapos ay agad akong iniwan sa labas ng gate. "Hi Den! Remember me?" Biglang tanong sakin ng isang lalaki na lumabas sa gate at may mga kasama sa likuran niya. Mga kaibigan niya yata. "Ah...Eh..." Sino nga ba ito? "I'm Patrick. Ako yung kukuha dapat ng cellphone number mo sa audi kanina" nakangiti niyang pagpapakilala. "Ah.. Oo! Naalala ko na!" Sagot ko naman sa kanya. "Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong ulit niya sakin. "Ah.. Diyan sa Sm Bacoor." Tipid kong sagot. Ano ba yan! Wala akong maisagot na maayos. Nakakahiya kasi at ang daming estudyante dito at may mga kasama pa siya. "Wala ka yatang kasama.. Gusto mo sama-" "May kasama siya..." "..tara na" sabay akbay sakin ni Kenneth at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Sasakyan? Wow! May sasakyan na si Kenneth! Astig! "Sayo to?" Tanong ko sa kanya. "Yap! Binili ako ni Daddy nung bakasyon.." -Kenneth. "Anyabaaaaang!" Sabay tawa ko. "So....sakin muna ang buong araw mo ha..." Sabi at nagsimula na siyang magdrive ng sasakyan.   Mark James Point of View "Oyy Patrick sinasabi ko sayo!" Banta ko kay Patrick. Naisipan kasi ng mga kaibigan ko na yakagin si Den na sumama sa gimik namin. Gala. Pasimuno itong si Patrick eh! Hindi pa naman ako handang magpakilala na ako yung katextmate niya. "Ano ka ba bro! Hindi ka makakapoints niyan kapag palagi kang ganyan!" Diin ni Patrick. Hindi ko na namalayan na nasa labas na pala kami ng gate at nakatayong mag-isa si Den doon. Nasa likuran lang kami ni Patrick. Takteng Patrick to ah! Mukhang mas may interes pa siya sa Den ko ah! "Wala kang kasama? Kung gusto mo sasa-" "May kasama siya. Tara na Den." Biglang singit ng isang lalaki at nakaakbay pa ito kay Den. Shit lang ha! Pakyu yun ah! "Ayy... May boyfriend na pala..." Narinig kong sabi ni Hans na nasa tabi ko. Ewan ko ba kung ano yung bigla kong naramdaman. Kakaiba. Hindi ko maexplain. "Tara guys! Shot nalang tayo sa bahay!" Yaya ko sa kanila at wala naman akong narinig na kahit na anong reklamo mula sa kanila. . . "Cheeeeeers!" Sigaw ni Patrick. "Oyy! Mark bakit parang wala ka sa mood?" Sabay tapik sakin ni Zyrill. Oo nga. Bakit parang wala akong gana? Hindi ko naman kasi maintindihan ang sarili ko eh. May kakaiba akong nararamdaman. "Okay lang ako. Napakainit kasi kanina sa school" palusot ko nalang sa kanya. Narinig ko nalang na biglang tumunog ang cellphone ko. Hi! Musta na? Tenks uli sa pizza kanina. Dami qng busog. :)  Sender: McDo Parang bigla akong ginanahan sa nabasa kong message ah. McDo? Sino si McDo? Sino pa eh di si Den! Hahaha! Bakit McDo? Kase Love Ko To ohhh... Mabilis akong nagtype sa reply box ng cp ko. Ur welcome! Khit araw2 pa ktang padalahan ng pizza :) nga pla, diba wlang psok knina? San k ngpunta?  At mabilis ko ng pinindot ang send button. Syempre naman para hindi halatang nakita ko siya kanina na kasama yung lalaking MAS GWAPO pa ako! Di ako papatalo dun noh! "Oh Mark nangiti ka mag-isa diyan? Nyare?" Nakangising tanong ni Patrick baldog. "Wala! Shoooooooooot!" Sigaw ko dahilan para magsigawan din sila. Alas siete na kasi. Hindi na nga namin napansin ang oras eh. Paulit ulit kong pinapailaw ang cellphone ko at minsan nga tinetext ko sarili ko baka kasi late receiver ako. Hahaha! Adik lang. Ah..ngpsama skin ung kaibigan q n c kenneth s smbacoor. Kw sn k ngpunta?" Reply niya sakin. Kaibigan!? Yownnnnn! Kaibigan lang pala niya yung hambog na yun eh! Kung makaakbay eh parang syota! Feelingero! E2 ngiinom kmi ng mga kaibigan q ska kantahan. Tlga kaibigan lng kyo? -Ako. Syempre! Mabuti na yung sigurado ako diba? Hala! May psok tau bukas tz ngiinom k! Oo nmn kaibigan q lng c Kenneth. Mbait un. Sna kpg ngkkilala n tau s personal ay mkilala mo rin sya -Siya. Huwaaaaat! Concern siya!!!!? Ayieeeee! Kinikilig ako! Oh wag epal! Hindi masamang kiligin ang lalake! Hindi na ako nakatiis. Pinindot ko ang call button at inaantay kong sagutin niya yung tawag ko. Hello... Shaks! Ang ganda ng boses! Si Den ba talaga ito? Hi! Nakakaistorbo na ako? Hindi naman... Kung anu ano ang kinuwento ko para lang mapahaba ang pag-uusap namin. Ang ganda ganda ng boses niya. Parang hindi nga ako nauubusan ng sasabihin sa kanya eh. Mark James bukas nalang uli. Gabi na. Wag ka na mag-inom ng madami ha! May pasok bukas. Goodnight! Matapos ng usapan namin ay nakihalubilo na ako sa tropa. "Oh? Hyper ah!" Puna sakin ni Hans. "Oh mga tsong! Hinay hinay lang ha! May pasok pa tayo bukas!" Nakangiting sabi ko sa kanila. Sabay sabay silang napatingin sakin. "May sakit ka?" "Kinukulam ka!!!" "Shet!" Mga narinig ko sa kanila. Ngiti lang ang iginanti ko sa kanila. "Nga pala tol ano plano sa birthday mo?" Tanong sakin ni Patrick na may tama na ng alak. "Hindi ko pa alam eh. Nawala na nga sa isip ko na malapit na pala ang birthday ko" sagot ko naman sa kanya. "Nextweek na yun ah! Alaaaaam ko naaaa!" Singit naman ni Hans na mukhang walang talab ang alak sa kanya. Manginginom kasi! "May alam akong banda na pwede natin arkilahin. CnY band yun. Yun ang banda na lagi namin inaarkila sa tuwing may okasyon sa bahay eh" dugtong ni Hans. "Okay sige tol. Magpasched ka na dun para wala na tayong problema" sagot ko naman sa kanya. Matapos ang ilang sandali ay napagdisisyunan na namin na magsiuwian na. Gabi na kasi at may mga pasok pa kami bukas. Wala ako masyadong tama ng alak. Di naman ako masyadong mag-inom. Masunurin kaya ako. Sinunod ko lang ang sinabi ng McDo ko. "Ingat pre sa pagdadrive." Bilin ko sa kanila bago ako tuluyang pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Bago ako tuluyang nahiga ay kinuha ko ang cellphone ko. Sometimes you can't really explain what you see in person. Sometimes it's just the way they take you to another place nobody can. Goodnight guys! Goodnight McDo! At sinend ko yun sa isang tao lang. Kay Den. Para hindi naman masyadong obvious. Kunwari GM. Almost two weeks narin kaming magkatext ni Den pero hindi parin kami nagkikita ng personal. I mean, siya nakikita ko na pero ako hindi niya alam na nakikita niya natin. Astig noh? Hindi ko pa kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkita na kami o kung paano ako aamin sa kanya. Lakas talaga ng tama ko sa taong yun. Unang beses nangyari ito sakin. At sa katulad pa niya. Araw araw akong nagpapadala ng pizza sa kanya at minsan may kasama pa iyong bulaklak. Baduy ko noh? Pero wala. Walang magagawa sa taong inlove. "Oh pangiti-ngiti ka nanaman diyan Kuya!" Puna sakin ni Noah. Nakababatang kapatid ko. Bigla siyang may inabot sakin na box. "Happy Birthday Kuya!" Malakas na bati niya sakin. "Thank you Noah. Ang sweet talaga ng kapatid ko" pasalamat ko sa kanya sabay halik ko sa pisngi niya. Tama. Birthday ko ngayon at nagkataong sabado. Walang pasok. Sigurado akong marami akong bisita mamaya. Hindi naman kasi paiiwan pagdating sa alak ang mga kaibigan ko. Hi! Happy Birthday Mark James. More Birthdays to come, stay healthy. Happy Birthday! Sender: McDo Kumpleto na araw kooooo! Binati na ako ng taong mahal ko! Ayiiiiieeee! Nabanggit ko kasi sa kanya na Birthday ko ngayon. Humingi pa nga ng pasensya kasi wala daw siya mabibigay na gift kasi medyo may financial problem sila. Hindi naman importante yung gift eh. Ang importante ay siya. Hindi niya nakalimutan ang birthday ko. Ang saya ko na! Thank you Den! Sayang wala ka dito.  mas makukumpleto sana ang araw ko kung makakasama kita. -Ako Sensya na po. May raket din kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko eh. Promise kapag medyo malaki ang kita namin, promise may gift ako sayo!   -Siya. Nawala ang konting lungkot na nararamdaman ko nung nabasa ko yun mula sa kanya Ang sipag naman ng taong ito. May raket daw sila? Raket!? Kung pwede nga lang kitang tulungan Den ay gagawin ko, kahit ano. . . "Happy Birthday tol!" Bati ng mga kaibigan ko kasama ang iba pa naming schoolmates. Ang dami ko ngang bisita. Dito sa garden namin sinet up ang ilang mga tables and chairs. May kaunting pagkain na cater ang nag-aasikaso at syempre ang pinakaimportante. Alak. Alaman na un! Di mawawala sa birthday ng isang lalake yun. Napansin kong may mga instrumentong nakaset up sa mini stage. CnY Band Yun siguro ang sinasabi ni Patrick. Sana naman ay maganda ang boses ng kakanta diyan. Baka mas maganda pa boses ko diyan eh! Saka sigurado ako mas pogi pa ako sa kakanta. Nagsimula na ang inuman. Kanya kanyang bati rin sila sakin ng Happy Birthday. "Shot muna pre" tawag sakin ni Hans. Umupo na ako at nakipagkwentuhan na ako sa kanila. Nagsimula narin tumugtog ang bandang CnY. Sabi ko na nga ba eh. Mas pogi pa ako sa kakanta. Kalimitan naman kasi sa vocalist ng banda ngayon ay lalake. Nagsimula na siyang kumanta. Sweet child of mine Wow ah! Ganda ng boses. Rakista! Hahaha! Nagpatuloy kami sa pag-iinom habang patuloy rin sa pagkanta ang bokalista. Karamihan sa mga kinakanta niya ay RnB. Yun nga siguro ang porto niya. Kunanta niya kasi yung ignition at burn ni Usher. Ang ganda ng pagkakakanta. 8pm. Patuloy parin kami sa pagsasaya. Wala naman pasok bukas kaya ayos lang kahit magpuyat kami. Pumayag naman si Mama eh. "Good Evening guys. Kung may live songs request po kayo, lapit lang po kayo dito o kaya pasabi niyo nalang po sa waiter. Enjoy the night! Thanks!" Narinig kong sabi nung bokalista. Nakanta rin pala siya ng love song. Astig ah! Versatile ang boses. "Oh binatang binata ka na Mark wala ka paring girlfriend!" Sabi ni Zyrill sabay tawa ng malakas. "Naku! Ewan ko ba dito sa kaibigan nating ito! Di malaman kung ano gusto!" Dagdag naman ni Jacob na patuloy sa pagkain ng fries. "Tigilan niyo nga ako! Hahaha! Darating din tayo diyan. Di dapat minamadali yan" sagot ko naman sa kanila dahilan para lalong magtawanan sila. I spent half my life Looking for the reasons things must change And half my life trying to make them stay the same But love would fade like summer into fall All that I could see was a mystery It made no sense at all Sabay sabay kaming napatigil sa kwentuhan ng mga kaibigan ko nung marinig namin yung boses ng nakanta. Wala ni isa man sa amin ang nahsasalita. The will of the wind, you feel it and then It will pass you blowing steady It comes and it goes, and God only knows You must keep your sails on ready So when it begins, get all that you can You must befriend, the will of the wind Dahan dahan kong nilingon ang taong nakanta. Dahan dahan ko ring nararamdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Pre tangina! Ang ganda ng boses!" -Hans. "Tol okay lang kahit bakla yan... Mahal ko na yan..." Singit naman ni Jacob. "Teka..parang kilala ko yan ah..." -Patrick. "Sino siya Pat!" Mabilis na tanong ni Jacob. Ako? Napatulala lang sa taong nakanta. Feel na feel ko ang kanta o ang bawat lyrics ng kanta. Nakatuon din ang atensyon ng iba kong bisita sa kanya. "Si Den yan! Hindi ako pwedeng magkamali! Schoolmates natin yan!" Malakas na sabi ni Patrick. I spent so many hours Thinking about the way things might have been And so many hours trying to bring the good times back again And so it goes for lonely hearted fool  They let their days slip away  Until they give into... Lord! Ang ganda ng pa-birthday mo sakin! Thank you thank you talaga. Promise lalakihan ko ang bayad sa pag-arkila sa bandang ito. Natapos ang kanta na nakatanga lang ako sa kanya. Hindi ko talaga inaalis ang pagkakatingin ko sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam. Sana hindi na matapos itong gabing ito. "Happy Birthday to the celebrant! Enjoy the night. Yung may mga request po - lapit lang po kayo sakin" malambing na pagkakasabi niya sa mikropono. "Tol magrequest ka ng kanta! Pagkakataon mo na!" Giit sakin ni Patrick. "Anong pagkakataon mo na?" -Jacob. "Tumigil ka nga Jacob sa katangahan mo!" -Hans. Teka! Ano nga ba irerequest ko? Ano nga ba ang magandang love song? Ahh tama! Alam ko na! Chriden Miguel Point of View Takte! Hindi ko inaasahan na ganito pala karaming tao dito sa birthday celebration na sinasabi ni Kuya. Langya talaga yun. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera - hindi ako papayag. Flashback "Kuya may fieldtrip daw kami next month" sabi sakin ni Chrien. "Oh eh bakit nakasimangot ka? Dapat matuwa ka kasi makakagala ka kasama ang mga new friends mo..." Nakangiti kong sagot sa kapatid ko. "Eh...hindi ako sasama..." Maluha luhang sabi sakin ni Chrien. "Kasi...wala daw pera si... si mama..." Medyo nauutal na sumbong sakin ng kapatid ko. "Oh huwag ka na malungkot.. Ako bahala.. Sasama tayo sa fieldtrip..." Pang-aamo konsa kapatid ko. Kailangan gumawa ako ng paraan para magkaroon ako ng pera. Ayoko naman maging malungkot ang kapatid ko. Kanino naman kaya ako manghihiram? Kay Francisco? Ayoko! Nakakahiya kaya dun! Baka isipin pa ng iba na nagte-take advantage ako. Habang nakain kami ng hapunan ay biglang may pumasok sa bahay. "Kuyaaaaaaaa!" Sigaw konsa kanya. Tama! Alam ko na ang gagawin ko! End of Flashback Ayun ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Nagsimula na akong kumanta. Bigla ngang nagtahimikan halos silang lahat eh. Kinanta ko yung nasa playlist namin. The will of the wind Bago ako nagpunta dito ay tinawagan ako ni Francisco. Nangangamusta. Sinabi ko rin sa kanya na kakanta ako sa banda. Sinabi ko nalang na si Kuya ang humingi ng pabor. Ayoko naman sabihin sa kanya ang dahilan. Alam niyo naman ugali ng lalaking yun. Mukhang mayaman ang celebrant ah! Ang ganda ng garden nila saka ang ganda ng bahay. Naalala ko tuloy yung garden nila Francisco sa Bicol. Lolo Imissyou na! Tapos biglang may lumapit sakin. Teka...parang pamilyar ito sakin ah! Saan ko nga ba nakita itong lalaking ito? Habang iniisip ko kung saan ko siya nakita ay may inabot siya saking papel at ngumiti. Agad din siyang umalis. Hindi ko na siya sinundan ng tingin at mabilis kong binasa ang nakasulat sa papel. Angel of mine (kung pwede acoustic version) Aww! Demanding ah! Papahirapan pa ako! Binulungan ko yung mga kasama konsa banda at sinabi kong acoustic ang request. Nag-umpisa ng sumipra ng instrumento ang mga kasama ko. First time I saw you I already knew There was something inside of you Something I thought that I will never find Angel of mine Buti nalang ay may dala kaming mga lyrics ng kanta. Di ko kasi memorize itong kanta na to eh. Nagpatuloy ako sa pagkanta at nanatiling tamihik ang buong paligid. Pakiramdam ko nga kumakanta ako sa prayer meeting eh. Tapos halos lahat nakatingin sakin. Nako-concious tuloy ako. Mabilis natapos ang kanta. Narinig kong nagpalakpakan ang ibang mga kasama ko dito sa party. "Den eto pa oh!" Sabay abot sakin ni Charles ng isang papel. Nagsimula nanamang sumipra ng mga instrumento ang mga kasama ko. Sa pagkakataong ito ay tagalog naman ang kakantahin ko. Mayroon akong nais malaman Maaari bang magtanong? Alam mo bang matagal na kitang iniibig? Matagal na'kong naghihintay... Parang ang lungkot naman ng kantang ito. Pinagpatuloy ko ang pagkanta. Katulad kanina tahimik ang buong paligid at sakin lang nakatuon ang atensyon nila. Feeling ko tuloy concert ko to. Hahaha! Matapos yung kanta ay nagpahinga muna ako at napagpasyahan kong maupo muna sa isang table. Syempre makikikain ako nu! Mukhang masarap pa naman yung mga pagkain. Yung isang kapartner ko muna ang nagpatuloy ng mga kanta sa playlist namin. Kumuha ako ng mashed potato, fries at meat balls. Yayamanin talaga. Naisipan ko rin uminom kaya nung dumaan yung waiter na may dalang alak ay mabilis akong kumuha. Nilabas ko yung cellphone. 3 messages. Hi Den! Sabi sakin ng Kuya mo nasa birthday party ka daw. Sunduin kita mamaya. Sinabi na sakin ng Kuya mo kung saan ang address. Sender: Charles Kenneth. Haaay. Kahit kailan talaga. Hindi parin nagbabago si Kenneth. You have no idea how fast my heart races when I see you. Lord - best gift I ever had. Thank You so much. Sana may kumanta ng paborito kong kanya. You were there. #InumanNa Group message galing kay Mark James. Mukhang nagkakasayahan narin sa kanila ah. Busy ka? Galing ulit ka Mark James. Hindi ko na muna nireplayan yung message niya. Baka makaistorbo pa ako sa celebration niya eh. Mamaya na siguro ako magtetext. 10pm. "Oh Den baka mapadami ang inom mo ha!" Sabi sakin ni Kevin. Kasamahan ko sa banda. "Ayos lang ako Kevin. Tara shot tayo!" Yaya ko sa kanya. Tinanggihan niya ako. Ayaw niya daw mag-inom at mukhang ma-eextend pa daw kami ng ilang oras sa pagtugtog. Ang usapan kasi namin ay hanggang 12 lang kaso nagpa-extend yata yung umarkila samin. Aba! Dapat dagdagan niya ang bayad samin nu! Ano siya swerte! "Hi! You're Den right?" Sabi nung... Ay teka.. Pamilyar tong lalaking to ah! Tama! Siya yung nakatabi ko sa auditorium sa school. "Hi! Nandito ka rin pala!" Nakangiting bati ko naman sa kanya. Nginitian niya lang ako at tinungga ang hawak hawak niyang bote ng alak. "Ganda talaga ng boses mo!" Puri niya sakin. "Thank you." Tipid kong sagot sa kanya. "Gusto ko sana sabihin sayo na a-" "Den! Finally I found you!" Tawag sakin ni Kenneth. "Oh Kenneth! Aga mo ah! Sabi mo sa text mamaya ka pa?" Bating tanong ko sa kanya. Alam ko naman kasing hindi magpapaawat ito sa pagsundo sakin. "Boring kasi eh. Walang magawa kaya napagdisisyunan kong puntahan nalang kita" mahabang paliwanag niya. "Nga pala Kenneth si -" Ayy nawala! Parang kabute naman yung lalaking iyon! Bigla bigla nalang nawawala. "Ayy nevermind pala" ngiting sabi ko kay Kenneth. "Den yung cellphone mo kanina pa nagriring! Wala ka bang balak sagutin yan?" Bulyaw sakin ni Sheryl. Nasa cafeteria kami ngayon at nag-aantay ng next subject. "Sensya na. Masakit lang ang ulo ko" sagot ko sa kanya. Ilang araw na kasi akong puyat. Inaantay ko kasi ang tawag sakin ni Francisco. Almost one-week na kasi siyang hindi natawag sakin. Kapag naman ako ang natawag - laging please leave a message ang sinasabi ng operator. Siguro, sobrang busy na siya sa work. Sana naman ay hindi niya pinapabayaan ang kanyang sarili. Dinampot ko ang cellphone ko at kaagad kong ini-slide ang answer. "Hello..." "Hi Den!" Tiningnan ko sa screen ng cellphone ko kung sino yung tumawag. Basta basta ko nalang kasi sinagot yung tawag kanina eh. "Oh ikaw pala Mark James. Napatawag ka?" Sabi ko sa kanya nung nalaman kong si Mark James siya. "Wala. I just want to hear your voice again..." -Mark James. "Again? Diba hindi mo pa naman naririnig ang boses ko?" Puna ko sa kanya. "Ayy sorry. Wrong choice of word. Ibig kong sabihin gusto ko marinig ang boses mo..." Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Halos wala nga ako masabi kasi hindi ko pa naman siya nakikita eh. Malay ko ba kung ano itsura at totoong ugali ng taong nakakatext at kausap ko. "Okay sige. Thanks sa time. Ingat" huling sabi niya bago na-end yung tawag. "Alam mo Den siguro kailangan mo na magpahinga. Namumutla ka na eh. Nag-aadik ka ba?" Seryosong komento sakin ni Sheryl. "Hindi pwede She. May raket uli kami mamaya. Alam mo naman na medyo kapos kami ngayon kasi nag-aaral na si Chrien" mahabang sagot ko sa kanya. Simula kasi nung pumasok na si Chrien ay medyo kinakapos na kami. Kaya napagpasyahan ko na pagkakahaling ko sa school ay nasama ako sa banda. Malaki rin naitutulong sakin ng banda. Kahit palaging puyat at pagod ay ayos lang basta makapasok lang si Chrien. Minsan nga naiisip kong tumigil muna sa pag-aaral at magtrabaho muna ako ng fulltime para mas makatulong ako ng maayos kay Mama sa gastusin sa bahay. Pagkatapos ng huling subject namin ay umuwe na ako. Nagpalit ako agad ng damit at lumabas na muli ako ng bahay. "Oh anak san ka pupunta?" Sita sakin ni Mama. "May gig lang po kami Ma. Huwag niyo na po ako antayin mamaya. Mauna na po kayo matulog ni Chrien" sabi ko kay Mama. "Den okay lang na-" "Ma okay lang ako. Masaya rin po ako sa ginagawa ko" nakangiting pagputol ko sa sinasabi ni Mama. . . "Den! Kanina ka pa namin inaantay. Stage on na" sabi sakin ni Kevin. Nagtungo na ako sa mini stage. Nasa isang bar ako ngayon kasama ang mga miyembro ng CnY Band. May regular hour na kasi kami sa bawat bar na malapit dito samin. Naupo na ako sa unahan kaharap ang mic stand. Nagsimula ng tumugtog sila Kevin. Gusto kita... Sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga Pilitin man limutin ka Ay hindi k magagawa Parang alipin mo ang isip at damdamin ko Pagsisimula ko sa pagkanta. Puno ang bar. Ang daming tao. May mga grupong magkakasama at meron namang nag-iisa lang. Kahit sabihin na mali ako Alipin mo o bihag mo Ako'y iyong iyo Kung pagibig na ang paguusapan Di ko na ililihim pa Ang damdamin ko sayo - sa akin ay gusto kita. Pagtatapos ko sa kanta. Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpatuloy parin sa pagtugtog ang mga kasama ko. Nagpatuloy parin ako sa pagkanta. Nakawalong kanta ata ako kaya nakipagpalit muna ako sa isang kabanda ko. Siya na muna ang pumalit sakin at nagpatuloy ng playlist. Naupo ako sa pinakaunahang table ng bar na malapit sa stage. Dun talaga ang table namin. Ewan ko ba pero kusang kumilos ang katawan ko para umorder ng alak. Pakiramdam ko kasi ay gusto kong uminom. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng alak. We’ve only just begun to live White lace and promises A kiss for luck and we're on our way We've only just begun Bigla akong natigilan nung narinig ko iyon na kinakanta ng kasamahan ko. Before the rising sun we fly So many roads to choose We start out walking and learn to run And yes, we've only just begun Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na tumutulo ang mga luha ko. Nararamdaman ko rin na sumasakit yung panga ko dahil sa patuloy na pagpigil ko sa pag-iyak ko. Namimiss ko na si Francisco. Namimiss ko na boses niya. Namimiss ko na ang lahat sa kanya. Ang sakit sakit pala sa pakiramdam yung napalayo niyo sa isa't isa. Yung wala kang magawang paraan para makita at makausap siya. Pagkakagaling ko sa pagkanta sa banda ay hindi pa ako nadiretso ng tulog. Iniisip ko kasi na tatawag si Francisco. Ayokong isipin niya na hindi ko inaantay ang bawat tawag niya. Pero simula nung isang linggo, wala pa akong natatanggap na tawag o text man lang galing sa kanya. Miss na kita Francisco. Nakita kong may natanggap akong isang message sa cellphone ko. Nakapatong kasi sa harapan ko ang cellphone ko. Tinititigan ko kasi yung wallpaper ko. Yung picture namin ni Francisco sa Batangas habang nagkikiss kami habang lumulubog ang araw. When I first met you - I honestly didn't know you were gonna be this important to me. Kampai Guys! Group message nanaman galing kay Mark James. Kailangan ko siguro ng taong kausap. Mabilis kong ni-tap ang reply box. Wanna join me? Tara shot tayo Mark James. At mabilis kong pinindot ang send ng cellphone ko. Mark James Point of View Wanna Join? Tara! Shot tayo! Sender: McDo Totoo ba ito? Niyayakag niya ako? Talaga yatang pinagtatagpo kami ng tadhana ah. Napagpasyahan ko kasing magpunta dito sa isang bar. Boring kasi sa bahay. Nagulat nga ako nung nakita ko siya sa stage at kumakanta. Hindi ko na siya niteplayan at tumayo na ako mula sa inuupuan ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanya. Bakit ganito? Bakit parang naririnig ko ang pagtambol ng puso ko? Ramdam ko rin ang pagpintig nito sa dibdib ko. "Hi!" Bati ko sa kanya. "Hi! Nandito ka rin? Palagi nalang nagkakataon na nagkikita tayo ah!" Nakangiting bati niya sakin. Ayy! Oo nga pala. Hindi pa pala niya alam na ako yung nakakatext niya palagi. Tama. Aamin na ako. Wala naman sigurong masama kung magsabi ng totoo diba? "Pwedeng umupo?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman! Actually, may nitext din ako eh. Pero mukhang malabong magpunta yun. May pasok kasi bukas kaya tayo nalang ang mag-inom" mahabang kwento niya sakin. "Don't worry. My treat. Medyo malaki kasi ang parte ko ngayon kasi till 4am kami dito" nakangiting dugtong niya. Pero bakas sa mata niya na kagagaling lang niya sa pag-iyak. "No... My treat." Sabi ko sa kanya. "Ooooops! Wag na kumontra" dugtong ko sa kanya. Tinawag ko ang waiter at umorder ako ng one pitcher s*x on the beach cocktail, fries and nachos. "Hala! Ang dami! Piknik ba gusto mo?" Ani ni Den na patawa tawa. Nginitian ko lang siya at pinagpatuloy kong inumin ang boteng nasa harapan ko. Takte! Hindi ako makabwelo. Hindi ko masabi sa kanya na ako si Mark James na nakakatext niya. Baka kasi bigla siyang magalit eh. Baka sabihin niya na ang tagal tagal na pala namin nagkikita tapos hindi ko sinasabi sa kanya. Kailangan makabwelo na ako. Kailangan makainom ako ng medyo malalasing ako at dahil din lalakas ang loob ko. (para-paraan lang yan!) "Bakit nga pala andito ka?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung bakit. "Ahh.. Member ako ng banda. Kaya eto tuwing gabi may mga pinupuntahan kaming bar para mag-live." Sagot niya. "Diba may pasok kinabukasan? Edi lahi kang puyat?" Dugtong na tanong ko sa kanya. Napansin kong medyo nag-iba ang pustura ng mukha niya nung marinig niya yung tanong ko. "Kahit naman na wala ako dito sa banda - palagi parin akong puyat." Galing sa malungkot niyang boses. Teka? Bakit parang may laman ang sagot niya? Mukhang may pinagdadaanan ang taong mahal ko ah! "Here's your order sir" sabi nung waiter sabay lapag ng mga order namin. Sinalinan ko sa baso si Den ng alak at ganun ang ginawa ko sa baso ko. "Thanks" tipid na sabi niya. Hinayaan ko na muna siyang tumahimik. Nakatingin lang siya sa kasamahan niyang nakanta sa stage. Napabalik tingin ako nung nakita kong umilaw ang cellphone niya. Nakita yung wallpaper ng cellphone niya na naging dahilan ng pakiramdam ko na parang dinudurog ang puso ko. Mukhang may boyfriend na siya. Hindi ko man lubos na nakita yung wallpaper niya ay ramdam ko na masaya ang picture na iyon. Sino kaya ang napakaswerteng lalaki na iyon? Ano kaya ang nagustuhan ni Den sa kanya? Ano kaya ang itsura niya? Hindi namin namalayan na naubos na namin ang laman n pitsel kaya nagpasya pa akong umorder ng isa pa. Tinanong ko si Den sinabi naman niyang kaya niya pa. Pero mukhang may tama narin siya ng alak. Halata kasi sa mukha niya. Namumula na siya. Nagpatuloy kami sa pag-inom. Di ko na nga masyado napapasin ang oras eh. 1:30am na pala. May pasok pa kami bukas. "Ano favorite mong kanta?" Biglang tanong niya sakin. "You were there" mabilis kong sagot sa kanya. Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa mini stage ng bar. Biniga naman sa kanya yung mic at nakita ko siyang bumulong sa may hawak ng organ. Nagsimula na siyang kumanta. Hindi ko alam pero parang dinadala ako kung saan ng boses niya. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Napansin ko rin na nakatingin sa kanya ang ibang mga nandito sa bar katulad kanina habang kumakanta siya. Ano nga bang meron ka Den? Bakit ang lakas ng tama ko sayo? Hindi ko na namalayan na natapos na ang kanya at nasa tabi ko na pala siya. "Para sayo yun." Nakangiti niyang sabi sakin. Oh s**t! That smile! Whaaaaah! Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi dahil sa alak kundi dahil sa pagkakatitig niya sakin. "Thanks." Tanging nasabi ko sa kanya. Nagpatuloy muli kami sa pag-inom. Pero sa pagkakataon na ito ay nagkukwentuhan na kami. Ang dami nga niyang kwento eh. Nakwento niya si Sheryl na palagi niyang kasama. Si Kenneth na kaibigan niya. (Ayoko sana pag-usapan si Kenneth pero syempre wala ako magagawa) Nabanggit din niya na magkakaroon ng fieldtrip ang kapatid niya. Nasabi nga rin niya sakin kung bakit niya rin naisipan bumalik sa banda eh. Kung pwede nga lang sana ako mag-offer sa kanya ng tulong. Napakahirap para sa kanya ang ginagawa niya. Uuwe siya ng mga 2 o 4am ng umaga tapos may pasok ng 7am. Grabe diba? Ang hirap nun! Baka magkasakit pa siya. . . Nandito ngayon kami sa labas ng bar. 3am na. Wala na ako pakialam kung may pasok bukas basta kasama ko si Den. Nakatayo kami ngayon at nakatingin lang siya sa mga bituin. "Ang hirap din pala kapag malayo ka sa taong mahal mo noh?" Basag niya sa katahimikang bumabalot saming dalawa. Hindi ako nagsasalita. Inaantay ko lamang ang bawat sasabihin niya. "Nung una palagi kaming magkausap, magkatext, maya't maya yun. Kahit nga may pasok ako kinabukasan ay kahit abutin ako ng umaga sa kakaintay ng tawag niya ay okay lang sakin. Basta makausap ko lang at malaman kong okay siya...." Mahabang kwento niya. "Alam ko naman na busy siya. May trabaho siya... Marami siyang responsibilidad..." Pagpapatuloy niya. Halata narin sa boses niya ang pagpipigil ng pag-iyak. "Hindi ko na kasi alam kung okay siya eh...kung okay kami...ang hirap..." Pagkatapos nun ay bumuhos na ang mga luha niya. Wala akong masabi sa kanya. Wala akong maikomento. "Sa tuwing tatawag ako sa kanya puro answering machine ang sumasagot! Tangina naman oh! Ano gusto niyang sabihin ko sa answering machine!? Kamustahin ko? Sabihan ko ng iloveyou?" Panandalian siyang tumigil para magpunas ng mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata niya. "Tangina. Miss na kita Francisco...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD