Hello

4368 Words
Present "Hoy gaga!" Biglang bungad sakin ni misaki. Damn.. I'm still not used to her being my neighbor. "Bakit ba nag spe- space out ka jan. Nasa outer space ka na ba at para bang ang layo na ng naisip mo?" Kairita niyang tanong kaya inirapan ko siya. Suminghap nalang ako dahil naalala ko parin ung tawag kanina. Nasa balcony kasi kami ng condo namin. I just came back from Australia. I graduated as an engineer too. It's already night time here in manila. "Naalala mo ung time na halos sumabog utak ko nung nilapitan ako nila nads nung highschool?" Biglaan kong tanong kaya napatulala siya saglit. Bigla siyang napangiti. Tumingin siya sa langit saglit at tumango. "Oo naman! Dun nagsimula lahat noh! Wala tayo rito kung hindi natuloy ung mga bagay na iyon." She said with a little bitter tone dahil all of those memories were one of the happiest times of our lives. "Hahahaha! Naalala ko gaano ka kinabahan na mawala ako, to the point na halos mangkulam ka na. Hahahaha!" Pagpapaalala ko sa mga ngyari. Napasapo tuloy siya sa noo niya na para bang hiyang hiya. "Wow... That was 10 years ago.. antagal na noh. I wish we could just go back and relive those days." Sabi niya kaya tumango ako. I miss them. I miss him. I miss my family. I miss my friends. I miss my teachers. I wish I could have done better... 10 years ago... "Hala weh?!" Reaksyon ng kapatid ko ng maikwento ngyari last week. Well hindi ko nasabi last week mismo because we were to busy. Unang week palang kay quizes and recitations na kami. Nakakapagod! Ror! Para daw pag college handa na kami. Pero hindi ko alam kung makakaabot kami ng college kasi dito palang para na kaming kalansay sa puyat mag aral. I told her what happened on the first day. I told her someone came up to me. flash back "Hey can we talk?" Nagulat ako nang makilala kong si hazel un. Napatulala ako. She looked she really needed me. "Uh.. sure?.." Napalunok ako sabay sabi nun nang may onteng hesitation and confusement. Napaisip ako kung anong dahilan o bakit niya ako kinailangan bigla. Or baka dahil magkaklase kami. Hinila niya nalang ako papunta sa may student council room/meeting room at sabay kaming pumasok roon. Sinabi niya na maupo raw ako kaya naupo ako sa malapit na upuan sakin. "I know I've misjudged you and sort of hurt you in a way so I'm sorry. I want to say I'm sorry and as the student council president and as your classmate. Gusto ko na maging komportable ka. Napansin ko kasing na-OP ka habang lahat kami nagi-ingay. I want to help you, lalo't na pinilit ka lang ni Ms. Joson pumasok sa klase namin. Actually ako rin ang pumilit sakanya. I actually want to get to know you. You smile so bright when your with akira, pero pag dating sa iba palagi kang seryoso. So, gusto kong mapangiti rin kita. Ok lang ba yun?" She said with a sweet and soft tone. Pero ang tanging pumasok sa isip ko ay "Sorry" although narinig ko ibang sinabi niya. Na-curious ako sa "Sorry" diba dapat ako un? Napanguso ako dahil hindi ko alam kung masasayahan ba ako o malulungkot. Kinuyom ko nalang kamay ko at napasinghap saglit. "Una sa lahat hazel, you did nothing wrong. You reached out to me back then pero tinulak kita at sinabihan pa kita ng masasakit na salita. I'm the one who needs to say sorry" Sinabi ko na naka-sinserong tono at mukha. I was guilty and really ashamed pero ngayon, I want to give her a shot to know me for gratitude for reaching out again. "At pangalawa, Thank you for being conservative and considering for me. I appreciate that. Thank you rin at pinalabas mo ako sa comfort zone ko, pero you could've talk to me. Halos mabaliw ako ng ibahin section ko. But at the same time ok lang din, for the first day." Sabi ko, Shocked and Naiirita parin ako na hinila ako papuntang sa ibang section but, it's also good and I don't wanna be inconsiderate of others feelings. "Then, sure you can talk to me, este di ko na kailangan ng paalam mo. Actually umiiwas ako sayo dahil nahihiya ako sa inasal ko dati so.. para maayos ang lahat.. Can we be acquaintances first?" Masyadong mabilis kung sasabihin kong friends kagad. Mas okay na ung acquainted muna kami. Tumango siya ng sunod sunod at biglang lumapit sakin at hinawakan ng dalawang ang kamay ko. "Thank you!" Sabi niya na tuwang tuwa kaya napangiti ako. Para siyang batang binigyan ng kendi. Tinanggal niya rin kamay niya kasi baka hindi pa daw ako sanay. But I shook my head and waved my hands as a "No." I smiled at her and said to her na pwede niya akong i-approach anytime. Sinabi niya rin na nung araw na tinulak ko siya at sinabi ang masasakit na salita sakanya ay inamin niyang nasaktan siya, pero naintindihan niya ako kasi sinabi niya na na-obserbahan niyang iba kilos ko nung 1st year sa 2nd kaya nalaman niya kagad na may pinagdadaanan lang ako. She understood so she said sorry for saying bad things to me too. End of flashback "For short para siyang anghel na galing sa langit." Kwento ko sa kapatid ko. Napatigil siya onte. Naikwento ko rin un kay misaki at parehas sila ng reaksyon. Di makapaniwala ang mga buang. May tao talagang mababait. Simula noong pangyayari na yun ay palagi na kami nagkakabatian. Sabay na rin siyang kumakain kasama namin ni saki. Wala rin siyang tropa dahil lahat ay kaibigan niya dahil nga kilala siya bilang student council president. Tipong pa-good shot at ung iba masabi lang na kaibigan. But, iba kaibigan talaga. Hindi lang talaga ung kagaya nang tropa. Monday na ulit at swe-swertihin ka nga naman. Well totoong swerte kasi cleaners ako ng friday hahahahaha! Mabilis makatakas. Kasi palaging may meetings ang teachers tuwing friday at ang pinakamaduming araw ay monday! "Huhu marecakes!!!! Feel ko maraming dumi tuwing monday. Kasi pag friday di na masyadong naglilinis sabay sabado, linggo walang naglilinis. Huhu help me!" Angal niya. Napatawa nalang ako dahil eksakto ung naisip ko sa sinabi niya. "Kaya mo yan! Go Go Go! Hahahahaha!" Napanguso nalang siya kaya pinigilan ko nalang sarili kong tumawa pa. Nang makaupo na kami sa bus ay hindi sadyang mapatingin ako sa isang lalaki. Kagad nanlaki mata ko ng makilala ito. Shit! Sigaw ko nalang sa sarili ko ng malaman ko ito ung lalaking gwapo last week. Ngayon ko lang din siya nakita ulit. Pero mas nagulat ako ng bigla itong napatingala sakin. Hala! Nanlaki mata niya ng bigla kaming nagkatitigan. Umiwas nalang ako kagad para di awkward. Hinila ko nalang din si saki na umupo na sa tabi ko nang makaupo ako. Bigla tuloy akong kinabahan. Baka kasi anong kala niya sakin, lalo na nung tinasaan ko siya nang kilay nung unang kita namin eh. "Hoy.. mamsh.. pustahan tayo oh." Bulong sakin ni saki habang tinuturo ng mata niya ung lalaking gwapo. Na pa-oh? ako na para bang tinatanong na ano pustahan na inaalok niya. "Yan ung transferee." Sabi niya kaya napaisip ako. Siguro, masyado nga kasing coincidental nung first day palang. Pero kung siya nga, Baka kaya wala siya sa bus tuwing umaga dahil nawala siya ng 1 week. "Gaga, obvious na baka nga siya. Pusta, pusta ka pa nalalaman." Sabi ko kaya natawa siya. I'm not sure pero di mo alam. Pero sana wag. Talagang malas na ako sa buong school year kung mangyayari pa yun. Ay di naman fully, naging kaibigan ko si hazel kaya hindi full. At dahil hindi full, hindi ko nga siya kaklase! "Deal." Sabi ko kagad kaya parang nabilaukan siya. "Gaga ka ba! Halata na nga siya un, ikaw na nga nagsabi tas ngayon tunog desidido ka nang hindi mo siya kaklase! Hay! Kabuang ka man!" Sabi niya na natawa ako. Bakit ba ayaw ko siyang maging kaklase eh. Bakit kasi sa klase ko pa. Sa lahat ng pwedeng estudyante maging transferee siya din. Ano to.. endless awkwardness para sakin?! Halur!! Ayaw ko nga! "Bakit ba. Ayaw mo nun mananalo ka pag naging totoo. 50/50 lang tayo dito, hoy!" Kaya nga there are a lot of possibilities kasi lahat ay may chance at halos lahat ay hindi sigurado. Kaya nga may "what if" eh. "Edi sige. Basta pag ako nanalo, ang gusto ko ay maging friend mo siya, agree?" Sabi niya para sa side ng deal niya. Halos di ako makahinga dun. Kung sa kinausap nga ako nay hazel ay nanlabot ako sa kaba, ito pa kayang ako ang makikipag kaibigan?! Ay wait wala siyang sinabi na ako ang unang kumausap. So okay lang siguro. "Pano pag di natin naging kaibigan?" Tanong ko kaya napangisi siya. Ayaw ko sa binabalak niya. Halatang masama eh. "Kailangan mong lumapit. Hindi pwedeng hindi natin maging kaibigan unless pangit ugali niya or ayaw niya mismo satin. Bawal rin na gu-mive up ka kagad sa pangungulit kailangan at least 3 times mo siyang kulitin ng todo." Sabi niya na nakaseryoso ang mukha. Sinadya niya maging seryoso kasi pag seryoso siya ay totoo un nga gusto niya at un ang masusunod. I sighed because I may not have a way out. I hope hindi ko siya kaklase at huwag naman siyang masyadong mahirap kausapin. Lalo't na hindi ako magaling sa pakikipagusap. "Agree." Pag sang-ayon ko. Kaya nag pinky promise kami para un ang silbing kontrata. "Pero pag ako nanalo ay ililibre mo kami ni hazel sa samgyeopsal tas mag horror movie marathon tayo?" Hiling ko naman para pag nanalo ako. Tumango siya kahit halata sa mukha niya na ayaw niya gumastos. Kuripot at buraot yan si saki. Ma-utak rin pag dating sa barayan. Mababaligktad ka niya. Kaya pag nilibre ka niya sulitin mo na. Na-scam na nga niya si hazel eh. Nagugutom siya kaya nag aya siya kumain sa fish ball-an sabay sinabi niya, Sige kain pa kayo. Pero ng matapos kami kumain ay sinabi niya rin na, Hazel libre mo nalang ung kinain ko hehe.. Lalapit na sana ako para sakalin siya kaso mo umiiling at umoo nalang si hazel. Huhu.. bait talaga.. di siya bagay maging kaibigan sa tulad niyang buang. Maya maya ay pumara na ung bus kaya bumaba na kami. Habang naglalakad papunta sa entrance ay nadatnan ko na kagad si hazel na nag aabang na samin. "Hazey!!" Pasigaw na tawag ni misaki habang natakabo na naka taas ang kamay. Napatawa nalang ako ng talunin niya si hazel, buti nalang at nakaya siyang saluhin nito. Lumapit din ako at niyakap. Hehe.. bakit ba feel ko eh. Ngumiti ako ng matamis kaya nanlaki onte mata niya na kagad din niya binawi. "Nako hazel, hindi ako niyayakap niyan ng ganyan! Swerte mo! Ako rin!" Sabi niya na para bang nagmamakaawang bata. Pinitik ko nalang noo niya. Sabay sabay kaming napalingon ng may tumawag kay hazel. Ah.. si jareh. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun nalang reaksyon ko. Sinabi kasi ni hazel na boyfriend niya ito. Pero ito ang unang beses na makikita niya kaming magkakasama nila saki at hindi pa kami nagkamausap. "Oh.. sila na ba ung kinekwento mong mga kaibigan mo labs?" Sinabi nito na casual lang, pero kung ngumiti na kala mo manyak, si misaki dahil sa kilig sarap ikulong sa kahon at itapon eh. Masyado kang obvious teh! Usto mo ng jowa ulit?! "James.. Nakakahiya..oo." Pulang pula na si hazel habang sinsabi ung mga salitang un. Natawa nalang nobyo niya. Ay! kaloshang ng salita! Este jowa! Well, parehas sila ni misaki na parang baby. Inosente kasi si hazel habang ito si misaki napaka-pilya. Masyadong ginagamit ung ka-inosentehan niya. Napatingin nalang sakin saglit si jareh na para bang ni-mumukaan ako. Nakita ata toh ni hazel at napaghalataan atang di ako komportable dahil para sumama mukha ko. "Ah.. Rina, misaki. Mauna na kayo. Sabay na kami ni jareh papasok." Sabi niya na nakangiti kaya napatango ako habang si misaki ay sumaludo at hinihila na ako. Napatulala si jareh pero nung sabihin un ni hazel ay kagad itong nilingon at bumaling samin habang kamot kamot ang batok. "Ahh.. sige!" Sabi nito na para bang nahiya at nalilito habang nakangiti at kumakaway. Piling ko inaalala niya mukha ko. Buti nalang sa classroom ay hindi ako masyado kita dahil nasa likuran ako. Multo na nga ako dun eh. Tapos si hazel ay may third eye. Hahahaha! "Gaga! naalala niya atang nasapak mo siya!" Sabi kagad ni misaki ng makaakyat at makalayo na kami sakanila. Kinunotan ko siya ng noo. "Ewan." Sabi ko nalang. Nang makaakyat na kami sa floor namin ay kagad siyang humiwalay kasi tinawag siya ni "Ms. Cheetah" daw. "Hala oo nah! Papunta na! Sige na lods! Stay alive!" Sabi niya habang natakbo na papunta sa classroom niya. Gaga stay alive mo mukha mo. Sana kainin ka ni ms. cheerah. Ror! Nagulat nalang ako nang biglang bumangga sakin. Hala buset! "Tsk!" Sabi ko habang nanlilisik ang mga mata. Dala ko kasi ung baunan ko na may sabaw. Dahan dahan pa ako maglakad kasi baka biglang bumagsak. Bwisit sayang eport! Pero mas kawawa tupper ko huhu! "Hala sorry ate!" Sigaw nung taong nakabangga sakin. Napailing nalang ako dahil natapon nga ung sinigang. Wasak ung tupper ware kaya wala na akong ulam at ang asim na ng baunan ko. Napasinghap ako. "Okay lang. Thank you sa pagtulong." Buti may plastic ako kaya dun namin nilagay ung kalat. Sabay gumamit ako ng basahan na nasa sahig sa may tabi ko para punasan ung sabaw. Pinunasan ko ung noo ko gamit braso dahil napawisan ako onte dahil siguro sa inis. Nang makilala ko kung sino nasa harapan ko ay nanlaki mata ko. Kabado mukha niya at mukhang batang nakawala ng pera ng nanay niya. Napalunok ako. "Sorry azriena ahh.. hindi ko sadya promise pero kailangan ko na mag madali. Sorry talaga." Pag sorry niya na kabadong kabado talaga. Hindi, takot siya as in takot. Hindi ko alam kung ano kinakamadali niya pero mukang importante. "Okay lang. Ako na bahala." Sabi ko at tipid na ngumiti. Napa-bow siya na para bang nag te-thank you at tumakbo na paalis. Sabi ni misaki ay mabait daw siya at solid daw na kaibigan. Dati. Well a lot of things had change. As we grow up we change too. Maybe not our personalities but physically. Everything and everyone changes. Nag-move on nalang ako sa nangyari at pumasok nalang sa classroom. Plinsatik bag ko rin baunan ko para di tumulo at tinabi ung kainin and mga utensils ko para di magamit ko pa. Nagulat nalang ako nang may nakalagay nang inumin na juice sa harapan ko. Kinuha ko ito habang tinitingnan kung sino ung naglagay nito. Kaso parang wala namang dumaan. Siguro nung nagaayos ako. Tinignan ko ito at natawa ako dahil nandito si ryyza mae dizon sa inumin. Ang cute. Chooga juice binigay. Napatigil ako nang tawagin ni hazel pangalan ko galing sa entrance nang room habang nakaway. "Rina!" Tinig niya kaya napangiti ako at kumaway. Since alam ko tatak dahil palagi meron neto sa ref ni nina ay iinumin ko na. "Oh? san galing inumin mo? Nasan na ung baunan mo?" Napaisip ako saglit. Ayaw ko naman na tanungin niya si nadeya kasi hahaba ung kwento. "Ahh.. hehe.. nabagsak ko eh." Sabi ko. Napailing siya. Sinabihan niya akong reckless kaya natawa ako. Sinabi ko rin na may naglapag nalang sa desk ko habang inaayos ko gamit ko. Kaya sa curiosity ay tinanong niya sa mga kaklase namin kung sino naglapag. Pero lahat ay umiling nalang. Nag bell narin kaya tinabi ko sa may ilalim ng lamesa ko ung inumin ko para di matapon. At kung matapon ay sa sahig naman. Kating kati na ako bumalik sa room. Ang init! Jusmeyo! Impyerno ang mood ni mr. sun ngayon! Nag re-recruit kasi sila sa mga club. Magbibigay nalang daw sila ng form mamaya. Tapos mamaya naman ay election na namin sa officers. "So this are your class officers! Ms. president please take care of the class." Sabi ni ms. Joson ng matapos na ang election. Pumalakpak kaming lahat. Syempre pumalakpak ako dahil si hazel ang pres. Obvious naman eh. Palagi naman ata siya binoboto. Pero naaawa ako sakanya onte. Hindi ba mahirap ung palagi kang president. President nang journ, ng student council at ng room. Piling ko, kung ako un sabog na utak ko. She's really an angel. Beautiful, sweet, kind and responsible. Sabay kami ni misaki ang mga taga pag g**o sakanya hahahah! Proud pa eh! Piling ko hindi namin kaklase ung lalaki kasi wala na naman siya eh. Sa ibang school siguro un. Nadisappoint din ako onte dahil may gwapo na sana akong kaklase. Hindi na puro mukhang (tukmol..) mga normal lang na tao. Yabang eh noh. Gaga! Bat ka disappointed! Yaw mo nun samgyeopsal kayo!.... pero one time lang un. Ito si kuya pogi 1 year! Nag paalam lang si ma'am at nag bell na ulit. Start ulit ng klase. Since napagod ako nung subject bago mag recess ay nagstay ako sa room. Inaantok din ako. Nauubos ko na rin ung chooga juice ko nung nagsimula silang mag-elec. Kaya wala akong snacks. Nagpaalam sila hazel at misaki bumili lang ng pagkain sa baba kaya hinayaan ko sila. Nagpabili rin ako ng Choco knots. Nakababa na ulo ko sa mesa habang ang paa at kamay ko ay nilalaro laro ko. "Hey.." Rinig kong may nagsabi. Dahan dahan kong inangat ung ulo ko. Napatigil ako ng makita ko si nadeya. "Binilhan kita ng ulam para mamaya. Baka rin maaga karin kasi kumain ng lunch mo, kaya binilhan na kagad kita." Sabi niya na parang bata. Soft at polite boses niya. Piling ko tuloy may tutang nasa harap ko. Umayos ako ng upo at umubo dahil napaka impolite ko kung kakausapin ko siya nang naka tingala lang sakanya. Hirap rin ako. "Okay lang di ka na dapat bumili. Nagmamadali ka naman at mukhang importante ung lakad mo." Sabi ko kaya umiling siya ng todo. Huh? Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. De ja vu ba toh? "Oo mahalaga pero natapon ko parin lunch mo. Hindi un ok sakin." Sabi niya sakin habang titig na titig sa mata ko. Napatango nalang ako dahil mukhang may gusto la siyang sabihin. "So sorry. At sorry sa mean things na nasabi ko rin dati. And sorry for hurting you and misaki. Pero, masasabi ko na hindi ako ang nagkalat nang rumours." Pag papaumanhin niya at bigla niyang brought up sa topic dati. Kaya parang gulat ako pero binawi ko un at kumunot. May nasabi rin ako sakanya na mga masasamang salita at nakakasakit. Pero, parang nakakagulat lang na sabihin niyang hindi siya un. Pero umamin siya dati na siya. Huh? "Salamat, and sorry rin sa mga masamang nasabi ko dati pero, ang g**o mo sa part ni misaki." Sabi ko kaya binitawan niya kamay ko at tumungo. Nag-panik ako nang makita siyang parang naiiyak. Shit! anong gagawin ko! Ang bilis niya mag change ng mood. Super powers niya ata yun. "Alam kong umamin ako na ako nagsabi nun, un ay dahil kinailangan ko..." Malungkot na malalim niyang sabi. Ramdam ko ung sakit kasi parang kinayod ata boses niya para lang masabi un eh. Ano ba toh! Ba't ako napadpad sa ganito?! "Ok lang kahit hindi na kami bumalik sa dati. Kasi mas pinili ko ang ginusto ng ibang tao keysa sa gusto ng kaibigan ko." Garagal niyang sabi. Nakokonsensya tuloy ako. Para siyang nawawala at wala na siyang ibang option para bumalik sa pinanggalingan niya kaya nandito siya ngayon. "Bumping into you somewhat gave me more strength to reach out to you. I've seen you improve in the pass few days at gusto ko ako rin." Sinabi niya habang nasinghot. Hala! baka pagkamalan akong nag paiyak. Pero she's been watching me too? Meron akong vibes na deja vu toh. Parang nangyari samin ni hazel. Parehas nila akong pinapanood at naunang kumausap sakin. So maybe? "I think I can trust you kasi inalagaan mo si kira, so ito kasi un..." Panimula niya. "My family doesn't like her. Masyado daw siyang noisy and hindi daw siya poise and elegant. May time lang daw na ganun pero mostly mukha daw siyang nakawalang unggoy sa zoo.." Pagkwento niya. Gustong gusto ko matawa sa part na sinabi na mukha siyang unggoy but I just stayed emotionless. "Marami rin nagsabi na bad influence siya dahil kala mo mental. But she's so fun and so sincere and so caring. Hindi kagad ako sumuko pero... simula nang 1st year, since nandito ate ko. Kinailangan kong iwasan siya to the point na diko siya kayang saktan. Kaya ate ko ang gumawa ng paraan." Kwento niya. Kung aalahanin ko. Meron ding kamukha niya na 3rd year noon. Pero kala ko coincidental. Sinabi rin ni misaki na wala siyang kapatid. "Hindi ko pinakilala kahit kanino mga kamag anak ko dahil judgmental sila. Ayaw ko silang masaktan. She spread the rumour pero inako ko yun nang halos palayasin siya nang lola ko dahil marami ang nang away sakanya dahil sa rumour na ginawa niya. Kaya umamin akong ako un. She may be mean and she may have denied me too pero ate ko siya." Mula sa storya niya lalo akong nakonsensya. She's still teary eyed at masyado niyang dinidiinan kamay niya. She's still hurting. "Pero dahil umalis ako dun at pumunta na sa side nang mom ko ay, baka pwede na kami maging friends. So can you help me?" Pagtapos at pag tanong niya. Napangiti ako at tumango. She is nice and she's sort of innocent too. Este, isa na namang anghel! Nang magets niya bakit ako tumango, napatulala siya saglit eh. Halos talunan niya ako sa tuwa at may mga luha nang natulo sa mata niya. Napalunok ako dahil natulak niya onte ung lamesa. "WAHHHH!!! TENCHU TENCHU TENCHUU!!" She gasped. "Hala sorry!" Bigla niyang sorry kaya tinaas ko kamay ko na para bang nagsasabi na "okay lang". Hinawakan niya ang kamay ko at shinake hands. Sinabihan nalang niya ako na mamaya ay lalapitan niya ako at dun na kami aaksyon. Um-okay nalang ako. Sinabi niya rin na kaya daw siya nagmamadali kanina dahil kailangan niyang puntahan ung nasa section 1 para sa club na due na nga kaninang umaga. Kasi ididisqualified daw sila kung hindi ipapa-request to be a club. Sila ang "mental health awareness club." Kaya daw siya nag mamadali. Tinanong ko rin kung siya ba naglagay nung juice sa desk ko. Hindi niya alam kaya hindi siya un. May pag ka-slow lang siya onte. hehe. Eksakto rin na dumating sila misaki na may dala nang pagkain. "Hala ang dami mga baliw!" Gulatan kong sabi. Walong choco mucho. Kinse na koko crunch. Benteng magic flakes. Sabay 10 bear brand na nasa karton. "Magdo-donate ba kayo at natuwa kayo masyado sa pagkain." May popcorn at cupcakes pang binili. Napasapo nalang ako nang dalawang desk ang sakop nito. Natawa nalang sila. Hindi namin naubos ung kalahati kaya pinamigay nila ung iba. Nagtabi ako ng isang cupcake at palihim itong binigay kay nadeya habang papunta ako sa may entrance. Nang pabalik na ako ay sinulyapan ko siya at ayun na naman siya, mangiyak ngiyak. Hay.. may bago nang bata sa buhay ko. Present. "Hahahahahaha! alalang alala ko ung kwento niyong un!" Pasigaw na sabi ni misaki nang ikuwento ko ulit ung unang usapan namin ni nadeya. Nasa balcony parin kami at nainom kami nang san mig light. "Eh ung pag pasok niya sa buhay mo. Same day yun ahh." Sabi niya kaya bigla akong napatigil sa pag inom at sinandal ang ulo ko sa glass wall. 10 years ago... "Ms. Gregorio your in group 4." Sabi nang mapeh teacher namin. Arts sub namin. Kagrupo ko si hazel so ok lang. Kailangan namin gumawa ng poster slogan. At dahil mahilig ako sa quotes ay ako na ang gumawa nun para tapos na ako sa ambag. Kaso mo... "Ako na sa quote!" Biglang sabi nang isang lalaki. Lumingon ako at nagulat ako nang ang lapit na nito sakin. Nanlaki mata ko kay parker von. Napatingin siya sakin at nag peace sign. Lumapit din siya. "Sorry, nagulat kita." Hindi ko namalayan na naka kunot na pala ako. Hindi ko malalaman kundi ni hazel binulong sakin na bakit naka simangot ako. Lumapit ako sakanya at tumulong nalang sa pag gawa niya ng poster. Maya maya ay nag present narin kami at si rome ang nag present kung anuyun. "Living is like the song row your boat. Life is but a dream, if you can only row it gently and merrily. Life is full of challenges. But, at the end you will find paradise." Nakalagay na quote. Habang isang boat na may kaharap na malaking alon ang nakadrawing. Pinalakpakan kami at pinaupo na kami. Maya maya ay naglunch na kaya hinila ko na si nadeya paupo sa tabi ko. Dito kasi pwesto na namin pag nakain nang lunch. Nagulat si misaki at hazel nang kasama ko siya. Nakuwento rin kasi namin kay haze. "I'm so sorry." Bungad ni nadeya. Sinenyasan ko siya na maupo at makinig sa sasabihin nito. Sinenyasan ko rin si nadeya na "go" na. Nung una ay parehas silang ngumuso, pero parehas silang napatingin sa isa't isa. "Kumain ka habang nakwento para di sayang oras." Seryoso na sabi ni misaki kaya umayos na si nadeya. Nakikinig lang kami ni hazel. Nung una tinitingnan niya ako na parang tinatanong kung "bakit" Pero sinenyasan ko siyang makinig. They talked it out at parehas silang luhaan. Kinain nalang nila mga luha nila palayo para lang gumaan ung mood. Nang matapos ang lunch ay pare parehas na kaming nakangiti at masaya. I'm glad. Matapos nun ay umalis na si misaki at bumalik na sila haze at nadeya sa mga upuan na. Pumasok na si Ms. Joson at nakangiti na ito. "Good afternoon class! We have a new student!" Sabi nito kaya nanlaki mata ko. I crossed my fingers. Kaso naguluhan ako sa kung ano ba hihilingin ko. The one misaki wished or the one that I wished. Kinakabahan ako! "Pasok na mr. rivera." May pumasok na lalaki na kagad kong na mukhaan. "Hello."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD