Chapter 1

2036 Words
NAKATUNGANGA lang si Katharina habang nakatitig sa mga damit niya na nasa loob na ng nakabukas niyang maleta. Hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang napagkasunduan nila ng malamig at arogante niyang boss at kung paano siya humantong as a bedwarmer nito. "Manong Pilo, bakit po?" sagot niya sa tawag mula sa driver ng kaniyang boss. "Miss Rina, maaari ba kayong pumunta ngayon sa penthouse ni boss Zach?" pakiusap nito sa kaniya. "Lasing na naman po ba siya?" "Oo, Miss." She sighed. Siguradong lukot at nadagdagan na naman ang wrinkles ni Manong Pilo sa mukha sa pamomoroblema nito sa palaging paglalasing ni boss Zach nitong mga huling linggo. "Sige po, Manong Pilo, pupunta po ako diyan." Muli siyang napabuntonghininga matapos putulin niya ang tawag. Araw-araw na lang ganito ang routine niya. Araw-araw na lang kasing naglalasing ang boss nila. At siya ang laging tinatawagan ni Manong Pilo, hindi nga niya alam kung bakit siya? Eh, sigurado naman siyang may pamilya si boss Zach. Pagkalabas niya ng kaniyang apartment, kaagad siyang nagtungo sa may sakayan at nagpahatid sa penthouse ng kanilang boss na nasa ituktok ng isa sa mga hotel nito rito sa BGC, Taguig. Kilala na rin siya ng guard sa may entrada ng De Sandiego Hotel at mga receptionist kaya tuloy-tuloy na niyang tinungo ang elevator. "Good evening, Manong Pilo," bati kaagad niya sa matanda nang pagbuksan siya nito ng pinto. "Nasa kuwarto na siya. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Miss Rina." Tipid na ngumiti siya sa matanda at tumango. Pumasok siya at dumeretso sa kuwarto ng kaniyang boss na nasa second floor nitong penthouse. Pagkabukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya ang boss niyang nakadapa sa ibabaw ng malaki at malapad nitong kama. She sighed heavily. He looks so wasted and wreck. Tunog ng ringtone ng kaniyang cellphone ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Agad naman siyang naalarma nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. "Nurse Arrah?" kinakabahang sagot niya sa tawag nito. Ito ang nagbabantay sa apat na taon niyang anak na naka-confine sa isang pampublikong hospital sa Parañaque. Magdadalawang buwan na ang anak niya na naka-confine sa hospital na iyon. At ang dahilan kung bakit ayaw niyang mawalan ng trabaho. “May problema ba? May masama bang nangyari sa anak ko?” nagpapanik na tanong niya sa nurse. “Naku, Ma'am, wala naman po,” anito sa kabilang linya. Agad naman siyang nakahinga ng maluwag. Madalas kasi kapag tumawag ito sa kaniya ay may nangyayari sa anak niya. "Oh, God! A-Akala ko..." her voice trailed off. "Bakit ka pala napatawag?" tanong niya. “Tumawag lang po ako dahil nagising po siya kanina at hinahanap ka niya, Ma'am.” Tila kinurot naman ang puso niya sa narinig. Her stomach twitched na parang any moment ay maiiyak na lang siya. Awang-awa na siya sa anak niya. Kung puwede pa lang na akuin na lang niya ang sakit nito ay walang pagdadalawang-isip na aakuin talaga niya. Ngunit hindi siya titigil at lahat gagawin niya, gumaling lang ito. Kahit na ang kapalit pa n'yon ay kailangan niyang maging puta ng boss niya. “G-Gising pa ba siya hanggang ngayon?” tanong niya. “Nakatulog po ulit. Pero ilang minuto rin siyang naghihintay sa'yo, Ma'am. Nagbabakasakali na dumating ka.” Agad na uminit ang sulok ng mga mata niya at nagsisikip ang dibdib niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at ikinurap-kurap ang mga mata para mawala ang panunubig ng mga iyon. “Pakisabi sa kaniya kapag nagising siya na pupunta ako bukas ng umaga.” Pangako niya bago siya nagpaalam sa kausap. Hindi kasi siya nakapunta kagabi dahil sa nangyari. Muli na namang nag-init ang mukha niya nang maalala na naman ang kahibangang ginawa niya. Siya ang matino at kaya niyang tanggihan si boss Zach pero dahil gusto rin naman niya ang nangyari—ipinilig niya ang ulo. Ayaw na muna niya iyong isipin. Kailangan niya munang isipin ang anak niya at ang medication nito. Busy rin kasi siya dahil malapit na ang anniversary ng De Sandiego Hotel at kahit hindi man directly na gawain niya iyon dahil may mga nag-aasikaso naman na staff doon, pero as a secretary ng may-ari ay kailangan din niyang i-supervise ang mga ginagawa ng staff ng hotel. Ang De Sandiego Hortel ay parte lang ng KZ Airlines at may ilang branch na rin dito sa Luzon, Visayas at Mindanao. Her boss is a pilot by profession pero ang sabi-sabi ay hindi talaga nito iyon gusto at ang abuelo lang nito ang may gusto niyon. Pero siguro nga totoo iyon dahil ngayon lang buwan napirmi sa opisina nito sa De Sandiego Hotel si boss Zach. Kaya minsan hindi na niya naaabutan si Aurora na gising kapag pumunta siya sa hospital para dalawin ito. Lunes hanggang Biyernes ay dinadalaw lang niya ito at tuwing Sabado at Linggo ay siya ang nagbabantay. Hindi naman niya ito tunay na anak pero mula nang iniwan ito ng best friend niyang si Claire, pagkapanganak pa lang nito ay siya na ang nagiging ina ni Aurora. Siya rin ang nakapangalang ina ng bata sa birth certificate nito. "Miss Rina, ako na ang magbubuhat d'yan." Narinig niyang sabi ni Manong Pilo sa kaniyang likuran kaya napalingon siya rito. Nakapasok na pala ito sa loob ng apartment niya nang hindi man lang niya namalayan. "Naku, kang bata ka! Akala ko may nangyari ng masama sa 'yo. Nang ako'y kumatok ay hindi ka man lang sumasagot kaya pumasok na ako." Bakas sa mukha ng matanda ang pag-aalala sa kaniya. Nagi-guilty naman siya dahil pinag-aalala pa niya ang matanda. Sa mahigit isang taon na pagiging secretary niya kay boss Zach ay nagiging ka-close na rin niya si Manong Pilo at itinuring na rin niya itong Tatay. Lumaki kasi siya sa piling ng mga taong walang ibang hangarin kundi ang magandang pangalan sa publiko at ni minsan hindi man lang siya minahal kahit pakitang-tao lang. Uh, wait, minahal pala siya kapag may gusto ang mga ito na kailangan niyang gawin para mas gumanda pa ang imahe ng mga ito sa publiko. "Sorry po. Tara na po ba?" aniya. Tumango ito at agad na kinuha ang maleta niya. Hindi naman niya dinala lahat ng gamit niya, iyong mga importante lang, siguro babalikan na lang niya ang mga naiwan kapag natapos na ang kasunduan nila ni boss Zach. Kasalukuyang nasa kahabaan na sila ng EDSA nang basagin ni Manong Pilo ang kanina pang tahimik niyang mundo. "Bakit ka pumayag, Miss Rina?" May halong lungkot ang boses nitong tanong sa kaniya. "Po?" "Alam ko, kaya 'wag ka ng magkaila." Mahina ang boses nitong sabi, ang mga mata ay nasa daan pa rin nakatuon. Paminsan-minsan din ay tinitingnan siya nito. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Mukhang kilalang-kilala na talaga siya ng matanda. Bumuntonghininga muna siya at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. “Dahil kailangan ko ng pera para sa treatment ng anak ko, Manong Pilo,” pag-amin niya. Isa ito sa mga nakakaalam na may anak na siya pero hindi nito alam na hindi talaga siya ang totoong ina ni Aurora. Paminsan-minsan ay dumadalaw rin ito sa bata kapag may bakante itong oras. Matagal na hindi ito nakapagsalita kaya nanahimik na lang din siya. “Pero alam kong may dahilan ka pa. Hindi ako naniniwalang dahil lang sa pera kaya ka pumayag,” sabi nito, matapos ang ilang minutong pananahimik. Napalunok siya. Tama ito, maliban sa ayaw niyang mawalan ng trabaho at sa perang kapalit ng pagiging bedwarmer niya sa boss nila ay may iba pa siyang dahilan kung bakit siya pumayag sa offer ni boss Zach sa kaniya. "Mahal ko siya, Manong Pilo, at nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang halos araw-araw ay naglalasing para makatulog nang hindi naiisip ang babaeng mahal niya," pag-amin niya. But she doubted it kung hindi ba talaga naiisip ni boss Zach ang babaeng iyon. Dahil naaalala pa niya ang sinabi nito noong araw na may nangyari sa kanila. I love you, Claire. Her heart constricts in pain. "Alam ko. Pero kinakailangan mo ba talagang isangkalan mo 'yang sarili mo para lang doon?" anito, puno ng pag-aalala ang boses. "Gusto ko lang siyang tulungan—" "Hanggang kailan, Miss Rina?" agad nitong putol sa sasabihin pa niya. "Alam kong nag-aalala ka sa kalusugan niya at ako man ay nag-aalala rin pero sana ma-realize naman niyang hindi siya totoong minahal ng babaeng iyon, na ginamit lang siya ni Miss Claire para mapalapit kay Sir Jacob." Napatuwid siya sa pagkakaupo sa sinabi ng matanda. Mukhang may alam ito sa nakaraan ng boss nila. Kunsabagay, ang tagal na rin nitong nagtatrabaho bilang driver ni boss Zach. "Anong ibig niyo pong sabihin, Manong Pilo?" "Si Lady Reichel at Miss Claire ay magkaibigan noon. Matalik silang magkaibigan kahit pa malaki ang agwat ng mga edad at katayuan ng buhay nilang dalawa. Isang anak mahirap lang si Miss Claire, at iniligtas ito ni Lady Reichel sa mga nambu-bully nito sa gitna ng kalsada nang madaanan namin ang batang Miss Claire noon. Dinala ni Lady Reichel si Miss Claire sa mansion at doon na nagsimula ang story nina boss Zach at Miss Claire, kahit mga bata pa lang ang mga ito. Labinglimang taon pa lang si boss Zach noon at si Miss Claire naman ay ganoon din..." Natigil ito sa pagkukuwento nang ihinto nito ang minamanehong sasakyan dahil naabutan sila ng stoplight. "N-Naging sila p-po ba?" Halos hindi humihingang tanong niya, para ituloy naman nito ang pagkukwento. Mataman lang siyang nakatitig kay Manong. Ayaw niyang kumurap at baka may ma-miss siya sa mga reaksyon nito. "Oo, naging sila. Saksi ako kung gaano kasaya si boss Zach noon. On at off ang naging relasyon ng dalawa at laging si boss Zach ang sumusuyo at nagmamakaawa kay Miss Claire sa tuwing nakikipaghiwalay sa kaniya ang babae. Hanggang sa nakapagtapos si boss Zach at niyaya niya si Miss Claire na magpakasal at tinanggap naman iyon ng babae." Napasinghap siya. Hindi niya aakalaing sa edad nito ay gano’n na kaagad ang pagmamahal nito sa babae. "Ano po ang nangyari? Bakit hindi natuloy ang kasal nila?" "Dahil umalis si Miss Claire, dalawang araw bago ang kasal nila ni boss Zach. Hindi rin namin alam kung bakit. Halos araw-araw pinupuntahan ni boss Zach ang apartment ni Miss Claire, pero wala na talaga ito roon. Kahit si Lady Reichel ay hindi rin alam kung saan pumunta ang kaibigan niya." May gumuhit na sakit sa loob niya. Nasasaktan siya para kay boss Zach. Bumuntonghininga si Manong Pilo. "Nandoon ako no'ng halos tapusin na ni boss Zach ang buhay niya nang hindi na talaga nagpapakita pa sa kanya si Miss Claire at hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam kung nasaan ito." Napasinghap siya. Kinikilabutan siya at naisip niya kung gaano iyon kasakit para kay boss Zach nang iwan ito ng babaeng mahal na mahal nito. "Sa tingin niyo po, ano po ba ang nangyayari at iniwan ni Miss Claire si boss Zach?" "Kilala ko ang mga magulang ni boss Zach, hija. Hindi ang mga ito basta-basta nagtitiwala hangga't hindi nila napapatunayan kung gaano ka-sincere ang isang tao. Sa pagkakaalam ko, inalok ng pera ni Madam Zarrina si Miss Claire at tinanggap naman iyon kaagad ng babae, kaya doon napatunayan ng mag-asawa na hindi totoong minahal ng babae ang anak nila." Napakurap-kurap siya. Kung gano'n pera lang ang habol ni Miss Claire kay boss Zach. "Marami pa ang nangyari, Miss Rina. Hindi lang ang pagkawala ni Miss Claire ang problema dahil nasira rin ang relasyon niya sa kakambal niyang si Sir Jacob." Muli siyang napasinghap. "Bakit po? Ano po ang kinalaman ni Sir Jacob sa mga nangyari?" puno ng kuryosidad na tanong niya kay Manong Pilo. Pero umiling lang ito. "Hanggang doon na lang ang kaya kung ikuwento sa 'yo, hija." Nakakaunawang tumango naman siya. "Five months, Manong," aniya. Siguro naman ay makakaipon na siya ng pera para sa bone marrow transplant sa anak niya. Kailangan din niyang mahanap ang totoong ina nito dahil ito na lang ang inaasahan niya na makakaligtas kay Aurora. Bumuntonghininga lang si Manong Pilo at hindi na nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa penthouse ng boss nila. Five months, at sana sa panahong iyon ay makita na rin kitang masaya boss Zach.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD