Chapter 39

1960 Words

NAGISING si Katharina na masama ang kaniyang pakiramdam. Parang hinalukay ang loob ng tiyan niya at masusuka siya kaya tutop ang bibig na kaagad siyang bumangon at mabilis niyang tinawid ang pagitan ng kama at ng banyo. Agad niyang hinawi ang kurtinang siyang nakatabing lang sa banyo at agad yumukyok sa may sink at doon sumuka. Pakiramdam niya ay pati bituka niya ay isusuka na niya pero puro laway lang naman ang isinusuka niya. "Buntis ka ba?" Natigilan siya at agad na nanigas ang katawan niya sa narinig niyang tanong sa kaniya ni ate Vivian. Tila umurong din ang laway na isusuka pa sana niya. Nanghihinang nag-angat siya ng ulo at tiningnan niya ito. Nasa bungad lang ito ng banyo at hinawi lang nito ng bahagya ang kurtina. Nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. Ilang minuto l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD