“YELENA, Scarlett, seryoso ba talaga kayo na pupunta kayo sa Craigh’s Haven?” tanong niya, nang patakbuhin na ni Scarlett ulit ang sasakyan nito, matapos makababa si Emerald sa harap ng restaurant na pinagtatrabahuan nito. “Of course, ate Kath.” Magkapanabay pang sagot sa kaniya nang dalawa, pareho pang puno ng excitement ang mga boses. “Pero kasi… hindi ba at bar iyon? Ano’ng gagawin niyo roon?” sunud-sunod na tanong niya sa dalawa. “Correction, ate Kath, Ano’ng gagawin natin doon?” sabi ni Yelena na pinagdiinan pa ang salitang natin na ikinangiwi naman niya. “At siyempre iinom tayo doon. Sulitin na namin ni Scarlett ang bakasyong ito dahil for sure kapag nag-umpisa na ang college life naming pareho, hindi na kami makapagliwaliw pa.” dugtong pang sabi ng dalaga. “Tama, ate kaya pagbig

