MATAPOS ang libing nina Erin at Chase ay mabilis na nilisan ni Katharina ang sementeryo. Nasa malayo lang din kasi siya dahil naroon ang pamilya nina ate Heejhea at si Zach na ilang araw na rin niyang iniiwasan. Nagpapasalamat din siya na ilang araw na rin itong doon pumapasok sa KZ Airlines. Hindi niya alam kung bakit, pero sabi naman ng assistant nitong si Sonny, nang minsang tumawag siya roon, na busy raw ang boss nila roon. But at the same time, namomroblema siya dahil tambak na sa opisina nito ang mga papeles na dapat nitong permahan at pabalik-balik na ang mga empleyado ng bawat department para mag-follow up sa mga iyon. Dumagdag pa si Miss Claire sa mga pinoproblema niya. Ang hirap nitong pakisamahan dahil sa hindi niya maintindihang ugali nito. Gusto na nga sana niya itong kau

