Chapter 14

2092 Words

NAKITA ni Katharina kung paanong parang iisang ulo na lumingon si Zach at ang babaeng tinawag niyang Claire. Ngunit ang mukha ni Zach ay hindi maipinta na halatang nagalit sa pangalang binanggit niya. Tila agad na binalot ng tensyon ang buong paligid nila. Ang babae naman ay nakakunot ang noo at napaawang pa ang bibig na nakatingin sa kaniya na halatang nagulat din. Nagkamali ba siya ng pangalang binanggit? Hindi ba ito si Claire Montecalvo? Agad siyang kinabahan nang maglakad palapit sa kaniya si Zach, walang kangiti-ngiti at hindi pa rin maipinta ang mukha nito. “Come, papa Zach, I’ll show you my new sports car. Binilhan po ako ulit ni Daddy.” Narinig niyang sabi ng bata, bago pa man tuluyang makalapit sa kaniya ang boss niya. Hinawakan din ito sa kamay ng batang lalaki. “Uh, hi.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD