“M-MAS mabuti na rin siguro iyon,” aniya nang makabawi siya sa sobrang gulat sa nalaman niya. “Ipapasa ko sa’yo bukas ng maaga ang resignation letter ko. Ako ang mag-aabot n’yon mismo sa’yo, kaya pwede ba ‘wag mong idamay ang mga empleyado mo? Pabalikin mo na sila---” “And do you really think I’m firing them just for that superficial reason?” he said, cutting her off. Natigilan siya. Hindi nga ba? Napakagat na lang siya sa kaniyang pang-ibabang labi. Oo nga naman sino ba siya sa buhay nito para maging rason kung bakit ito nagalit ng husto. Her heart suddenly feeling lost and empty. Napahiya na naman siya sa katangahan niya at pagiging asyumera. Humugot siya ng malalim na hininga at akmang tatalikuran na niya ito nang magsalita ito ulit. “Fine, but in one condition…” sabi nito. Kunot a

