PARANG sumali si Katharina sa isang staring contest. Hindi na kasi niya magawang makaalis sa pagkakatitig niya sa mga mata ni Zach. Gano’n din naman ito at hindi man lang sinubukang bumitaw sa pagkakatitig nito sa kaniya. Pakiramdam tuloy niya, na lahat ng araw na nangungulila siya kay Aurora ay parang napunan habang nakatitig siya sa mga mata ng ama ng bata. Ilang beses na nga niyang naisip, na sana siya na lang ang totoong ina ni Aurora para hindi na niya kailangang magmakaawa pa sa ibang tao. “Are you okay?” tanong nito, na ikinakurap niya. Napalunok siya at agad na tumango. But deep inside she was in panic but at the same time, her heart leapt with amusement. First time kasi na tinanong siya ng lalaki kung okay lang ba siya. Zach was known to be heartless, at ilang beses na nito

