PARANG sasabog na ang utak ni Katharina sa mga nangyari sa ate Kristine niya. Naaksidente ito sa Pilipinas, dinala ito rito ni Zach para mas matutukan ang kalagayan nito, at ngayon... "B-Buntis si ate Kristine?" ulit niyang tanong, nagpalipat-lipat pa ang tingin niya kay Zach at sa kapatid nitong doktor. “Yes, Katharina.” sagot ni ate Chel nang hindi na nakasagot si Zach at malungkot lang itong nakatingin sa kaniya. “She’s four months pregnant.” She gasped again. Natakpan pa niya ang bibig ng dalawang kamay niya. Katulad niya, apat na buwan ding buntis ang ate Kristine niya? Paano nangyari iyon? “P-Paanong---" tumigil muna siya, nalilito kasi siya. "Ibig kong sabihin, puwede ba iyon? Hindi ba nanganganib ang baby?” sunud-sunod at nalilitong tanong niya. “As for the fetus of a comatos

