TULALA na nakaupo si Katharina sa kaniyang office chair. Ang isip niya ay nasa nagdaang gabi. Zach let her in his room, at may nangyari sa kanila dahil hiniling niya. Fuck me like there’s no tomorrow. She just groaned in embarrassment when she remembered what she had said to Zach last night. Bakit niya ba iyon nasabi? Ano bang pumasok sa kukuti niya at ginawa niya ang kahihiyang iyon? She groaned again. Pagkuwan ay ipinilig niya ang ulo para iwaglit sa isip ang nakakahiyang pinaggagawa niya kagabi. Mabuti na lang at wala pa si Zach sa opisina nito hanggang ngayon dahil hindi niya alam kung paano pa ito haharapin. Shit! Bakit ba siya nagkakaganito? Nang mapasulyap siya sa maliit niyang salamin na nakapatong sa desk niya ay nakita niya ang pamumula ng kaniyang mukha. Mabilis naman niya

