Chapter 65

2002 Words

ISANG nakahahalinang amoy ng bulaklak ang nagpagising kay Katharina sa napakahimbing niyang tulog. Kinusot na muna niya ang kaniyang mga mata bago siya nagmulat. Napangiwi pa siya nang maramdaman niya ang pananakit ng katawan. At nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Zach kagabi ay agad na nag-init ang buong mukha niya. But she never felt, she’d regret it. She smiled. Pagkuwan ay dahan-dahan siyang bumangon. Pero agad din siyang natigilan nang makitang nakabihis na siya nang panibagong puting t-shirt at boxer short, mas lalong nag-init ang mukha niya. Binihisan siya ni Zach kagabi nang hindi man lang niya namamalayan? Mas lalong lumawak ang mga ngiti niya at napahawak pa siya sa tapat ng dibdib niya at ramdam kaagad niya ang sobrang kalabog doon, kinikilig siya ng bonggang-bongga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD