CHAPTER 17- OUTBURST

1930 Words
NAGPATULOY na ganoon ang sitwasyon biglang sumusulpot na parang kabute itong si Dylan sa kung nasaan ako at ang mga bata. So I asked Attorney Sanchez if I could ask a restraining order para di na makalapit ang Dylan na iyon sa amin, “Bukas na bukas Attorney will send the restraining order that we filed para sa Dylan Mijares na iyan,” masaya kong sambit sa kay Allaine. Finally I could get rid of that arrogant jerk sa amin ng mga anak ko. I am not comfortable with him lurking all around. Feeling ko na-ha-harass ako sa mga ginagawa niya. Ayaw niyang makinig sa ilang beses na pakiusap ko sa kanya. Kaya nararapat lang ito. “Are you sure na ba rito?” tanong sa akin ni Allaine pagkatapos kong sabihin sa kanya ang pinag-usapan namin ng abogado ko. “Yes Beks and this is the only way para tigilan niya na kami at di na siya lapit ng lapit sa mga anak ko.” determinado kong sabi.” Siyanga pa la ako ang magsusundo sa mga bata ngayon." Suddenly Allaine reacted like she’s panicking at biglang tumayo mula sa sofa sa loob ng aking opisina, “ Wh-What? Na-Naku ‘wag na ako na at magtrabaho ka na lang dito” I looked at her straight, nagtaas ako ng kilay kasi parang nararamdaman ko na may mali e’.. Kaya napatayo ako sa aking swivel chair at nagtungo sa harap ng aking table at hinarap siya, I crossed my arms. “May problema ba tayo Beks?” “Huh? Pro-Problema? Naku wala ano ka ba!” sabi niya at tumawa. Sa tagal namin na magkakilala alam na alam ko na kung kailan nagsisinungaling sa akin si Allaine at kung kailan na nagsasabi sa akin ng totoo. Mas lalong naging seryoso ang aking mukha at anningkit ang aking mga mata. I looked at Allaine intently and suspiciously. She seems so tensed at hindi siya makatingin sa akin ng direstso, iiniwasan niya ang tingin ko. What’s up with you Allaine? “What?” Allaine asks awkwardly. “C’mon spill it!” tugon ko sa kanya ng diretso, “I’m all ears!” “Ano ka ba Beks, wala nga!” tatawa niyang sagot. “Beks maglolokohan pa ba tayo?” sagot ko sa kanya na hindi naniniwala.” Sa tagal na nating magkakilala at magkasama alam na alam ko kung nagsasabi ka ng totoo at may tinatago sa akin, kaya sige na sabihin mo na.” “Sinabi na ngang wala eh, naku aalis na lang nga ako at susunduin ko pa ang kambal at ikaw ay magtrabaho na.” depensa ni Allaine at akmang tatalikod sa akin para tumungo sa pintuan. “Allaine , please?” This time my tone is more serious and demanding and that make Allaine stop. “Beks ka-kasi,” Sabi ni Allaine at tumingin sa direksyon ko na nangingusap ang mga mata. I knew it! Mas lalong napataas ang kilay ko at napatayo ako ng tuwid, for some reason kinukutuban ako ng hindi maganda. “Allaine ano ba diretsuhin mo nga ako!” naiirita na ako pa suspense naman ito si Allaine e! “Si Dylan ka-kasi.” When I heard the name ay nagpantig ang taenga ko. Sana naman Allaine wala kang bad news pero pangalan pa lang ng lalaking iyon malaking bad news na. “What about Dylan?” Bigla akong lumapit kay Allaine na magkasalubong ang kilay. “Beks! Calm down, chill lang.” “Chill naman ako Allaine eh pero kanina ka pa kasi, bakit di mo na lang ako diretsuhin?!” napataas na ang boses kong turan. “Fine and I’m so sorry pero sa ngayon kasi kasama ng mga kambal si Dylan.” When Allaine told me about the fact na kasama ni Dylan ang mga anak ko ay parang gusto ko siyang sampalin. Paano? Bakit? “No way! Di masamang biro iyan Beks!" Napailing lang si Allaine sa akin. "Paanong nangyari iyon, bakit Allaine, bakit!?” nagsisigaw ako sa galit. I took my car keys at bag at dali-daling lumabas sa opisina ko. Nakasunod si Allaine sa akin nagpapaliwanag at pinipigilan niya ako but I am pushing her away from me. Seriously? Of all people si Allaine pa talaga ang gagawa nito. Halos lakad-takbo ako para marating ang elevator at makababa sa parking lot sa basement. Nang makapasok sa elevator ay siya rin pagpasok ni Allaine at sinara ito. “Beks, please relax ka naman, magpapaliwanag ako.” Napapikit na lang ako at humugot ng malalim na hininga. Hindi ako umimik, ayaw kong magsalita muna kasi alam kong baka may masabi akong hindi maganda na possible ko ring pagsisihan. Nagagalit at naiinis ako na naiiyak. Nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa basement na kami ay kumaripas ako ng lakad papunta sa aking sasakyan, Kailangan kong pumunta sa kung saan ang mga kambal ngayon. Thinking that they are with Dylan makes me so mad When I opened my car door ay hinarap ko si Allaine, “ Asan sila ngayon? Nasa school ba sila? “ tuloy-tuloy na tanong ko kay Allaine. “Beks wala sila sa school, “ malumanay na sagot nito. I can’t believe this. “So what do you mean, nasaan sila ngayon!?” napasigaw na ako kay Allaine na naiiyak. “Beks pwede ba kumalma ka muna. “ “Paano ako kakalma Allaine? Hinayaan mong makasama iyong mga anak ko sa taong pilit kong nilalayo sa kanila! Of all people you know I trust you so much! Beks naman!” sigaw kong tugon, “ ngayon paano ako kakalma huh?Paano kung kukunin niya iyong mga anak ko?!” “Beks hindi ganoon iyon please hayaan mo akong magpaliwanag, Beks sorry pero please kumalma ka muna.” Napahilamos ako ng mukha, “ NO! Kakalma lang ako pagnakuha ko na ang kambal kaya sabihin mo na kung nasaan sila?!” ****** HALOS paliparin ko ang sasakyan ng sabihin ni Allaine kung nasaan ang mga kambal, nagtungo kami sa isang stadium ang sabi ni Allaine sa akin nandito raw si Dylan at ang kambal. Di ko man maintindihan bakit nandito sila ay di ko na inalam basta ang importante sa akin ngayon ay maiuwi ko ang mga kambal at bukas di na ito mangyayari pa dahil magiging available na ang restraining order na pina request ko para sa amin ng mga bata sa Dylan na iyan. Tumatakbo akong pumasok sa stadium pero habang papalapit ako sa may basket ball court ay dinig na dinig ko ang malalakas na tawanan. Kaya mas lalo kong binilisan at nakita ko nga sa malayo sa ibaba, doon sa basketball court ay naglalaro ang kambal at si Dylan ng basketball. Bumababa ako at si Allaine naman ay nakasunod lang sa akin, ng pumunta ako doon sa may basketball court sa may b****a nito ay di ko maiwasang mapaiyak, para akong napako sa kinatatayuan ko habang pinapanood si Dylan na nakikipaglaro sa kambal. Naka kulay blue jersey silang tatlo, uniform nga e at may mga pangalan nila sa likod nito at naka rubber shoes. Sobrang malinaw ang tawanan ng mga kambal at halatang enjoy na enjoy ang dalawa sa paglalaro. “Wow ang galing mo namang mag shoot! Good job Nicolo!” dinig kong papuri ni Dylan sa kay Nicolo at nag high five dito. “Thank you po Uncle Dylan!” masayang tugon ni Nicolo. “O siya si Nicolai naman,” sabi ni Dylan at inabot ang bola nito sa kay Nicolai. Nag free throw rin si Nicolai at kahit na di pinalad na maka shoot ay pinuri pa rin siya ni Dylan at ginulo ang buhok nito. “Okay lang iyon malapit na ngang ma shoot, very good pa rin!” At that moment ay para akong mas lalong naiyak, I once dreamed to have a happy family with the man that I truly love, have kids with him tapos aasikasuhin ko sila, magluluto ako para sa kanila at tapos pag weekend family time namin at ganito nakikipaglaro sa mga bata at nag e-enjoy. Ganoon lang naman sana kasimple ng pangarap ko eh kasi kahit na kailan hindi ko naranasan ang maging buo sa pagkatao ko. I don’t have any idea kung sino ang mga magulang ko ang alam ko basta-basta na lang nilang akong tinapon at iniwan. Pero ang pangarap na iyon ay gumuho ng dahil lang sa isang gabing pagkakamali. Kaya masisisi ba ako kung ganito ako ka overprotective sa mga anak ko? Kasalanan ba na sobra akong takot na mawala ang mga anak ko sa akin? Na hindi ko kayang mawalay sa kanila at mawala sila sa buhay ko? Kung nakayanan man ng sarili kong ina ang iwan ako pwes mag-iiba iyon sa akin. Magkamatayan na hinding -hinid ko hahayaang mawala ang mga bata sa aking pangangalaga. My children is my life and my strenght, and they are the only thing I treasure the most. higit pa sa buhay ko. “Beks, okay ka lang?” tanong ni Allaine sa akin, she attempted to touch me sa braso pero winaksi ko iyon, di ako magkakaila pero galit ako kay Allaine ngayon. Pinahid ko ang aking mga luha, huminga ng malalim, “Ano ba sa tingin mo? Do I look like I’m okay?” After that I nagsimula akong lumakad papunta sa kambal” Nicolo, Nicolai, uuwi na tayo!” Napalingon si Dylan at ang kambal sa akin nakita ko ang gulat sa mga mata ng kambal and Dylan seem to surprise too, marahil ay hindi niya inaakalang malalaman ko itong kabalastugan niya. Ang kapal ng pagmumukha at tinuturuan pa ang mga batang maglihim sa akin at kinuntyaba pa si Allaine! “Mama!” sabay sabi ng kambal sa akin at napatakbo sila sa akin. Pero di ako nakatingin sa kanila kung di sa kay Dylan. I fold my fist into a ball trying to suppress all the anger that I currently feel inside of me. “Asan ang mga gamit niyo at uuwi na tayo, “ sabi ko sa mga ito. “Mama kasi–,” si Nicolo. “Nicolo sige na halina na kayo uwi na tayo, Nicolai, ikaw rin kunin mo na ang gamit mo halika na kayo.” Biglang sabat ni Allaine. Kahit alinlangan ay sumama ang kambal sa Auntie Allaine nila papunta sa sasakyan ko. Hindi na maganda ang timpla ko, I feel betrayed and fooled. Naiwan kaming magkaharap ni Dylan at lumapit siya sa akin, “ Look ‘wag mong pagalitan ang mga bata at si Allaine, Let me explain–.” Pero di na niya natapos ang sasabihan niya dahil sinampal ko na siya ng napakalakas sa kanang pisngi niya na hindi niya inaasahan. Nakita kong naipikit niya ang kanyang mga mata marahil he was trying to stop himself na magalit rin but f**k I don’t care! Hindi ako natatakot sa kanya! “I told you,nakiusap din ako, maraming beses pero di ka nakinig sa akin! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo ano?" I said in rage of anger habang dinu-duro siya," Tandaan mo ito kahit na kailan wala kang karapatan sa mga anak ko kaya huwag kang umasta na akala mong napaka responsable mong ama sa kanila!” Naiiyak na ako, nanggagalaiti ako sa sobrang galit, matagal ko ring tinago ang galit ko sa lalaking ito, sa kay Dylan Mijares! Dahil sa kanya nasira ang lahat. Nasira ang pangarap ko. Halos gumuho ang buong mundo ko! “And may I remind you sa kung anu ang sinabi mo sa akin ng araw na iyon baka nakakalimutan mo Mr. Dylan Mijares!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD