“WHAT ARE YOU DOING HERE?” buti na lang at naabutan ko siya when he attempted para lumapit sa mga kambal. Lakad takbo din ako then I blocked his way para di siya makalapit sa mga ito.
“Anu ba sa akala mo?” Painosente niyang sagot. Naka rash guard short lang siya at sumisigaw ng ulam ang abs at matipunong katawan nito.
Myghad Kaye, mag concentrate ka nga ‘wag mong hahayaan ang antipatikong mokong na itong sirain ang araw mo at e’ distract ka ng mala Adonis niyang katawan!
Kaya napaiwas ako ng tingin when I realized what I am doing then binalik ulit sa kanya ng mahismasan na ako sa aking mga iniisip kanina, tinignan ko siya ulit sa mga mata ng diretso “ Umalis ka na dito, utang na loob!”
He just simply smile at prenteng nakatingin sa mga kambal then umiwas siya ng direksyon na parang wala lang may narinig sa akin. Nilagpasan niya lang ako, napapikit na lang ako sa inis at bumuntong hininga ng napakalalim then I turn around sa direksyon kung saan ang Dylan Mijares na iyon patungo.
Naningkit ang aking mga mata, kung sa akala niya ay makakalapit siya sa mga anak ko, well that's not gonna happened, over my dead body!
Dali-dali ako sa paglalakad para maabutan ang aroganteng lalaking ito. At ng maabutan ko siya ay ni hindi ako nagdalawang isip na hablutin ang kanyang braso at hilahin siya sa kung saan basta’t malayo sa mga kambal buti na lang at nagpatianod lang siya sa hila ko.
“I told you to please go away!” inis na inis kung turan sa kay Dylan sabay bitaw ng braso niya ng masiguro kong malayo na kami.
I can perfectly feel a sudden rush of blood patungo sa ulo ko. Nanggagalaiti ako sa galit. Nagtitimpi lang ako pero gustong-gusto ko nang sumabog.
Kaharap ko si Dylan at ni walang epekto lang naman sa kanya ang reaksyon ko, di niya ba nakikita na hindi ko gusto ang presensya niya dito? Talagang sinusubukan niya ang pasensya ko.
“I just came tapos paaalisin mo lang ako?” malamunay na sagot ni Dylan sa akin. It seems like kalmado lang siya samantalang ako ay na ha-highblood na sa ginagawa niya.
Nanadya talaga siya! Tsss…
“You are not welcome here in the first place,So please nakikiusap ako umalis ka na!” mahina at buong sabi ko habang nagtitimpi sa kay Dylan.
Instead na umalis ay napangisi lang ito ng sobrang laki at tiningnan ako mula hanggang paa. I glared at him. Masakit talaga siya sa mata!
Nilapitan ko siya at tiningala, kung noon ay halos nanginginig ako sa kanya but hindi na ngayon. “ Nanadya ka talaga anu?” I said while looking straight up to him.
“Well–.”
Sasagot pa sana siya ng biglang naputol ang sasabihin niya.
“Uncle Dylan!”
Tinig na nagmumula sa isang batang babae ang narinig namin ni Dylan that made him stop to what he should say sana sa akin. Pero mas lalo akong na tense ng marinig ko ang kasunod na nagsalita.
“Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pa la and you have a company huh?” sabi ng isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali kilala ko ang tinig na iyon.
Shit si Jonas!
Napakagat ako ng labi at napansin iyon ni Dylan. Mas nagulat ako sa ginawa niya ng ilapit niya sa akin ang kanyang mukha at may binulong sa aking tenga. Napahugot ako ng hininga when I can perfectly smell his masculine scent na parang nagpapahilo sa akin.
“Don’t be so tensed Miss Kaye, masyado kang obvious,” bulong nito, “ Relaxs ka lang malapit na si Jonas sa atin.”
Napatingin ako sa gawi niya at nagtama ang aming mga mata, nangungusap ang aking mga mata nag magsalubong ang aming paningin sa isa’t -isa.
No way! Don’t tell me, does he know? My eyebrow creased.
“Tama ka sa naiisip mo Miss Kaye, alam ko noon pa na ikaw ang ex-girlfriend ng kambal kong si Jonas.”
When I heard it ay halos nagpantig ang taenga ko, all this time he knows. Kaya bago pa malaman ni Jonas na ako ang kausap ng kambal niya ay umalis akong mabigat ang loob dahil sa hindi ko magawang manindigan at makaharap si Jonas at maisiwalat ang katotohanan.
Habang papalayo ako ay narinig ko pang may sinabi si Jonas tungkol sa akin, nagtataka kung bakit daw ako umalis.
"Oh ba't umalis iyon?" Si Jonas.
“Wala iyon hayaan mo na!” sagot nito sa Dylan rito .
Biglang binaling naman ni Dylan ang atensyon niya kay Lindsay. ”Ikaw little princess excited ka na bang mag swimming sa dagat?”
******
GULAT NA GULAT si Allaine when she knew what I found out at ang nangyari kanina kaya ako umalis sa cottage namin at nawala.
“So sinasabi mo na nandito si Dylan and not only that pati si Jonas?!” gulat na gulat na tanong ni Allaine sa akin pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina.
Pinaalis ko na ang kambal sa dagat kasi kakain na rin ng tanghalian din. Busy ang kambal sa pagkain pati na rin ang mga katulong naming kasama. Ako naman ay di makakain ng maayos feeling ko tuloy parang may malaking tinik sa aking lalamunan na nakabara. Nawalan na ako ng ganang kumain.
“Yes Beks nandito sila.” matamlay kong sagot kay Allaine. “Hindi ko maintindihan paano niya nalaman na nandito tayo?”
“ Iyon din nga ang inaalam ko ngayon dito sa sekretarya ni Mr. Santillian,” sagot ni Allaine sa akin habang nagta-type sa cellphone niya.
“Oh well, sikat din at kilala ang MIjares Groups of Companies sa larangan ng business kaya di na ako nagtataka kung magkakilala sila ni Mr. Santillian at nakapasok siya dito kasi nga Exclusive ko itong pina reserved kanina e.” Pagpapaliwanag ni Allaine.
I get that malakas na tao at malawak rin ang influence ng Dylan na iyon pero hindi ko lang din maintihan ay kung bakit at paano niya nalaman ang tungkol sa lakad namin ng mga kambal.
Kanino at paano niya nalaman?
Pinasusundan niya ba kami?
Huwag niya naman sanang maisipang ipa abduct ang mga anak ko magkakamatayan talaga kami!
“Pasensya ka na Beks, pinayagan talaga ni Mr. Santillian sina Dylan na pumasok dito.” malungkoy na sabi ni Allaine. “I’m so-sorry Beks! So ano ang gagawin mo ngayon?"
Dahil sa iniiwas ko ang mga kambal sa mga taong involve sa aking nakaraan ay malungkot kong tinuran na maaga kaming lilisan. Mabigat man sa kalooban ko dahil syempre naputol ang kasiyahan ng mga bata at ayaw ko ng ganoon, sana , kaso wala akong choice kaya nakapag decide akong umalis at umuwi na lang kami at nag promise sa kambal na babawi ako next time.
Panay pa ang mga tanong ng kambal sa akin. Kung bakit uuwi kaagad pero mabuti na lang at na divert ni Allaine ang attention ng dalawa at di na ako kinulit pa. Nasa Van kami at tahimik na ang lahat, nakatulog ang mga kambal na pinagitnaan namin ni Allaine ng mag ring ang aking phone.
Kinuha ko kaagad ito sa loob ng bag ko at nakita kong unknown number na naman, ngayon alam ko na kung sino ang tumatawag at ang walang hiya talaga kahit kailan. I rolled my eyes at pinatay ang phone ko.
Ayaw kong sagutin ang bwesit na iyon, nakakagigil siya!
Pero di talaga tumitigil ang pagtawag. Naloka ako!
“Kanina pa iyan, sino ba iyan ha?” Allaine ask na may pagtataka.
“Sino pa ba?” sagot ko kaagad dito.
“Determinado talaga iyan Beks at halatang desido sa plano nito ah.”
Aminado ako doon pero determinado rin akong ilayo ang kambal kahit anu pa ang mangyari.
Nag stop ang ring and an incoming text notified dahil nag vibrate ang phone ko.
I suddenly opened the text message.
You can hide and you can run all you want but I will assure you kahit saang sulok ka pa ng mundo, I will have my eyes not only on you but most especially sa kambal. - Dylan