CHAPTER 15 - UNEXPECTED COMPANY

1356 Words
PAGKATAPOS kong umalis sa opisina ng arroganteng lalaking iyon ay tinawagan ko kaagad si Allaine since siya lang naman ang pwede kong labasan ng aking sama ng loob at hinanaing sa buhay. Agad naman itong pumunta sa opisina ko at timing lang rin sa pagdating ko, halos magkasama kami sa elevator. Pagpasok ko sa office ay gusto kong magwala sa sobrang galit at inis ko sa Dylan Mijares na iyon. Sinusumpa ko talaga ang lalaking iyon. Peo pinigilan lang ako ni Allaine kaya nakakalma pa ako sa ngayon. Gusto kung umiyak pero wala na yatang luha ang gustong kumawala mula sa aking mga mata. Gusto ko na lang sumigaw at magwala pero too bad ni hindi ko magawa dito sa opisina ko. Sa sobrang panginginig ng buong systema ko ni hindi ko na alam kung paano nga ako nakalabas sa opisina at company building ng lalaking iyon. After ng sinabi niya sa akin ay di ko mapigilang di siya sampalin, yes, sinampal ko siya at nababagay lang iyon sa kanya pero ngumisi lang siya sa'kin at agad ko siyang tinalikuran. Walang hiya siya! “Will you please calm down Beks!” pakiusap ni Allaine sa akin. Kanina pa ako naghy-hysterical dahil sa nangyari kanina sa opisina ng mayabang na lalaking iyon. That Dylan Mijares, I hate him to death! Sino ba siya para magsalita na sa ayaw at sa gusto ko ro raw still, he will get himself involve sa buhay ng mga anak ko? The nerve of that guy! Burn his soul in hell! Hinarap ko si Allaine habang kagat-kagat ko ang aking mga kuko, nagiging manerism ko na ito pag na stre-stressed ako. Hindi ako mapakali ng dahil sa diskusyon na nauwi sa isang tension at pagbabanta. I looked at Allaine na magka salubong ang mga kilay, “How can I calm down Beks! How?!” huminga ako ng malalim,” Pinagbantaan ako ng hinayupak na lalaking iyon! Now tell me how I can calm down with that threat!” Napahilot ako ng aking sentido. Feeling ko nanginginig ang buo kong kalamnan sa sobrang galit at inis sa pagkatao ng lalaking iyon. “Beks–.” “No, I won’t let him! Akala niya ba ganoon lang iyon kadali? Basta-basta na lang siyang susulpot sa buhay namin ng mga bata? Pagkatapos ng lahat?! “ I retaliated habang pailing-iling ng ulo, I gritted my teeth,” I’ll make sure that wouldn't be easy for him! Pumuti man ang uwak pero di siya magkakaroon ng puwang sa buhay ng mga anak ko! Never!” “So ano ang plano mo?” Tanong ni Allaine sa akin na may pag-aalala, kasalukuyang umuupo ito sa mahabang sofa na nasa harapan ng aking office table. “I don’t know for now but one thing is for sure, that I have to contact an Attorney for this matter.” Sagot ko kay Allaine, while burying my face on my palms at panay rin ang aking pagbuntong hininga. Naramdaman ko na lang ang pag abot ni Allaine ng aking kamay lumipat sita ng upo sa harapan ng table ko mismo, “If that’s the case let me handle that, ako na ang mag-aasikaso, okay?” Napaangat ang aking ulo at napatingin sa kay Allaine, “It’s alright ako na, sobrang abala na ako sa iyo. “ Allaine rolled her eyes at tumingin sa akin ng diretso, “ Naku naman maliit na bagay Beks!” she retorted and smiled at me. ****** THE NEXT DAY ay sabado at walang pasok ang mga bata at the same time off ko rin sa trabaho. Nagyaya si Allaine na mag relaxs muna kami at pumunta kami sa isang exclusive beach resort kung saan pagmamay ari ng isa sa mga partners ni Allaine sa negosyo sa kalapit syudad. Excited sina Nicolo at Nicolai at maaga pa nga silang nagising ng malaman nilang pupunta kami ng beach kasama ang Auntie Ally nila. Pagbaba pa lang sa sasakyan paunahan sina Nicolo at Nicolai sa pagtakbo sa tabing dagat. Mabuti at naisipan ito ni Allaine at least makapag chill ako at makapag relaxs ng aking isipan kahit na pansamantala lang. “Nicolo, Nicolai mag hinay-hinya lang kayo baka madapa kayong dalawa sa kakatakbo!” Paalala ko sa mga bata. Tinapik naman ako ni Allaine sa balikat na may malapad na ngiti sa mga labi nito habang sumusunod sa likod ko, “Naku naman hayaan muna sobra kang strict sa kambal.” “Hay naku alam mo naman ako,.” “Oo na, pero seryoso bawas-bawasan mo iyang pagiging strikto mo sa mga kambal hayaan mo silang madapa para matuto sila at ‘wag kang KJ no!” tatawang-tawang saad ni Allaine as we both headed on our cottage. Nang makarating kami sa cottage namin ay nag-uunahan ng magpalit ang kambal ng kanilang mga rash guard kaya tinulungan na namin ni Allaine. Ako sa kay Nicolo at si Allaine naman sa kay Nicolai. “Excited na talaga itong mga pogi kung pamangkin mag swimming ah!” sambit ni Allaine habang tinulungan nito si Nicolai sa paghubad ng tshirt nito. “Yes naman po Auntie Ally!” Hagikhik na sagot ni Nicolai sa kanya. “Eh ikaw Nicolo excited ka na rin ba, baby?” tanong ko kay Nicolo habang pinapasuot na sa kanya ang rash guard niya . “Opo Mama! Excited na din po!” masiglang sagot nito sa akin. Nang matapos na ang kambal makapag bihis ay inutusan ko ang dalawang kasambahay namin na siyang bumabantay sa mga kambal at nag-aasikaso pag nasa trabaho ako na samahan ang kambal habang nag swi-swimming sa dagat. "Okay po Ma'am," magalang na sagot ng mga bantay ng kambal sa akin. I smiled, "O siya sige na mag swimming na kayo doon at tatawagin na lang kayo pag ready na ang mga food.' Sabay-sabay silang pumunta sa tabing dagat, binilinan ko rin ang mga bantay nila na huwag alisin ang mga mata nito sa mga bata. Makalipas ang isang oras ay nabusy kami ni Allaine sa pagtulong na mailuto ang mga pagkain na dala namin para sa tanghalian. Masaya kaming nag kwe-kwentuhan habang nag-iihaw ako ng mga baboy at isda ng biglang nag ring ang aking phone.Hindi ko kaagad napansin iyon dahil medyo malayo ako sa aming cottage ng kaunti at nasa bag ko ang phone kaya tinawag ni Allaine ang aking pansin. “Beks may tumatawag sa phone mo, kanina pa iyan eh!” sabi ni Allaine habang lumalapit sa akin, “ ako na muna diyan sagutin mo na iyong tumatawag baka importante.” “Okay sige, check ko, salamat.” Nang makarating ako sa cottage namin ay dumiretso agad ako sa bag ko at dinukot ang cellphone ko doon. I didn't bother to look at the number on the screen so I don’t have any idea kung sino ang tumatawag. “Hello.” sagot ko pero katahimikan sa ibang linya ang sumagot sa akin. Walang sumasagot kaya napatingin ako sa screen and it appears that the caller is from an unknown number. So I immediately ended the call. Tsss, sino kaya iyon. Tatawag tapos di sasagutin, panira moment! Sambit ko sa aking sarili. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag ko pero bigla namang may nag text. Kaya I check na lang din kung sino. Galing pa rin sa isang unknown number, kaya kinutuban na ako at in-open na ang inbox ng messges ko. Halos nanlaki ang aking mga mata sa aking nabasa. Biglang nanginig ang aking mga kamay. Paanong nalaman niya? Bigla akong napatingin sa may dagat kung saan sina Nicolo at Nicolai nag swi-swimming but aside from them may hinahanap pa ang aking mga mata at sa di kalaunan ay nakita ko ang isang taong sinusumpa ko ng lubos sa tanang buhay ko. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Hindi ako mapakali pero mas lalo itong nadagdagan ng makita ko siyang diri-diretso sa kung saan ang kambal at habang patungo siya sa direksyon ng kambal ay napalingon pa ito sa akin at agad akong kinindatan. Siya na talaga ang nakakuha sa pinaka makapal ang mukha best awardee! Nangigil ako sa bwesit na Dylan na iyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD