CHAPTER 14 - THE FACE OFF

1435 Words
SABI NGA NG KASABIHAN na tayo ang kapitan ng barko ng ating buhay. Wala o sino man ang may hawak ng ating decision sa buhay, ang lahat ng mga bagay na mangyayari ay nagsisimula at nauuwi sa choices na pinipili natin. At sa bawat choices at sa klase ng decision na ginagawa natin ay siyang mag de-determine ng ating kinabukasan. Hindi ko alam kong saang parti ba ako nagkamali sa aking buhay at kailangang kong magdanas ng paghihirap at kahihiyan. Hindi pa ba sapat ang lahat-lahat ng pagdurusa na aking nakamtan simula’t sapol na naisilang ako sa mapanakit na mundong ito? Hindi pa ba sapa’t ang sakit at pagkadurog ng aking puso ng iwanan ako ng taong akala ko ay mahal na mahal ako ng totoo? At kulang pa ba ang sakrispisyo at hindi pa ba ako sapat para sa aking mga anak at kailangan pa ng tadhanang pagtagpuin ang landas namin ng ama ng mga anak ko? Bumalik ako sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip ng marnig ko ang aking driver na magsalita, “ Ma’am nandito na po tayo.” Napangiti ako ng tipid at tumango sa aking driver, bababa pa sana siya para pagbuksan ako ng pintuan pero pinigilan ko. “I’m okay just stay here at di naman ako magtatagal, thank you.” “Okay po Ma’am.” Bumaba ako sa kotse na halo-halo ang emosyon. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Napatingala ako sa malaking pangalan sa napakalaking building na kasalukuyan kinaroroonan ko ngayon. “MIJARES GROUPS OF COMPANIES.” mahina kong basa sa nakapaskil na pangalan ng company kung saan ako nakatayo ngayon. Pagkatapos kong tapusin ang usapan namin kanina ay napagpasiyahan kong harapin siya. Hindi pupwede ang ginagawa niya at sino ba siya sa akala niya? Mayaman nga siya at kilala rin sa larangan ng business realm but I don’t f*****g care! I did strive hard just for nothing! I did everything to achieve the success that I have right now. I would never allow that all my efforts until I reached the position where I am right now would be in vain dahil lang sa isang taong nakikigulo sa tahimik na buhay na meron kami ng mga anak ko. I would not let him! Diri-diresto ako sa pagpasok sa loob at bago pa ako ma question ng guard ay may lumapit na may edad na lalaki rito para sabihin kong sino ako. I was a bit surprised pero ng humarap siya sa akin ay nakilala ko siya kaagad– siya ang may edad na lalaking pinapunta ng antipatikong may ari ng building na ito kanina sa aking office. Sinundan niya pa la ako. “Hayaan niyo po akong ihatid kayo sa opisina ni Sir, Madam.” mahinahon niyang offer sa akin. “Salamat.” Matipid ko namang tugon sa kanya. Habang sakay-sakay kami sa elevator ay di ko maiwasang magtanong sa lalaking kasama ko. Tumikhim ako at nagsimulang magtanong, “ Ma-Matagal ka na bang nagtatrabaho dito?” Tiningnan ako ng matandang lalaki at ngumiti, “ Yes po Madam, mas matagal pa po sa inaakala mo. “ “Kanina sabi mo malaki na ang pinagbago ko, pero wala akong matandaan kung kailan kita nakilala at kung paano. kaya pasensya na po kayo.” Napangiti ulit sa akin ang matandang lalaki, he reminds me a lot of Richard though and maybe that's why I feel comfortable with him anyhow. “Hindi mo po ako nakita pero ikaw nakita kita.” Nagkasalubong ang aking mga kilay sa narinig at mas lalo akong naging curious. Pero habang pinagta-tagpi ko ang mga sinasabi ng matandang lalaking ito at ang sitwasyon ay parang nabubuo sa aking isipan ang isang conclusion most especially when he mentioned a name of a place. “Casa Paraiso.” dugtong niya sa sinabi niya kanina. Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na kami ng opisina ng antipatikong ama ng kambal. Nagbukas ang pinto ng elevator at pinauna akong lumabas ng matandang lalaki. “This way po Madam.” saad niya at nauna ring maglakad at sinusundan ko lamang siya. Napaka private and very exclusive ng opisina ni wala akong ibang nakikitang employee sa floor na ito. Grabe siya buong floor talaga ay opisina niya lang? I am lead into a full glass office at habang binabantas ko ang daan papunta sa harap ng glass door ay naaaninag ko na ang nagiging tinik sa aking lalamunan. Prenteng nakaupo ito sa swivel chair niya in his signature black suit, his oblong face , grey eyes and upturned nose and semi bald hair is too perfect for him. Magkamukha naman sila ni Jonas pero bakit mas lumamang ata siya? Bigla akong natauhan dahil imbes na katayin ko siya sa loob ng isipan ko ay iba pa ata ang epekto ng mga tingin ko sa kanya. OMGEE! Kaye okay ka lang? You're checking him out for pete's sake! Nagagawa mo pa talagang i-appreciate ang pagmumukha ng antipatikong iyan! Saway ko sa aking sarili. Napailing ako at huminga ng malalim ng buksan ng matandang lalaki ang malaking glass door at pinapasok ako. Kasalukuyang nakayuko ang antipatiko at nakatingin ito sa laptop niyang sobrang seryoso. “Magandang umaga Sir Dylan, nandito po si Miss Kailie Zobel.” pagkasabi ng matandang lalaki ay nag-angat ang antipatiko niyang boss ng tingin sa direksyon namin. Umayos siya ng upo and closed his laptop.” Thank you Alex, you may leave now. “ Nang marinig ko ang pangalan ng matandang lalaki ay napaisip ako at biglang bumalik sa aking alala ang kaganapan sa loob ng kwarto ng hotel na iyon. Narinig ko na ang pangalang iyon. “That’s all that I have right now pero pag kulang pa iyan si Alex na ang bahala sa iyo, “ may diin sa bawat salita niya. “ And I warn you to keep your mouth shut or you’ll be dead!” Ngayon klaro na sa akin kung bakit ako kilala ng matandang lalaki na iyon dahil siya pa la ang Alex na tinutukoy ng antipatikong boss niya noon. Yumuko si Alex sa boss niya at ganoon din sa akin. Tumalikod siya at sinara ang glass door. Ng maiwan kaming dalawa ay biglang nanlambot naman ng aking mga paa at tuhod pero di ko iyon pinahalata. “Have a seat Miss Zobel or should I call you– Kaye.” he said with confidence at sobrang sure sa mga binibitawan niyang salita. “Salamat, pero di na kailangan besides hindi rin naman ako magtatagal dito.” mataray kong tugon, “ Let stop this formality dahil hindi naman kailangan and cut this crap off Mr. Mijares.” He leaned back to his swivel chair at naka de quatro ang paa while crossing his arms and his killer gaze, it feels like it’s piercing inside of me. Pero di ako nagpatinag at nilabanan ko iyon. Unti-unti akong lumapit sa table niya na hindi inaalis ang mga tingin ko sa kanya. Nakipagsuntukan ako ng mata sa mata sa kanya, and I saw him smirked. Tsss... kagigil talaga siya! Huminto ako na ang pagitan namin ay ang lamesa niya lang. “Kahit kailan matapang ka pa rin, which fascinated me Miss Cruz..” casual niyang wika. “Matapang naman talaga Mr. Mijares at hindi ang gaya mo ang magpapatinag sa akin. “ diretsahan kong tugon sa kanya.” Hindi ko na ako magpapaligoy-ligoy pa, layuan mo ang mga anak ko dahil kahit na kailan ay wala kang karapatan sa kanila!” Madiin at seryoso kong sabi and with that being said ay bigla itong napatayo sa kinauupuan niya. I swallow hard just to make myself calm and at ease. Pero ang pintig ng aking puso ay unti-unting lumalakas at bumibilis. Napamura ako sa aking isipan ng dahil dito. Mr. Dylan Mijares towered me with his height ng tumayo siya at nilapit rin ang sarili niya sa akin. Tinukod niya ang dalawang palad niya sa table at bahagyang ni-lebel ang mukha niya sa akin. Mataimtim niya akong tinitigan at hindi naman ako nagpapatalo pero sa totoo lang para na akong kinakapos ng hininga sa ginagawa niya. Mas nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Nailang ako pero di ko pinahalata, halos naaamoy ko na ang amoy mint niyang hininga na tumutulong mag hypnotismo sa akin gaya ng ginagawa ng mga grey niyang mga matang hindi inaalis ang tingin sa akin. “I am so sorry to disappoint you Miss Kaye but you have to accept the fact that from now on ay magiging parti ako ng buhay nina Nicolo at Nicolai—sa ayaw at sa gusto mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD