CHAPTER 13 - IN DENIAL

1498 Words
“MALAKI BA ANG NAGING KASALANAN KO SA UNIVERSE BEKS?! Myghad! Sobrang nakakainis at nakakagigil siya!” naloloka kong sigaw sa harap ni Allaine, “ Sarap niyang tirisin at ilampaso, kasi sobrang yabang talaga at antipatiko ng lalaking iyon, napaka feeling gwapo niya at mapagmataas talaga!!” Hindi ako mapakali at para na akong mawawalan ng tamang pag-iisip. “Pwede ba beks, pumirmi ka naman sa kakabalik-balik sa harapan ko, “ tamad na reklamo ni Allaine sa akin,” kanina pa ako nahihilo sa iyo e’.” Napairap na lang ako at nag crossed arms habang kaharap siya. Seryoso ba ito parang wala lang yata sa kanya na kanina pa ako di mapakali sa nangyari sa akin this day. Sa dami ng kamalasan ko na na-encounter ay parang di naman nababahala si Allaine dito. “Maraming salamat ha, ramdam na ramdam ko talaga iyong support mo! Pramis!” sarkastiko kong sagot sa kanya at napaupo sa kamang nagdadabog. Narinig kong humugot ng malalim na hininga si Allaine at umupo ng maayos at tiningnan ako ng diretso. “I’m sorry, alam mo namang supportado kita ever since Beks, pero nasabi ko na rin sa iyo ng ilang beses na darating ang panahong ito.” pagpapaliwanag ni Allaine, “I don’t even want to say ‘I told you so’ pero ito talaga ang nangyayari e’ at kahit gaanong iwas pa ang gawin mo it’s obvious na ang universe na ang naghahanap ng way para magkita-kita iyang mag-ama mo.” HIndi ako nakasagot kasi naman ayaw ko mang aminin ay tama si Allaine. Nakakainis lang kasi bakit ang unfair lang. Kaya di ako kumibo sa, napa-irap ako ng unti-unti kong maramdaman ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pagtabi ni Allaine sa akin at niyakap ako na siya ring tuluyang bumagsak ang aking mga luha. Naiiyak ako dahil sadyang di ko matanggap ang mga nangyayari. Feeling ko kasi para akong pinagkakaisahan. Na parang kahit kailan pagdating sa bagay na ito ay hindi naging pabor sa akin ang tadhana. Naging mabait naman ako, maasikaso at kahit anung hirap at sakit napagtiisan ko at hindi ako nagreklamo pero bakit ganito pa rin? Hindi ba ako mahal ng Diyos? Pinahid ko ang mga luhang walang humpay sa pagpatak mula sa aking pisngi. Habang humuhikbi ako ay naninikip rin ang aking dibdib. Bumabalik na naman ang sakit ng kahapon. “Okay lang iyan, ngayon ka pa ba susuko?” mahinang sabi ni Allaine habang inaaalo ako, humigpit din ang yakap niya sa akin at napahawak ako sa braso niya. “Always remember no matter what happen, you always have me, lab na lab ko kaya kayo ng mga kambal.” “Alam ko naman iyon Beks, maraming salamat at mahal na mahal ka rin namin, “ mas lalo akong naiyak at napiyok pa ako, “ kung wala ka siguro nasa di mabuting kalagayan kami ngayon ng kambal.” ****** “KCZ Incorporated.” nasambit ko ng makababa na ako sa sa’king sasakyan. Diri-diretso akong pumasok sa loob. Gusto kong magpakalunod sa trabaho ngayon para man lang ma distract ako sa mga nangyayari. Mabuti na ring nandito si Allaine kasi pag siya ang nagiging hands-on sa mga bata. Maaga akong pumasok sa office ko ng makarinig ako ng commotion sa labas. “Si-Sir sandali lang po, di po kasi pwedeng basta-basta na lang pumasok na walang pong appointment galing kay Ma’am.” dinig kong pagpapaliwanag ng aking secretary na si Renee. Napatigil ako sa ginagawa ko most especially when I saw the doorknob twisted and click. Bumulaga sa akin ang isang lalaki. Nakasunod si Renee sa likod niya, “Ma’am pasensya na po pinipigilan ko siya kanina pero kas–.” “It’s okay Renee, sige na ako na ang bahala at pakisarado na lang ang pintuan, thank you.” mahinahon kong sabi kay Renee at agad naman siyang yumuko at umalis ng opisina ko. After that I turned my gaze back to the man in front of me.” YOu may take a seat and how may I help you Mr.?” Yumuko siya sa akin pero hindi siya umupo, “ pag paumanhin niyo na po kung pumunta po ako rito na walang pasabi Madam Zobel.” Nagtataka man pero di ko iyon pinahalata. Sino ba ang lalaking ito at anu ang pinunta niya dito? Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita o isa ba siya sa mga investors? Pero impossible naman iyon dahil kilala ko lahat ng clients and investors ko. “Alright, may you please enlighten me kung may transaction ba tayo na baka nakalimutan ko?” natanong ko as I pressed my lips together and formed a timid smile on my lips. “I’m so-sorry.” “It’s been a while, malaki na talaga ang naabot mo at pinagbago mo Madam.” sabi ng lalaki sa harap ko. Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. “Huh?” nagtaka kong tugon, “Pasensya na po kayo but I don’t understand what are you talking about.” Kasabay ng huling tugon ay ang pagkabog ng dibdib ko na sobrang lakas. Di ko alam bakit gumapang na lang ang kaba sa aking sistema. Sa katunayan nararamdaman kong parang may mangyayari na hindi ko magugustuhan. “Si Sir na lang po ang bahalang magpaliwanang sa inyo,” sagot nito at bigla nag ring ang phone nito at sinagot niya kaagad. Pinagmamasadan ko siya na may pagtataka sa aking mukha. Tango ng tango ang lalaki at habang mataimtim siyang nakikinig sa kausap niya ay pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pilit kong inaalala kung nagkataon nga bang nagkita kami noon? Basi kasi sa mga sinabi niya kanina ay parang matagal niya na akong kilala. May edad na ang lalaki at naka black suit rin siya sa katunayan halos parehos sila ni Richard iyong personal driver ng pamilya nina Allaine. “Sige po, Sir sasabihin ko po siya,” sagot ng lalaki sa kausap niya at lumapit sa table ko at inabot ang phone niya. “Who is that?” I ask curiously habang nakataas ang aking kilay. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba ang phone o hindi. “Si Sir po Madam, gusto po kayong makausap. Atubili mang kunin ang phone ng lalaki ay inabot ko na. The moment na nahawakan ko na ang phone at nilagay ito sa tenga ay mas lalong bumilis ang pintig nang aking puso para lang itong may marathon sa bilis ng t***k nito. “He-Hello.” I hesitantly said. “How are you Miss Kailie Zobel?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Ng marinig ko pa lang ang boses ng lalaki ay kilalang-kilala ko na. Napahigpit ang hawak ko sa phone. Ano ba ang gusto niya? Di kaya? Pinutol ko ang idea na tumatakbo sa aking isipan. Ayaw kong isipin niyo! Hindi pupwede! Napakagat ako ng aking labi para lang pigilan ang inis at galit na aking nararamdaman sa lalaking kausap. “As far as we both concern I don’t remember that I have a business with you to discuss–” “Are you sure?” biglang putol niya sa sinasabi ko at nagtanong na para bang ini-interrogate niya ako. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!” “Ang tigas mo rin anu? Kahit naman kailan, palaban ka.” I heard him chuckled di ko alam tuloy kung matatawa ba ako o maiirita sa kanya. Kabwesit ang lalaking ito! “Marami pa akong gagawin kaya ‘wag mong sayangin ang oras ko–” sabi ko na lang at akma na sanang e-end ang call pero napatigil ako ng sinambit niya ang kambal. Wala akong oras para sa mga walang kwentang bagay! “The twins.” biglang seryoso nitong sabi sa kabilang linya. Nanginig aking kamay at naninikip ang aking dibdib sa turan niya. No way! Impossible! “Natameme ka?” the man smirked, “ Do you think you can hide them from me?” “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!” I shut him off, pilit na dini-deny ang pinagsasabi niya. “ Liar! I know from the very start that Nicolo and Nicolai are mine!” mariin niyang sabi. Dumagundong ang baritono niyang boses sa aking tenga na nagpatameme sa akin. Napatayo ako sa kinauupuan ko, hindi magkamaliw ng aking sistema at paano? Napapikit na lang ako at napasapo ng aking noo. Pinagsisisihan ko na agad ang araw na pumunta kami ng mga anak ko sa mall. Isang malaking pagkakamali talaga iyon. Hindi ako mapakali at matagal akong natahimik. Naibaba ko ang phone at humugot ako ng malalim na hininga. “O-okay lang po ba kayo Madam?” nag-alalang tanong ng lalaking nasa harap ko. Ginawaran ko siya ng ngiti to let him know that I am still okay. Then I started to put the phone again sa aking tenga, “ Wala na tayong dapat pang pag-usapan!” Then I ended the call. Kahit na kailan ay wala siyang karapatan sa mga anak ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD