Sinasamba “WHAT the f**k!” Galit na itinulak ni Trevor ang babae at sinamaan ito ng tingin. Inis pa nitong pinunasan ang labi niya ng likod ng palad niya. Kahit maluha-luha na ang babae at naka-upo na ito sa sahig ay dinuro pa rin ito ni Trevor. “You have no rights to do that! At mas lalo nang hindi sa harapan ng asawa ko!” dagdag pa niya at nilingon ako. Ginagap ni Trevor ang kamay ko at hinila, paalis doon, hindi iniintindi ang atensyong nakuha namin. May mga lumapit naman doon at tinulungan ang babaeng makatayo. “B-but, b-babe, Trevor…” maluha-luhang ani pa nito. Tumigil naman si Trevor ngunit hindi nilingon ang babae. Nakaigting ang panga nitong humigpit ang hawak sa kamay ko. “Don’t babe me. I don’t even know you, b***h!” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nangy

