bc

The Devil's Obsession (Temptation Series 3)

book_age18+
11.0K
FOLLOW
51.2K
READ
dark
forbidden
possessive
sex
dominant
submissive
badboy
goodgirl
decisive
twisted
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pangarap, lumuwas ng siyudad si Eleyna Jacob para doon magtrabaho at para na rin makatulong sa mga magulang niya. Ipinasok siya ng kababatang si Marco sa Park International School bilang Psychology instructor.

Sa gabi ng pageant ng eskwelahan, si Eleyna ang host ng nasabing event. Hindi niya akalaing nang gabi ding 'yon ay makikilala niya ang lalakeng magpapatibok ng puso niya. She was mesmerized with his looks because it was so angelic. Pakiramdam niya'y nahihipnotismo siya sa bawat titig ng mapungay nitong mga mata. At tila isa itong anghel sa paningin niya.

Si Trevor Secorata, ang CEO ng Secorata's Tower at isa sa mga hurado ng event. Hindi niya akalaing mabibihag ng binata ang puso niya ng gan’on kadali at sa isang iglap, namalayan niya na lamang na ikinasal na silang dalawa.

Eleyna's just so innocent and she doesn't know that Trevor's just only hiding behind his mask. Hindi ito anghel tulad ng inaakala niya. Habang tumatagal ay may natuklasan siyang lihim nito. Trevor's starting to unleashed the devil inside him. He's so possessive and obsessive with her. He wants her for himself only.

Kung gaanu siya kabilis na matali dito, gan’on din ba kaya siya kadaling palayain nito?

Was she really wrong with her decision to marry him?

Will she be able to escape from him?

Or will she be forever stuck with him and be the devil’s obsession?

chap-preview
Free preview
Teaser
PATULOY sa ginagawang pag-takbo si Eleyna dahil sa takot na maabutan siya ng kanyang asawa. Nang makarating sa kalsada ay agad siyang pumara ng taxi upang makalayo sa lugar ng demonyo niyang asawa na wala nang ibang ginawa kundi ang angkinin ang katawan niya hanggang sa mag-sawa at mapagod ito. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay nakasakay na siya ng taxi at nilalandas na ang lugar ng taong alam niyang makakatulong sa kanya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya sa mga katagang binitiwan nito, “I will give you five minutes to run away from me Eleyna. At sa oras na maabutan kita ay wala ka nang takas.” Tumawa ito ng malakas at binaling ang nanlilisik na paningin sa kanya. Dali-dali niya namang kinuha ang iilang gamit na nailagay niya sa kanyang bag. “Run while still you can...” Pag-halakhak nito na animo’y baliw. Umiling si Eleyna dahil sa tagpong iyon. Madaling araw na siyang nakarating sa lugar kung saan malaya siya. Kung saan hindi limitado ang oras niya at kung saan hindi siya tila isang preso na palalabasin lamang kung kinakailangan. “Marco.” Agad niyang dinaluhan ng yakap ang binate, nanginginig pa siya sa takot. “Eleyna… what are you doing here?” tanong nito habang kinukusot ang mata. Hindi rin nakatakas ang gulat na gumuhit sa itsura nito. “Kaylangan ko ng matutuluyan. Pwede bang makituloy pansamantala dito?” Lumingon-lingon pa siya sa paligid, hindi mapakali sa takot na baka nasundan siya ng asawa. “Of course,” ani naman ni Marco at agad siya nitong iginaya papasok sa loob. “What happened, Leyn, and you just came here at this hour?” dagdag na tanong ng binata at pinasadahan pa ng tingin ang kanyang relong pambisig. Hindi lingid sa kaalaman ni Marco na may asawa na ang kanyang kababata, bagaman ay madalas silang mag-kita at mag-usap. Sadyang masyadong malihim lamang si Eleyna sa kanyang buhay. “P-pinalayas kasi ako sa apartment na tintirahan ko,” pagsisinungaling na ani Eleyna, hindi makatingin ng diretso sa mata ng kanyang kababata. “What?! At this hour?!”gulat na tanong nito. Malutong pang napamura si Marco. Tumango naman siya. Matapos ang ilang minutong pag-uusap nila ay hinatid na siya ni Marco sa pansamantalang tutuluyan niya. Pagod niyang binagsak ang katawan sa malambot na kama at taimtim na nagpasalamat dahil nakawala na siya sa hayop na asawa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at marahil dala ng sobrang pagod ay agad siyang dinalaw ng antok. . Hapon na siyang naggising kinabukasan kaya naman ay dali-dali siyang nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kanyang silid. Pababa na siya sa hagdan nang marinig ang maingay na halakhakan sa living room. Natigilan pa siya at agad na dinagundong ng kaba ang kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses na tila kausap ni Marco. “Hindi naman sana,” naibulong niya sa sarili bago humugot ng hininga at nagpatuloy sa pag-baba. Nang makita ni Marco ay agad siya nitong tinawag, “Eleyna come here. I want you to meet someone,” malawak ang ngiting anito. Akmang gaganti na siya ng ngiti kay Marco nang mapadako naman ang mga mata niya sa kausap nito. Bigla siyang natigilan at hindi alam ang gagawin. Tuluyan nang dinagundong ng kaba ang dibdib niya dahil sa isa pang pares ng matang nakatuon sa kanya. Napa-kuyom ang kamao niya sa takot, tila doon kumukuha ng lakas upang hindi siya mabuwal mula sa kanyang kinatatayuan. “She must be Eleyna?” nakangising tanong pa nito at pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Gusto niyang muling tumakas at sabihin kay Marco na ang lalakeng kaharap nila ngayon ay ang may kagagawan at dahilan kung bakit siya napunta sa bahay nito ng alanganing oras. Ngunit paano? Paano pa siya nito papaniwalaan kung gayon ay nagsinungaling na siya sa una pa lang? “Eleyna, this is my best buddy, Trevor. And Trevor, that gorgeous lady you’re staring at is, Eleyna, my childhood friend,” natutuwang ani Marco. Nanginginig man ang buong sistema dahil sa magkahalong takot at kaba, nagawa niya pa ring batiin ang kanyang asawa. Napuno ng katanungan ang isipan niya. Paanong nakapunta dito si Trevor? Paanong magkakilala sila ni Marco? “She's beautiful, right, Trev?” dagdag pang ani Marco. Wala itong kaalam-alam sa tensyong namamagitan sa dalawa. Ang tanging nasa isip lamang nito ngayon ay magkamabutihan ang dalawa. “Yes, she's beautiful—” Dahan-dahan naglakad si Trevor at lumapit sa kaniya, hindi inaalis ang titig sa mga mata niya. Nagawa pa nitong ngumisi at bahagyang pinilig ang ulo. Nang tuluyan itong makalapit kay Eleyna ay dumukwang ito at dinala ang bibig sa puno ng kanyang teynga. Rinig pa nila ang panunundyo ni Marco, hindi alam na halos atakehin na siya sa kaba. Habang siya ay hindi na makagalaw at tila napako na sa kanyang kinatatayuan dahil sa takot na kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. “—to be imprisoned,” bulong na pagpapatuloy ni Trevor sa sinabi. Nanghihina man at nanginginig ang mga tuhod ay napaatras si Eleyna. Gusto niyang maiyak. Alam niyang wala na siyang takas. Alam niyang kahit anong oras ay muli na naman siyang makukuha ni Trevor. Babalik siyang muli sa kamay nito at iyon ang kinakatakot niya. “Welcome back to hell, my dear, Eleyna,” pahabol pa nitong bulong sa kaniyang teynga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.5K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.5K
bc

Be Mine Again

read
99.0K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

His Property

read
946.4K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook