Kabanata 1

2990 Words
Hot and Sexy “THIS will be your new office, Miss Jacob.”           I smiled back to Mister Cha nang ngumiti siya habang pinapakita sa 'kin ang magiging opisina ko.            “And this will be your table since nailipat na ng ibang college department ang dating gumagamit ng table na ‘to. I’ll introduce you to your new faculty members later. Wala pa sila dahil may kanya-kanyang klase."           “Thank you, Mister Cha,” pasasalamat ko dahil imbes na ang sekretarya niya ang sumama sa 'kin dito ay siya na mismo ang nagkusa. Pinaglandas ko ang aking mga daliri sa salamin na nakapatong sa aking mesa. Hmm. Mukhang nakakahiyang lagyan ng kung ano mang gamit dahil sa tingkad ng salamin.           “Nasa kabila lang ako. Katabi nitong opisina ninyo. Just knock when you need anything. Pwede mo na rin ayusin ang mga gamit mo. So, you can start tomorrow.”           “Salamat, Mister Cha.” I shook his hand.           Nang makaalis si Mister Cha ay naupo ako at pinasadahan ng tingin ang buong opisina. Wala pa naman akong dalang gamit dahil bukas pa naman ang simula ko. Madami ang table sa gilid, maging sa gitna. Mga School papers na nakapatong sa bawat table ng mga katrabaho ko.           Tumayo ako at humarap sa malaking salamin na naka-puwesto sa bandang may pintuan ng opisina. I stared at myself at hindi ko namalayang napakalaki na pala ng ngiting sinusupil ko sa aking mga labi. This is the start, Eleyna. You can do this.           “Hi! Are you new here? Ikaw ‘yong sinasabi ni Dean, kanina?”           Napalingon ako sa nagsalita. Isang singkit na babae ang nakangiting lumapit sa 'kin. May kasama siya sa kanyang likuran at mga estudyante ito base na rin sa kanilang kasuotan.           “Hi. Yes. I am Eleyna Jacob.” Inabot ko ang aking kamay sa kanya. We shook our hands bago niya ako iginaya sa isa pang mesa na sa tingin ko ay kanya.           “I’m Margaux. Dito ka na lang pumwesto para may katabi akong maganda,” pag-hagikhik niya.           Natawa rin ako. “But Mister Cha said na doon ako pumwesto.” Turo ko sa mesang ibinilin sa ‘kin ng Dean kanina.           “Hayaan mo na. ‘Wag ka na doon. You’ll just going to be distracted there. Lalo na’t ‘yong mga lalakeng panay ang daan dito. You just don’t know but our department has the worst students here.”           Napaiwas ako ng tingin. Hindi pa ma’y may nabalitaan ako kaagad. I don’t know if it’s going to be good or not but I am a register nurse and I really want this kind of job so instead of working in the hospital, I chose to teach.           “Katulad n’yan.”           Napalingon ako sa itinuro ng kausap ko at ngayon ko lang napansin ang glass window banda sa pwestong ibinigay sa ‘kin ni Mister Cha. Kita ko ang mga lalakeng estudyante na naka-tambay sa labas dahil naka-lihis ang kurtina. Bahagya pa akong napapitlag nang kumindat sa ‘kin ang isa sa mga lalakeng may hikaw na itim sa kanyang kanang teynga.           “Kita mo na? That's Kieth Medina. The captain of the basketball team. He’s a certified playboy. Halata naman ‘di ’ba? He just winked on you. Maybe he thought you're a transferee student that could be his next victim.”           “D-do I look like one?”           She chuckled at iminuwestra ang kanyang kamay upang palapitin ang dalawang estudyanteng babae kanina. May inabot siya doon at kung anong ibinilin.           “Mga estudyante mo?” tanong ko matapos niya itong kausapin.           Naupos siya katabi kong mesa. May kung ano siyang itinipa sa laptop niya at mayamaya lang ay may inabot siyang paper sa ‘kin. “Yes, they were. Beacuse I’ll turn over them to you dahil iyon ang sabi ni Mister Cha. Thanks God. Mawawala na rin sa landas ko ang mga mayayabang at mga brat na yan… By the way, that’s the list of the students.”           Pinasadahan ko ng tingin bond paper na inabot niya at binasa ang nakapaloob doon. The subject is about General Psychology with Topics on HIV/AIDS. It's about family planning and s*x.           “Good luck to you, Eleyna. The classes just started but I want to inform you that Keith belong to that class. This is the second time he’ll going to take the subject not because he didn’t learn from it. He's just doing it on purpose. I don’t know what’s with him pero aliw na aliw siya sa asignaturang iyan.”           Hindi pa man ay nailalarawan ko na sa isipan ko kung anong klaseng tao si Keith. He wants to play. Hindi iniinda ang tuition na nasasayang porque mayaman. Samantalang ako ay kaylangan ko pang mag-working student habang ginagapang ng magulang ko para makapagtapos.           “Please do everything for him to pass dahil isa pang failure ay pwede siyang itanggal sa course niya. Us, as an instructor, it's our duty to help our student to learn. This is the reason why Dean gave you this subject. You are new to the university. Maeengganyo 'yon makinig.”           Matapos ang ilan pang katanungan ko kay Margaux ay nagpaalam na itong mauuna na sa sunod niyang klase. Pinakilala niya na rin ako sa ilang kasamahan namin nang isa-isang nagsipagdatingan ang mga ito kanina.   *** “HI gorgeous!”           I stopped from walking when someone draped his arm on me. This guy towered over me kaya kaylangan ko pa siyang tingalain. Nang mapagsino’y agad akong kumawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkaka-akbay niya sa 'kin.           “Get off me!” I gritted my teeth and punched him on his chest but the devil just laughed at me.           “Try harder, Lady.” Ngisi niya at mas lalo pa akong inihapit sa kanya. I closed my eyes with so much irritation on him. Hindi pa man ako nakakapagsimula ay ganito agad ang bungad sa ‘kin.           “What's your name?” He whispered on my right ear not minding the malicious stares the students giving us.           “Oh hell, Mister Medina. You won't like it if I’d tell you!” Inis kong inapakan ang kaliwang paa niya at kinagat ang kanyang braso. Napapitlag siya at 'yon ang dahilan kung bakit nakawala ako sa kanya. I thought he would get mad because of what I did. But when my eyes gaze at him, there’s a smirk plastered on his lips while caressing his arm which I had bitten.           “Fierce.”           “Fierce your *ss.” Alam kong hindi tama na pagsalitaan ko siya ng ganu’n lalo na at estdyante siya habang ako naman ay guro. Pero hindi ko lang mapigilan. He's so full of his self. Ang buong akala niya ay lahat ng kababaihan mahuhumaling sa kanya.           Isang matunog na tawa ang itinugon niya sa sinabi ko at inihakbang ang mga paa patungo sa kinatatayuan ko. I closed my hand into fist. I don't give a damn about this anymore. Una pa lang ay siya na ang mali. He's flirting with his instructor.           “Mister Medina. What is this all about?”           He stopped mid step when someone spoke but he didn’t turned his back to face who it was. Habang ako naman ay napa-buntonghininga dahil doon.  Lumapit si Mister Cha kay Keith at pinagsabihan ito bago niya ako hinarap.           “I’m sorry about this, Miss Jacob. Keith Medina here is one of your student.”           Tipid akong tumango at pilit na ngumiti. “Miss Eleyna Jacob, your new Psychology instructor. It's nice meeting you.” Take note the sarcasm because it was not so nice meeting you.           Hindi nakatakas sa paningin ko ang dumaang gulat sa mga mata ni Kieth ngunit naging panandalian lamang 'yon. Kapagkwan ay ngumisi ito. “It’s my pleasure to meet a gorgeous instructor like you, Miss Jacob.” *** “ANAK, kamusta ang pamamalagi mo r'yan?”           Napangiti ako nang marinig ang boses ni nanay sa kabilang linya. “Ayos lang ho, nay. Bukas nga po pala, magsisimula na akong magtrabaho.” Laking pasasalamat ko kay Marco sa tulong niya. He's my childhood friend and the owner of one of the biggest hospital in Makati. He recommended me on his friend, which is the owner of Park International School, kung saan ako magtatrabaho bukas. Ngunit kahit ganun ay hindi ko pa nakikilala ang kaibigan niya.           “Mag-iingat ka r'yan sa Maynila ha? Madaming mapagsamantala r'yan.”           Napatawa ako. Inipit ko ang aking telepono sa aking balikat at teynga saka ko inilabas ang mga damit na laman ng suit case ko. Noong isang araw lang akong dumating dito sa Maynila galing probinsya, kung saan talaga ako nakatira. Mas pinili ko kasing dito na lang magtrabaho dahil mas malaki ang kita. Kapos kami sa buhay. Simpleng mamamayan lamang kami. Isang retired teacher ang nanay ko at si tatay naman ay retired police. Nag pe-pention naman sila ngunit hindi naman siguro tamang umasa ako doon. Matanda na ako at kaylangan ko na rin buhayin ang sarili ko. At isa pa, gusto ko din iahon ang pamilya ko sa kahirapan. I promised myself na ang unang sasahurin ko ay ipapadala ko sa kanila.           “Bakit kasi hindi ka na lang magtrabaho doon sa ospital ni Marco? Mas mapapanatag pa ako doon.”           “Nay, ayos lang ho talaga. Kaibigan naman ni Marco ang may ari ng school. So there's nothing to worry about. Aalagaan ko po ang sarili ko.” *** NANG matapos ang tawagan namin ni nanay ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Isa-isa kong isinalansan sa tukador ang mga damit ko. Sunod kong ginawa ay nagluto ako ng hapunan ko. Matapos nu’n ay naligo ako At katatapos ko lang mag-hugas ng mga pinagkainan ko nang tumunog ang telepono ko.           “Marco…” bati ko sa kabilang linya.           “How was your day, Eleyna? How was it?” Ang tinutukoy niya ay ang pagpunta ko sa Park International School, kanina. Hindi niya kasi ako nasamahan dahil abala ito kanina. Ang sabi ko ay ayos lang na hindi niya ako samahan ngunit nag-aalala raw siya.           “Magsisimula na ako bukas, Marco. Salamat pala even I declined your offer to work at your hospital.”           “Alam mong nagtatampo ako Eleyna dahil sa ginawa mo. But as your friend, I'll support you sa lahat ng gusto mo.”           Madami pa kaming pinag-usapan ni Marco tungkol sa buhay niya at maging sa pananatili ko dito sa Maynila. Ang totoo n'yan, gusto niyang sa bahay niya na lang ako manirahan pero tumanggi ako. Madami na siyang naitulong sa 'kin at hangga't maaari kung kaya ko naman ay hindi ko na iaaasa sa kanya. *** KINABUKASAN ay maaga akong naggising dahil nasasabik ako sa aking pagpasok. Dumiretso ako sa faculty office at binati ang mga katrabahp ko. Muli kong ni-review ang ituturo ko ngayong araw. Nang tumungtong ang alas otso ay nagtungo na ako sa Room 405 Science Building. Ngiti ang binungad ko sa aking estudyante at nagpakilala.           Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namamalayang isang linggo na pala ang nakakalipas simula nang makapagturo ako sa PIS.           “Miss Jacob, are you ready for later?" tanong ni Margaux.           Napabuga ako ng hangin at tumango. Tonight, I'll be hosting a pageant for the search of Mister PIS and Miss. PIS. Total ay bago daw ang mukha ko kaya ako ang napiling mag-host ng event kasama si Mister De Mesa, isa sa co-faculty ko. Taon-taon ay ginagawad ito at ang aming departamento ang napiling pamunuan ito ngayong gabi.           “You look nervous, Eleyna. Talo mo pa ‘yong mga kasali sa search. Just relax, okay? You really look nervous. Ano pa kaya kung nasa harapan mo na ang mga judges mamaya? God, besh! They are all hot bachelors! You’re so really lucky to have a chance to talk to them even just for a second or a minute. I envy you. Ah!” dagdag pa nito, halatang kinikilig.           Napangiti na lang ako at napailing. Ano bang meron sa mga hot bachelors at madalas kahumalingan ng kababaihan? Karamihan naman sa kanila ay playboy at Casanova. They'll just hurt and leave you kapag nakuha na nila ang kanilang gusto. Mabuti nga at hindi gan’ung klase si Marco. He's the certified hot doctor of the country. Girls drools over him because of his look, body and of course with his thick wallet and many bank accounts. Pero kahit na ganu’n, I never felt infatuated towards him. Talagang kababata lang ang tingin ko sa kanya at ganu’n din siya sa 'kin.           “I’m not nervous, Margaux. May iniisip lang ako.”           Ilang araw na rin kasi akong nakakatanggap ng letters at chocolate mula kay Kieth Medina. Alam kong bawal ang ginagawa niya kaya hindi ko binibigyan ng pansin. Ngunit sumusobra na siya. He's already crossing the line. Harap-harapan niya akong binibigyan ng bulaklak sa harapan ng mga studyante at professors. Alam kong kahit hindi sabihin, may mga studyante at professors na rin ang masama ang iniisip sa ‘kin. They judge me without knowing the real reason behind it kung bakit hindi ko magawang tanggihan si Kiefer.           He's blackmailing me. He has a picture of me taking bath in my apartment. Hindi ko alam kung paano niya iyon nakuha pero nahihirapan na ako. Pinagsabihan na din ako ni Mister Cha na patigilin ko na si Kieth dahil para naman ito sa akin. ‘Wag ko na rin daw hayaang makaabot ito kay Mister Park at ito mismo ang magtanggal sa 'kin. I can't even sue him dahil maimpluwensya ang pamilya niya kompara sa 'kin na mahirap lang. At kapag ginawa ko 'yon ay maaaring ako pa ang baliktarin.           Nahihiya na rin ako kay Marco lalo na at hindi ko sa kanya masabi ang problema ko. Baka siya pa ang mapahiya sa kaibigan niya at nirikomenda niya ako sa paaralang ito.  Kaya gusto kong solusyunan ito ng ako lang.           “You’re thinking about Kieth Medina, again?"           Humina ang boses ni Margaux. Itinigil nito ang ginagawang paglagay ng decortions sa stage. Tumango ako at pagod na ngumiti. Sa mga nangyayari sa 'kin ay si Margaux lang ang pinagsasabihan ko. Nakagaanan ko na kasi siya ng loob at pinagkakatiwalaan ko siya.           “I understand you, Eleyna. Hindi lang ikaw ang ginawan ng ganun Mister. Medina. Don't worry, tutulungan kitang hanapan ng solusyon iyang problema mo kahit alam nating maimpluwenysa ang kakalabanin mo. But for now, let's focus on this. Bawal ma-haggard. Madaming hot bachelors mamaya. Ano ka ba!” Alam kong pinapagaan niya lamang ang loob ko.           I smiled and thanked her. Mabuti na lang at nakahanap ako ng katulad niya. “Thank you, Margaux.” *** PUMATAK ang alas sais ng gabi at malapit nang magsimula ang pageant. Nandito ako ngayon sa dressing room habang inaayusan ni Margaux.           “Ayan! Perfect! You look stunning tonight, Eleyna. Ang ganda-ganda mo! Bakit ba kasi hindi ka na lang naging estudyante muna at ikaw ang naging pambato ng department natin? For sure, panalo na tayo!”           Napailing ako. Madami na ang nakapagsabing maganda ako dahil sa singkit kong mata; maliit ngunit matangos na ilong at mapupulang labi—ngunit ‘di pa rin ganun kalaki ang tiwala ko sa aking sarili para isiping maganda nga ako.           “Hindi naman. Pero salamat dito, Margaux, sa gown na pinahiram mo sa 'kin.”           Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin at halos hindi na mabura ang ngiti sa mga labi ko habang hinahaplos ang gown na suot ko. Isa itong itim na tube gown ngunit hindi natatakpan ang aking likod. Mayroon itong slit sa aking kaliwang hita at mababa ang neckline dahilan para sumilip ang pagitan ng aking dibdib na.           “Ano ka ba! Wala 'yon no. Ang bongga-bongga mo kaya ngayong gabi.” Hagikhik niya at tumabi sa 'kin. Pinagmasdan niya din ang sarili sa salamin at mayamaya ay sumimangot. “Nagmukha akong maid!”  Halakhak na lamang ang itinugon ko. *** KALAHATING oras pa ang itinagal at nagsimula na kaming magsalita ni Mister De Mesa sa unahan. Isa-isa naming sinabi ang criteria for judging at kung anu-ano pa bilang pag-entertain sa mga nanunuod.           “Are you okay?” Mister De Mesa asked habang nasa backstage kami. Isa-isa na kasing nagpapakilala ang mga kandidato ng bawat departamento. Tumango lang ako kay Mister De Mesa at sinilip ang mga taong naririto ngayon gabi. May mga banner at kung anu-ano pa silang hawak, senyales ng kanilang pagsuporta sa bawat kandidato nila.           Matapos nun ay muli na naman kaming umakyat sa stage upang ipakilala ang mga hurado ngayong gabi. Unang nagsalita si Mister De Mesa at pinakilala si Mister Park. Tilian ang sagot ng mga estudyante nang itutok ang mukha ng huli sa malaking monitor.           He is Mister Sebastian Park. The owner and the hot professor of Park International School. Madalas tinitilian ng mga kababaihan ngunit ang huli ay tila walang pakialam. Hindi na nakapagtataka kung kaibigan siya ni Marco. I admit, they are both hot.           Sumunod ay ako naman ang nagpakilala sa pangalawang hurado . Tilian ang muling nangibabaw nang banggitin ko ang pangalan nito, “Our next judge is Mister Ashton Wong. The CEO of W—”           Nakatutok na sa monitor ang nakangiting mukha ni Mister Ashton Wong. “Hi ladies!” aniya sa baritonong boses at kumindat na naging dahilan nang muling pag ingay ng crowd.            Lihim akong napaismid. Ganitong ganito ang tinutukoy sa 'kin ni nanay na dapat layuan. Base sa pagkindat at ang malanding boses nito, mahahalatang babaero si Mister Wong.           Naging sunod-sunod ang pagpapakilala namin ni Mister De Mesa hanggang sa ako muli ang kaylangang magpapakilala ng huling hurado. Nakatutok ang paningin ko sa maliit na papel na hawak ko habang pinapakilala ito.           “And our last judge for tonight, he is the CEO of Secorata's tower—” Malawak ang ngiting pagpapakilala ko dito habang inaangat ang paningin ko. Ngunit agad na nabura ang ngiti sa aking labi at kusang natigilan nang magtagpo ang aming mga mata. He's eyes pierce through me, it’s like penetrating my soul. Hindi ko alam ngunit biglang nanginig ang buo kong sistema. Napapikit ako dahil hindi ko kinaya ang nakakalusaw na titig niya.           His messy hair; his angelic face and his stare.           Sa iilang segundo ay nakatatak na iyon sa 'kin.           Sh*t! What the hell is happening to you, Eleyna Jacob? Get a grip! This is not the right time to fantasize him. You're working. Tandaan mo 'yan dahil hindi ka pwedeng mapahiya. Kastigo ko sa aking sarili.           “—T-Trevor Secorata.”           And I mentally slapped myself not because I stuttered uttering his name. It's because of his smirk and damn it because I find it hot and sexy.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD