Kabanata 2

3432 Words
Manghina “OKAY ka lang, Eleyna? Kanina ka pa tulala. Ano? Natulala sa mga hot bachelors?” hagikhik na tanong ni Margaux.           I shook my head. No! Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Kanina pang tapos ang pageant pero hindi siya maalis sa isipan ko. Tila nakatatak na ang uri ng pagtitig niya sa ‘kin kanina. His angelic face and sexy smirk. I had a goose bumps. I had seen many faces of hot bachelors before at patunay na doon si Marco pero iba ang epekto niya sa 'kin. Nahahalina ako sa mga titig niya. Napakaamo ng mukha niya at di mo iisiping kaya niyang gumawa ng masama.           Trevor Secorata. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.           “I don’t know what to do, Margaux. Ba’t ba kasi ako nautal kanina? Gosh! Nakakahiya,” palusot ko at yumungko sa harapan ng salamin.           “Hayaan mo na ‘yon. Akala ko pa naman kung ano nang nangyari sa ‘yo.”           I nodded at her at hindi na lamang iyon inisip. I remove my make up at nagbihis pagkatapos. Nang makararing sa parking lot, we parted our ways. Margaux insisted na ihatid ako sa apartment ko pero tumanggi na ako. She's out of the way at medyo late na rin. Pasado alas nwebe na din kasi ng gabi.           Nang tuluyang makalabas sa University ay nag-abang na ako ng taxi papunta sa apartment ko. Pero napatakip ako sa mata ko nang may bumusina at umilaw na sasakyan sa aking harapan. Malaya kong napagmasdan ang sasakyan matapos ako nitong lagpasan. Isang itim na Ferrari 'yon. I shook my head. Seriously, anong meron at kaylangan pa akong businahan ng kung sino man 'yon? Hindi naman ako nakahara sa daan.           Pinara ko ang taxi-ng unang dumaan sa harapan ko. When I got home agad akong umakyat sa taas at nag-half bath. Hindi na rin ako kumain ng dinner dahil sa pagod ko. I close my eyes to sleep but the moment I did it—his image flash on me. s**t! Feels like I’m bewitched of that freaking guy. `         Noon pa man ay attracted na talaga ako sa mga lalakeng maamo ang mukha. And now I admit, I'm attracted to him. Pero alam ko naman na mawawala din 'to kaagad dahil paniguradong hindi ko naman siya makikita pa. He’s a busy man and there's no reason para makita ko pa siya ulit.           I just hate this feeling dahil minsan ko nang naramdaman ito. Minsan na akong nagmahal at sa maling lalake pa. He just used me para mapagtakpan ang lihim na relasyon niya sa totoong girlfriend niya. *** “CLASS dismissed.” I get my bag at lumabas na sa silid. Katatapos ko pa lang magturo at halos madilim na nang makalabas ako. Huwebes na  ngayon at bukas ang huling araw ng pasok sa linggong ito.           I pressed the open button of elevator pero sadyang napakatagal kaya I decided to take the stairs na lang dahil nasa 3rd floor lang naman ako. Nang makalabas ng building ay nagtungo muna ako sa department ko to get my things. Naabutan ko pa doon si Margaux at may kung ano itong tinitipa sa kanyang laptop.           “Uuwi ka na, Eleyna?” aniya ngunit hindi inaalis ang paningin sa ginagawa niya.           “Ah, oo. Gabi na rin kasi. Ikaw din, Margaux umuwi ka na.” Lumabas na ako ng opisina. Nadaanan ko pa ang parking lot pababa ng Unibersidad. Only the sound of my shoes echoing the surrounding. May mga gwardya namang naglilibot upang tingnan ang buong Park Internation School pero hindi ‘yon sapat para maibsan ang katahimikan ng buong paligid. I was halfway through the gate when someone pulled me and pushed me against the wall. My knees shaken nang mapagsino ang humila sa 'kin. Oh, God. No! Not him please.           “Hi gorgeous. Seems like you are avoiding me.”           “Mister Medina. G-good evening,” sa kabila ng takot ko ay nakuha ko pa siyang batiin. Umangat ang sulok ng labi niya at pinaglandas ang palad sa pisngi ko. Agad akong napaiwas ng tingin at doon ko lang napagmasdan ang suot niya. He's wearing a jersey shirts and a basketball short. Halatang kagagaling pa lang sa practice.           “It’s so nice to see you beautiful even after work. Ah, Eleyna. I really like you.”           “Mister Medina! P-please stop. Hindi tama ‘yang ginagawa mo. I’m your instructor. Kaya tigilan mo na ako.” I jerk away at tinalikuran siya. Nangingilabot ako sa mga pinagsasabi niya. Sa isang linggong pagtuturo ko ay walang araw na hindi niya ako ginagambala.           Takbo -akad na ang ginagawa ko dahil sa takot sa kanya. At napatili na lamang ako nang yakapin niya ako  mula sa likuran at muling sinandal sa pader. Napahikbi na lang ako nang ilapit niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ano ba’ng ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? All I want is to work peacefully here in PIS para may maipadala sa mga magulang ko na naiwan ko sa probinsya.           I closed my eyes and silently uttered a prayer. Na sana may dumating at ilayo ako sa gagong si Mister Medina. Pinapangako ko, may magligtas lang sa 'kin dito ngayon ay aalis na ako sa trabaho ko dito sa Unibersidad. Bahala na. Tsaka ko na iisipin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.           Naramdaman ko ang kung anong malambot na bagay sa leeg ko at alam kong labi ‘yon ni Kieth. I bit my lower lip para mapigilan ang paghikbi. Ang mga hawak niya sa kamay ko ay unti unting lumuwag nang madarang siya sa ginagawa sa 'kin. At ‘yon ang kinuha kong pagkakataon. Tinuhod ko siya sa pribadong parte ng katawan niya at dali daling tumakbo kahit nanlalabo ang mga mata.           Hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko at pinara ang unang taxi-ng nakita ko. Huminto naman ito sa harap ko at agad naman akong sumakay dito. Sinabi ko ang lugar ko nang hindi tinitingnan si Manong at kinuha ang panyo sa bag na dala ko. Umiiyak na pinunas ko ito sa leeg ko kung saan ako hinalikan ni Mister Medina, kanina. Halik pa lamang 'yon sa leeg pero nandidiri na ako sa sarili ko. Wala kaming relasyon para magpahalik ako sa kanya ng gano’n.           “Are you okay?" baritonong boses ang nagsalita. Inangat ko ang paningin ko at halos panawan ako nang ulirat nang makita kung sino ang nasa driver seat.           “M-mister Secorata.”           Hindi na nasundan pa ang tanong niya sa 'kin at natuon na ang atensyon niya sa pagmamaneho. Pagka-asiwa ang nararamdaman ko sa tuwing magtatama ang paningin namin sa salamin sa unahan.           Napakaganda talaga ng mapungay niyang mata. Tila lagi itong inaantok sabayan pa ng kanyang magulong buhok. Ganyan na ganyan talaga ang mga tipo ko sa lalake.           I immediately shook my head with that thought. Kanina lang ay may hindi magandang nangyari sa 'kin at heto na naman ako nahuhumaling sa mala-dyos na nasa aking harapan.           “Are you okay?” pambabasag niya sa katahimikan.           “A-ah, Mister Secorata. D-dito niyo na lang ho ako ibaba at baka out of the way kayo,” paglihis ko ng usapan. Sa nakikita kong lugar sa labas ay dalawang sakay pa bago makarating sa apartment ko. Pero hindi ko na gustong magtagal pa dito sa loob kasama siya.           Nahihiya ako sa nagawa ko at napagkamalan kong taxi ang sasakyan niya. Nagmukha tuloy siyang driver ko. Ayoko naman mabalitaan na lang isang araw na 'The hot bachelor, Trevor Secorata became an instant driver of an average and not so rich woman.' Masakit na sa pagkatao ko ang sabihan ng gano’n. Ang mas masakit pa ay isampal sa 'kin ang katotohanan na hindi kami magkapantay ng estado sa buhay. Truth slap and it sucks!           Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil hindi niya inihinto ang sasakyan. Matapos ang ilang minuto ay laking pasasalamat ko nang huminto na ang sasakyan sa harapan ng apartment ko. I heard something click before he get off the car. Next thing he did made me shock in instant. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako sa pagbaba.           “S-salamat,” I stuttered. The moment our hand touched nakaramdam ako ng kakaiba na kahit na sa naging kasintahan ko noon ay hindi ko naramdaman. Agad kong binawi ang kamay ko at iniwas ang paningin sa kanya upang hindi makaramdam ng pagkakahiya. s**t! What the hell am I feeling?           Nawala lang ako sa iniisip ko nang maramdaman ko ang kamay niyang naka-dampi kung saan ako hinalikan ni Mister Medina kanina. Napaigtad ako at agad na napa-atras.           Nakasuot na ngayon ang parehong kamay niya sa bulsa ng slacks na suot niya. Tila walang nangyaring sumandal siya sa hood ng sasakyan at pinagmasdan ako, wari'y sinusuri. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Sa suot kong off shoulder na pinaresan ng tight jeans at wedge. Hindi ako ganun kakompyansa na maganda ako sa paningin niya.           “Is that the reason why were you crying while running a while ago?"           Sa durasyon ng kalahating oras na nakasama ko siya sa loob ng sasakyan ay 'yon pa lang ang pinakamahabang nasabi niya.           “Goodnight, Mister Secorata,” I didn't answer his question. Hangga't maaari ay ayaw kong may ibang makaalam sa nangyari ngayong gabi. Ayokong baliktarin o kaawaan ako ng tao. Si Marco nga ay walang nalalaman tungkol dito. Ito pa kayang mukhang anghel na nasa harapan ko. Habol hiningang napasandal ako sa likod ng pintuan nang makapasok ako sa apartment na tila ba kanina ko pa pinipigilan ang pag hinga ko. God. Why of all people, bakit siya pa ang nakakakita sa 'kin na umiiyak? Hangga't maaari ay ayaw akong maging mahina sa paningin ng iba. *** "WHAT happened to you, Eleyna? Tirik na tirik ang araw at naka-turtle neck ka?”           Ngiti lang ang tinugon ko kay Margaux at kinuha ang iilang gamit na dadalhin ko sa unang klase ko ngayong araw. I can’t barely sleep last night because of what happened. Hindi maalis sa isipan ko si Trevor Secorata. Kung hindi dahil sa kanya ay baka naaabutan ako ni Kieth kagabi.           “And you look blooming. Inspired ka ‘no? May boyfriend ka pala, Eleyna?”           Right as if on cue may kumatok sa opisina at nang buksan ito ni Margaux ay isang delivery man ng bulakbak ang nasa harapan niya ngayon. Nilagpasan ko na lang sila dahil male-late na ako.           “Eleyna…”           “Yes?” Hinarap ko si Margaux at nangunot ang noo ko nang makitang napakalaki ng ngiti nito sa 'kin. My forehead creased nang tapikin niya ako sa balikat ko at kinurot ako sa aking tagiliran. Napangiwi ako dahil sa inakto niya.           “Ilang linggo na tayong magkatrabaho pero hindi mo pa sa 'kin pinapakilala iyang boyfriend mo....ayan, pirmahan mo na.”           “B-but I don't have a boyfriend.”           Binundol niya ang balikat ko at inabot s a'kin ang isang bouquet ng puting rosas. "Asus! Kunwari ka pa. Piramahan mo na, para makaalis na si manong.”           Nagtataka man ay pinirmahan ko ang papel na inabot sa 'kin ng delivery man. Nang makaalis ito ay doon na nagtitili si Margaux. Inalog alog nito ang balikat ko.           “Margaux stop. Nahihilo ako.”           “Neknek mo. Ano’ng nakasulat sa card? Dali basahin mo na. Ganda mo teh.” Akmang kukunin niya sa 'kin ang bulaklak nang ilayo ko ito sa kanya at ako na ang nagbasa.           I hope you're okay now.           Dumagundong ng mabilis ang dibdib ko. Walang smiley o emoticon man lang pero iba ang dating sa 'kin. Ayoko man isipin pero iisang tao lang ang pumasok ngayon sa isipan ko. But, why is he doing this? What I mean is, he's nothing to do with this. Wala na siyang kinalaman sa nangayri kagabi. Ngunit kahit ganun ay hindi ko mapigilang mapangiti. This is my first time receiving a bouquet of flower from someone that I barely know.           Kaya naman sa buong durasyon ng klase ay nakangiti ako, hindi iniintindi ang matatalim na titig sa 'kin ng mga babaeng estudyante ko. Nadagdagan pa ito nang hindi ko makita si Kieth Medina. Ang sabi ko ay mag re-resign na ako dito sa PIS pero naisip ko na lang si Marco. Ayokong isipin niya na hindi ako komportable sa trabaho ko at ayokong mapahiya siya kay Mister Park kahit na kaibigan niya ito.           Dumating ang lunch at kahit si Margaux ay napansin ang pagbago ng mood ko. Ngiti lang ang sinasagot ko kapag tinatanong niya kung sino ba ang lalakeng nagpadala sa 'kin ng bulaklak. Hangga't walang confirmation ay wala akong sasabihin sa kanya.           “Miss. Jacob…”           “Good afternoon, Mister De Mesa,” bati ko dito, nagtataka sa flashdrive na inabot niya. Nakangiti ito at binati ako na hindi ko naman alam ang dahilan kung para saan.           “Go to Mister Cha's office. He wants to talk with you.”           I nodded at him at dumiretso sa office ni Mister Cha. Bumungad sa ‘kin ang kanyang sekretarya nang pagbuksan ako ng pinto. “Hi, Miss. Good afternoon. Mister Cha's want to talk to me."           “Oh yeah. He's expecting you today, Miss Jacob. Come, take a seat. Tatawagin ko lang siya.”           I smiled and thanked her bago naupo sa couch. Inilibot ko ang paningin sa buong opisina ni Mister Cha at napanguso ako nang mapagtanto kung gaano ka-espesyal ang turing ng mga Dean dito sa PIS. Alaga sila ng eskwelahan at mararamdaman mo talaga ang layo ng posisyon nila sa ‘yo. Ano pa kaya kung si Mister Park na ang makaharap ko.           Ilang segundo pa at kaharap ko na si Mister Cha. Inabot ko sa kanya ang flashdrive na binigay ni Mister De Mesa. He inserted it on laptop at halos mabigla ako nang makitang CCTV footage pala 'yon ng mga pangyayari kagabi sa parking lot.           “I'm so glad, Miss Jacob at talagang tapat ka sa trabaho mo. May mga nakapagpatunay na din na hindi mo talaga intensyon na patulan si Mister Medina sa panliligaw niya sayo."           "P-pero paano po?" Hindi ako makapaniwala. Ang saya na nararamdaman ko ay lalo lamang nadagdagan nang mapatunayan na si Kieth Medina talaga ang puno't dulo ng lahat.           "Someone investigated it. You’re so lucky, hija, at nakita pa sa CCTV ang ginawa sa ‘yo ni Mister Medina. I hope this won't be the reason para umalis ka dito sa PIS. Hayaan mo at makararating ito kay Mister Park."           “N-no. Please, Mister Cha. Wag ninyo na pong ipaalam kay Mister Park." Dahil sa oras na malaman niya 'to ay makakarating ito kay Marco panigurado, bagay na kinababahala ko. Ayokong mag-alala siya at sisihin pa ang sarili niya sa nangyari.           "Why is that, Miss Jacob?" His forehead creased at inayos ang salamin niya. He leaned on the table tila hinihintay ang sagot ko.           "M-masyado hong personal. Wag niyo lang ho sabihin, I promised, hindi ako aalis dito sa PIS."           Mabuti at madaling kausap si Mister Cha. Madami pa kaming pinag-usapan at nagulat ako nang malaman na-expelled na si Kieth dito sa PIS. Wala daw siyang kinalaman dito dahil maimpluwensya ang pamilya ni Kiefer pero dahil daw sa tulong ‘niya ay wala na itong nagawa kundi umalis. Kaya pala gano’n na lang ang tingin sa 'kin ng mga kababaihan dahil ang captain ng basketball team ay natanggal na.           “Pero ho sinong siya ang tinutukoy niyo?" Kanina ko pa kinukulit si Mister Cha na sabihin kung sino ang nagpa- imbestiga at gumawa ng lahat para mapa-expell si Mister Medina dito sa PIS pero tanging ngiti lang ang tinutugon niya.           "You really want to know?"           I nodded.           "I really want to keep it a secret from you pero hindi ko mapigilan lalo na at gano’n ka kapursigido para malaman." Matunog na humalakhak si Mister Cha habang napapailing.           "Hindi ka pa man nag iisang buwan dito sa PIS pero napakarami mo nang nabibighani sa ganda mo, Miss Eleyna."           "H-hindi naman ho." Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Alam kong namumula na ako. Kahit naman ay may nagsasabi sa 'kin na maganda ako ay hindi pa rin gano’n kataas ang tiwala ko sa sarili ko para itatak  'yon sa isipan ko. Para sa 'kin isang simpleng babae lamang ako.           "Hmm. As you say so..." Tumikhim si Mister Cha at iminuwestra ang kamay niya, senyales na pinapalapit niya ako sa kanya. Dala na din ng kyuryusidad kaya ko sinunod ang gusto niya. "He's one of the judge on the pageant last, last night,” he said. *** HINDI ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Una sa natanggap kong bulaklak, pangalawa, sa balitang tinanggal si KieTH Medina sa unibersidad, at ang huli malakas ang kutob ko na si Trevor din ang tinutukoy ni Mister Cha dahil siya lang naman ang nakakita ng kalagayan ko kagabi. But why is he doing this?           I heaved a sigh then massage my temple. Napakadami ng iniisip ko ngayong araw dahil gusto kong pag-tugmain ang mga pangyayari. Bitbit ang bulaklak na ibinigay sa 'kin ay muli akong nag-abang ng taxi. Gabi na at uwian na naman. Nagpapasalamat ako at biyernes na bukas. Ngayon pa lang ay nakaplano na ang gagawin ko sa sabado. Ipapahinga ko ang katawan ko at maghapon lang akong matutulog. Masyadong nakakapagod ang linggong ito dahil sa dami ng nangyari.           Napa-ungol ako nang maglalabing limang minuto na akong naghihintay ng taxi pero lahat ng nadaan ay nilalagpasan lang ako. Ito na huli na talaga ‘to. Kapag hindi pa ako nakasakay ay maglalakad na lang ako hanggang sakayan. Kaysa naman sa lamukin ako dito habang naghihintay. Isang taxi pa ang dumaan at mukhang minamalas talaga ako ngayon. Nilagpasan ulit ako nito katulad ng mga nauna.           I heaved a sigh at inalis ang takong na suot ko at nilabas ang flip flops na nasa hand bag ko. I'm not used to wear any heels, mapa-wedge o pumps man ito kaya palaging may dala akong tsinelas dahil madaling sumakit ang paa ko.           Nag-squat ako upang maabot ang sapatos ko nang katulad ng nagdaang gabi—may bumusina at umilaw na sasakyan sa harapan ko. But this time, hindi na agad ito umalis. Nangunot ang noo ko nang mamukhaan ang sasakyan. Ito din 'yon. Isang black Ferrari.           Ano bang problema sa 'kin ng driver ng sasakyan na 'to? What? Nakahara ako sa daan? Akmang kakatukin ko ang bintana ng sasakyan nang unti unting bumaba ito. At halos kapusin ako ng hininga nang makita ang tao sa loob. At hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kanya.           "Hop in." Dumungaw siya papalapit at binuksan ang pinto ng sasakyan.           Oh God. Halos kastiguhin ko ang sarili ko nang hindi nag-aatubiling pumasok ako sa loob. Ngunit ilang minuto na ang itinagal namin doon ay hindi pa rin kami nakakaalis. Nanatili lamang ang titig niya sa 'kin kahit kitang kita ko ng harapan. Hindi niya ako nilulubayan ng kanyang nakakalusaw na titig.           What are you doing to me, Trevor?           Unti unti siyang lumapit sa 'kin at awtomatikong pinikit ko ang mga mata ko. Wala na. I'm really attracted to this guy. Sa tatlong araw na pagkakilala ko sa kanya ay nabihag niya na ang puso ko.           "Seatbelt,” bulong niya sa kaliwang teynga ko. Nangilabot ako bigla sa dulot ng paos niyang boses. I opened my eyes not minding what he said. Dahil alam ko dito sa sarili ko na napahiya ako at inasahan kong hahalikan niya ako.           Ang mapupungay niyang mata na tila laging inaantok ang bumungad sa 'kin. Malapit pa din ang mukha namin sa isa't isa and our nose were almost touching.           Kita ko ang pagbaba ng tingin niya mula sa aking mata patungo sa aking labi. Napaamang ako nang idampi niya ang kanyang daliri doon. “Do you want to kiss me...?" muling usal niya sa paos na boses.           Naging sunod sunod ang paglunok ko. At alam kong napapansin niya 'yon. Pero teka, mukhang baliktad ang tanong!           Wala akong naging sagot sa pahayag niya. I averted my gaze dahil ayokong mag-tama ang paningin naming dalawa. Ayokong mismo ang sarili ko ay salungatin ako at maging oo ang isagot ko. Ilang segundo pa ay umalis na siya sa pagkaka-dukwang sa 'kin at bumalik sa pwesto niya. He started the engine at pinasibad na ang sasakyan.           "Do you like the flower?" Katulad nang naunang beses na hinatid niya ako ay pinagbuksan niya din ako ng pintuan nang makarating kami sa tapat ng apartment ko.           "Hmm. Salamat pala. Pero hindi mo naman kaylangang gawin to."           Wala siyang sinabi at tumikhim lang. Naalarma ako nang inihakbang niya ang paa papalapit sa ‘kin hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo naming dalawa. Tiningala ko siya dahil hanggang balikat niya lang ako.           Nahigit ko muli ang aking hininga dahil sa simpleng pagdampi ng balat niya sa ‘kin. Ang takas na buhok na nalalaglag sa aking mukha ay inilagay niya sa likod ng aking teynga.           Nanlaki ang mata ko, hindi inaasahan ang sunod niyang ginawa. Ipinaglapat niya ang aming mga labi at tumagal iyon ng ilang segundo.           "I like you,” aniya dahilan kung bakit halos manghina ako.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD