Hell “AYOS ka lang ba, hija? Kamusta ang asawa mo?" tanong ni Manang sa ‘kin kinaumagahan. “Manang…” Tumikhim ako. “M-may napapansin ho ba kayong kakaiba kay Trevor?” lakas loob na tanong ko. Tila natigilan naman ito at nabibiglang napatingin sa akin. “Sa tingin ko ho kasi... may sakit si Trevor sa pag-iisi—” hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nang bigla na lamang pinadapo ni Manang Nenita ang palad niya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko inaasahang magagawa niya iyon sa akin. Maging siya ay nagulat sa ginawa niya sa ‘kin. “H-hija…” akmang lalapit sa akin ang matanda nang bigla na lamang dumating sa eksena si Trevor at tinago ako sa likuran niya. “Why did you slapped my wife?! Anong karapatan mo?! Putangina!” galit na sigaw ni Trevor sa matanda at akmang

