Facing hell “ALAM mo, ang swerte mo. If I were in your position, ‘go-gora lang ako. Ang hot kaya ni Lucas! My God, his body. For sure he has abs! Gwapong- gwapo na ako sa kanya kagabi na ang dilim-dilim, tapos makikita pa natin siya dito sa school tapos ang liwa-liwanag? My God, Eleyna, baka kayo nang dalawa ang destiny!” tila kinikilig at nangangarap na ani Margaux. Panany din ang hampas nito sa balikat ko at bubuntonghininga kaya napapangiwi na lang ako. Napatakip ako sa aking teynga. Kanina pa din siya tili nang tili at sumasakit na ang teynga ko dahil dito. Kalahating oras ang nakakalipas matapos ng klase at talaga namang nanginginig ang tuhod ko sa kaba. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakamasid sa ‘kin kanina pa. Hindi ko rin maiwasang magsisi dahil sa pagpayag ko sa date na

