Kabanata 15

2400 Words

Child MALAKAS na boses ni Jake ang nagpagising sa ‘kin kinabukasan. Pupungas-pungas pa akong bumangon at sinulyapan ang wall clock. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang makitang ang maliit na kamay ng orasan ay nakaturo sa number six at ang mahabang kamay naman ay nasa number twelve. Masyado pang maaga para mambulabog siya!           “Ate Eleyna, gumising ka na sabi! Iyong lalake mo kagabi, nariyan na naman,” paulit-ulit na sambit nito. Patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng aking pintuan, tila gigibain na ito.           “Maghintay ka!” sigaw ko pabalik saka dumiretso sa banyo. Matapos kong maghilamos ay saka ko lamang ito pinagbuksan ng pinto.  “Ano ba, Jake?! Kalalake mong tao, ang lakas ng boses mo! Saka sabihin mo lang kung may plano kang gibain ang pinto ng kwarto ko!” ani ko dito.   

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD