Ipinagtaka “WIFE…” Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang nagsusumamong boses nito. Napalunok ako at napabuga ng hangin bago nagpatuloy sa paglalakad. Nagkunwari akong hindi ito narinig pero hinabol niya ako at hinawakan sa palapulsuhan. Hinarap niya ako sa kanya. “W-wag…” pag-iling ko at binawi ang kamay ko sa kanya. Umatras ako para lang hindi niya ako maabutan. Nanginig ang mga tuhod ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Takot, pangamba, pagkamuhi ang nadarama ko sa kaniya ngayon. “Eleyna!” madilim na anito at agad na hinaklit ang kaliwang braso ko. Halatang naubusan na ito ng pasensya sa pag-iwas ko. “Two weeks are already enough para hayaan ka.” Umigting ang panga nito. “A-ayoko na sabi sa ‘yo. Maghiwalay na tayo! I will file an annulment para tuluyan na akong makawala s

