CHAPTER 39 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) “We’ll call and text each other everyday, okay?” Kinabukasan ay naging maayos na ang aking pakiramdam. Gusto ko pa sanang magpanggap na may sakit ako para hindi na muna umuwi si Ninong. Pero ang sama ko naman nun dahil wala ng trabahong nagagawa ang tao dahil sa akin. “Okay, Ninong. Mag- ingat ka,” Nasa labas kami ng aming bahay at inutusan akong ihatid siya sa labas. Magkaharap kaming dalawa at nag- uusap na tanging kami lang ang nakakarinig. Kinagat niya ang kanyang pang- ibabang labi bago ngumuso sandali na mukhang magpapahalik pa. Nakakaloko akong ngumiti sa kanya. “Next time…” bulong ko. “Prepare yourself then,” Kumaway pa ako sa kanya bago niya pinaharurot ang sasakyan p

