CHAPTER 40 Wala na nga ata ako sa aking sarili. Ang bilis ng naging desisyon ko. Wala ng paligoy- ligoy pa. Diretso na agad at mukhang siguradong- sigurado na ako sa aking desisyon. Kinuha ko lang ang aking maleta at nilabas ang mga damit na dadalhin ko para sa aking pag- alis. Nag- empake ba naman ako ng isang maletang damit na kasya para sa isang buwan. Halos wala na ngang laman ang aking cabinet dahil lahat ng damit ko ay pinasok ko na sa loob ng maleta. Pupunta ako kay Ninong. Sasama ako sa kanya. “Amihan, saan ang punta mo? Bakit ang dami mo naman atang dala? Isang maleta 'yan,” Paparusahan na ako sa pagsisinungaling ko. May kapalit 'to alam ko. “May nakuha kasi akong gig, Ma. Sa malayo at dalawang araw ako doon. Kailangan kong umalis ngayon dahil hindi ako masyadong pamilyar

