CHAPTER 28 A M I H A N' S P O V Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong napahikbi. Iyak ako nang iyak buong magdamag dahil sa aking nakita. Parang pinipiga ang puso ko. Ang tanging karamay ko lang nung gabing 'yon ay ang aking unan na yakap-yakap ko. Binuhos ko sa unan lahat ng sakit na aking nararamdaman ngayon. Hinampas-hampas ko pa. Nadamay pa tuloy ang unan. Ang tanga-tanga ko pa kasi kahit nasasaktan na ako ay ilang beses kong tiningnan ang litrato nilang dalawa nung babaeng kasama niya. Mga babaero nga silang lahat! Walang pinipili sa kanila ng mga kapatid niya. Daig ko pa ang maging kasintahan niya kung makaiyak ako. Wala naman kaming relasyon pero kung makaiyak ako rito. Kinabukasan ay namaga ang aking mga mata nang magising ak

